Chereads / My Master Is A Monster (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2: The Evil Prince

Chapter 2 - Chapter 2: The Evil Prince

CHAPTER 2

THE EVIL PRINCE

Kinilabutan si Lana nang makitang sa kanya nga nakatingin si Prinsepe Wayne. Walang kangiti-ngiti ang mukha nito at ang mga mata nito ay nagbabadya ng panganib.

Sa isang iglap, para siyang nawalan ng dila. Nangyari ang kinatatakutan niya. Siya ang napili para maging alipin ng prinsepe.

Sa pagkakataong ito, sa tingin niya ay talagang mamamatay na siya. Sa totoo lang, dahil sa mga pinagdaanan niya noon bilang alipin sa iba't-ibang mayayamang bampira na nakasalamuha na niya ay tinanggap na niya sa sarili na kamatayan din ang bagsak niya. Sabihin na natin na hindi lang talaga kamatayan ang kinatatakutan niya ngayon kundi ang alam niyang magiging pagdurusa niya sa kamay ni Prinsepe Wayne. Alam niya na hindi ito basta papayag na mamatay na lang siya sa madaling paraan.

"Lapastangang alipin. Ni hindi man lang magawang tumayo matapos ko siyang piliin." Pagkatapos ng ilang segundo na pagtitigan lamang nila ng prinsepe ay nagsalita na rin ito.

Napanganga naman ang may-ari ng Slavery District na si Ka Esteban. Alam kasi nito na kung hindi matutuwa sa sandaling iyon ang prinsepe ay hindi malabo na maging ang buhay nito ay malagay din sa panganib. Walang sinuman ang maaaring sumuway o kumalaban sa prinsepe dahil kapag nangyari iyon ay kamatayan o pagdanak ng dugo ang magiging kapalit.

"Isa kang tampalasang babae! Narinig mo ang sinabi ng prinsepe! Tumayo ka riyan at lumapit sa kanya ngayon din!" Nang matauhan ang may-ari ng Slavery District ay agad siya nitong sinigawan.

Pinilit niya na tumayo para hindi magalit ang bago niyang 'master' pero para bang wala nang lakas ang tuhod niya sa sobrang takot.

"Sinabi ko na sa 'yo na lumapit ka sa prinsepe, e!" Tinadyakan siya ni Ka Esteban nang hindi siya makagalaw. Naramdaman niya ang sakit ng pagtadyak nito sa kanyang tiyan.

Tiningnan naman ito ng masama ni Prinsepe Wayne. "Alipin ko siya kaya walang ibang maaaring manakit sa kanya kundi ako lang at ang mga taong malalapit sa akin. Ang lakas ng loob mo na saktan ang pag-aari ko."

Namutla si Ka Esteban dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Hindi ito makapagsalita.

Binalingan siya ni Prinsepe Wayne. "Tumayo ka, babae. Hindi ka isang prinsesa na kailangang buhatin ng isang prinsepe. Isa ka lang mababang uri ng nilalang kaya kailangan mong ibigay ang lahat ng lakas mo para masunod ang inuutos sa 'yo ng master mo," sabi ng lalaki.

Hindi nakapagsalita si Lana. Katulad ng inaasahan niya ay masamang bagay nga ang lumabas sa bibig ng prinsepe. Alam niya na hindi purkit ipinagtanggol siya nito kay Ka Esteban ay mabuti na ito. Maaaring mas masama pa ito kaysa sa matanda.

Tumalikod na si Prinsepe Wayne at saka nag-abot ng mabigat na supot ng ginto kay Ka Esteban na halatang nagningning ang mga mata sa salapi na nakatakda na nitong waldasin. Dire-diretso na lumabas si Prinsepe Wayne at siya naman ay pinilit na niya ang sarili na sumunod dito.

Sumakay ito sa karawahe at akmang sasakay din siya roon pero pinigilan siya nito.

"Ang lakas ng loob mo na magtangka na tumabi sa isang prinsepe na katulad ko. Alipin, gumising ka sa pangangarap mo." Biglang tinampal ni Prinsepe Wayne ang noo niya palabas ng karawahe kaya naman bumagsak siya sa lupa.

Sinenyasan ni Prinsipe Wayne ang nagpapatakbo ng karawahe at nanlaki ang mga mata niya nang inutusan nito ang lalaki na itali ang mga kamay niya sa likuran ng karawahe! Plano siyang kaladkarin ng lalaki sa karawahe nito!

Kaninang papunta sila sa Slavery District ay ganoon na ang ginawa sa kanila pero mabagal lamang ang takbo ng karawahe. Sa pagkakataong ito na magandang klase ng kabayo ang gamit ng prinsepe ay maaaring pabilisin pa nito ang pagpapatakbo para pahirapan siya!

"Prinsepe Wayne, maawa na po kayo, please, huwag po ninyong gawin ito!" Napaiyak na siya sa sobrang takot. Mahina ang mga tuhod niya ngayon kaya kung maglalakad siya ng mabilis para mahabol ang karawahe ay maaaring ikamatay na niya.

Pero imbes na makinig ay isang nakakabinging sampal ang pinadapo ni Prinsepe Wayne sa pisngi niya nang lumabas itong muli sa karawahe para lapitan siya.

"Isa ka lang alipin at hindi ka karapat-dapat sa awa ko! Malakas ang loob mo na hindi tumayo agad kanina matapos kitang tawagin. Mahina ang tuhod mo? Ngayon ay magiging malakas na iyan sa gagawin mo!" Pagsigaw ng prinsepe habang nakakulong ang mukha niya sa marahas na pagkakahawak nito. "Kung gusto mo pang mabuhay ay huwag kang reklamador!" Itinulak na nito palayo rito ang mukha niya saka ito tumayo at bumalik na sa karawahe.

Iyon lang at agad na siyang itinali ng nagmamaneho ng karawahe sa likuran ng karawahe. Wala na siyang nagawa kundi ang maawa na lang sa sarili habang pinapanood ang sarili na itinatali ng mahigpit doon.

Nag-umpisa nang umandar ang karawahe. Sa umpisa ay mabagal lamang ang takbo niyon kaya nagagawa pa niyang sumabay sa paglalakad. Hanggang sa nagreklamo na ang prinsepe na masyado raw mabagal ang takbo nito kaya naman pinatakbo na iyon ng matulin ng nagpapaandar.

Habang tumatakbo ang kabayo ng karawahe ay matulin na rin ang pagtakbo niya. Magkahalo ng pagod, gutom at uhaw ang nararamdaman niya. Hilong-hilo na siya at pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng dugo. Umiikot na ang paningin niya at nanlalabo na iyon nang dahil sa luha na pumapatak sa mga mata niya.

Alam niya na ang pinagdadaanan niya ngayon ay umpisa pa lang ng pagpapahirap na mararanasan niya sa kamay ni Prinsepe Wayne. Katulad ng inaasahan niya ay masama rin ito katulad ng lahat ng bampirang nakasalamuha na niya. Laruan lamang ang tingin ng mga ito sa mga taong katulad nila.

Biglang pumasok sa isipan niya ang pamilya niya. Sa tagal ng panahon na malayo siya sa mga ito ay alam niya na ipinagpapalagay na rin ng mga ito na patay na nga siya. Kung tutuusin, maswerte na siya na umabot pa siya ng tatlong taon na buhay sa pagiging alipin.

Pero ngayon ay para bang nais na niyang sukuan ang buhay niya. Lalo pa ngayon na sa isa siyang prinsepe napunta. Ang pagtakas ay mas malabo pa kaysa sa pagputi ng uwak.

Sa sobrang panghihina at bilis ng pagtakbo ng kabayo ay nadapa na siya. Nakakaladkad na siya ng kabayo at ramdam na niya na may mga sugat na rin ang mga kamay at katawan niya. Nagdurugo na ang mga iyon sa sobrang hapdi.

Doon na nagdilim ang paningin niya. Siguro nga ay hanggang dito na lang ang buhay niya...

"HINALIKAN ng prinsepe si Snow White kaya nagising na ito at nabali na ang sumpa. Naging masaya rin ang mga duwende sa paligid nila at nabuhay sila ng masaya at matiwasay."

Hindi mapigilan ng walong taong gulang na si Lana na hindi pumalakpak nang marinig ang masayang kwento ng mama niya tungkol sa isang prinsepe na ginawa ang lahat, maprotektahan lamang ang prinsesa nito.

"Mama, kapag lumaki ako ay gusto ko ring makatagpo ng prinsepe katulad ni Prince Charming. Pangarap ko na makapag-asawa ng katulad niya, Mama!" Masiglang sabi ni Lana.

Magiliw naman na ginulo ng Mama niya ang buhok niya. "Ikaw anak, ha. Ang bata-bata mo pa, ang landi-landi mo na," natatawang biro ng Mama niya.

Tumawa rin ang Papa niya na nasa tabi lang din nila at nakikinig din sa Mama niya habang kinukwento nito ang story ni Snow White.

"Ah, basta, paglaki ko ay mag-aasawa ako ng prinsepe na kasing gwapo, kasing lakas at kasing bait ni Prince Charming. Magiging masaya rin ako katulad ninyo ni Papa at mag-aanak kami ng isang dosena!" Inosenteng sabi ni Lana.

Lalo lamang natawa ang mga magulang ng bata.

"Walang masamang mangarap, anak. Pero pakatandaan mo na hindi lahat ng prinsepe sa mundong ito ay mabuti. Mayroon din sa kanila na aabusuhin ka at sasaktan kaya mag-iingat ka sa lalaking mamahalin mo balang araw, ha?" Pangaral naman ng Papa niya.

"Opo, Papa, Mama. Mag-aasawa ako ng isang lalaki na gagalangin at rerespetuhin ako balang araw. Isang lalaki na kaya akong ipagtanggol at hindi ako sasaktan. Magiging masaya kami katulad ng pagiging masaya ng pamilya natin!" Positibong sabi ni Lana. Niyakap naman siya ng mga magulang niya nang mahigpit na mahigpit.

Sa paglipas ng mga panahon ay hindi inaasahan ni Lana na hindi pala gano'n kaganda ang mundo katulad ng inaakala niya. Dahil sa mundong ito ay mas marami pa ang mga demonyong bampira kaysa sa mga tunay na tao...

"GUMISING KA, ALIPIN!"

Napabalikwas ng bangon si Lana nang maramdaman na may nagsaboy ng malamig na tubig sa kanya.

Nilingon niya ang paningin sa paligid. Naroon siya sa isang madilim, masikip, mainit at ni walang bintana na kwarto. Para iyong isang bartulina at hindi nga siya nagkamali dahil may rehas ang pintuan ng kwarto.

"Tumingin ka sa akin habang kinakausap kita!" Marahas na iniharap ni Prinsepe Wayne ang baba niya paharap dito.

Napatitig siya sa gwapong mukha nito. Purong berde ang pares ng mga matang iyon na para bang iibig ang kahit na sinumang makakakita. Matangos ang ilong ng prinsepe, maganda ang korte ng kilay at panga nito. Bukod doon ay may kakapalan ang labi.  Matangkad din ang prinsepe at malaki ang katawan nito na halatang alaga sa ehersisyo. Maganda rin maging ang tindig ng kilos at lakad nito. Lalaking-lalaki itong tingnan.

Iyon ang klase ng hitsura na walang kahit na sinumang babae ang hindi mapapatingin. Isang klase ng pisikal na kaanyuan na pagnanasaan at pangangarapin ng kahit na sinumang babae.

Pero hindi siya... Para sa kanya, ang kagwapuhan nito ay panlabas na anyo lamang. Hindi mahalaga ang hitsura nito sa pagkatao na mayroon ito. Dahil kung ano'ng kinagwapo nito ay siya namang kinasama ng ugali nito. Ngayon niya napagtanto na ito ang kabaligtaran na katotohanan ng isang prinsepe na pinapangarap niya dati. Tama ang papa niya, hindi lahat ng prinsepe ay katulad ng prinsepe sa mga fairy tale na binabasa sa kanya ng mama niya noon. Dahil ang nasa harapan niya ngayon ay isa lamang demonyo.

"Talaga bang sinasagad mo ang pasensiya ko? Alam mo ba ang ginawa mo kanina? Nagpabuhat ka lang naman sa akin! Kung ang pagsunod lamang sa isang maliit na bagay ay hindi mo pa magawa ay ano pa ang magiging silbi mo sa akin, ha!" Galit na tinadyakan siya ni Prinsepe Wayne sa tiyan.

Nakagat niya ang labi niya dahil sa pamimilit ng sobrang sakit. Muli na naman siyang nakaramdam ng pagkaawa sa sarili.

Maliit na bagay? Maliit na bagay ba talaga para rito ang ipakaladkad siya sa tumatakbong karawahe at magtamo ng matinding sugat dahil doon? Hanggang ngayon nga ay nararamdaman pa niya ang sakit ng katawan niya at hapdi ng mga sugat niya. Pero syempre, ang hirap na dinaranas niya ay hindi naman nito maiintindihan. Dahil para rito ay isa lamang siyang isang bagay na pag-aari nito. Ni katiting na awa ay hindi ito makakaramdam para sa kanya. Dahil wala itong alam sa kahalagahan ng pagiging 'makatao.'

"Tumayo ka na riyan at huwag mong sayangin ang oras ko. Ang lugar na ito ang magiging kwarto mo pero ngayon ay kailangan mo munang sumunod sa akin. Kakakuha ko lang sa 'yo at hindi pa kita napaglalaruan kaya hindi naman yata makatarungan na mamamatay ka na lang bigla," sabi nito.

Hindi pa raw siya napaglalaruan. Sinasabi na nga ba niya at impyerno ang naghihintay sa kanya sa lugar na iyon.

Lumabas si Prinsepe Wayne sa madilim na 'kwarto' niya at sumunod naman siya rito.

Kung ano'ng kinapangit ng kwartong ibinigay nito sa kanya ay iyon namang kinarangya ng lugar na dinaraanan nila. Lumabas sila sa kinaroroonan nilang kwarto kanina at ngayon nga ay nakikita niya na matataas ang mga pader sa paligid, maraming mga halaman at puno at kahit saan ka pa mang mapalingon ay puro karangyaan na ang makikita mo. May fountain, mga estatwa at mga ginto.

Alam niyang nasa palasyo siya dahil marami ring mga kawal at mga maids ang nakakasalubong niya na bumabati kay Prinsepe Wayne.

Pinapasok siya ni Prinsepe Wayne sa isang malaking clinic. Doon ay isang  gwapong lalaki ang nakita niya. Kulot ang buhok nito at mukhang matalino. Nakauniporme ito at mukhang ito ang doktor ng palasyo.

"Pagalingin mo ang babaeng ito ngayon din. Kailangan ko siya ngayong gabi," utos ng prinsepe sa lalaki.

"Isang tao..." Nagulat ang gwapong lalaki at napatingin sa kanya.

"Hindi ka naman tanga para hindi makita na isa nga siyang tao, hindi ba? Siya ang bagong alipin ko. Mukhang hindi na magtatagal ng dalawang oras ang buhay niya kung hindi mo pa siya mapapagaling agad ngayon," naiinip nang sabi ng prinsepe.

Saka niya namalayan na tama nga ang sinabi ng prinsepe. Namanhid na ba ang katawan at isip niya para hindi mamalayan na patuloy pa nga pala ang pagdaloy ng dugo mula sa mga sugat niya? Tumutulo na ang dugo niya sa paglalakad pa lang nila kanina.

"Patawad, mahal na prinsepe. Nagulat lang ako na sa kauna-unahang pagkakataon ay may dinala kang alipin na tao rito. Sa pagkakaalam ko, kapag nasa ganyang lagay na ang mga nagiging alipin mo ay pinapatay mo na agad sila. Hindi ba nga at nabanggit mo pa noon na ano pang silbi ng laruan na sira na? Kaya tinatapon mo na lamang sila?" Nakangising sabi ng doktor. Nakakapagsalita ito ng ganoon sa prinsepe kaya sa tingin niya ay malapit ito sa lalaki.

"Tumahimik ka, Raffy! Gawin mo na lang ang trabaho mo, pwede ba?!" Sumigaw na ang iritadong prinsepe.

Tinawanan lang ito ng doktor pero nilapitan na siya. Hinawakan siya ng lalaki at pumikit ito. Para bang inilalagay nito ng maigi ang konsentrasyon nito sa pag-iipon ng enerhiya sa loob ng katawan nito para irelease sa kanya.

Sa isang iglap ay bigla nang naghilom ang mga sugat sa katawan niya. May mga ganoong klase ng kakayahan ang mga bampirang doktor sa Planet Wayne. Hindi na kailangan ng mga kung ano-anong gamot o instrumento na ginagamit nilang mga tao para mapagaling lamang ang sinuman.

Ang lahat ng mga bampira sa Planet Wayne ay may kanya-kanyang kakayahan at kapangyarihan na wala ang mga hamak na tao lang katulad nila. Iyon ang dahilan kung bakit itinuturing na mas mataas na nilalang ang mga bampira kaysa sa mga taong katulad nila. Sa kahit anumang aspeto ng bagay ay walang binatbat ang mga katulad lang nila.

"Okay na. Magaling na ang bagong alipin mo. Ano na ang plano mo sa kanya? Baka naman pwede ko siyang mahiram kahit sandali?" Nakangising sabi ng doktor saka inamoy ang leeg niya.

Kinilabutan siya. Batid niya na nabanguhan ito sa amoy ng dugo niya!

Sa gulat niya ay bigla na lamang siyang hinila ni Prinsepe Wayne palayo rito.

"Back off! She's mine at wala kang karapatang hawakan siya!" pagsigaw nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ganoon ang tono ng boses nito?

"Oooppps. Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Fine, she's yours, wala na akong sinabi," natatawa na lang na sabi ni Raffy.

Iyon lamang at hinila na siya paalis doon ni Prinsepe Wayne at halos kaladkarin na siya nito.

Wala siyang magawa kundi ang sumunod na lamang dito. Sunod siya nitong dinala sa kusina kung nasaan ang mga katulong ng palasyo at pabalya siyang itinulak ng lalaki papunta sa mga katulong.

"Paliguan ninyo ang mabahong babaeng iyan at suotan ng maayos na damit. Pakainin ninyo ng marami at pagkatapos ay dalhin ninyo siya sa kwarto ko."

Sa isang utos lamang ng prinsepe ay agad na siyang kinaladkad ng mga katulong papunta sa malaking banyo ng palasyo.

Halos mangitim ang bathub dahil sa sobrang daming duming nakuha sa katawan niya. Nakakahiya mang aminin pero hindi niya masisisi si Prinsepe Wayne kung bakit siya nito sinabihang mabago kanina dahil totoo naman talaga. Ilang araw na siyang hindi naliligo dahil ikinulong sila para ipunin bago pa man tuluyang dalhin sa Slavery District.

Halos hindi niya makilala ang sarili ng matapos siyang paliguan at ayusan ng mga katulong. Biglang lumabas ang pagiging maputi niya at nagmukha na siya ngayong isang prinsesa imbes na alipin.

Matapos siyang ayusan ay pinakain siya ng mga katulong at halos para bang wala nang bukas kung lantakan niya ang mga pagkain. Ilang araw siyang hindi kumain kaya gutom na gutom talaga siya. Alam niya na aabusuhin na naman siya ng prinsepe kaya kailangan niya ng lakas.

Matapos niyang kumain ay nagsepilyo siya at halos paliguan na naman siya ng pabango ng mga katulong. Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya sa mga nangyayari. Mukhang may magaganap na hindi niya gusto.

Hanggang sa dinala na siya ng mga katulong sa kwarto ng prinsepe. Namangha pa siya sa laki at moderno ng kwartong iyon. Tunay na karangyaan ang nakikita niya.

"Iwanan na ninyo ang alipin, maaari na kayong umalis!" Nakarinig sila ng pagsigaw mula sa hindi kalayuan.

Sumunod naman ang mga katulong at umalis na. Tinangka pa niyang hawakan ang door knob pero nakalock na iyon mula sa labas!

Napapalunok na naglakad na siya papunta sa kinaroroonan ng prinsepe hanggang sa makarating na siya sa kama nito. Dim light ang kinaroroonan ng kama pero kitang-kita niya na nakahiga roon ang prinsepe na walang pang-itaas na damit!

Agad siyang namula nang marealize na maaring wala rin itong pang-ibaba at natatakpan lamang iyon ng manipis na kumot!

"What are you waiting for, my slave? Take off your clothes," husky voice na sabi nito.

Mukhang natupad na naman  ang isa pa sa mga kinatatakutan ni Lana. Hindi lang isang alipin ang magiging papel niya sa lugar na iyon. Nakatakda rin siyang maging s e x slave!