Chapter 47 - CHAPTER 45

Now playing: Akin Ka Nalang - Morissette Amon

Kassandra/Zoe's POV

Pagkatapos ng ilang mga araw, noong nagkaroon ako ng maluwag na schedule ay napagpasyahan namin ni Piggy na mag-set ng date kung saan sa labas lamang din ng mansyon.

Bonding lang naman kasama sina mommy, Luna, ang magkasintahang Cybele at Mae at syemre hindi mawawala si Roxanne na siyang pinakapunong abala sa pag-set ng mga kailangan namin. Habang si daddy naman ay nasa viceo call lamang dahil nasa Paris para rin ito at abalang-abala sa kanyang mga business trip.

And speaking of Annia, sinusubukan namin siyang tawagan pero hindi namin ito makontak. I'm still wondering kung anong nangyari sa babaeng iyon at kung bakit hanggang ngayon eh parang absent siya palagi sa mga kaganapan.

Anyways, wala na ako roon. Dahil ang importante sa akin ngayon ay ang present moment kung saan kasama ko ang mga importanteng tao sa buhay ko.

Lahat ay masaya sa set up namin. Si Mae at Cybele ang naglalapag ng dishes sa ibabaw ng lamesa. Lahat ng putahe na iyon ay recipe at luto mismo ng future misis ko, walang iba kundi si Elena, na abala sa pag-iihaw ngayon ng barbeque.

Katuwang nito si Luna na halatang enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangisi sa aking sarili sa tuwing nasusulyapan ko siyang tumitingin ng malagkit sa Piggy ko. Hmp!

Habang si Roxanne naman ay panay ang pagkukwento ng mga nakakatawa habang katabi nito si mommy na masayang nanonood sa amin.

At ako? Heto, nagmistulang CCTV nilang lahat habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid. 

"Guys, malapit nang maluto itong barbeque." Masayang sabi ni Luna. Kaya naman kanya-kanyang palakpakan ang lahat with excitement in their faces.

"Hayyy! Mabuti naman dahil kanina pa umiingay itong t'yan ko." Pabirong reklamo ni Roxanne sabay haplos sa kanyang tiyan.

"Sus! Eh wala ka namang ibang ginawa, ikaw pa itong mas gutom d'yan!" Palatak ni Mae bago nagtawanan ang lahat.

"Excuse me, huh? At sino bang nag-arrange nitong place at ibang mga kailangan natin dito? Aber?" Pagtatanggol naman ni Roxanne sa kanyang sarili bago muling nagtawanan ang lahat.

Habang ako naman ay napapailing na lang sa kakulitan nila. I was about to speak when my phone received a text message from an unknown number.

Awtomatikong napakunot ang aking noo. Ngunit kaagad ko naman itong cheneck at noong makita ang nilalaman ng mensahe ay kaagad kong tinawagan ang numero.

Pero lumayo muna ako konti sa mga kasamahan ko upang hindi makaabala sa kasiyahan na nagaganap ngayon.

"Send me the address at ako mismo ang pupunta sa location." Utos ko sa kausap ko.

"I sent you already ma'am." Sagot nito sa kabilang linya.

Wala pang ilang segundo ay kaagad na natanggap ko na ang sinend nitong location.

Mabilis na pinatay ko ang tawag. Bumalik ako sa mga kasamahan ko, especially kay Elena. I just kissed her on her forehead atsaka nag-excuse na aalis lamang ako sandali.

Kaagad naman siyang nagbaling ng tingin kay Roxanne na siyang nakakaalam ng lahat ng ganap ko sa buhay at kung anong schedules ang meron ako. Ngunit nagkibit balikat lamang si Roxanne sa kanya.

"May URGENT meeting lamang kaming pupuntahan ni Roxanne." Bigay diin ko habang nakatitig ng makahulugan kay Roxanne, silently hoping na sana ay ma-gets niya kaagad ang ibig kong sabihin.

Kaagad naman itong napatayo at parang si Flash na kaagad na lumapit sa tabi ko.

"Ano ba naman 'yan! Kung saan kakain na eh!" Reklamo ni Cybele.

"Hindi ka ba muna kakain?" Concern na tanong ni Elena sa akin. Ngunit binigyan ko lamang ito ng isang matamis na ngiti.

"Go eat with them. Ikaw na rin muna ang bahala kay mommy ha? Promise, I'll make it up to you, later. Okay?" Pakiusap ko sa kanya.

"O-Okay."

"Y-Yeah, right. I almost forgot." Pagbibigay alibi ni Roxanne. "May nag-iisa nga palang meeting si Kassandra today. Sorry, guys. Babalik kami as soon as we can." Mabilis na pag-dismissed nito sa amin at kaagad akong hinila paalis.

Mabilis pa sa alas kwato na sumakay kami ni Roxanne sa sasakyan.

"Wait, hindi ba dapat ako ang magmamaneho?" Pagtataka nito noong dumiretso ako sa driver seat.

"May hahabulin tayong oras kaya let me." Pagmamatigas ko sa kanya.

"Whatever!" Napapairap na wika niya habang nagkakabit ng kanyang seatbelt. Ako naman ay kaagad kong pinasibad ang sasakyan papalayo.

"Jusko! Para na naman tayo nitong magte-teleport dahil sa bilis mong magpatakbo inday." Muling pagrereklamo niya ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

"Saan ba tayo pupunta? Pasalamat ka at kabisado na kitang babae ka! Dahil kung hindi baka hindi tayo nakaalis kaagad sa lunch date natin." Pagpapatuloy niya habang napapahaplos sa kanyang t'yan. "Ngayon ka pa talaga nagyayang umalis kung saan nagugutom na ang mga alaga ko!" Hopeless na dagdag pa niya kaya hindi ko napigilan ang mapangisi at napailing.

"Kumain ka na lang mamaya ng kung anong gusto mo." Wika ko.

"Eh saan ba kasi tayo pupunta? Sa pagkakaalam ko wala ka namang URGENT MEETING ngayon dahil lahat ng appointment at schedule mo, dumadaan sa ak---"

"We are heading to the location of the person who leaked our video and photos with Elena to the media." Mabilis na putol ko sa kanya. "At napag-alaman ko na siya rin ang dahilan kung bakit ako naaksidente that day."

"Wait, what?!" Gulat na gulat ang mukha nito. Sandali siyang napatulala sa unahan bago muli akong tinignan.

"Weh?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "Sigurado ka ba? Merong witness?"

Tumango na lamang ako.

"Ang witness ay ang driver ng motorsiklo na iniwasan ko noong araw na iyon. Siya mismo ang nakausap ng PI ko at dahil sa konsensya kaya siya mismo ang umamin at nagturo sa mastermind." 

"So, alam mo na kung sino? Aba! Dapat lang talaga na managot ang kung sino mang may gawa no'n sa'yo, ano?!"

Napailing ako. "Only now will I find out who that bastard is. Kapag nakarating na tayo sa location kung nasaan siya ngayon, hinding-hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito para pagbayarin siya."

Hindi na muling kumibo pa si Roxanne noong sabihin ko iyon. Makikita na lang sa kanyang itsura na maging siya ay nako-curious ding gaya ko kung sino ang taong makikita at matatagpuan namin sa location na ibinigay ng private investigator sa akin.

---

Hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa gulat noong makarating kami sa location. Magkahalong galit, lungkot at sakit ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito.

I am silently hoping na sana panaginip lang ang lahat ng ito, na sana mali lang ang address kung nasaan kami ngayon, na baka mali lang itong google map. Pero alam ko rin sa sarili ko na sigurado akong tama ang ibinigay sa akin.

Nakakapanghina lamang dahil kilalang-kilala ko ang taong nakatira sa bahay na nakikita ko ngayon.

"S-Sigurado ka ba sa location, Kas?" Medyo natataranta na wika ni Roxanne habang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Baka mali lang 'yung address na ibigay sa'yo." Dagdag pa nito.

Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

"Hindi ako nagkakamali at sigurado akong tama ang location na ibigay sa akin." Sagot ko kay Roxanne bago napalingon sa likod ng aking sasakyan.

"Maiwan ka muna rito." Utos ko sa kanya. "Police officers are on their way here to arrest the person inside that house. Pero hayaan mo muna akong kausapin siya, bago mo sila papasukin sa loob. If the guards try to stop them, you know what to do. Find a way." Maawtoridad na dagdag ko pa.

Hindi ko na hinintay pa ang response ni Roxanne dahil kaagad ko na itong tinalikuran bago pa man s'ya makapagsalita.

Walang sabi-sabi na dumiretso na ako sa loob ng bahay dahil kaagad naman akong pinapasok ng dalawang guard sa gate.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa mismong entrance nang bahay ay meron nang yakap na sumalubong sa akin.

"Oh gosh! I miss you!" Hindi maitago ang excitement sa boses n'ya noong makita ako. "Kadarating ko lang from my Hong Kong trip, then ganito kaagad ang sasalubong sa akin."

Nakatayo lamang ako ng tuwid at hindi nag-abalang gantihan siya ng yakap. Sa halip ay mabilis ko pang tinanggal ang mga bisig nitong nakayapos sa akin bago siya tinignan ng diretso sa mga mata niya. 

"Sakto pala ang timing ko kung kadarating mo lang from your Hong Kong trip." Binigyan ko siya ng pinakamatamis at charming kong smile. "Because I have something to discuss with you, Annia." Dagdag ko pa bago biglang sumeryoso ang aking mukha.

She was about to speak noong nilampasan ko siya at dumiretso ako sa loob ng bahay nila. Kaagad naman niya akong sinundan hanggang sa makarating kami sa mismong lobby.

"What is it about, Kas? What do you want to discuss with me?" Hindi maitago ang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

But I despise her right now. I can't believe that I treat her as a friend.

Napapikit ako ng mariin. Sinusubukang ikalma ang aking sarili.

"Annia...do you really consider me as your friend?" Tanong ko sa kanya.

Napatawa lamang siya ng mahina.

"Kas, what is it about?" May pagdududa sa boses niya.

"Well, alam kong aware ka naman noon pa na hindi lang 'FRIEND' ang turing ko sa'yo, right? It's more and deeply than that." Paliwanag niya.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay matagal akong napatitig sa kanya.

"And you know, na hindi ko kayang i-reciprocate 'yun 'di ba?" Tanong kong muli sa kanya. Magsasalita na sana siyang muli nung maunahan ko siya. "Alam mo rin kung ano ang nararamdaman ko para kay Elena." Dagdag ko pa.

Napairap lamang siya.

"Yeah, right. Elena again." Wika niya bago magwa-walk out na sana dapat nung pigilan ko siya.

"Don't you dare walk out because I'm not done talking to you yet." Dahil doon ay natigilan siya.

"WHAT?! You want me to talk to you pero panay Elena na naman 'yang lumalabas sa bibig mo---"

"Masaya ka ba sa ginawa mo?!" Putol ko sa kanya.

Muli siyang natigilan na animo'y naguguluhan.

"Are you satisfied with what you did, Annia?" Muling pagtanong ko sa kanya.

"I...Kas..I-I don't know what you're talking about---"

"Bullshit!" Biglang pagmura ko. "Wag ka nang magmaang-maangan kasi alam ko na. Alam kong alam natin pareho kung ano ang tinutukoy ko rito!" Dagdag ko pa.

And there...the tears from her eyes started falling.

"Kas...I love you. Mahal kita, matagal na at alam ko ring alam mo 'yun! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin 'yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa'yo? I can treat you better." Biglang pag-confess at pagiging vocal nito ng totoo niyang nararamdaman.

Napailing lamang ako.

"Because of what you did, hindi lang si Elena ang pinahamak mo, YOU ALMOST KILLED ME!" Sigaw ko sa kanya.

"Is that how you love?" Pagpapatuloy ko.

"Dahil sa ginawa mo, nagawa ba kitang mahalin?" Muling tanong ko. "No. Kasi kahit na anong gawin mo, paghiwalayin mo man kami ni Elena or what, saktan mo man siya o hindi, putulin mo man ang lubid na tadhana na mismo ang nagtali para sa amin, I will NEVER love you." Dagdag ko pa.

"At kahit na paulit-ulit mo kaming sirain, paulit-ulit din akong gagawa ng paraan para bumalik siya sa akin." Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

"I'm sorry. But...I want you to stop." Hindi ko na rin mapigilan ang mapaluha dahil nasasaktan akong dahil sa pagmamahal na hindi ko kayang maibalik sa kanya, ay nakakagawa siya ng mga bagay na hindi dapat.

"I know I can't stop you from loving me, but I want you to stop and make you pay for what you did. Kasi hindi lang ako ang nasaktan mo, Annia. Sinaktan mo 'yung taong mahal ko. And you almost ruined me, my career, and the life of the woman I love." Pagkatapos ay napapunas ako ng luha sa aking mga mata.

"Why?"Nanginginig ang bibig na tanong nito.

"Why it can't be me, huh?" Napiyok pa sa dulo na dagdag niya.

"Bakit si Elena? Of all people, why her? Bakit siya lang?" Paulit-ulit na tanong nito habang umiiyak.

Napalunok ako bago siya tinignan sa mga mata niya.

"Because I already have everything, Annia." Sagot ko. "Born rich, famous, and always get what I want. But without Elena, withour her... I'm like an incomplete puzzle, hindi buo dahil merong missing piece na siya lang ang makakabuo." Paliwanag ko sa kanya.

"S-Siya lang ba ang pwede mong mahalin at pwedeng magmahal sa'yo?" Umiiyak pa rin na tanong nito sa akin. 

"Yes! Because I only choose her! My heart, body, and soul will always belong to her." Sinasabi ko ng buong puso.

I want her to know how serious I am to Elena. Na walang kahit na sino o anong bagay ang pwedeng humadlang o makakapigil sa pagmamahal ko para sa kanya.

"And I will always choose her!" Dagdag ko pa.

Lumapit ako sa kanya bago siya niyakap habang umiiyak, na halos kulang na lang ay mapaupo siya sa sahig.

"I am so mad at what you did, Annia. I can't even look at you like how I used to because of what happened. But then again, you're still my friend. My best friend." Wika ko bago kumalas sa pagyakap sa kanya. "Pero sorry. Sorry kung hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa'yo. I only love you as a friend. And..." Napalunok ako sandali.

"I want you to pay for what you did." Lumuluhang wika ko. "Believe me, it pains me to see you like this. Lalo na at ako ang dahilan kung bakit ka...k-kung bakit ka nasasaktan at nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat pero...what you did is wrong." Dagdag ko pa bago suminyas sa mga Pulis na nakaabang na ngayon sa may entrance ng bahay ni Annia.

Napapailing lamang na tinignan niya ako.

"I'm sorry..." Paghingi nito ng tawad habang umiiyak pa rin bago ako muling niyakap ng sobrang higpit. Iyong yakap na para bang ayaw na niya akong bitiwan.

"I'm really, really, sorry for loving you this much." Dagdag pa niya habang humahagulhol.

"Nagmahal ka lang naman, Annia. Walang mali doon." Wika ko habang tinatanggal ang pagyakap niya. "But I hope you realize na mali 'yung may mapapahamak nang ibang tao because of that kind of love." Paliwanag ko sa kanya habang nilalagyan siya ng posas.

Totoo naman talagang hindi mali ang magmahal ng taong hindi tayo kayang mahalin pabalik. Pero magiging mali na 'yun kung may mga tao nang mapapahamak dahil sa sobrang pagmamahal natin sa kanila.

Kung hindi natin kayang turuan ang puso natin na magmahal ng mga taong hindi natin gustong mahalin, ganoon din ang mga taong mahal natin pero hindi tayo ang mahal.

We cannot force people to choose or love us, but we can always choose to be at peace with everyone around us.

Dahil ang pag-ibig na pinipilit, mas masakit.

Katulad na lamang ni Annia.

Hindi niya kasalanan na minahal niya ako. At hindi ko siya sinisisi sa nararamdaman niya. In fact, thankful pa nga ako na maraming nagmamahal sa akin at isa na siya roon. Pero mali 'yung pinili niya na merong masaktan na ibang tao para lamang mapunta sa kanya ang pagmamahal na alam niyang—in the very first place ay hindi para sa kanya.