Chapter 46 - CHAPTER 44

Now playing: Yellow - Coldplay

Kassandra/Zoe's POV

"Bakit parang pauwi na tayo sa mansyon?" Nagtataka na tanong ko kay Roxanne noong mapansin na pauwi sa mansyon ang daan na tinatahak namin. Siya kasi ang nagda-drive ngayon ng van na sinasakyan namin.

"Yes, pauwi na talaga tayo." Tipid na sagot nito. "Hindi naman pupwedeng basta ka na lang titira sa apartment ni Elena nang hindi man lang nakakapagpaalam sa parents mo 'no?" Wika nito.

Hindi ko mapigilan ang mapairap.

"What am I? A kid? Someone who still needs to ask for permission and tell my parents where I should live?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Aba, inday! Syempre! Mag-aalala 'yun sa'yo. Lalo na sa mga isyu na meron ka ngayon. Hindi pa natin naso-solve 'yun baka nakakalimutan mo." Panenermon nito sa akin habang umiiling-iling.

"Fine." Tuluyang pagpayag ko bago muling ibinalik ang aking mga mata sa hawak kong cellphone.

I keep staring and checking kung meron na bang message si Elena, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Pagkatapos ng mga appointment namin ay inaasahan kong pangalan niya ang unang makikita ko sa screen ng cellphone ko, pero bigo ako.

Hindi ko mapigilan ang ma-frusrate. Bakit ba hindi ko siya makontak? Gusto ko pa naman sana siyang yayain mag-dinner date ngayon dahil ang sabi ko sa kanya ay babawi ako. Hmp!

"Alam mo, ikalma mo ang sarili mo. Pwede ba? Kaysa ma-stress ka riyan sa kahihintay ng tawag o messages ni Elena. Para namang hindi kayo magkikita mamaya. Jusko ka!" Pagrereklamo ni Roxanne.

Napailing na lamang ako bago muling ibinalik sa hand bag ko ang aking cellphone.

Hindi nagtagal ay huminto na kami sa tapat ng bahay. Kaagad na bumaba kami ni Roxanne at pumasok sa loob.

Ang init eh! Alas dos pa lamang kasi ng hapon kaya tirik na tirik pa ang araw. Maaga rin kasing natapos ang mga schedule na meron ako ngayon. Kaya nga excited sana akong ibalita kay Elena na maaga akong makakauwi, ang kaso hindi ko naman siya makontak.

Hayyy.

Saktong kapapasok lamang namin ni Roxanne sa mansyon nang mapansin ko ang pamilyar na pigura ng isang babae na tumatakbo sa hallway papalapit sa kinaroroonan namin.

Titig na titig ako rito hanggang sa tuluyang huminto siya sa aming harapan.

"Elena?" Nagtataka habang merong katanungan sa aking mga mata na banggitin ko ang pangalan niya.

Tinignan niya ako na para bang sakit na sakit siya sa nararamdaman niya. Namamaga rin ang mga mata niya, na hanggang ngayon ay lumuluha.

"W-Why are you here? At bakit...b-bakit ka umiiyak? Isa pa...paano mo nalaman ang mansyon?"

Maging si Roxanne ay naguguluhan ding tinignan siya mula ulo hanggang paa. Halatang wala ring ideya sa nangyayari at kung bakit nasa harapan namin ngayon si Elena at nasa mansyon pa.

Sa tahanan ng mga magulang ko, kung saan ako lumaki.

Kaagad na nilapitan ko siya at hinawakan sa mga kamay niya. Trying to calm her down. Marahan na pinunasan ko rin ang luha na pumapatak sa mga pisngi niya.

Habang siya nama'y nakatitig lamang sa akin bago napalunok ng mariin. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman iyon nagtagal nang muling kumalas ako para sipatin ang kanyang mukha at katawan kung meron bang masakit sa kanya.

Dahil ikinuwento sa akin ni Roxanne ang mga naging kaganapan noong nasa Hospital ako at walang malay. Nalaman ko kung ano ang ginawa ni Annia at ng mommy noon kay Elena. Kaya sobrang nag-aalala ako ngayon na makitang umiiyak siya.

"S-Sinaktan ka ba ni mommy? M-May ginawa ba siya sa'yo?" Magkasunod na tanong ko to make sure na okay lang talaga siya o kung may nangyari ba na hindi dapat.

Ngunit mariin na napailing lamang ito.

"Walang ginawa sa akin ang mommy mo. At hindi rin niya ako sinaktan." Pagbibigay nito ng assurance. Dahil sa sinabi niyang iyon ay medyo napahinga ako ng maluwag.

"Thank God! Mabuti naman kung gano'n." Pasasalamat ko at muling hinawakan ang kamay niya. "Pero bakit ka umiiyak? Hmm?"

"M-May kailangan kang malaman." Wika nito na animo'y may malaking rebelasyon na ibubunyag sa akin.

Noong sinabi niya iyon ay lalo akong naguluhan at mas napatitig ng may pagtataka sa kanya.

"W-What do you mean---"

"About your mom." Mabilis na putol nito sa akin.

Napahinga ako ng malalim.

"About my mom?" Pagkukumpirma ko.

Tumango lamang si Piggy kasabay ang muling pagpatak ng luha sa mga mata niya. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba at pag-aalala ngunit pilit na itinatago ko iyon mula sa kanya.

"O-Okay? Makikinig ako." Kalmado ang boses na wika ko.

---

"I'm sorry, sweetie." Nanginginig ang boses na paghingi ng tawad sa akin ng aking ina.

"I'm sorry if I didn't tell you sooner." Hawak-hawak nito ang dalawang mga kamay ko habang sinasabi ang mga iyon.

Dahil magmula noong nalaman ko at sinabi sa akin ni Elena ang totoo, wala na akong ibang ginawa kundi ang lumuha na lamang ng lumuha. I just silently cry and cry and cry habang nakatitig lamang sa mukha ng aking ina.

Oh, God. My mom.

Nasasaktan ako na sa girlfriend ko pa malalaman ang totoo. Nasasaktan ako bilang anak niya na hindi ko napansin at nalaman agad na may karamdaman na pala ang aking sariling ina.

I keep blaming myself over and over again. I feel like such a worthless child because I didn't even notice that my mother was getting weaker, that she was only hiding her illness behind her smiles and laughter whenever we were together.

Hindi ko alam...wala akong ideya kung paano siya nahihirapan nung mga panahong kailangan niya ako pero wala ako sa tabi niya.

"I'm sorry mom...I'm so sorry." Humihikbi na paghingi ko ng tawad sa kanya bago napayuko.

Nahihiya ako sa sarili ko. Nahihiya ako dahil sa lahat ng tao, ako dapat ang unang nakapansin noon sa kanya. Pero dahil sa sobra akong abala sa trabaho ko, wala akong naging chance para makita na kailangan niya ako.

"I just didn't want you to worry. Kaya hindi ko sinabi sa'yo at kung pwede lang ayoko sanang malaman mo. Kasi ganyan. Ayokong sisihin mo ang sarili mo." Dagdag pa niya.

"I'm sorry for hiding my illness from you. With all my shortcomings as your mother, I would rather see you happy and enjoying your life and career than suffering because of me and seeing me as your burden---"

"Mom, STOP!" Mabilis na putol ko sa kanya. "Stop, please! Please don't say such words again. Kasi hindi ka burden sa akin. You're my mother for God's sake!" Umiiyak na tinignan ko siya sa kanyang mukha.

"You're my mom." Pag-ulit ko. "You're...you're my..." Hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin dahil napahagulhol na akong muli bago siya muling niyakap ng sobrang higpit.

"I-I...I don't know what to do without you." Ngumagawa na wika ko pa rin.

"So, please...please Mom, you're not a burden, okay? I'm gonna take care of you. At ipaparamdam ko sa'yo na ikaw ang the best mother in the whole world. And no matter what universe I end up in or how many lives I am given, I will choose you again and again—a million times—as my mother." 

Tumango-tango ang lamang si mommy habang nakangiti sa akin ngunit katulad ko'y merong luha pa rin sa mga mata niya.

"I'm sorry ah, anak." Noong sabihin niya iyon ay muli ko siyang niyakap.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Roxanne sa silid kung saan kami nag-iiyakan na mag-ina. Lumapit siya sa amin at niyakap kami pareho ng sobrang higpit.

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na ako ng silid. Naabutan ko naman si Piggy na tahimik lamang na naghihintay sa labas ng kwarto.

Nilapitan ko ito. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya noong sinalubong na niya ako ng isang mahigpit na yakap.

Mabagal na mga ngiti ang ibigay nito sa akin pagkatapos, tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Uuwi lang ako sandali ha? Kukuha lang ako ng ilang mga gamit ko. Magpapa-drive na lang ako kay Mang Armando." Paalam niya sa akin. Habang ako naman ay nagtatanong ang mga mata na napatitig lamang sa kanya.

"Sasamahan kita, Zoe. At tutulungan kita sa pag-alaga sa mommy mo." Paliwanag niya.

Malungkot na binigyan ko siya ng ngiti bago muling niyakap.

"Thank you, Piggy." Naluluha na pasasalamat ko. "You don't know how much this means to me." Dagdag ko pa bago kumalas sa pagyakap sa kanya.

Marahan naman na inabot nito ang pisngi ko.

"I know." Nakangiting saad niya. "Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako. Kasama mo ako at magkasama nating haharapin lahat ng ito. Okay?"

Napatango ako.

"Hindi talaga ako nagkamali ng taong pinili kong mahalin." Buong puso na wika ko habang nakatitig sa magandang mukha niya.

"Salamat, Piggy ha." Naluluha na muling pasasalamat ko. Kaagad naman niyang pinunasan ang luha na muling pumatak sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Oh, tama nang iyak, please. Namamaga na rin ang mga mata mo." Pagpapatahan niya sa akin.

Napalunok ako upang pigilan ang muling pagpatak ng aking luha bago napatingala sa itaas.

"Naaappreciate lang kita. Lalo na sa sitwasyon na meron ako ngayon, salamat kasi meron akong katulad mo na handang maging sandalan at lakas ko." Paliwanag ko sa kanya.

Muling hinawakan nito ang mga kamay ko at pagkatapos ay marahan niyang hinalikan ang likod ng dalawang palad ko, bago nito muling sinalubong ang mga tingin ko, tsaka ako binigyan ng pinakamainit na ngiti niya.

"Di ba nga sabi ko sa'yo, hindi na ako mawawala pa ulit sa tabi mo? At kung ano ang laban mo, laban ko rin 'yun. Ipapanalo natin palagi na magkasama lahat ng mga problema. Hmmm?"

Muling napatango ako.

"Mahal na mahal kita, Piggy."

Muling hinawakan niya ako sa aking pisngi at marahan na hinaplos iyon.

"At mas mahaaaaaal na mahal kita, Prinsesa ko." Pagkatapos ay mabilis na hinalikan ako nito sa aking labi pero smack lang.

"Oh siya, aalis na ako ha? Baka naghihintay na ng matagal si Mang Armando." Paalam nito sa akin.

"Balik ka kaagad ah." Naka-pout na paglalambing ko.

"Opooo. Babalik ako agad." Ani niya. "Ayoko kasing namimiss mo ako agad." Dagdag pa niya bago kami nagtawanang dalawa.

Noong sandaling tumalikod na si Elena ay doon ko lang muling naramdaman ang bigat na aking nararamdaman. Muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata pero pilit ko na silang pinipigilan.

Dahil alam ko na kailangan kong magpakatatag ngayon, maging malakas at matibay para sa ina ko. Para sa mga taong umaasa at nagmamahal sa akin ng totoo.