Belinda~
Nakatitig ako sa kawalan at napabuntong-hininga sa pang-walong beses. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa buhay.
I'm already 18. Legal age, pwede na makulong. Namomroblema ako sa kukuning kurso. Bachelor of Wattpad Major in Fantasy Department sana kung meron.
Yung enrollment papalapit na pero heto ako ngayon walang balak mag-aral. Hindi ko naman kasi alam kung ano aaralin. Bakit pa'ko mag-aaral eh mag-aasawa din naman sa huli. Pwede bang mag-asawa na lang ako ngayon?
Alam mo yun, yung feeling na wala ka na talagang maisip na pwedeng gawin sa buhay. Nakaka-frustrate kapag wala kang magustuhan o interesanteng bagay na pwedeng gawin.
"Belle!"
"Ay punyemas ka!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa damuhan at hinarap ang demonyong sumira sa nanahimik kong kaluluwa.
"NY? Ba't ka naninigaw? Seriously sa tapat ng tenga ko pa talaga ha." Asar na angil ko kay New York.
New York Armin, NY for short. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang New York kasi halatang-halata daw na dun siya ginawa. May lahing Amerikano ba naman. And yes, blonde ang kulay ng buhok at may shining shimmering blue eyes itong kaibigan ko.
"O ano na ang plano natin?" Tinaasan ko siya ng kilay. Makatanong parang mangho-holdap kami ha. Saka ko lang naalala na pareho pala kaming hopeless sa buhay.
"Ewan ko nga eh. Sumasakit yung ulo ko kakaisip. Tulungan mo kaya ako." Walang buhay kong tugon. Tumawa naman ang gago na parang may naisip na kung ano.
"Pffttt... shuta sandali By. May isip ka pala?" Humalakhak pa siya ng bongga kaya nasilip ko ang bell sa lalamunan niya. --_--
"Tapos ka na? Huwag ka sanang huminto ha. Nakakahiya naman sayo."
Humiga na lang ulit ako sa damuhan saka tumingin sa kawalan.
'Hay, ano kaya ang magandang gawin sa buhay? Yung exciting sana.'
"Magbigti. Exciting yun." Narinig ata ng animal ang nasa isip ko.
"Ah talaga? Sige nga, i-try mo nga gaga. Balitaan mo na lang ako pagkatapos."
Napagpasyahan kong mag-sleep-over sa bahay nila ngayong gabi para na din mapag-isipan ulit ang gagawin namin pagka-graduate nitong semestre.
"Ang laki talaga ng bahay niyo NY ano. Wala namang katao-tao." Sambit ko habang nakatitig sa mansyon nila.
Wala din namang tao sa bahay namin palagi gayong ako lang naman dun. Ten years ago, namatay yung tatay ko sa sakit na Cancer. Matapos lang ng isang taon... sumunod ang nanay ko. Wala eh, bet nilang mauna sa afterlife.
Si NY naman kumpleto pa ang pamilya pero di mo naman mahagilap araw-araw. Isang businesswoman kasi ang nanay niya at sikat naman na aktor ang tatay niya. Mga workaholic. Sa sobrang tutok sa trabaho nakalimutan na ata nilang may anak sila.
"Try ko kayang mag-surf sa net. Baka may matipuhan tayong pasukan na university at course." Busy na siya sa pagtitipa ng kung ano-ano sa computer niya.
Napabangon ako bigla sa kama niya at tumalon-talon.
"Ano meron? Bakit ka tumatalon may ipis ba?! Asan na? Tangama!"
"Anong tanga ko? Gago ka walang ipis. Tumalon lang ako kasi may naisip ako."
"Wala naman pala eh tumigil ka na kakatalon umaalog yung buko mo nahihilo ako."
"What I thought is wag na lang kaya tayong mag-aral?"
"Huh? What do you mean?" Kunot-noo siyang bumaling sa'kin.
"Mag-aabang na lang tayo sa kanto at mangholdap. Oh diba, easy money." Proud kong sabi habang nakangisi.
Nakatanggap naman ako ng hampas galing sakanya. Ang seryoso naman nito sa buhay, mabigat pa ang kamay.
"Anong easy ka diyan? Bago ka maka-holdap dapat magaling ka dun. Dapat may magandang plano. Dapat sure na may datung yung aabangan kasi baka nagkukunwari lang pala na may pera. Dapat alam mo ring hindi marunong kumarate yung target at baka mabugbog-berna ka. Dapat din naka-black over-all getup ka saka sa madilim nag-aabang para di ka makilala. Tapos dapat mabilis kang tumakbo, maliksi kumilos, marunong mang-sindak at higit sa lahat, matalino." Seryosong pag-e-explain niya na ikinanganga ko.
'Ang seryoso, ba't andami nitong alam? Snatcher ata to sa past life niya ah.'
"In short, hindi talaga tayo pwedeng mangholdap. Sayang ang braincells. Bobo tayo By, mahuhuli agad tayo." Dugtong niya pa tapos pareho kaming napahalakhak.
"Oo na lang. Ano may nahanap ka na ba? Kung wala pa baka sign na yan para mag-asawa na lang tayo. Madaming porenjer jan." Suhestiyon ko ulit.
Nakita ko namang bumagsak ang balikat niya at parang seryosong nag-iisip.
"Baka nga noh. Maghanap na lang tayo ng 4M's sa Omegle."
Mas lalo akong natawa. Wala na talaga kaming pag-asa. Habang nag-uusap bumaba na lang muna kami para kumain. Nadatnan namin sa kusina si Lola Ging-ging. Siya yung matandang caretaker ng bahay nila na siya ring halos nagpalaki kay New York.
"Ewan ko sa inyong mga kabataan ngayon. Kung di mo lang kasabay lumaki itong si New York hindi talaga ako papayag na pumasok ka sa kwarto ng batang toh Belinda."
Pareho kaming napangiwi ni NY dahil sa pagkakabanggit ng matanda sa buong unang pangalan namin.
"Noong kapanahunan namin bawal mahipo ng binata ang dalaga at kung nangyayari ipinakakasal agad. Noon hindi dapat pumasok ang binata sa silid ng dahil tiyak na hahabulin ng tatay ng itak at tatagain. Pero ngayon, por-diyos-por santo... mga babae pa mismo ang dumadalaw sa lalaki." Makikita mo talaga sa mukha ni Lola na hindi siya support na labas pasok ako sa kwarto ni NY.
'Tsk... tsk... napaka-oldschool mo naman lola. Partida iniiwan naman naming nakabukas ang pinto.' Nakangusong saad ko sa isip.
Hindi pa nga kami nakakakain pero busog na kami sa litanya ni Lola Ging. Buti na lang at sanay naman na ako sa matanda gayong ganyan naman talaga siya kapag nakikitang magkasama kami ni NY.
Habang kumakain ng hapunan nakikinig kami sa mga sermon at kwento sa buhay ni Lola Ging. Pagkatapos nag-presinta akong maghugas ng mga plato habang si NY nagligpit ng mga kalat.
Bago umalis si lola huminto siya sa tapat ng pinto at seryoso kaming tiningnan. Nailang naman ako sa paraan ng pagkakatitig niya.
"May nakikita akong paparating sa inyo. Maaring magdadala ito sa inyo sa kaluwalhatian at maari ding sa kasawian. Sana'y piliin niyo ang tamang daan at manatiling bukas ang inyong puso't isipan."
Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan sa tinuran ng matanda. Nakakakaba yung titig niya na parang tagos hanggang kaibuturan.
"Huwag mo na lang isipin yung sinabi ni lola. Alam mo na, matanda na kaya kung ano-ano ang mga sinasabi." Pagbabasag sa katahimikan ng kaibigan ko.
"Biruin mo yun may maganda pala sa future natin eh parang ilang oras lang nagbabalak tayong mangholdap."
Natawa kami saka nagpatuloy sa paglilinis at hindi na lang pinansin ang sinabi ni lola.
"Baka kasi ganun tayo aasenso." Biro ko din.
Pagka-akyat namin dumiretso ako sa CR niya para mag-halfbath. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng kinalampag niya ng malakas yung pinto.
"Huy bakit?! Sandali lang ano ba kakapasok ko lang eh. Na-e-ebs ka ba?!" Yamot kong sigaw at binilisan ang galaw.
Lumabas akong nakabihis na ng pantulog. Nakita ko namang nakaharap siya sa computer niya.
"Ano na?" Hinampas ko yung dala kong scrub sa ulo niyo.
"Aray Belle! Ba't mo hinampas sa'kin yan eh kinuskos mo ata yan sa pwet mo ah. Aray... oo na eto na nga may ipapakita ako sayo."
Tiningnan ko naman kung ano ang tinuturo niya ng biglang nag-black out ang screen. Magtatanong sana ako kung bakit ng biglang nag-appear sa screen yung duguang mukha ni Valak na ikinamutla ko.
"PUT*NG-INA MO NAMAN NEW YORK!" Hiyaw ko at nagtatakbo palabas.
Alam niya naman kung gaano ako kaduwag basta multo na ang usapan eh. Hayop talaga.
"Joke lang uy. Wala na By. Balik ka na dito sa loob at baka makita mo diyan sa hallway si Slenderina." Napabalik ako sa loob kaya naman nakatanggap siya ng maraming hampas at palo.
"Sige mang-asar ka pa at baka paggising mo nasa bodega ka na with your best friends." Yung ahas at daga ang tinutukoy ko. Dun kasi yun takot.
"Wag uy! Eto naman nagbibiro lang. Eto na nga seryoso na. May nag-send kasing isang mail dito sa account ko. Binasa ko ang laman isa pala 'tong imbitasyon mula sa isang ekslusibong kampo."
"Huh? Pa-misterious naman yan tapos di natin alam nang-re-recruit pala ng mga miyembro sa NPA yan. Pagdating natin dun sa kampo ekek nila papaluin ka ng paddle tapos ako naman gagawing asawa ng boss kasi ang ganda ko." Tumaas yung balahibo ko sa naisip.
"Grabe ka Belle."
"Bakit?"
"Wala. Napakakapal kasi ng mukha mo."
"Huyy wala kang bilib sa ganda ko? Parang hindi besprends bobo neto."
"Boplaks anong bobo ako? Wag mo kalimutan sarili mo pareho lang tayo."
"Oo na lang. Tabi patingin nga." Tinulak ko siya paalis sa upuan saka binasa yung email.
Simpleng invitation lang ang laman na siyang nakakapanghinala na bakang scam ba. Sinubukan kong i-trace ang sender pero anonymous ang address.
Kumunot ang noo ko. Hindi naman masasabing professional hacker ako pero kahit papaano ay magaling ako sa computer. Easy lang dapat toh.
Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. Interesting.
"Nakakapagtaka lang na naka-address pati sakin ang letter. Yung parang alam ng sender kung ano problema natin ngayon at na magkasama tayo. Ang creepy!" Napatango siya.
"Sandali lang..." Binuksan ko ang sariling account ko at tama nga ang hinala ko. Mayroon ding imbitasyon galing sa kaparehong sender at naka-address para sa aming dalawa.
Yung parang sigurado sila na magkasama kami ngayon at parehong namomroblema.
"Ano sayo? I think we should try. Wala namang mawawala satin ---"
"Anong wala?! Baka scammer yan tapos kidnapin tayo. Hindi ka natatakot na baka kunin yang blue eyes mo saka ibibenta sa Divisoria. Hala sige, gora ka mag-isa. Baka bugaw yan at ibenta pako niyan sa bar. Mahal ang aking puri." Putol ko sakanya.
"Baliw. Kala ko ba gusto mo ng something exciting? Ayan na ang opportunity oh. Saka wag kang magalala. Andito naman ako. Anong silbi ng natutunan natin sa Martial Arts kung di naman natin magagamit."
Natihimik ako. Parang gusto ko na hindi tapos alanganing tumango.
"Oh sige. Puntahan natin yung lugar na nakalagay sa mail pagkatapos ng graduation. Dadalaw pa lang naman at mag-i-unquire." At baka ito din ang magandang bagay na tinutukoy ni Lola Ging.
"Hmm. Siya nga pala naaalala mo ba na anak ni Tiya Matilda."
"Si Marites ba yung sinasabi nilang baka nabuntis daw kaya lumayas?"
"Oo siya nga. Pero totoo nga ba yun?"
"Aba malay ko eh kala ko nga noon sayo may gusto yun kaya pano siya mabubuntis diba."
"Di ko din alam hanep maalala ko lang kung pano siya tumingin sakin kinikilabutan ako." Humalakhak ako saka siya hinampas.
"Alam mo palit dapat kayo ng pangalan eh. Bagay sayo maging si Marites. Tsismoso ka kasi."
"Oo ako si Marites eh ikaw si Marichu."
"Sinong Marichu!"
"Marichu, mareng echosera yun." Sinamaan ko siya ng tingin saka kinurot.
"Ewan ko sayo matulog na lang tayo."
"Ang pikon mo talaga. Oh siya, goodnight."
"Goodnight to you too. Dalawin ka sana ni Remy sa panaginip mo."
"Sinong Remy?"
"Nakalimutan mo? Si Remy yung dagang main character sa Ratatouille na movie."
"BELLE!"
"HAHAHAHAHAHA!"