[]Ultra Curse
†Chapter Four
—————
"Magsisimula na ang laro, inaasahang marami ang mabubuhay at makaaabot sa Elite Round bago magtapos ang unang season. Ito si Hachii— good luck players! Stay alive! "
Nagsimula nang mag-alisan ang mga players sa kani-kanilang rooms. Kakaiba ang mga avatar nila, may isang lumulutang at isang transparent, iba-iba ang uri ng mga avatars, at kakaiba rin ang mga pangalan.
"Uy! "
Napatingin ako sa isang bata na may saklob na malaking mansanas sa ulo, ginawa niya itong helmet.
"Grabe! Hindi mo na ako nakilala? Parang hindi kita tinulungan ah! "
Doon ko napagtanto na siya pala ang babae na tumulong sa akin.
[Apple (poison) ]
"Kailangan na nating umalis, tara! "
Hindi naman ako nagpahila sa kaniya, nanatili akong nakatayo roon.
"At bakit? Saan tayo pupunta? Sige nga! "
"Hay nako! Sumigaw ka lang— map! "
Isang kayumangging papel ang lumabas sa harap namin. "Ito ang mapa, may sari-sarili tayong lugar na kailangan puntahan. At isa pa nga pala— kailangan na nating maging duo. Delikado maglakbay kapag solo ka. "
Hindi ko alam kung dapat ba akong makinig sa kaniya pero gagawin ko na lang, tutal wala naman akong ibang kakilala rito at nakakausap.
"Menu, " bulong ko, agad na nagsilabasan ang mga choices sa paningin ko, doon ko nakita ang nakasulat na pangalan ng player.
[Name : Apple
Class : Pet Bringer
Type : B7
Ability : Bleeding Cobra]
[Player : Apple (poison)
wants to pair with you, do you accept?]
Pinili ko ang accept button.
"Alam mo, ngayon lang ako naka-encounter ng anti-element, posible pala ʼyun? "
Nawala na ang menu sa paningin ko at saka ako bumaling sa kanya. "Gaano ka na ba katagal na naglalaro nito? "
Bahagya siyang tumawa, inayos ang suot na mansanas sa ulo at inilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Player ako since 2040, at para malaman mo, rare lang ang mga tao na paulit-ulit naiimbitahan para sa larong ʼto, thatʼs why… "
"Thatʼs why ano? Thatʼs why ang dami mong alam dito, daig mo pa yatang creator ng laro—"
"Thatʼs why I'm special, 45."
Umiling siya. "Anyway, ang kailangan nating puntahan ay ang Frusco Forest, hindi tayo pwedeng mag tigil dito, kailangan natin ng bagong base. "
Sumunod na lang ako sa kanya nang nagsimula siyang maglakad, ngunit biglaan na lang siya tumigil.
"Anak ng—! Ano ba! "
"Huwag kang mag-expect na easy lang itong game. May mga kailangan tayong kalabanin sa daan at sa mismong gubat para sa base natin. Tandaan, tricky si creator. "
Naglakad kami, may nadaanan kaming ilog at isang tunnel, makalagpas noon ay may isa pang tunnel.
"Uhh, hindi ba tayo papasok doon? Apple?"
Lumingon siya sa akin. "Hindi. Depende kung gusto mong pumunta sa Articis, gubat ang nakasaad na pupuntahan natin, sinusunod lang natin ang nakalagay sa mapa, at isa pa hindi sila basta-basta magbigay ng lokasyon, medyo considerate naman sila kaya nakabase sa skill natin ang pupuntahan natin. "
Nagkibit balikat na lang ako, susundan ko na lang siya, tutal mukha namang marami siyang alam, mabuti nang may kasamang expert ang katulad kong newbie.
Pero ang totoo, all of these— is so cool! Hindi ko alam na may ganito pa lang ka-realistic na game, or baka hindi rin talaga ito game. Bigla na lang akong tinamaan ng problema.
Nakatigil kami ngayon sa ilalim ng isang puno, patuloy ang ulan sa pagbuhos at parang walang balak tumigil.
"Paano nga ba tayo makakauwi? "
Nanlaki ang mata ni Apple. "Wow. Bakit, gusto mo na umuwi? Takot ka na ba baby boy? " nang-aasar niyang wika.
"Syempre hindi! Real games have quit or exit button, eh wala naman akong nakikitang ganoon dito eh! What if… "
Pumalakpak siya nang mag-apoy ang iilang sanga ng kahoy, kanina niya pa iyon inaayos, sobrang lamig na rin kasi.
"What if patay na pala ako and ang game na ito ay ang stage before reincarnation? "
Wala naman akong naaalalang delikadong ginawa ko, paano ako mamamatay? Hindi kaya pinasok ang bahay namin?
"This is a mega realistic game, 45, makakaalis ka lang dito kapag namatay ka, mataas ang chance na hindi ka na ulit makabalik. Ako, gusto ko lang matapos ang game, beat the boss and meet the creator. "
Lumiyab ang apoy sa mga patpat, napupunan ng init ang nagyeyelong gabi.
"Bakit? Anong meron sa creator? "
"Reward, duh, malamang baka maging isa ka sa officers o ʼdi kaya magkaroon ng free access sa game, pwede ka ring mag suggest ng revisions sa laro, astig kaya! "
Hindi ko na siya sinagot, siguro mahilig lang talaga siya sa games kaya napadpad siya rito, pero para sa akin maliit na bagay lang naman ang matapos ang isang laro, importante ay ang nag-enjoy ka.
Lumipas pa ang ilang minuto at unti-unting humina ang ulan, nanatili kaming nakasilong sa puno, nakapagtataka pero parang hindi kami dinadatnan ng gutom.
"Ikaw ba ʼyun? "
Napatingin ako sa kanya. "Ang alin? "
Natawa siya nang bahagya. "Ikaw ʼyon eh, natunog kaya tiyan mo. Rinig ko kaya dito. "
Sumama ang mukha ko, kasasabi ko nga lang na hindi ako nagugutom eh, tapos pagbibintangan ako, ayos ʼto ah.
"Hindi nga ako ʼyon, edi kanina pa ako nag reklamo na gutom ako, magsasabi naman ako kung nagugutom ako eh, " naiilang kong saad.
Tumila na ang ulan, at narinig ko na rin ang naririnig ni Apple. Isang mababang ungol mula sa damuhan.
"Hindi nga ikaw ʼyon. "
Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumayo, at bigla na lamang umilaw ang pangalan niya, ganoon din ang nangyari sa akin.
"Prepare for combat. "
Napatayo ako at naging alerto, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.
Isang malaking anino ang sumugod sa amin, sabay kaming natumba at agad din itong nawala.
"Aray… ayos ka lang—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko ang mga patpat na mabilis na nagpaliyab nang lumapat ito sa damuhan, naglagablab ito na mas ikinatakot ko, kauulan lang ah!
Tumayo ako at hinanap ang anino, nakita ko ang mga mata nito na nakamasid mula sa dilim, hindi ito player.
"Huwag kang gagalaw, ihanda mo na ʼyang skills mo. "
Wala naman talaga akong balak gumalaw.
"Isa ʼyang Firetail, kalimitan maliit lang ang mga iyan at madaling taluhin, " bulong niya.
"Pero hindi ko alam kung bakit ganyan kalaki ang isang ʼyan. "
Lumabas ang sinasabi niya mula sa anino, nakatingala na ako para lamang makita ang hitsura nito, isang higanteng lobo na may nagliliyab na mga mata!