Chereads / ESCAPE FROM MY ESTRANGED HUSBAND / Chapter 5 - Operasyon

Chapter 5 - Operasyon

Buhat-buhat ni Ely si Cathleen papasok sa loob ng emergency. Kasunod sina Cory at Carvie na iyak ng iyak.

"Doctor! Nurse!" malakas na sigaw ni Ely. Tumatakbo naman na lumalapit ang isang nurse sa kanila.

"Ano pong nangyari sa bata?" tanong nito at tiningnan ang batang pasyente.

"May sakit siya sa puso. Nahihirapan na siyang huminga," mabilis na sagot ni Ely.

"Ihiga niyo na po doon sa loob ng emergency room. Tatawag lang po ako ng doktor," utos nito kay Ely at sumunod naman si Ely.

Pumasok sila sa loob ng emergency room at inihiga si Cathleen sa bed doon. Ang nurse ay mabilis na tumawag ng doktor. Nilapitan nina Cory at Carvie ang bunsong kapatid. Umiiyak sila at hinahaplos ni ulo ng kapatid nila. Habang si Ely ay nakatayo sa gilid.

Napalingon silang lahat ng pumasok ang doktor. Kasunod din nito ang isang Nurse. Nilapitan nito kaagad si Cathleen. At sinuri.

"Nurse, ready the oxygen. Then the machine," utos nito sa Nurse na kasama niya. Sumunod kaagad ang Nurse at umalis.

"Sino po ang pamilya ng pasyente?" tanong nito na nagpalipat lipat ng tingin kina Ely at Cory.

"Ako po. Kapatid ko po siya," nakataas ang kamay na sagot ni Cory. Hilam ng luha ang kanyang mga mata.

"Miss, kailangan na siyang maisalang sa operasyon. We need to do an urgent heart transplant sa kanya. Bago mahuli pa ang lahat," wika ng Doktor kay Cory. Napatakip sa bibig si Cory at humagulgol iyak. Iniisip na niya kung saan siya kukuha ng pera na ipapambayad niya sa operasyon ni Cathleen.

"I'm sorry. Pero we need to do it fast to save her life. Paki-settle na lang ang bill para sa operasyon ng bata," dagdag pa nito. Nakatingin lang at nakikinig si Ely sa sinasabi ng doktor.

"Magkano po ang kakailanganin, doktor?" tanong ni Cory.

"Estimated mga five hundred thousand pesos. Or mas malaki pa doon. Hindi ko pa alam magkano aabutin. Mas maganda maghanda kayo ng isang milyon," sagot nito sa kanya. Saka binalingan muli ang kapatid niya. Mas lalo naman napaiyak si Cory. Saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga? Wala pa siyang trabaho ngayon. Napahigpit ang yakap ni Carvie sa Ate niya.

"Ate, mawawala po ba sa atin si Cathleen?" tanong ni Carvie na umiiyak pa din.

Napalingon si Cory sa kapatid.

"Hindi mangyayari iyon, Carvie. Gagawa ng paraan si ate. Gagaling si Cathleen," sagot ni Cory habang umiiyak. Nahabag si Ely sa magkapatid. Wala siyang kapatid kaya mas lalong masakit para sa kanya ang nakikita sa kanila.

"Aalis na ako. Kung may itatanong ka pa, Miss. Puwede mo akong puntahan sa ward," paalam ng doktor. Tumango ng ulo si Cory bilang tugon. At nagpasalamat sa doktor na tumingin sa kapatid.

Lumabas na ang doktor. Sumunod si Ely na lumabas ng emegency room.

"Doc, please do anything to save the life of the kid. Ako na ang aako sa lahat ng gagastusin sa operasyon ni Cathleen. Just don't tell to her big sister," pakiusap na sabi ni Ely. Tinapik ng doktor si Ely sa balikat.

"No problem, Mr. Andrew. I hope that your father will not know about this. Kilala mo ang Mommy mo, Ely," sagot ng Doktor.

"Yes po, Tito Carl. Don't worry po I can handle this," tugon ni Ely. Si Doc. Carl Marasigan ay kaibigan ng Daddy niyang si Allen Andrew.

"Importante po sa ngayon ay ang makaligtas si Cathleen. Saka ko na po iisipin ang tungkol kay mommy," ani Ely.

"Okay, Ely. Don't worry I will do my best. And maganda siya. Bagay kayo. Sana lang siya na ang babaeng para sayo, Ely."

"Thank you po, tito. I hope so"

Nagpaalam na si Doc. Marasigan kay Ely. Muling bumalik si Ely sa loob at tiningnan ang magkapatid. Nakaupo si Cory sa tabi ni Cathleen. Habang si Carvie ay nakatayo sa tabi ng higaan ni Cathleen.

"Cory, lalabas lang ako. May ipabibili kaba?" paalam ni Ely. Umiling ng ulo si Cory.

"Ikaw, Carvie?"

"Wala po, Kuya Ely. Salamat po," malungkot na sagot nito sa kanya. Tumango ng ulo si Ely at lumabas na ng kuwarto ni Cathleen.

Aalis lang siya sandali para asikasuhin ang mga kailangan ni Cathleen dito sa ospital. Nag aalala lang siya para sa magkakapatid. Lalong lalo na para kay Cory. It break his heart to see her crying so much in pain. Kung may magagawa lamang siya na patigilin ang mga pag iyak niya. At ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin niya. Pero, halos pandirihan naman siya nito.

"Ate, bakit ka po ganoon kay Kuya Ely? Mabait po siya. Saka ang dami po niyang binili para sa amin ni Cathleen. Ayoko pong maging bastos sa inyo dahil sa pagiging matigas niyo kay Kuya Ely. Pero hindi po tama ang ipinakita niyo sa kanya," tanong ni Carvie sa kapatid. Napatingin si Cory sa kapatid.

"Wala po siyang ginawang masama sa amin. Ang dami pa ngang ibinigay niya para sa amin ni Cathleen. Kung tutuusin nga po kayo ang may kasalanan kung bakit inatake si Cathleen," dagdag pang sabi ni Carvie na may paninisisi sa Ate niya sa mga nangyari.

"Carvie?"

"Pasensiya na, ate. Gusto ko lang sabihin ang nasa loob ko. Ayaw ko pong mawala si Cathleen sa atin. Pero sa nangyayari ngayon. Wala na po tayong pag asa. Napakalaki ng halaga na kakailanganin ni Cathleen sa operasyon niya. Alam ko pong wala na tayong pera," umiiyak na panay ang punas sa mga luha niya na saad ni Carvie. Masakit na sumbat iyon para kay Cory.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Kahit ako ayaw kong mawala si Cathleen sa atin. Mahal na mahal ko kayo na mga kapatid ko. Pero wala akong magawa. Wala akong kayang gawin para matustusan ang pagpapagamot ni Cathleen. Pero ginagawa ko pa makayaya ko para masagip si Cathleen. Patawarin mo ako, Carvie."

Tumakbo palabas si Carvie ng kuwarto ng kapatid. Hinabol naman ng tanaw ito ni Cory. Galit ang kapatid niya sa kanya. Kasalanan naman niya kung bakit nagalit si Carvie sa kanya. Binalingan ni Cory ang kapatid na natutulog na nakahiga. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid at hinalikan iyon habang umiiyak.