"Lucassssss wahhhhhhh "
"Wahhhhhhh Lucas"
"Gwapooooo whaaa"
"Omigod omigod omigod "
"May Prince is coming mamaa!"
lord bigyan nyo po ako ng kunting pasensya na di patulan ang mga 'to nagugutom na ako , binigyan ko lang sila ng kunting ngiti at nagmadali na maka pag order ,para namang namatay ang mga yun sa ginawa ko tsk
--------------
"Ohh, ito na ang order ninyo maam, sir" padabog kung inilagay ang inorder ko sa table namin
"Salamat Lucas,napakabait mo talaga ,gwapo pa haha pero syempre mas gwapo ako haha" palambing na sabi ni Jake
"Thank you baby Lucas aha" palimbing ding sabi ni Chloe habang dampot nang dampot ng pagkain
"Small thing" maikling sagot ko. Mayayaman naman talaga tong dalawang to sadyang di lang talaga niya palalampasin ang mga libre, mas masarap daw kasi ang libre eh ewan ko
"Saan na kaya sila Aiden? Ang tagal sarap na magpalibre ng drinks" ani ni Chloe ,kahit kailan talaga hay
-------------
"Hi, my Cassian!" nagulat ako kaya dali dali akong lumingon at mas nagulat pa ako kasi sobrang lapit nung tumawag sa akin na muntikan na kaming magkahalikan
"Ohhh ,I think you super miss me ha that you want to kiss me that badly ahaha"
"The hell Kylie! "hindi ko nalang siya pinansin at umupo nako sa upoan ko ,nagmadali naman siyang umupo sa tabi ko. I don't know if I can call her a friend or not, we're close because our parents are bussiness partners same as Jake,Chloe,and others(diko sasabihin baka maspoil antayin nyo nalang sa next chapter haha)
"Ammm Cassian, can you abot-abot the juice there?" ani ni Kylie
"Sure" maikli kung saad,pero bago ko maabot yong juice kinuha na yun ni Chloe
"Ako na!, Oh ito Kylie! " padabog na binigay ni Chloe ang juice kay Kylie
"Oh my Chloe! why you're so rude to me?" parang maiiyak na saad ni Kylie
" Hindi ka man lang ba magthanthank you sakin?,Kasi naman, umagang umaga ang landi landi mo eh, ang sakit sa mata!" ani ni Chloe
"I'm not malandi Chloe, I'm just like this to Cassian and to him only"
" Ew, whatever!" ani ni Chloe saka di na pinansin si Kylie at nag-umpisa ng kumain
"Anong nangyari dito? nawala lang ako pinag-aagawa nyo na ko, easy lang girls kahit anong away nyo pa si Lucas parin ang pipiliin ko." ani ng baliw na si Jake nang makapunta na sya sa table namin
"Oh , saan na sila Aiden ba't di mo kasama? Asan na yung pinakukuha ko sayo sa room?" sunod-sunod na tanong ko. Pinuntahan talaga ni Jake sila Aiden,kaibigan din namin sa kabilang section para mag palibre hay kahit kailan talaga
"Ito na po yung pinapakuha ninyo SER, tas parang pinagtulungan nila Aiden buhatin yong isang papel papuntang faculty eh , magpapasa lang daw sila ,angtagal!" ani ni Jake
"Umupo ka na nga jan Jake! puro ka satsat!" asik ni Chloe
"Sa tinatanong ako eh" sagot ni Jake
"Tskk" tahimik lang kaming kumakain at naghihintay sa ibang kasamahan namin
"Psttt Lucas, anong nangyari sa dalawang babaeta natin kanina?" pabulong na sabi ni Jake
"Pinag-agawan nila ako" seryoso kunwaring sabi ko
"Niwala naman ako, baka ako nga ang pinag- agawan nila"
"Edi wag ka nang magtanong, ingay mo"
"Ehehe"