Chapter 9 - chapter 8

Kahapon, nakausap ko na ng maayos si Dr. Alicosta at walang pwedeng mag sabi kung sino ang magiging donor ni khatya.

Sa pag alis ko, sana maging masaya na ang lalaking pinapangarap kong mapasakin at mapasaya.

I Kianna Koreen Flores donating my heart to the girl my husband loved so much.

"Ingatan nyo ng maayos ang bahay na ito manang, mawawala ako n-ng matagal at dapat respetuhin nyo si khatya katulad kong paano nyo ako i-respeto. B-baka hndi na ako makakabalik pa."

Nakita ko kung paano umiyak ang mga katulong dito sa bahay, si kyle ba? Iiyakan nya ako kapag nawala na ako?

Iiyakan nya ba ako at mag sisisi sya?

Iiyakan nya ba ako dahil nawala ako?

O iiyak nya ako dahil sa pagpapa-salamat na nawala na ako?

Hinawakan ko ang picture na magkasama kami ni kyle, masaya, nagmamahalan at kuntento.

"Let the sky crossed again, my man."

Huli kong pinasok ang master bedroom ang dating kwarto namin ni kyle..

Parang kay lamig ng simoy ng hangin

Naramdaman ko nalang ang pag patak ng luha ko sa mata.

Ito na ang huli

Hanggang sa muli Kyle