"Pakilinisan ang kwartong gagamitin ni khatya pag dating nya dito sa bahay Kianna"
Walang buhay na utos sa akin ni kyle, asawa ko.
Dalawang araw nalang at dadating na sa bahay namin si khatya ang babaeng mahal ng asawa ko.
Wala ak'ng magawa upang pigilan sya,
Ayaw kong mawala sa akin ang lalaking pinaka mamahal ko.
Kapalit non ay ang pagtanggap sa bahay namin kay khatya at dito nadin sya manirahan dahil sa sakit nito sa puso.
At ang asawa ko? Itinuturi nya ak'ng isang kasambahay lamang.
"S-sige"
"Hindi na pala─ dito nalang si khatya sa silid ko at Doon ka sa bodega".
Para ak'ng natulos sa kinatatayuan ko.
Ganon naba ako ka walang halaga sakanya?