Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Little Moments

Unfinished
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.2k
Views

Table of contents

Latest Update2
Rain1 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Dreamers

Lahat nag-sisimula sa pagka-bata. Bilang isang minsa'y naging bata lahat ng bagay tila mahika sa ating mumunting isipan, nakakatuwang isipin na noo'y natuto tayong maging masaya sa kaka-unting bagay lamang na ngayon ay isang ala-ala na lang na kung minsan pa ay tinatawanan natin sa tuwing bumabalik ito sa ating ala-ala.

Mula pagka-bata ay natuto na tayong mangarap, tulad na minsan noong musmos pa lamang tayo at tanging Teletubbies at spongebob pa lang ang alam ay marahil minsa'y nangarap ka din maging isang Astronaut, Doctor, Teacher, Pilot, Police o di naman kaya maging isang Magician tuwang-tuwa pa tayo binabanggit ito sa iba at magulang natin.

Panahong bata pa na punong-puno ng pangarap at imahinasyon.

Bata noon na ay ngayo'y umedad na. Batang puro pangarap ay puno na ng problema. Problema na humuhubog sa atin at nagpa-patibay na kung minsan ay nagpa-pabagsak din.

Tinatanong natin minsan bakit natin kailangan pagdaanan 'to, bakit kailangan mangyari ito, malulugmok sa hirap at lungkot pero lagi mo tandaan hindi lang ikaw ang dumadanas nyan. Hindi lang ikaw yung nahihirapan at nagta-tanong dahil sa buhay natin naka-depende lahat sa desisyon at kung paano natin tatanggapin ang problema. Kung iiyak ka, magmu-mukmok, magagalit, at pang hihinaan ng loob mananatili ka lang talaga sa gitna ng problema pero kung hahakbang ka matisod ka man ay makikita mo sa oras na lumingon ka na wala ka na sa gitna dahil nalampasan mo ang unang problema at ito ay ang iyong sarili yung mahinang ikaw na hindi humahakbang. Nasa atin kung ano mangyayari sa buhay natin wala sa magulang, wala sa kaibigan, wala sa partner o sa kung anoman kundi sa'tin lang.

Natuto tayong mangarap ng tayo lang matuto din tayong tumindig at manindigan. Dahil ang buhay ay parang oras, pasulong lang walang pa-urong at hihinto lang kapag wala ka na. Huwag ka matakot sa sasabihin ng ibang tao o magiging reaksyon nila dahil hawak mo ang oras mo at buhay, hindi nila kayang pahintuin ang buhay mo sa sabi-sabi lang maging oras.

Lagi ka maniniwala sa mahika o himala dahil ang buhay natin mismo ang isang halimbawa ng himala. Hindi lahat kayang ipaliwanag ng science. Kung palagi ka mag-iisip ng mga ideya na nasa harap mo na wala magba-bago.

Panatilihin natin ang pag-iisip natin nung panahong musmos pa lang tayo, laging handa at sabik na hinaharap ang bukas. Mangarap tayong muli ito ang magsi-silbing inspirasyon at lakas natin sa kahit anong bagay maniwala ka lang.