Sa isang kaharian mayroong isang prinsesa na minamahal ng lahat lalong lalong na ng kanyang pamilya na kung saan nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto o hinahangad sa buhay.
Isa rin siya sa kinahuhumalingan ng mga prinsepe sa iba-ibang kaharian.
Ngunit wala ni isa sakanila ang nakakakuha ng atensyion at pagmamahal ng prinsesa dahil nakatakda na siyang ikasal sa kanyang kababatang kaibigan na anak ng prime minister ng kanilang kaharian na labis na minamahal ng prinsesa.
Ngunit sa araw ng kanilang kasal hindi inaasahan ng prinsesa na siya ay pagtataklisan ng dalawa sa kanyang minamahal sa buhay, ang kanyang kambal na hindi niya kamukha at ang kanyang bagong kabiyak.
Hindi niya matanggap na sa lahat-lahat ng nagtatangka sa kanyang buhay dahil siya ay isang prinsesa at ang paboritong anak ng Hari at Reyna, ang kanyang kambal at kababatang kaibigan na naging asawa pala ang tatapos sa maikli niyang buhay.
~~~~~
Minulat ng isang babae ang kanyang mata habang lumuluha ngunit ng tuluyan na niya itong imulat siya ay naguluhan at nagulat sa nasaksihan. Ibang-iba ang mga kagamitan kaysa sa kanyang nakasanayan.
Ang kwartong ito ay puno ng kakaibang gamit na ngayon pa lamang niya nakikita.
Ngunit na pansin niya na ito ay hindi kasing gara kumpara sa kwarto niya sa kanilang palasyo, pero napakagaan nito sa mata at komportableng tingnan.
Namamanghang tumitingin-tingin sa paligid ang babae na sa katunayan ay ang prinsesa sa kabilang mundo.
Biglang napahawak ang babae sa kanyang ulo dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. May mga lumalabas na imahe na alam niyang hindi naman niya naranasan.
"Scarlett Miller...?" naguguluhang saad ng babae.
"Hindi ito ang mundong kinalakihan ko... at lalong hindi ito ang katawan ko." saad ng prinsesa.
'kung gayon ako ay na buhay muli?' takhang isip ng prinsesa.
"HAHAHAHA" masayang halakhak ng prinsesa ng mapagtanto nga niyang siya ay na buhay muli at napunta sa ibang mundo at nakapasok sa ibang katawan.
Ang panaglan ng katawan na napasokan ng kaluluwa ng prinsesa ay Scarlett Miller. Anak ng ordinaryong pamilya at siya ay kasalukayang nag aaral ng Junior High School sa mundo niya.
Hindi palasalita si Scarlett Miller kaya wala siyang matalik na kaibigan. Namatay ang orihinal na Scarlett Miller dahil sa taas ng kanyang lagnat at dahil na rin sa wala ang kanyang dalawang magulang dahil ang mga ito ay nagtra-trabaho para lamang makapasok ang kanilang kaisa isang anak sa prestihiyosong paaralan.
15 years old pa lamang si Scarlett Miller ng iwan na siya ng kanyang mga magulang upang magtrabaho, kaya magisa lamang siyang nakatira sa 2-story house na ipinundar ng kanyang magulang.