Chereads / Project: Mystery / Chapter 44 - Chapter Twenty-Four: Demons Are Red, So Are You(Part Three)

Chapter 44 - Chapter Twenty-Four: Demons Are Red, So Are You(Part Three)

Mavis' POV

"So, how's the investigation?" tanong ni Friar habang patuloy sa pagkain ng binili niyang cheeseburger.

"Clues being thrown by the victim at ang weird sign ng Science Club," sagot ko at sumubo ng isang kutsarang kanin at ulam. Nguniya, nilunok, at uminom muna ako ng tubig sa bottled water bago ako nagpatuloy. "The victim was a girl. Flare assumed the suspect was a girl too."

Nanlaki ang mga mata ni Friar at huminto sa pagkakakain. "Seryoso? Babae ang ina-assume niyong suspek? Naku ah. Masama 'yan."

I closed my eyes. "Not me. Just him," pagtatanggol ko sa sarili ko.

"My assumes are partly yours," banat ni Flare.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Well, look here, Mr. Detective. I am just your partner-in-crime."

"Exactly. You're my partner-in-crime. That's why my conclusions are yours as well."

Hinilot ko ang aking sintido. "Look here, mister. Hindi ako nakikipaglokohan. I am your partner-in-crime, but it doesn't mean na ang konklusyon mo ay konklusyon ko na rin. I have my own way to investigate at mayroon din akong mga possible leads sa kaso."

"Ho?" His lips curved into a playful smirk. "And care to share your possible leads, song thrush?"

I greeted him with the same smirk. "Are you sure na gusto mong malaman, smart boy?"

"Ooh~ May lover's quarrel na agad na nangyayari oh~"

Parehas kaming huminto ni Flare sa panunukso at napatingin sa kanya. Sinamaan ko ng tingin si Friar.

"Hindi kami."

"Ooh~ Straightforward refusal sa feelings, Mav! Ang tapang mo mag-deny~" panunukso niya sa akin at nag-wink sa akin.

"Hm. I guess is not bad for us to quarrel, right? We like each other?" ani Flare na kunwaring nag-iisip.

Kinurot ko siya sa tagiliran at napangiwi si Flare. "Huwag mo akong idamay sa pagka-like mo sa akin. HIndi ako katulad mong madaling ma-fall."

"Lahat ng tao marupok sa pagmamahal, Mavis. Lalo na kapag sa huli mo na namalayan na mahal mo sila," sabi ni Lucas habang nakapalumbaba at nakatingin sa akin ng diretso.

Malamig ko siyang tinignan. "Anong ibig mong sabihin."

Pinikit niya ang kanyang mata. "Ang sinasabi ko mahuhulog ka rin kay Sherlock wannabe. Ako na nagsasabe sa'yo," reply niya at kumagat sa pagkain niya.

Napayuko naman ako at napaisip. Me? Falling in love with someone like Flare? That would be impossible. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Rux dati.

'Tumitibok ng mabilis ang puso ko. Parang hindi ako mapakali at alam mo ba, parang habang patagal nang patagal parang may mga shining, shimmering stars na pumapalibot sa background ni Flare sa t'wing nakakasalubong ko siya. 'Yong tipong vibe din niya parang mga lalaking nasa otomo games gano'n.'

'I think you like him, Miss Lia."

That's only symptoms of nervousness. Umiling-iling ako. Yep, tama ako. Hindi 'yon symptoms na nagmamahal ako. Apaka-imposibleng mangyaring magmahal ako.

"Parang biglang may sumapi ata sa'yo, Mav, at umiiling-iling ka diyang mag-isa."

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang sinabi ni Friar. Napataas ako ng tingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Tumingin din ako kina Flare at Lucas. Nakatingin rin sila sa akin.

"Something wrong, cupcake?" tanong ni Lucas.

"Wala," kaagad kong sagot at umiling ulit. "Sumakit lang ng onti ang ulo ko."

"Do you want me to bring you in the clinic?" nag-aalalang tanong ni Flare.

Umiling ako. "Huwag na pero salamat."

Tumango siya at tumingin kina Friar at Lucas na kaharap namin. "So, back to the case. I have possible leads to where we could find the suspect."

"Hai!" madiing sigaw ni Friar at tinaas ang kanyang kamay. "Question muna. Bakit naging babae ang main suspect na naisip ninyo? To be specific, bakit babae ang naisip mo?" tanong niya.

"The victim is a girl. The most possible suspects would be a girl. There are higher rates we could connect for my speculation if we based it on the previous cases happened in our school."

"It's a good point pero marami rin akong nakuhang cases na may mga lalaki ding nagiging suspek sa pagpatay sa mga babae sa eskwelahan due to obsession or just force killing," argumento ni Lucas. "Besides, the rates of men in our school involving in cases such as murder have increased. Malapit na siya sa rates ng mga babaeng nakukuha na natin na may kinalaman sa mga previous cases."

"Saka, Flare, hindi naman basta-bastang masasabi na babae ang suspek. Wala pa tayong ebidensya," dagdag ni Friar.

"Ayaw niyo bang gawing suspek si Mark?"

"Mark?" nagtataka kong tanong.

"Si Mark Herras?" sarkastikong sambit ni Friar at bumuntong-hininga bago tumingin sa amin. "Mark Fuentes. Siya ang isa nating kaklase na nasa gym. 'Yong sana magboboluntaryong tumulong din sa pagkuha ng mga materyales sa tambakan. Kaibigan niya yata si Conanan."

"Paano mo nalaman ang pangalan, Fri?" tanong ko. "Wala naman siyang binanggit na pangalan niya kanina."

"Well, thanks sa hambog na katabi ko ngayon, nalaman namin ang pangalan niya." Nilingon niya si Lucas na ngayon ay nakasimangot na.

"Sinong hambog?!" reklamo niya. May iilan na lumingon sa direksyon namin sa sobrang lakas ng boses niya pero wala naman siyang pakialam. "Ikaw ah, prinsesa. Ginaganyan mo na ako ngayong ah."

"May I remind you, Mister Lucas Freed, na hindi tayo?" Unang-una, 'di tayo legal kay Mommy, Daddy, Tito at Tita. Mas worse pa nga sa hindi pagka-legal ang relasyon natin sa isa't isa. Pangalawa, ipasok mo sa maliit na utak mo na kasing liit ng sa langgan na bawal na bawal na maging tayo at pangatlo, kinakaibigan lang kita."

"Hindi pa naging kinaka-ibigan ey," reklamo ni Lucas at kinamot ang kanyang ulo.

Umirap si Friar at bumuntong-hininga. "Let me remind you as well na as much as possible, bawal ang landian sa'ting dalawa. You know na mayroong mga consequences ang tine-take mo ng risk, right?"

"Though it hurts, I will still try, princess. I have feelings for you after all," sabi ni Lucas ng walang pag-aalinlangan at nagkibit-balikat. "Hindi naman big deal sa'kin kung paparusahan nila ako."

Napatitig lang sa kanya si Friar na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Lucas. Lucas is passionately in love with Friar. Halata mo pa lang sa pagkakatingin niya kay Friar. Even though he pretends he likes me and tries to flirt with me every now and then, iba pa rin ang pagtingin niya kay Friar.

That was my father's look when he looked at my mother, ani ko sa aking isipan.

Napangiti lamang ako nang magsimula ulit silang mag-away sa harapan namin. Natawa nang sinimulang subukang sabunutan ni Friar si Lucas. Napahinto lang ako nang makita kong tumayo si Flare.

Napataas ako ng tingin sa kanya habang nakakunot ang noo. "Sa'n punta mo?" tanong ko.

"To the moon 'yan pupunta," singit ni Lucas at narinig kong umigik ulit sa sakit nang hilahin ni Friar ang kanyang tainga.

"To STEM Class Section B," sagot nya at lumingon sa akin habang nakapamulsa. "Wanna come?"

Lumingon ako kina Friar at Lucas na nagrarambulan pa rin bago ako tumingin sa kanya at tumango. Tumayo na rin ako at hindi na nag-atubili pang magpaalam sa dalawa. Nang makalabas kami ng canteen ni Flare, hinatak niya ako bigla.

"H-Hoy, Flare! Bitawan mo nga ako! Anong--" Naputol ang pagsigaw ko nang makita kong nilagay niya ang daliri niya malapit sa kanyang bibig. "Bakit?" bulong ko.

"Be cooperative with me. Someone is looking at us," bulong niya pabalik.

Bigla akong naging alerto sa paligid ko, lalong-lalo na sa likuran ko. "Sino?"

"Just someone. They're wearing our uniforms."

"So, they're a student from here?"

"We're not yet sure but I think they know we know something about the case in the Science Club."

Sinasabi niya iyon habang nakatingin ang kanyang mga mata sa isang pillar na nasa isang madilim na bahagi ng eskuwelahan. Napatingin ako doon at nanlaki ang aking mga mata nang may nakatago nga roon. Hindi ko maaninag ang kanyang itsura ngunit nakikita ko ang kanyang mga mata at bibig. Ngumisi ito kasabay ng pag-ngiti ng kanyang mga kata bago unti-unti siyang umatras hanggang sa naglaho siya sa madilim na pasilyo.

Sino 'yon? Bigla kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sino ang nagmamanman sa amin sa dilim?

Ilang hakbang ang ginawa namin bago kami huminto sa harap ng isang silid. "Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"We need to ask a few questions to some people with the letters as SC.B."

I mentally face-palmed myself. Oh, right. How did I forget? Tumango ako at tumingin sa nakasaradong pinto. Halos madinig mo ang ingay sa loob.

Napabuntong-hininga siya. "I think the best opinion for now is to wait--"

Suddenly, we heard a loud bang!, a shotgun-like sound inside and screams echoing aloud. Bigla akong kinilabutan nang marinig iyon at kaagad na naalerto.

Pinihit ko ang kandado ng pinto at nakarinig ako ng click! rito. Kaagad ko iyong itinulak papasok. Napaubo ako sa usok na nalanghap ko.

Teka? Usok?

Napapikit ako dahil sa dami ng usok na nalanghap ko. Halos 'di na ako makahinga sa dami ng pumasok sa loob ng aking ilong at bibig kaya naman tinakpan ko ng isang kamay ang ilong at bibig ko.

Nagsimula na akong maglakad. Narinig ko ang mga sigaw ni Flare na nagmula sa labas ng kuwarto ngunit 'di ko iyon pinansin at nagpatuloy.

Habang humuhupa patagilid ang usok, mas palakas nang palakas ang tibok ng aking dibdib sa kaba; hindi tumitigil sa pagtibok.

Nang mawala na nang tuluyan ang usok ay unting-unti nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang mahigit kalahati ng estudyante na walang malay at sugatan ang mga katawan. Napansin kong may mga tama sila na tila isang bala ang nagtamo nito.

Nakarinig ako nang malalalim na mga hininga kaya ako napatingin sa isang sulok. Puro usok doon pero pakiramdam ko'y mayroong nakatitig sa akin; nagmamanman na parang isang kwago sa dilim.

"Sino 'yan?" tanong ko. Naghintay ako ng sagot ngunit walang tumugon. Agad akong nagtanong muli. "Sino 'yan?!"

Unti-unti, may nakikita akong isang silhoutte na papalapit na pumupunta sa akin. Nang makalabas na ito sa dilim, nanlaki ang mga mata ko ngunit napakunot ang aking noo agad nang mawari kung sino iyon.

"Clarisse?"

Puno ang kanyang damit ng dumi; pati na rin ang kanyang balat. Ang mukha niya'y tila puyat sa sobrang laki ng eyebags niya. Magulo ang kanyang buhok at pansin ang hawak niyang bagay sa kanyang kanang kamay.

She is one of the students whom I had conversed with before at the canteen. She is kind with me that time but now, hindi ko alam kung ano ang maaari kong maging judgement sa kanya.

"Clarisse," tawag ko sa kanya. "Listen to me. Unti-unti mong ibaba ang hawak mo at itaas mo ang dalawa mong kamay sa ere."

Tumawa siya na parang isang loka-loka. "Tanga ka ba? Ba't ko ibibigay 'to sa'yo? Ba't ako makikinig sa'yo? Master gave me this," sabi niya sabay angat ng baril at winagayway pa iyon. "So wala kang paki kung ano man ang pwede kong gawin gamit ito."

"Master?"

"Yes. My master," ngisi niya, emphasizing 'my' with her proudest tone. "And you stole something from my master. Ang tapang mo naman ata, Mavis Throver."

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo pero please, sundin mo na lang ang sinasabe ko kung ayaw mong masaktan," kalmado kong sambit.

Tumawa ulit siya. "Throver, you think I will look threatened sa sinasabi mo? In-advance na ako diyan ni Master. Don't make me look like a fool."

"I see na hindi ka tanga," sabi ko sa kanya. "But had me over that gun. Ayaw mo naman na sigurong may iba pang madamay sa gulo na 'to, 'di ba?"

"Ayun nga ang point, 'di ba? Maghasik ng lagim?" She chuckled aloud. "Isn't it the purpose why I have this?"

In a second, I flinched as I heard a gunshot. Umuusok na ang nguso ng baril at makakarinig ka ng sigawan sa malapit na classroom sa amin.

Hindi talaga siya makikinig sa 'kin ah.

"You want this," bulong ko at sinimulang tumakbo sa kanya pero kaagad nahinto nang nakita kong itinapat niya sa akin ang baril at pinaputok iyon.

Agad akong nakatalong paatras at tinitignan ang butas na halos ilang dangkal lang ang layo sa gitna ng mga paa ko.

"Isang takbo pa papunta sa akin at hindi ka na makakalakad, Throver," banta niya at tinapat sa akin ang baril. "Isang lakad pa papunta sa akin, makakalaro mo na ng temporary si kamatayan."

Ngumiti ako sa kanya. "At sa tingin mo matatakot mo ako?"

"Hindi," sagot niya. Nagulat ako nang tinanggal niya ang pagkatapat ng baril sa akin at tinapat niya sa sarili niyang sentido. Ngumiti siya sa akin. "My mission is complete here but I will give you this message before I'll leave this world: Blues makes revenge, revenge makes red, red makes devils. Devils are red, so are you. One devil conquers, traitors unfold. Sacrifices must pay the price, for the path taken by the devil is thrice worth than a dime."

Bang!

Bumagsak ng patihaya si Clarisse sabay bagsak ng baril na hawak niya. Umuusok pa ang baril. Her eyes are open and a proud grin is plastered on her lips as she stared at me that gave shivers down my spine.

###