Chereads / Project: Mystery / Chapter 42 - Chapter Twenty-Four: Demons are Red, So Are You (Part One)

Chapter 42 - Chapter Twenty-Four: Demons are Red, So Are You (Part One)

Mavis' POV

The vacant time is over. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko mula sa upuan nila at lumabas na sa room para pumuntang cafeteria. Friar pulled her chair towards my desk. She puts her arms crossed on my desk with a smirk plastered on her lips.

Oh, crap. Alam ko na ang sasabihin nito sa akin.

"So~ Alam mo na siguro kung anong ibig sabihin ko, 'di ba?" sabi niya with matching pa-blinking eyes niya.

Umirap ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Nakita ko siyang napasimangot.

"Aw~ Mav, please tell me what happened between you and my--"

"Mavis."

Napahinto ako sa paglagay ng gamit sa bag ko pero hindi ako nagtaas ng tingin sa taong tumawag sa pangalan ko. Tumawa si Friar na may pabulong sabing, "Guess the devil's here."

And hell, I knew who that devil is.

Unti-unti akong nagtaas ng tingin sa kanya at kaagad akong kinilabutan sa pagkakatingin niya sa akin. It is ten times colder than his normal cold eyes. Hindi ko agad naproseso ang sunod niyang ginawa. He pulled me up by the wrist and forced me to come with him, far away from the classroom.

Lumiko kami sa isang hallway kung saan walang masyadong tao. He pinned me in the wall. Again. Yes, again. 'Di ko alam kung anong mayroon sa pag-pin ng tao sa dingding, basta ginagawa niya 'yon sa akin.

His face is just an inch close on mine, but I just stared at him dead in his eyes. My heart pounding so crazy. Not on some romantical situation but on nervousness.

"Mavis."

I think that's the second time I heard my name coming from his lips this day. Napabuntong-hininga ako. Kailan pa ba niya ako tinatawag sa pangalan ko? Apakabihira. And I'm not trying to complain. It just surprises me every time he called me by my first name.

"Ano?" irita kong tanong at humalukipkip. "Wanna kiss me again?"

Tinitigan niya lang ako. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking 'to sa akin. A few days ago, I helped him on recovering from what so-called "Friar and Lucas' prank" to us and he has been acting weird since.

He got flustered--which is literally unusual dahil emotionless ang nakikita ko sa mukha niya most of the time--when we finished the "deed" and never has spoken to me in--let's say um, five days? O mas marami pa sa araw na 'yon. Tas bigla na lang niya akong hahatakin sa bahay nila papuntang library at tititigan lang niya ako.

He never speaks nor whispers nor mutters something to me. He just stares.

Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi pa siya nagsasalita. "Flare?" tawag ko sa pangalan niya. "Do you want to kiss me again or not?" tanong ko sa kanya.

I saw him gulped. Hm... He wants to. Pero kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang umiwas ng tingin.

"Hey!" Puwersa kong ibinalik ang mukha niya paharap sa akin. Bumalik nga ang pagharap ng mukha niya pero 'yong mata niya sa ibang direksyon pa rin nakatingin. "Look at me, Flare." Kaagad naman siyang tumingin sa akin. "Are you still trying to figure out pa'no mag-sorry sa akin tungkol sa ginawa mo noong araw na 'yon?"

I could see the subtle widen of his eyes before it became cold again. He pursed his lips at the same time he wanted to speak.

"Ginawa ko 'yon para sa'yo, Flare," sabi ko sa kanya. He looked away. He felt guilt, huh? "Flare, tumingin ka nga sa akin." This time, hindi na siya tumingin. Bumuntong-hininga ako. "Flare, alam kong nagi-guilty ka but I throw away all my dignity para lang mawala ang bisa ng drug."

"But you don't have to do that on that day. It's shameful for a woman to submit on someone so easily."

Ouch naman. Ang pride ko as babae nasaktan ah. But I understand him. Sa tingin ko, concern lang siya dahil kaagad-agad kong binigay sa kanya ang 'di dapat ibinibigay agad.

"And I am a stranger to you, but you still gave it to me without any hesitation." Tumingin siya sa akin. Bakas na sa mga mata niya ang kalungkutan. "Why you have to go that far to remove the drug that got onto me?"

I smiled. "Ako ang secretary mo, remember?" I caressed my thumb on his face. "I'll do my job properly."

Hinawakan niya ang kamay ko na nag-caress sa kanyang mukha. "You don't have to do that for me."

"But I did. At wala akong ni-regret, Flare," ani ko.

"You're confusing me."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?"

"Song thrush, I don't know anymore." Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya at lumayo sa akin ng ilang hakbang. His voice is soft yet it's somehow broken. "You're confusing me."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Now, I'm also confused.

"I don't know if I want to say this to you."

"Teka, tungkol pa ba 'to sa nangyari sa atin nung aphrodisiac accident or--"

"I think this would be clear if I could clarify my announcement to you."

I frowned. "Wait, announcement? Anong--"

"Mavis, I--"

"Bakit mo ako kina-cut off sa t'wing--"

"like you. Can I court you?"

Kaagad sumarado ang bibig ko. Natulos ako sa aking kinatatayuan at tumitig sa kanya. I felt my heart just skipped a beat.

H-Ha? A-Ano raw?

Then, as my heartbeat fast, my emotions completely shut down. "Sorry pero hindi ko kayang i-reciprocate ang nararamdaman mo, Flare," sabi ko. I tilted my head and smiled devilishly. "I want a partner, not romance."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko pero kaagad ko siyang narinig tumawa. Nagulat ako sa reaksyon niya.

Huh, that's weird.

"I figured out you would say that," sabi niya.

I smirked. I guess he isn't called a Sherlock Holmes of this university if he couldn't figure my answer beforehand.

Sa tingin ko, mas makakabuti na sa aming dalawa na hindi magkaroon ng kahit ano mong romantikong relasyon sa isa't isa. Hindi kami pwede. I'm different. He's different. Magkaiba ang mundong kinagagalawan namin. He's a mafia. I'm an assassin. If one day I have a mission to kill him, the feelings I had for him would be a bother.

"You will think that it is better off for me to not have any romantic feelings for you but you are wrong with one thing, Mavis."

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Itinaas niya ang kamay niya na nakataas ang isang daliri at may ngiti na mukhang mayroong pinaplano.

"I will still court you and you can't stop me."

~***~

"Ooh~ So, umamin na sa'yo si Flare?"

Napairap ako. Kanina pa ako tinutukso ni Friar tungkol sa ikinuwento kong kaninang nangyari sa amin ni Flare. And she's still not yet finished.

"Kaso sayang 'no, hindi ka pumayag. Pero sa bagay, once na nakuha mo na ang isa sa mga Campus Boy, swerte ka na kasi 'di ka na nila papakawalan kung ikaw nagustuhan nila." She giggled after that.

At ano naman ang makukuha ko kung gusto ako ng isang Campus Boy? He still the same old Flare I know. Ang pagkakaiba lang, masyado na siyang caring sa akin.

"Mavis, here. Water."

And speaking of the devil, nandito na nga siya. Tumabi siya sa kaliwa ko kasi si Friar nando'n na sa kanan ko. Tinanggap ko ang tubig na bigay ni Flare at saka ininom 'yon. Ramdam ko ang malamig na tubig na dumaloy sa lalamunan ko.

"Thanks, Flare."

"You're welcome."

"My dear brother, may itatanong pala ako sa'yo!" sigaw ni Friar sa kanya habang kumikinang pa ang mga mata. "Well, nagustuhan mo ba ang first experience mo kasama si Mavis?" Tinaas-baba pa niya ang kilay niya bilang panunukso sa kanyang kapatid Napairap uli ako.

"I am still mad at you and that smug to take advantage of me," he closed his eyes and leaned on the bench, "but I'll admit it satisfied me very much."

I gasped in disbelief. I could feel my entire face reddened. "Flare!" sita ko sa kanya.

He opened one of his eyes and smirked. "What? Is helping me not satisfy you at all?" inosente niyang tanong ngunit alam na alam ko na may iba siyang ibig sabihin do'n.

Masama ko siyang tinitigan at humalukipkip. "I hate you."

"I could assure that I have the opposite feelings for you, song thrush."

Tumingin ako sa ibang direksyon. Gosh, this man's smooth talks! Iba talaga siguro kung may gusto ako ang isang tao 'no. Nakaramdam ako bigla ng may umakbay sa akin at tumingin ako sa direksyon ni Flare. There's a smirk plastered on his lips. Tch.

Tinanggal ko ang braso niya na nakaakbay sa akin at tinaasan siya ng kilay. "And what do you think you're doing, mister?" mataray kong tanong.

"Courting you," saogt niya.

"Sabi kong ayoko 'di ba?"

He glanced at me. 'And I told you that you can't stop me."

"Ows... LQ na agad. LQ~" rinig kong pasigaw na bulong ni Friar. Tumingin ako sa kanya at masamang tiningnan siya. Ngumisi lang siya sa akin at may gana pang i-thumbs up ako.

Napairap ako at tumingin ulit kay Flare nang may matalim na tingin.

"Huwag mong asahan na sasagutin kita dahil magaling ka magsalita. I'm not into guys with just talk."

He tilted his head and smiled. "Noted, my Hera."

Hmph. Por que't mayaman, gwapo, may pera, at kaya bilhin ang lahat ng gusto ko, it doesn't mean that he could sway me. He's still an immature boy that is to-be-mafia-boss someday and I would not f*cking falling for his charms.

"Line up! Hiwalay ang lalaki sa babae!" narinig kong utos ng teacher.

"Well then. See you later, song thrush," sabi ni Flare at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa pila ng mga lalaki.

Napailing-iling na lang ako at pumwesta na rin ako kasama ang iba kong babaeng kaklase. Height by height ang naging format ng linya. Mas maraming babae kesa lalaki kaya naman nilipat ang isa sa amin sa mga lalaki para pantay ang bilang.

"Oh, akala ninyo magiging ka-partner ninyo ang mga katapat ninyo? Nagkakamali kayo. Ako ang pipili ng makakalaban ninyo."

" 'Cher," tawag ng isa kong kaklase na lalaki. "Ano po ba ang gagawin natin?"

"Mag-a-arnis tayo," sagot ng aming guro. Nagulat ang lahat at nagsibulungan. "Silence!" Nanahimik ang lahat. Ma' am cleared her throat. "So, alam niyo naman ang mechanics kapag ganito ang P. E. natin 'di ba? Ang ma-i-injured, ipapadala sa FC (Ferris Clinic). Gets?"Tumango ang lahat."Now, ganito ang magiging mechanics natin sa arnis. Ang mabubunot ko na pangalan sa maliit na dalawang wallet na ito..." Naglabas siya ng dalawang wallet mula sa kanyang bulsa: isang blue at isang red. "... ay siya ang unang maglalaban. Swertehin kung hindi ang sarili mo ang mapili. Lima lang ang maglalaban ngayong araw. Sa susunod na ang iba hanngang sa matapos natin 'to."

Groans and complains are engulfed in the whole gymnasium. Pati ako'y napasimangot. Seriously?! Eh, ano pa ang kuwenta ng pila?

"Let me call one student," sabi niya at lumingon sa akin. "Ms. Throver, come here." Napabuntong-hininga ako bago lumapit sa teacher. "Bunot ka ng isa sa bawat wallet." Bumunot ako ng tig-isa sa bawat wallet. "Ngayon, basahin mo ang pangalan na nakasulat."

Binasa ko muna ang nasa pink na papel. "Friar Furrer," basa ko. Lumingon ako kay Friar at nakita ko siyang nakasimangot. Napa-peace sign ako at binasa naman ang isa na color blue ang papel. "Joshua Conanan." Lumabas mula sa pila ng mga lalaki ang binanggit ko na pangalan.

"Salamat, Ms. Throver. Maaari ka nang bumalik sa puwesto mo kanina." Inintay muna niya akong bumalik bago ulit magsalita. "Ms. Furrer and Mr. Conanan, punta kayo dito sa harapan."

Matapos nilang pumunta sa harapan, nagtanong bigla si Friar. "Ma'am, nasaan na po ang arnis sticks? At tsaka po ang floor mat? Bawal po kaming maglaban hangga't ala 'yong mga tamang materyales sa P. E. na' to. Baka po gusto ninyo ipaalam ko pa po ito kay Daddy namin ni Flare na Tito po nina Lucas Freed, Twilight Niqui Romero, Throne at Tyrone Montenegro, ni--"

"Oo na, oo na," bulalas ng aming teacher at namula ang kanyang pisngi. "Hoy, Mr. Fernan! Kunin mo nga ang arnis sticks sa tambakan, sumama na rin ikaw, Mr. Freed!" pautos na sigaw ng aming P. E. teacher.

Sumunod si Mr. Fernan pero si Lucas ay nanatili sa puwesto niya at tinuro ang kanyang sarili. "Bakit kasama pa ako?" tanong niya."Eh, malamang tutulungan mo si Mr. Fernan. Alam mo namang kalansay ang kaklase mong iyon."

"Tss... Nanlait ka pang bruhilda ka," sagot ni Lucas.

"What did you say, Mr. Freed?" mataray na sambit ng teacher.

"Lucas, don't you dare," rinig kong sabi ni Friar nang may matalim na tingin kay Lucas.

Lucas glanced on her way but still gave a sharp stare at the teacher. "Ang sabi ko, bruhilda, nanlait ka pa. Mr. Fernan looks like a skeleton pero kayang-kaya niya magbuhat ng mabigat. Responsibilidad mo ayusin agad ang pangangailangan sa subject na tinuturo mo bago gawin ng mga estudyante ang school activities mo 'di ba?"

"Kung gusto mo magreklamo, Mr. Freed, idaan mo 'yan doon sa Council. I would not tolerate your act in front of a teacher."

"Oh, baka nakakalimutan mo rin, bruhilda. Part po ako ng SSC."

"And if so, you should act like one."

"I am acting like one. Hindi mo lang nakikita kasi nasa isip mo sumasagot ako sa'yo." Napabuntong-hininga siya. "It hurts to know the truth, yea?"

"Lucas!" I flinched as I heard Friar shout. I saw Lucas flinched as well, slowly turning his head to Friar. Kitang-kita niya ang galit na mukha nito. "Don't make myself warn you. Stop now."

Flare looks scared but then he turned his head towards the teacher again. "If I ever get an information na ginagawa mo pa ang panlalait sa ibang estudyante habang nasa klase nila kayo, I will not hesitate to report you and made Tito fire you immediately, woman. Oh! And for my beloved princess," tumingin siya kay Friar nang may ngiti sa labi pero ramdam mo ang inis galing sa talim ng kanyang pagkakatingin, "hindi ko nirerespeto ang mga taong hindi rumerespeto sa ibang tao. Carve that in your head, beloved."

Pagkatapos no'n ay inaya ni Lucas si Fernan na kuhanin ang mga gamit mula sa tambakan.

"I shall volunteer in helping them," sabi ni Flare na ikinagulat ko. Nakataas ang kanan niyang kamay habang nakatingin sa teacher.

Narinig kong huminga ng malalim ang teacher. "Thank God may mabuti pang bata na rumerespeto sa teacher."

"I would not consider myself as mabuti, Mrs Yerquel Santiago." Ibinaba ni Flare ang kanyang kamay habang nagsasalita sa kanyang same monotone na boses. "I shall speak on behalf of my companion that has spoken to you very violently. Be a normal teacher, not a mocker." At saka siya sumunod kina Lucas at Fernan sa tambakan.

Full of whispers engulfed in the whole gymnasium. Naririnig ito ni Mrs. Santiago. Kitangkita ang pagkapikit ng kanyang mga mata, pagkuyom ng mahigpit ng kanyang mga kamay, at ang pamumula ng kanyang mga mukha na parang kamatis.

"Silence!" Nanahimik ang lahat nang marinig ang sigaw ni Mrs. Santiago. "Ganyan ba kayo rumespeto sa teacher ninyo? Nagbubulungan? Nagchichikahan?"

"Be a normal teacher and we'll respect you after!" sigaw ng isa naming kaklase sabay tawa. Tumawa na rin ang lahat.

Mas lalong namula sa galit si Mrs. Santiago. Nakabalik na sina Flare, Lucas at Fernan dala-dala ang arnis sticks at ang floor mat. Inayos nila ang floor mat sa sahig at ibinigay ang bawat arnis sticks sa, mga estusyante bago bumalik sa kanilang mga puwesto.

Nakita kong bumuga nang hininga si Mrs. Santiago. Maybe to calm her nerves a little bit before talking.

Ginawa nina Friar at ng kalaban niya ang sinabi ni Mrs. Santiago. Pagkatapos niyon ay nagpakita sila ng stance bago umatake sa kalaban.

Si Conanan ang unang naka-atake. Winasiwas niya ang kanyang arnis papunta sa ulo ni Friar ngunit nasagi iyon ni Friar gamit ang kaliwa niyang arnis. Binigyan niya iyon ng puwersa kaya malakas ang pagkakalayo nito sa kanya. Nag-isang hakbang siya at bumwelo bago winasiwas ang kanyang kanang arnis stick sa kalaban niya. Natamaan si Conanan sa kaliwangbraso.

Nagsigawan ang lahat. Ang iba ay napatakip sa kanilang mga mata, ang iba nakanganga ang mga bibig. Napangiti naman ako nang makatayo si Conanan.

Sinugod niya si Friar gamit ang kanang stick ngunit nailag na naman ito ni Friar. Umupo si Friar at gamit ang kanang arnis stick, buong puwersa niyang itinama iyon sa pulsohan ni Conanan.

Napasigaw sa sakit si Conanan at tumalsik ang arnis stick na hawak niya sa kanang kamay sa labas ng floor mat. Kaagad niyang nabawi ang balanse at hinawakan ang nag-iisang arnis stick niya bago sumugod kay Friar.

Nagulat kami nang binato ni Friar ang isa niyang arnis stick at pumosisyon. Hinawakan niya gamit ang kanyang dalawang kamay ang dulo ng arnis stick; humakbang paatras at inilayo ang kanang paa sa kaliwang paa bago tumingin ng matalim kay Conanan.

Ganoon lang ang kanyang posisyon habang iniintay ang pabulusok na atake ni Conanan malapit sa kanyang mukha. Pumikit siya at parang bumagal ang buong paligid sa kanyang sunod na ginawa.

Hinakbang niya ang kanyang kanang paa paharap; naiwasan ang atake ni Conanan, at ipinalo ang arnis stick sa likod ng leeg nito. Natumba si Conanan at nabitawan ang kanyang arnis stick. Saktong dumilat si Friar niyon at nag-bow bago umalis sa loob ng floor mat.

Tumingin siya sa huling pagkakataon at ngumiti sa wala nang malay na Mr. Conanan. "Sorry, Frederic, pero kailangan kong gawin iyan. 'Di bale, magigising ka rin mamaya." Bago lumapit sa amin.Napanganga naman ang lahat ngunit napatikom sila ng kanilang mga bibig at mga hindi umimik habang nakatingin sa amin.

"Good job," sabi ni Lucas at nagtaas siya ng kamay. In-appear-an naman ni Friar si Lucas bago humarap sa akin.

"So, how's my performance?" tanong niya sa akin."It's--"

"Very formal," rinig kong sabi ni Flare habang pumapalakpak ng mabagal. "And very you," dagdag niya. "I really expected that you will going to use that kind of stance, Fri. Preferably because you are, addicted in too much Chinese action movies in YouTube."

Dinilaan siya ni Friar. "Who cares 'bout your opinion? Hindi ka naman ang tinatanong ko," pambabara niya at lumingon sa akin. "So, ano sa palagay mo?"

"Hmm..." ani ko na kunwaring nag-iisip. "... Very good. Amazing. And of course, really clean. Walang halong daya iyon ah."

Itinaas niya ang kanyang dibdib, kamao ang kanyang kamay at inilagay iyon sa dibdib. "Siyempre! Ako pa," sabi niya sa baritonong boses.

Natawa naman kaming tatlo ngunit natigil ito nang i-announce na ang sunod na maglalaban.

"Mr. Flare Furrer," anunsyo ni Mrs. Santiago at bumunot sa red na wallet. "And Ms. Mavis Throver."

Napaawang ang aking labi at napatingin kay Flare na siyang binigyan ako ng nanunuksong ngiti. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Kaagad ako nag-iwas ng tingin nang may nararamdamang inis.

Sh*t! Bakit ba ako kinakabahan? Ang lalaking 'yon, pinapakaba ako? Ha! Never!

"Good luck to you, song thrush."

Nanayo lahat ng balahibo ko mula paa hanggang ulo na akala mong kinuryente ako nang bigla kong marinig ang boses niya malapit sa akin. Napatingin ako sa likuran ko at nakita siya roon nang may ngiti sa labi. Kaagad akong humakbang palayo sa kanya.

"B-Bakit ka nasa likuran ko?" nauutal kong sambit.

"Oh, is it inappropriate to stand behind a woman? I apologize, song thrush."

I pouted. "F*ck you," bulong ko sa kanya.

He smirked and mouthed, "Love you back." At nilagpasan niya ako.

Naramdaman ko na namang namula ang buong mukha ko. Damn his sweet talk! Suddenly, I felt someone grabbed my hand. Napataas ako ng tingin at nakita si Flare.

"Come," rinig kong sabi ni Flare at hinila ako papunta sa "stage" kung saan kami maglalaban. "You don't want another sh*tty words coming out of that mocker's mouth, do you?"

Tinutukoy niya si Mrs. Santiago. Natawa ako at napailing-iling na lang sa kanyang sinabi. Hindi niya pinagsiklop ang mga kamay namin pero nakarinig pa rin ako ng bulungan tungkol sa amin.

"Uyy! Tingnan niyo magkahawakan sila ng kamay!"

"Ang landi talaga ng babaeng iyan! Pati bebe ko inaagaw!"

"Oo nga! Nang-aagaw ng idol, ginawa pang jowa! Napakalandi!"

"Akala mo kung sino. Eh, hindi pa nga siya nakakapagpaalam sa may-ari ng school eh. Tapos, lalandiin na niya ang anak."

Napayuko at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Flare. Pinipigilan ko na tumulo ang luha ko sa sobrang galit.

Ang pangungutya sa isang tao para mapatumba sila dahil sa kagustuhan mong ikaw ang nasa posisyon nila. How cruel the world is. Ito ang pinapairal ng mga taong mayroong desperadong pagnanasa na makuha ang kagustuhan nila. Ang pagtapak sa ibang tao at pagpaparinig pa ng masasamang salita ang napili nilang strategy. Hindi ba sila nakukuntento sa kung anong meron sila sa buhay nila?

"Don't mind them," rinig kong bulong sa akin ni Flare. Napataas ako ng tingin sa kanya. "Human beings tend to say or do something 'cause of jealousy. Guess our types is smart yet a crazy lot."

Natawa ako sa kanyang sinabi. Ngumiti ako sa kanya at sinabi, "Thank you. That made me feel better."

He gave me a subtle smile. Kinuha na namin ang mga arnis at pumunta na sa loob ng floor mat. Magkatapat kami at humakbang ng isa palayo sa isa't isa bago yumuko. Pumosisyon kami at nag-stance.

Ngumisi sa akin si Flare. "You're going down, Mavis Lia," sabi niya.

Ngumisi ako pabalik. "Come. Try me, Flare Furrer."

Nawala ang ngisi sa kanyang labi and it became a thin line. His sparkly eyes became dull and gray while looking at me,but it quite unusual. His eyes were much darker, like a predator going to pound in its prey.

In a minute, he pushed himself forward to plunge into me. He swang his left arnis stick to me but I hurriedly swang my right for shield. He smirked. He pushed himself back and plunge again. This time, he turned his body clockwise and swang his left arnis stick downward, centered in my forehead but I managed to blocked it with my left and swang my right right into his left hip. He pulled himself back and I saw his face crinkled up while putting his hand to his left hip

I felt guilty. I was about to go towards him when I saw him stood up and smirked before plunging again to me. This time, I couldn't defend myself because he was too fast. He turned his left arnis stick right in my right leg.

I felt a stinging pain in that area and tried to not notice it hurts. I looked at him to see him motioning for me to attack him. His eyes literally saying danger.

I smirked and stood up, not minding my hurt leg. This time, I am the first one to attack. I ran fast to him and drift behind when he was about to attack me by his left arnis stick. His eyes widened and looked back at me but it was too late for him.

I jumped and swang my right arnis stick downwards, at the same time I swang my left to the right.

I heard him groan and the clanking of his sticks and at the same time, my eyes widened as I heard a shout from afar.

"Sh*t..."

###