Mavis' POV
Two weeks. Two weeks had passed after that scenario that happened to the old senior high building and the escape in the mansion.
There's no spilling of blood but I wish I could just kill without remorse at the time I was alone with Felicity to just get rid of the Castell Organization's pawn.
And as I remembered blood, I still remembered it. The day I just saw red, something snapped in my head, someone whispering in my ears, and something I experienced unexpectedly in my young age.
I was young back then, five years old to be exact. I was small, thin, and having slender arms and legs. I looked weak, a crybaby, and a stubborn child who always escaped to her parents' lair.
Pasaway na bata ako. Palagi na lang akong tumatakas. Nilulusutan ko palagi ang guard t'wing sakto na hindi siya lumilingon sa direksiyon na gusto kong takbuhan. I find myself so lucky everytime I escaped him.
Palagi akong pumupunta nang mag-isa sa parke para makipaglaro sa mga bata but I never felt so fun. No one ever plays with me until one boy came and help me stood up when some bullies pushed me forcely and telling me, "Ang panget mo! Umalis ka dito! Hindi nababagay ang isang tulad mo na makipaglaro sa amin!"
I wanted to fight them but I can't.
But thanks to the boy who helped me stood up, I found myself hoping that I could be friends with him and I'm not wrong.
Naging kaibigan ko siya. We are best of friends. Palagi siyang pumupunta sa bahay ko para makipaglaro. At first, ayaw nina Mommy dahil daw baka isang batang kalye na nagnanakaw lang ng mga gamit ang kaibigan ko pero kinumbinse ko sila na hindi ganoong tao ang kaibigan ko.
We play and play. I felt more alive than before. Naglalaro kami ng panlalaki at pambabae na mga laruan. We're just balancing each other's taste on children's games. Tinuruan pa nga niya ako mag-chess, maglaro ng rubik's cube, at maglaro ng basketball.
Hindi siya nag-alinlangan na puntahan ako parati kahit na naikukuwento niya sa akin na napapagalitan na raw siya ng mga magulang niya sa kakalabas at paggagala parati.
Minsan nga raw, tumatakas na lang siya at hindi na nagpapaalam para hindi siya halata na umalis sa kanila pero 'pag dating niya sa bahay, isang sigaw na naman mula sa nanay niya ang abot niya at isang palo ng sinturon sa pwet mula sa kanyang ama.
Nakonsensiya ako ng mga panahon na iyon dahil naturuan ko siyang tumakas ng bahay na hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang kaya nagpadala ako ng sulat sa kanya na huwag muna siyang pumunta ng ilang linggo sa bahay para hindi na siya masaktan.
Pero ang kulit ng batang iyon. T'wing mag-a-alas kuwatro ng hapon, palagi siyang nagbabato sa bintana ng kuwarto ko ng maliit na bato at kumakaway parati sa akin. Napapangiti naman ako dahil sa simpleng bagay na iyon pero may halo pa ring pag-aalala ang aking nadarama sa t'wing gagawa siya ng ganoong bagay.
At naaawa ako sa sarili ko na baka ako pa ang masisi sa huli nang pagtakas at paglabas niya sa bahay nila.
Until the day comes na hindi na siya muling nagparamdam sa akin. I felt gloomy in those days na hindi na siya nagparamdam. Habang pa tagal nang pa tagal, unti-unting nawawala ang pag-asa kong makita siya sa tapat ng bahay, kumakaway sa akin habang ako'y nakatayo sa tapat ng bintana.
Weeks had passed. And no signs of him. Wala man lang ni anino niya ang nakikita ko. Nawalan na ako ng ganang hintayin siya. Kaya bumalik ako sa dati.
Tumakas ako muli sa bahay, like I always did. Pumunta muli ako sa parke kung saan ko siya nakilala pero iniwasan ko ang playground kung saan niya ako tinulungan tumayo ng mga panahong iyon.
Nilampasan ko iyon pero hindi ko maiwasang makita na makita siya sa lugar na iyon kaya napalingon ako. Parang nadurog ng milyon-milyon ang damdamin ko nang makita ko siyang may kalarong iba.
Isang batang babae. Mahaba ang kanyang buhok, kumikinang ang kanyang mga mata, at maganda siya. Nakasuot siya ng isang peach na dress at matching na sandals. May ribbon na malaki na nakalagay sa buhok niya.
Bakas sa mga mukha nila na masaya sila sa kanilang paghahabulan. Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita ko siyang tumakbo kasama ang batang babae sa iba pa nilang kasama.
Mapait akong ngumiti habang tumulo ang isang patak ng aking luha sa aking pisngi.
Kaya pala hindi ka na pumupunta sa bahay. May iba ka na pa lang kalaro. Hindi mo na pala ako kailangan dahil may nagpapasaya na sa'yong iba.
Tumalikod ako at saka tumakbo palayo habang patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha sa aking pisngi.
Bumalik ako sa bahay at nadatnan ako ng isang yaya na umiiyak. Tinanong niya ako kung bakit daw ako umiiyak pero hindi ko iyon sinagot. Sa halip ay bumalik ako sa kuwarto ko at umiyak lang nang umiyak.
Ten weeks bago ko unti-unting nakalimutan ang nakita ko sa parke. Nagsimula na rin akong makipaglaro sa ibang mga bata nang hindi siya iniisip, nang hindi siya inaalala kung ano na ba ang ginagawa niya sa mga araw na 'yon.
Until that day came...
FLASHBACK:
September 22
"Mommy! Mommy! Up! Up!"
Napalingon ako sa isang bata na nagpupumilit na buhatin siya ng kanyang ina. Nakataas ang pareho niyang kamay sa ere habang nagmamakaawa na nakatingin sa kanyang ina.
"Honey, Mommy can't carry you. I'm pregnant," sagot ng kanyang ina dahilan para umiyak siya. "Oh, honey. Don't cry. Please, don't cry," pagpapatahan niya rito pero hindi pa rin ito nagpatinag. Umiyak ito lalo.
Halos lahat ng tao na nasa train station ay tumitingin na sa mag-ina. Tumahan lang ang bata nang buhatin siya ng isang lalaki. Lumapit ito sa ina ng bata at hinalikan ang mga labi nito.
I cringed at the thought of it.
The woman smiled. "Salamat at nandito ka na, Elfos," sabi ng ale. Tumingin siya sa bata na kanina'y umiiyak na ngayon ay pinaglalaruan ang naka-top knot na buhok ng kanyang tatay. "Si Eroll kasi, nagpapabuhat. Alam mo namang bawal iyon lalo na't pinagbubuntis ko ang anak natin."
Anak? I thought before. So, he is just his second husband and he is not the boy's biological father?
Hinalikan na naman ng lalaki ang labi ng babae." I know," sabi nito at tumingin ng malamlam kay Eroll. Hinalikan niya ito sa tungki ng ilong nito at nag-giggle ang bata. "Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ako ang tunay na ama ni Eroll."
I knew it! He is not Eroll's biological father at all!
Ngumiti ang babae at hinalikan ang lalaki sa pisngi bago sila mawala sa paningin ko nang maglakad ang napakaraming tao sa harapan ko.
"Lia." Narinig ko tinawag ang pangalan ko kaya napalingon ako pataas. Nakatagpo ang mga mata namin ni Mommy. "Come on."
Tiningnan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at tumango ako. Hinawakan ko iyon at sabay kaming pumasok sa tren.
Pagkapasok namin sa tren, halos wala nang maupuan sa dami ng taong naroon. Buti na lang at nakahanap ng mauupuan si Mommy at umupo kami roon.
Tumitingin-tingin ako sa magkabilang gilid ng tren, kung sakaling makita ko man ang hinahanap ko. Nang hindi ko ito makita, nag-aalalang napatingin ako kay Mommy.
I pulled the hem of her shirt, making her look at me. "What is it, Lia?"
"I can't find Daddy," reklamo ko and pouted.
Mommy just smiled and looked to something. I frowned as curiosity build up so I looked where Mommy is looking. My eyes widened as I saw Daddy coming towards us, carrying a handbag over his shoulders, smiling widely.
"Daddy!" I squealed. Hindi ko mapigilan na tumakbo papunta sa kanya at niyakap ang kanyang hita.
I heard Daddy laughed at binuhat niya ako bigla kaya napasigaw ako. But I stopped screaming when I felt his lips on my cheek.
"How's my baby girl?" Kiniliti niya ako dahilan para tumawa ako.
"D-Daddy, stop! It tickles! Haha!"
Tinigilan ni Daddy ang pagkakakiliti sa akin at lumapit kay Mommy habang hawak pa niya ako gamit ang isang braso. Nakapalupot ang mga braso ko sa leeg niya para hindi ako mahulog.
Nang makarating na si Daddy kay Mommy, hinalikan niya ito sa labi at tumakbi dito, at kinandong ako sa kanyang kandungan.
"Bakit ka na naman late, Vicente? Ha? Kanina ka pa namin hinihintay ni Lia," nag-aalala na sambit ni Mommy. "Kanina ka pa hinahanap ni Lia. Pati ako pinag-alala mo."
"What? Is it my fault na na-traffic ako sa EDSA?" Tinuro ni Daddy ang kanyang sarili. Hinampas naman siya ni Mommy sa braso dahilan para mapa-igik si Daddy sa sakit. "Ouch! What's that for, Malia?"
"Eh, parang ako pa ang sinisisi mo sa pagiging late mo. Kung sana nagmaneho ka ng mas maaga at tinapos mo na ang naka-assign sa'yo na kaso kaninang madaling araw, sana makasabay ka pa sa amin."
"Eh, bakit mo ba kasi ako hindi inintay?"
"Para maparusahan kita na huwag na lang puro mamaya nang mamaya. Puro ka mamaya, baka pati ako at si Mavis mamaya mo na rin aasikasuhin."
Napanguso si Daddy at niyakap si Mommy. "Mahal naman, sorry na. Pagod lang talaga kasi ako kaninang madaling araw. Nakipaglaro pa ako kay Mavis at pinatulog siya. Alam ko naman kasi na ayaw mong makita si Mavis na gising hanggang alas dos ng umaga 'di ba?"
Ginaya ko ang pagyakap ni Daddy kay Mommy at napanguso. Natawa siya sa 'king ginawa at niyakap kaming parehas ni Daddy.
Suddenly, the train moves. Daddy hugged me tighter and Mommy held my hand tight while she hugged my Dad and I securely.
The train starts accelarating slowly until it goes faster in speed.
Nang hindi na nakakalula ang takbo ng tren, kumalas na kaming tatlo sa pagkakayakap sa isa't isa at napabuntong-hininga.
Nagkatinginan kami at napangiti sa isa't isa.
Tumingin sa akin si Mommy at nagtanong, "Ayos ka lang, anak?"
Tumango ako at tumingin sa buong kabuuan ng loob ng tren.
Normal ang ginagawa ng mga tao. Nag-uusap sa kung ano-anong bagay na walang kinalaman sa isang tulad ko.
Pero may isa akong nahalata na kahina-hinala. Isang grupo na naka-itim na tila nagmamasid sa palagid ng tren; tinitingnan ang bawat tao na nasa loob ng tren. Sila'y mga nakasuot ng itim na cap at itim na eyeglasses. Naka-mask sila para hindi halata ang kanilang mga itsura sa buong mamamayan.
Napatingin ako sa isang tauhan nila na naka-mask at glasses din ngunit siya ay kakaiba sa lahat na naroon. Napansin ko na may nakasuot ng itim na mga guwantes sa kanyang kamay abot sa kanyang pulsohan.
Nakatitig lang ako sa kanya. Minamanmanan ang bawat galaw niya. Nakatingin siya sa ibang direksiyon kaya hindi niya ako ganoong napapansin. Marami ding tao ang nakatayo sa puwesto ko kaya hindi man lang ako halata sa paningin ng iba dahil maliit naman ako.
Nakita kong palingon-lingon siya sa kaliwa't kanan niya at may kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon. Pagkahablot niya niyon ay isang cellphone. Mayroon siyang parang tina-type na numero bago ito ibinalik sa bulsa ng pantalon niya.
Nakakapagtaka. Bakit mayroong grupo na mga naka-itim dito? Isip-isip ko. Anong kailangan nila? Ano ang hinahanap nila sa tren na ito?
Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Kaya naman nung sakto na ibinaba ako ni Daddy, nagpaalam ako na titingnan ang aking nahulog na laruan sa buong tren, kahit wala naman sa simula pa lang.
Marami tao kaya naman nakapunta kaagad ako sa gusto kong puwesto. Pinapaupo ako ng isang may edad na na lalaki sa kanyang inuupuan ngunit bago pa siya tumayo, tinanggihan ko na ang kanyang offer, nagpasalamat, nagpaalam at medyo lumayo sa kanya.
Humanap na muli ako ng ibang mapupuwestuhan at tumayo roon at nagmasid sa lalaking kakaiba ang pananamit.
Palingon-lingon ang iba niyang kasama samantala siya ay nakapilig lang ang kanyang ulo sa isang direksiyon. Sinundan ko ang kanyang tingin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatingin siya kay Daddy. Napakunot bigla ako ng aking noo.
Anong plano niya kay Daddy? tanong ko sa 'king sarili.
Lumingon muli ako sa kanya. Napaawang ang aking labi, nanlaki ang aking mga mata, at nilukob ng takot at kaba ang aking buong pagkatao; Nagsitayuan lahat ang balahibo sa buo kong katawan nang makita siyang nakangisi at nakalingon ang kanyang ulo sa akin.
Hindi ko maaninag ang kanyang mata dahil sa sobrang kapal ng tint ng kanyang suot na glasses pero alam kong deretso siyang nakatingin sa akin.
May kung ano sa ngisi niya na nakakapangilabot hanggang kalamnan. Pero hindi ko iyon maunawaan.
Hindi ko napansin na nagkatitigan na kami nang biglang huminto ang tren. Puwersa akong natumba dahil sa biglaang paghinto at napaupo.
Pagkataas ko ng tingin, wala na sa puwesto ang lalaking kanina kong tinitingnan. Tumingin din ako sa buong paligid. Wala na rin ang kanyang mga kasama.
Tumayo ako at pinagpag ang aking dress bago bumalik sa puwesto namin nina Daddy at Mommy.
Nahirapan akong bumalik dahil nagsisigdagsaan ng lumabas-pasok ang mga tao sa tren. Kailangan ko pang sumiksik sa mga tao para lang makatawid.
Nang makalampas na ako, nakita ko sina Mommy at Daddy na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila.
Mommy opened her arms wide at tumakbo ako palapit sa kanya. Niyapos niya ang kanyang mga braso sa akin ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.
Tinapik-tapik ko ang kanyang likod gamit ang maliit kong kamay. "M-Mommy... Can't... breathe..."
Kaagad kumawala si Mommy sa pagkakayakap at umupo para magka-level lang ang aming mukha. Nag-aalala ang kanyang mga mata na nakatuon sa akin.
"Where have you been, Lia?" tanong niya.
"Just..." Tumingin ako sa direksiyon na kaninang nakatayo ang lalaki. Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti "...playing."
"Nahanap mo ba ang laruan mo, Lia?" tanong ni Daddy.
Umiling ako. "No," sagot ko at nangangahulugang tumingin kay Daddy. "But I find something more interesting."
Para namang na-gets ni Daddy dahil biglang lumiwanag ang mga mata niya sa excitement.
Napansin naman iyon ni Mommy dahil sinamaan niya ng tingin si Daddy at binatukan. Napayuko naman si Daddy dahil sa puwersa at umupo ulit ng maayos habang hawak-hawak ang batok.
"Para saan ba 'yon ha, Malia?" nagtatampong tanong ni Daddy. "Bakit mo ako binatukan?"
Tumayo si Mommy at sinukbit ang kanyang shoulder bag sa kanyang balikat. Sinamaan niya ng tingin si Daddy at tumalikod dito.
Binuhat niya ako at binigyan ng huling tingin si Daddy bago namin siya iniwan.
Nakita ko si Daddy na gulat ang ekspresyon habang nakaawang ang kanyang mga labi.
Huli kong nakita bago mawala sa paningin ko si Daddy ay nagmamadali niyang kunin ang mga gamit na iniwanan namin pareho ni Mommy at saka nagmamadaling tumakbo papalapit sa amin.
Napalingon ako sa dinadaanan namin at nakita ko na papalapit kami sa isang bench ni Mommy.
Inupo niya ako roon nang makalapit na kami sa bench. "Listen, Lia. I want you to wait here. Babalik ako sa Daddy mo para tulungan siya."
Tumango ako. Hinalikan niya ako sa korona ng aking ulo bago ko siya hinayaang umalis at unti-unting nawawala na si Mommy sa 'king paningin.
Habang wala si Mommy, nakatingin lang ako sa kawalan; binibilang kung ilan ang taong dumadaan sa harapan ko.
Hanggang sa...
" 'Nak, tara na." Napataas ako ng tingin. Akala ko si Mommy ang tumawag sa akin pero nagkamali ako.
Isang ale. Itim ang kanyang wavy na buhok; nakasuot siya ng blouse na puti na naka-tuck in sa isang yellow checkered na pantalon. Pansin ko na naka-puti siyang sapatos.
Napakunot ako ng aking noo. "Hindi po kayo ang Mommy ko," sagot ko habang itinabingi ko nang unti ang aking ulo.
Pero hindi nagpatinag ang babae. Medyo nasa trenta lang ang kanyang edad. "Bata, bibilhan kita ng ice cream. Tara. Sama ka sa 'kin," aya niya.
Pero hindi ako magpapaloko. Umiling-iling ako. "Hindi po. Bawal po ako umalis dito. Promise ko po kay Mommy na magse-stay lang po ako dito."
Inilahad niya ang kamay niya sa akin at nakakaawang tumingin sa akin. "Aww... Ang sweet mo naman. Babalik rin naman tayo dito. Lilibre lang kita ng ice cream."
Umiling ako. "Ayoko po ng ice cream. Gusto ko po sina Mommy at Daddy ang makita ko."
"Nandoon sila oh." Tinuro niya ang opposite na direksyon. "Tara. Puntahan natin sila."
"Ate, masama pong mang-uto at manloko," sabi ko na ikinatigil ng ale. "Masama po 'yan."
Napabuntong-hininga naman ito at malungkot na tumingin sa akin. "Bata, nahuli mo na ako. Paano mo naman nalamang nanloloko ako?"
"Obvious na po kayo eh. Sa pananalita niyo pa lang po ng pag-aya, parang may binabalak na po kayo," sabi ko. "Siguro po may naghihintay sa inyo sa labas po, 'no? Puting van po."
Nanlaki ang mata ni ate. "Bata, paano mo nalaman na mayroong naghihintay sa akin? "
"Eh, 'di ba po nagki-kidnap po kayo ng bata? Kaya po kayo nandito, 'di ba?"
Napaawang ang labi ni ate kaso bago pa siya makapagsalita, may humawak sa kaliwa niyang pulsohan at mabilis nitong inikot ang braso nito at saka inilagay iyon sa likod ng babae. Napasigaw sa sakit ang babae.
"Police officer 'to. Huwag kang gagalaw!" aniya Daddy at may hinugot siyang baril mula sa kanyang pantalon. "You're under arrest!"
"Dad!" sigaw ko. Napatingin naman siya sa akin at bumaling muli sa babae. Tumuon ulit ang tingin niya sa akin. Naghahanap ng kasagutan. "Dad, nakausap ko na po siya. Kidnapper po siya."
Ang ibang mga tao ay nagsipagtigilan sa paglalakad at napatingin sa direksiyon namin. Ang iba naman ay nakaawang ang mga labi, parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
Tumango si Daddy at muling bumaling sa babae. Tinutok niya ang nguso ng baril sa sentido nito. "Ano ang pangalan ng grupo ninyo?"
"Ursula. URSULA QWERTY," sagot ng babae.
"Nasaan ang iba mo pang kasamahan?"
"Nasa labas. OW1234 ang plate number ng sasakyan," sagot niya.
Puwersang itinayo ni Daddy ang babae at kinaladkan siya na maglakad kung nasaan ang van.
Dahil mabait akong bata, sumunod din ako. Ewan ko kung bakit. Pakiramdam ko na-e-excite na naman ako.
Sinundan ko sila, sinisugarado ko na hindi ako napapansin ni Daddy. Bawat hakbang ko sinisigurado kong wala ni isang tunog na mailalabas.
Nang huminto sila sa tapat ng isang van na puti, nagtago ako sa isang malapit na sasakyan.
Nakita kong sinabunutan ni Daddy sa buhok ang babae at tinutok ang baril niya sa mukha nito, at may kung ano ang kanyang sinasabi na hindi ko maintindihan.
Halos maiyak na ang babae sa sobrang pagkahigpit ng gapos ng kamay ni Daddy sa kanyang buhok.
I frowned. I never thought that Dad would be this dangerous and too much harrasing. Minsan ko lang kasi siya nakikitang in-action; bihira lang kasi ako nasasama sa mga kaso na palaging kinasasangkutan ni Daddy.
"Hoy, bata!" Napalingon ako bigla sa aking likuran nang may narinig akong boses. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang aking nakita. "Anong ginagawa m--"
Napatigil siya at biglang tinanggal ang kanyang glasses. Napahakbang ako paatras nang lumapit ang mukha niya sa akin.
"Teka... Ikaw 'yong bata na nakatingin sa akin kanina ah."
Napalunok ako ng aking laway nang makita ko na ang kabuuan ng kanyang mukha. May isa siyang malaking pilat na hugis krus sa kanyang kanang pisngi at bulag na ang isa niyang mata.
Napangisi siya, at umupo dahilan para magka-level na ang mukha naming dalawa. Mas napaatras pa ako at nakaramdam na ako ng isang malamig na bagay sa likod ko. Pagkalingon ko, nakadikit na pala ang likod ko sa pinto ng kotse.
Napalingon ako sa lalaki at nilukob ako ng kaba nang makita ko siyang tumayo at lumapit sa akin. Napataas ako ng tingin nang makalapit siya sa akin.
"A-Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya.
Napasimangot naman ako. Alam niyo, minsan nakakainis ang lalaking 'to.
"Kinakausap kita nang maayos, Kuya Black."
Napatigil siya sa pagtawa at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. "Anong tinawag mo sa akin?"
"Kuya Black."
Natawa naman siya. Napakunot naman ako ng aking noo. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?
"Bata, ang dami mong alam," sabi ni Kuya na mas lalo kong ikinasimangot.
"Marami naman po talaga akong alam eh. Kaya kong ma-determine kung bad or good ang isang tao."
"Bata, hulaan mo nga. Anghel ba ako o kampon ako ng kadiliman o isang demonyo?" tanong ni Kuya Engot at tinuro ang kanyang sarili habang nakangiti nang nakakaloko.
Ha! Akala niya malilinlang niya ako sa pagsasalita niya sa akin ng mabait ah! He is just like the woman I met na kinaladkad ni Daddy papunta sa tapat mg van kanina.
"You are bad po," sagot ko.
Nawala, ang ngiti sa labi ni Kuya Engot at tiningnan ako; tingin na halos nakakamatay dahil sa sobrang dilim na ng korona ng mata niya.
"How could you tell?" tanong niya.
"I could tell lang po," sagot ko at tinuro ang umbok sa kanang gilid ng kanyang damit. "And you have a gun po sa kanang bahagi ng damit niyo po. Siguro po nakasuksok iyon ng mabuti sa pantalon ninyo pero po umuumbok pa rin po dahil sa hawakan ng baril."
Tumingin si Kuya sa naka-umbok na parte sa kanyang damit, inangat iyon at kinuha ang bagay na nakatago dito.
Hinugot niya iyon at tiningnan." Ahh... Eto ba?" Tumaas ang kanang kilay niya at saka kinaha bigla ang baril.
Tinutok niya iyon sa akin habang nakalagay ang forefinger niya sa trigger na kinagulat ko.
"Tell me more," sabi niya.
At dahil masunurin akong bata, sinunod ko ang gusto niya.
"You are a gangster. Not just an ordinary gangster. You are part of an illegal group called the mafia. Mafias do illegal things that includes illegal drugs— illegal drugs that was being imported from other countries hanggang dito po sa bansa natin. Pinapalusot niyo lang po ang mga gamit para hindi ito mainspeksiyon ng mga naka-assign na mga awtoridad na ito ay isang illegal na produkto. Your group's name was Ursula QWERTY. Isang organisasyon kung saan mayroon kayong pinipili na tao para inyong target-in. Hindi ko alam kung ano ang pinapakay ng grupo niyo po pero itigil niyo na ito hangga't maaga pa at mag-surrender na kayong lahat sa mga pulis para maitigil na ang kalokohang ginagawa ninyo. "
The man's head pulled back and he laughed loudly. Napakunot-noo naman ako. Baliw talaga 'to 'no?
"Bakit po kayo tumatawa?"
"Pinagloloko mo ba ako ha?" Bigla niya ulit timutok ang nguso ng baril sa akin dahilan para mapatigil ako. "Bata, masyado ka ng madaming alam. Dapat sa'yo, pinapatay na."
I felt my stomach had turned upside down.
Dapat sa'yo, pinapatay na...
I suddenly felt a flash of worry, fear, anxiety, and nauseous-ness. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.
Imagine myself; a five-year-old girl who is just dependent to her mother and father, has to be killed because I knew too much information.
Pero sa totoo lang, na-obserbahan ko lang ang mga sinabi ko sa kanya at saka narinig ko lang sa balita ang tungkol doon.
I never also thought I would talk and meet a person that was part of an illegal group called mafia.
Nakita kong kakalabitin niya na ang trigger ng baril. Napapikit ako ng aking mata para hintayin ang bala na dumapo sa akin when something snapped inside me.
Napamulat ako ng aking mga mata, and all I saw was red. And the next thing I know, I've been held up by someone, lay my body down on a soft cushion, while I was instantly paralyzed and unconscious.
~***~
Nagising ako at parang umiikot ang mundo ko. Umiling-iling ako bago ako tumingin sa buong paligid. Unti-unti, lumilinaw ang paningin ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lugar. Hindi iyon pamilyar. Malansa ang amoy na nalanghap ko at mukhang luma na ang buong kuwarto.
"Boss, anong gagawin natin sa bata?"
Narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"For now, bantayan ninyo muna ang batang iyan hangga't wala pa tayong alam kung paano natin mapapaslang ang batang iyan," sagot ng isang lalaki na may mababa na boses. Nakakatakot ang kanyang boses.
"Sige, boss."
Nakarinig ako ng mga yabag na papalayo, binuksan at sinarado ang pinto. Napahinga ako nang malalim. Ano ba itong kinasangkutan ko?
"Oh! Gising ka na pala." Napataas ako ng tingin at nakita ko ang nakakainis na ngisi ni Kuya Engot. "Anong pakiramdam mo?"
Kaysa sumagot ako, nagtanong ako. "Bakit ninyo 'to ginagawa?"
Tumawa siya. "Bakit namin' to ginagawa? Sa'yo?" Tinuro niya ako. Biglang nagdilim ang kanyang mga mata habang nakatingin pa rin sa akin at nagtiim ang kanyang bagang. "You almost killed me!" Dinuro-duro niya ako.
I frowned. "I'm confused."
Tumawa ulit siya. "You're confused? Well, I'm not. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang muntikan mong pagpatay sa akin! Kung hindi ka pa nakita ni Thanos na hawak ang baril ko at kakalabitin na ang gatilyo ng baril, sana patay na ako ngayon!"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko. Parang tila nabingi ako sa mga naririnig ko ngayon.
"Kung hindi pa naagaw sa'yo ni Thanos ang baril, sana napatay mo na kaming dalawa!"
My mind flashed back to what I did. All I remembered was I saw red, steal Kuya's gun and played with it. And then, I don't know the next thing I did.
But one thing is certain. "Sana nga napatay ko na lang po kayo," I blurted out na ikinagulat ni Kuya Engot.
"A-Anong sabi mo?"
"Sana po napatay ko na lang kayo," pag-uulit ko. "Para masunog na po ang mga masasama ninyong kaluluwa sa kumukulong tubig ng impyerno."
Tumawa ulit siya. "Mga demonyo na kami, bata. Hindi na kami masusunog sa mundo ni Satanas."
"Opo, kampon po kayo ng kadiliman pero po ibig sabihin po ba, kampi na po sa inyo si Satanas?" Napatigil siya. I smirked. "Hindi po lahat ng demonyo, naliligtas sa impyerno. Karamihan po, nasusunog doon para hindi na bumalik ang mga masasama nilang kaluluwa sa mortal na mundong ito."
"Aba, bata! Sumosobra ka na!"
Tinagilid ko ang aking ulo. "Bakit po? Hindi po ba totoo? Naiinis na po ba kayo sa mga pinagsasabi ko? 'Di ba po dapat po magpasalamat po kayo sa akin dahil sinabi ko po iyon dahil po kapag hindi ko po iyon sinabi, baka po hindi pa kayo magdalawang-isip na magbago, na mag-start ng bagong buhay."
"Bata, ilang taon ka na?" biglang tanong niya.
Nginitian ko siya. "Sa tingin ninyo po malilinlang niyo po ako sa pagbabago ng pinag-uusapan natin?" sabi ko. "Pero sasagutin ko na po kayo. Limang taong gulang pa lang po ako."
"Eh, limang taong gulang ka pa lang pala, bata. Dapat hindi ka sumasagot sa mas nakakatanda sa iyo."
"Wala po kayong pakialam sa mga gusto kong sabihin," wika ko na ikinagulat niya. "At bakit ko naman po kayo rerespetuhin kung hindi niyo nga po kayang irespeto ang ibang tao? Pinapatay ninyo pa nga po ang mga target niyo eh."
Magsasalita sana siya dahil binukas niya ang kanyang bibig pero tinikom niya ulit iyon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"At saka po, bakit ko naman po rerespetuhin ang isang mamamatay tao? Opo, alam ko na para iyon sa pamumuhay ninyo pero mali pa rin po ito. Kailangan niyo na pong tapusin ang kalokohang ginagawa ng Boss ninyo."
"Tumahimik ka--"
"Bakit naman po ako tatahimik kung ang mga sinasabi ko ay pawang katotohanan at hindi kasinungalingan? Wala po akong planong patayin kayo kanina kung hindi po ninyo ako tinakot at tinutukan ng baril. Eh 'di sana po, hindi po ninyo nakita ang demonyong ako."
"Bata, ang dami mong satsat--"
"Kuya Engot, hindi po bata pangalan ko, Mavis Lia Throver po," pamababara ko.
Huminga nang malalim si Kuya Engot. Nakita kong kumuyom ang kanyang mga palad na tila naiirita na. He really looks pissed and that made me satisfied.
Nagulat ako sa naisip ko. Satisfied? How come I become satisified when I saw someone pissed?
"At hindi Engot pangalan ko, kiddo. It's Eric," sabat naman nito.
"Eh 'di, Kuya Eric po," pambabara ko ulit na mas lalong ikinainis ni Kuya Engot-- este, Kuya Eric pala. "Eh, 'yong Engot at Eric naman po, parehong E naman po kaya wala naman pong pinagkaiba."
"Shut up!"
I small smile crept on my lips. "Oops! Did I pissed you off po, Kuya Engot?"
"I said shut up!" Bigla siyang may hinugot sa kanyang pantalon: isang baril at itinutok iyon sa akin.
Wala akong naramdaman kung hindi tuwa nang makita kong nakatutok sa akin ang baril.
Nakita kong napangisi si Kuya Engo-- ayy, Kuya Eric pala. "Scared, brat?" he asked. Natawa ako sa tanong niya. Napakunot siya ng kanyang noo sa inasta ko. "Why are you f*cking laughing?"
Umiling-iling ako at saka natawa ulit sabay sabing, "Kasi po nakakatawa po ang itsura niyo. Mukha po kayong clown."
"Aba-- Ikaw talagang bata ka! Ang dapat sa'yo nananahimik. Hindi nananabik sa kamatayan mo!"
"May sinabi po ba akong nananabik ako?" tanong ko habang tinagilid ang aking ulo. Halatang nainis siya. "Sa pagkakatanda ko po, wala naman po akong sinabin--"
"Just shut up!" sigaw niya. Tinikom ko naman ang aking bibig. "I had enough of you," sabi niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at saka tiningnan ang mukha ko. "Well, your face is such a beauty. Gusto kong sirain ang maganda mong mukha, alam mo ba 'yon?" Ngumisi siya. "Your precious face is precious like gold, fragile as porcelain even. Pwedeng-pwedeng sirain. Madaling wasakin.
"At' yong mga mata mo, ang sarap tanggalin." Ang mga labi mo naman..." Dinilaan niya ang kanyang mga labi dahilan para makilabutan ako.
Parang alam ko na ang gusto niyang gawin.
He leaned in and whispered to my ears, "...I want to kiss it."
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na nagwala sa aking pagkakatali.
"Hindi! Hindi! Hindi ako magpapa-rape sa isang inutil na tulad mo! Hayop ka! You are so f*cking dead!"
"Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. Mavis, Mavis, Mavis, tinuturuan ka ba ng mga magulang mo nang tamang mga salita? Bawal sa bata ang magsalita ng bad words, alam mo ba 'yon?"
"You made me f*cking pissed off. You' ll be so dead, Eric."
"Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. At wala ka ring galang."
"Paano nga ba ako magbibigay-respeto sa isang tulad mo? Murderer na nga, rapist pa. Baka kidnapper ka pa nga at isang magnanakaw eh. 4 in 1 na," sabi ko habang nagtitiim ang aking bagang.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Bago pa siya makapagsalita, narinig kong bumukas ang pinto na nasa likuran kaya naman napatingin doon si Kuya Eric.
"Uyy, pre. Anong ginagawa mo diyan sa bata? Sabi ni boss huwag daw siyang galawin ah," rinig kong sabi ng isang boses.
"Hindi ko naman siya ginagalaw, pre. Don't worry." Tumingin siya sa akin and he locked eyes with me. I stared at him, emotionless. "Ligtas sa akin ang batang 'to."
"Ikaw bahala, pre. Tawag na tayo ni boss. Maghahapunan na raw."
Lihim akong nagulat. Hapunan? Gabi na pala? Narinig ko ang pinto na sumarado.
Nakatingin pa rin ako kay Kuya Eric na nakatingin sa akin ng seryoso ngunit kapagkuwan ay ngumisi siya.
"Don't worry dahil ang mga sinabi mo, ako lahat 'yon," aniya bigla. Nanlaki ang mata ko sa gulat at nilukob kaagad ng kaba, takot, at kung anong pakiramdam ang buo kong pagkatao. "Be patient. Baka ikaw na ang sunod na makakatikim kung paano ko mangpatay ng tao nang walang ka-awa-awa."
After he said that, tumayo siya at umalis. Narinig ko ang pagsarado ng pinto but I just stared at the blank wall.
Nagpaulit-ulit ang sinabi niya sa isip ko na parang binubulong niya paulit-ulit iyon sa tainga ko.
What on earth did I stuck in to?
###