Chereads / Project: Mystery / Chapter 19 - Chapter Eight: Paint in Red (Final Act)

Chapter 19 - Chapter Eight: Paint in Red (Final Act)

Lumabas kami ng soccer field at bumalik sa pasilyo kung saan namin inakupahan ni Flare kanina. Kung saan niya natagpuan na ako ang killer ng tatay ni Georgia. Ang pagkakaiba nga lang, 'di kami umupo kung hindi nakatayo lang kaming lahat.

Masasama ang mga tingin ng apat sa akin habang ako ay kinakabahan sa kung ano mang gagawin ni Flare. Is this frame-up case will be ending or not? Iyon ang nasa isip ko.

"So, ano ang magiging usapan natin, Mr. Furrer?" tanong ni Georgia. Wala ng halong pagrespeto at tanging amoy ng kanyang malansang kulay ang lumabas sa ugali niya. "Huwag mong sabihing may kinalaman 'to sa girlfriend mo?"

"I have no affairs with Miss Throver. I would like to clear that first before you speak such ridiculous things on my presence."

"Sabi na nga ba, hindi ka niya girlfriend eh," mayabang na sambit ni Enmar habang nakaturo. "Dahil isa kang maruming babae!"

"Although I have no romantic affairs with Miss Throver, you'd better put that finger back on yourself before I can think of cutting that."

Bigla namang tinago ni Enmar ang kanyang daliri sa likod niya nang may malalaking mga mata sa takot.

"And the lady behind me is not a dirty woman. She has already received and made a lot of achievements. Not like the others who would plan a frame-up case and leading three minions for assisting them on killing one innocent human being with a type 2 diabetes with a syringe full of overdose drug."

Parang binuhusan ng sabay-sabay ang mga ulo ng apat at nanigas bigla sila sa kanilang kinatatayuan. Para silang nakakita ng multo sa sobrang takot na mababasa mo sa ekspresyon nila.

"Oh? Did I trigger something?" He puts his forefinger on his chin and tilted his head in mockery. "Or did I actually tell the incident clearly?"

"P-Paano mo—"

"Hindi! Hindi pwede!" sigaw ni Georgia nang nakapagpahinto sa nanginginig na boses ni Enmar. "Hindi mo pwedeng masira ang ginawa naming perpektong kaso na 'yon! It' s done already! Wala ka ng magagawa! The suspect is Mavis, that's why she got kicked out of the Akhlie High!"

"O-Oo nga!" pag-sang ayon ni Pear sa kanya. "Siya ang may dahilan kung bakit namatay ang isang staff sa Akhlie High! How gruesome! To think na kinuha pa niya ang mga organs ng biktima at nilagay sa isang bucket."

"How did you know that, miss? Are you a witness on the case? Oh, preferably not. I was informed only one student is there when the body was found and it was..." Tinuro niya ako. "... Mavis. So, bam. You screwed up your words, lady."

Pear stepped back and gritted her teeth in anger. Napatingin siya sa akin nang may nanlilisik na mga mata.

"I don't think you could possibly be angry on someone who does not do anything bad at you since day one, miss," pagpapatuloy ni Flare sa pagsasalita kay Pear. "For me, I should consider other's feelings before doing something utterly dangerous, like committing a crime for example."

"Like we said, hindi kami ang—"

"Mayroon kang koneksyon sa mga pulis kaya mo 'to naimbestigahan, 'di ba?"

Napatingin ako kay Klenn na walang takot na sinabi iyon habang nakatingin kay Flare.

He smiled reassuringly. "I hope I could confess my crimes today. Iniintay ko lang na mayroong magsabi sa amin ang tungkol sa kaso ng 10139."

"Babe!" sigaw ni Georgia sa kanya at hinatak siya pababa sa kanyang kwelyo. "Napag-usapan na natin 'to, hindi ba?! Why are you confessing?!"

"Babe, ayoko ng magsinungaling..." Umiwas siya ng tingin dito. "Sorry, babe, pero hindi ko na rin kayang magsinungaling sa mga pulis at lalo na sa'yo."

"Anong—" Biglang nanlaki ang mga mata niya at napatingin siya sa akin. "Huwag mong sabihing..."

"Ang sinabi ni Mavis, totoo iyon. Last Sunday, I was with Pear in a beach. Parehas kaming may pinag-uusapan tungkol sa relationship namin. Kung kaya pa ba naming itago sa'yo o hindi."

"B-Bakit..." Galit na tumingin si Georgia sa kanya at sinampal si Klenn. "Paano mo 'to nagawa sa akin?! Sa ilang taon nating pagsasama?! HA?! Kailan pa itong relasyon niyo?! Sabihin niyo sa akin!"

"This is a troublesome affair I see," pagsingit ni Flare sa kanilang usapan.

His hands are on his back while there's a devilish smile on his lips. Eyes were half-lidded with clear volition and justice.

"Well, in terms of evidences, I have it in my hands. You could not escape however you want. I should ask why the crime has been planned and why did you plot it on Mavis?"

Tawang nerbyos ang nailabas ni Georgia. "Direkta ka ah," mahina niyang sambit. "Bakit ko pinlano ang krimen? Siyempre, hindi ko sasabihin! Ano ako, tanga? Sasabihin sa'yo?"

"Hoy, akala ko ba walang binyagan? Ba't biglang parang nag-ko-confess ka na rin sa kanya?" reklamo ni Enmar.

"This is getting obvious," sabi ni Pear at lumingon sa akin. "Ikaw! You framed us on this man, didn't you?"

Tinaas ko ang dalawa kong kamay. "He knows the case so not my fault. Wala rin akong sinasabing kayo ang gumawa ng krimen. I did not know anything. I'm just a victim of a frame-up."

"Ako ang nagpatawag ng butcher doon sa kakonektang illegal chef ng aking magulang. Si Enmar ang nag-provide ng exenatide na nakalagay na sa syringe. Si Pear ang kasama kong matanggal ng organs sa katawan ng biktima. She was the one who painted 10139 sa dingding. Si Georgia ang nag-provide ng mismong substance na kakailanganin para maging gamot ang exenatide," pag-ko-confess ni Klenn. "The rest of it is paniguradong na-figure out mo na, mister."

"Hoy, bakit mo sinabi?! We promised each other not to say our plan to that crime!" sigaw ni Pear sa kanya. "Now, we're messed up! Paano natin ito sasabihin sa mga magulang natin ha? We're gonna get jailed!"

"I'm curious 'til this day pero bakit hindi kinulong si Mavis o kaya ang mga magulang niya nung time na siya ang final suspect sa krimen na 'yon? It's unfair!" sigaw ni Enmar.

"I was the one who stopped the case from moving on," sagot ni Flare. "The leads are perfect. It is a straight lead yet your plan has a flaw."

"Ha? Walang flaw sa ginawa namin!" reklamo ni Enmar sa kanya.

"There is. You get rid all evidences within the range of the incident but you didn't get rid of the evidence in your perspective acquaintances." Their eyes widened as they realized what Flare meant. "Yes, the money transactions, contracts and even, personal infos relating to your planned crime are exposed. I had received the full documents of all the connections. The evidences in which the eyeglasses boy had inspect and did the overdosed drug has been collected as well. All will be sent to the police station at exact 7:45 of the evening—Oh! What a coincidence, exact time it is. Farewell, my friends. It is an honor to meet you all today."

Nag-bow siya ng 90 degrees nang ang kanang kamay ay nakalutang sa bandang tiyan at naka-stretch out ang isa. Kulang na lang magsuot siya ng magarang formal wear ng isang butler.

Sa pag sakto lagpas 7:45, may mga nagsibukasan ang mga pintuan sa bawat gilid ng hallway at naroon ang mga pulis, pinaligiran kami.

"Tch." Masamang tumingin si Georgia kay Flare. "You planned all this."

"Well, I wouldn't interrogate someone without any means of protection for myself and for the lady with me," nakangisi niyang sabi habang inaayos ang kanyang blazer. "Well, although you will be held captive, I could assure there will be special treatment for the four of you except, it will not be quite luxurious as you commonly experience in your household."

"Gago ka!" sigaw niya at aatake sana nang hinatak ng dalawang pulis ang kanyang mga kamay at nilagay iyon sa likuran niya saka siya pinosasan. "Sinira mo ang plano ko! Ang revenge ko para kay Daddy!"

"You still haven't confirmed it is Mavis so don't run your mouth like you know the truth behind your father's death," malamig na reply ni Flare. "You just did this to overcome your fear on being belittle by someone you belittled."

"Siya ang pumatay sa Daddy ko! May ebidensya ako!" sigaw ni Georgia. Hatak-hatak na siya ng mga pulis.

"Let me go! You are ruining my nails!" sigaw ni Pear naman. Nakaposas na rin ang kanyang mga kamay sa likuran niya.

Nakita ko si Enmar at Klenn na pinosasan ang mga kamay sa kanilang harap. Binigyan ako ng tingin ni Klenn at ngumiti bago siya tinulak ng mga pulis.

Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Flare na hindi na nakangiti at malalamig ang mga tingin sa mga papalayong pulis na kasama sina Georgia.

"Now, the final act ends," aniya at lumingon sa akin. "Are you alright with the outcome?"

"Bakit hindi mo sinabi kay Georgia na ako ang pumatay sa tatay niya? May awa ka bang binibigay sa akin, ha?"

"No. I just don't want someone to steal my assistant early," sagot niya at ngumisi.

Ewan ko kung pang-ilan ng pag-kurba ng labi niya ang nakita ko ngayong araw pero ayun, nakakurba na naman ang kanyang labi.

"And also, the specimen I'm interested in would not be taken away so easily by such a ridiculous case."

All students were gone back their respective bus and Flare informed the owner of Akhlie High 'bout our unexpected turn of events with the four students.

"Oh. That case is finally solved?" Mukhang hindi nagulat ang matanda sa balita. Tumango-tango pa ito nang may ngiti sa labi. "Well done. I will make sure to make it inform on their parents Also," lumingon sa akin ang owner at ngumiti. "Hija, ikaw ang nabiktima ng frame-up na 'to, hindi ba? Gusto mo na bang bumalik sa Akhlie High?"

Napatanga ako sa kanyang tanong. Ako? Babalik sa Akhlie High? Kung iisipin ko, ang dami kong naging trauma roon, kasama na ang hindi ko makakalimutang pag-frame up sa akin.

"I will respectfully decline, sir," sagot ko at ikinagulat iyon ng matanda. "I'm satisfied with my current education in Ferris University. Besides, even though I'm new with this school, I can assure myself that I will not encounter vigorous harm in the future."

He laughed through his nose. "No encounter of vigorous harm, you say? Sa pagkakaobserba ko, lagi ka ng kasama ng anak ni Furrer," sabi niya at binigyan ng tingin si Flare bago bumalik ang tingin sa akin. "Well, if that's the case, I could leave without worries. Hijo, I'll leave the four students in your hands. Pa-send na lang sa aking assistant ang location kung saang police station dinala ng mga pulis ang mga estudyante."

"Noted, sir."

Tumango ito at pumasok na rin ng puting van. Umalis na ang mga sasakyan nang wala ng nangyaring kahit ano ng gulo. Kahit na pagbato ng mga pagkain at drinks ay walang nangyari. Nagsipalakpakan sila at nagpasalamat sa lahat ng staffs at SSC Officers habang papalabas sa parking lot ang kanilang bus. Buti na lang ay wala ng nangyaring iba pa.

I got in the dorm at past eight o'clock. Kasama ko si Friar na umuwi ng dorm samantalang si Flare ay umuwi pa rin sa mansion. Dahil sa sobrang pagod namin, hindi na kami nag-kapansinan ni Friar hanggang sa dumating ang sunod na araw kung saang mayroong message na nag-pop up sa kanyang cellphone habang kumakain kami ng breakfast.

"Joseph Walter is dead" -From: Inspector Reed

###