Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Lazy Genius

Pi_Gg
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.7k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Simula

"Ayaw kong pumasok sa paaralan"

***

Santa Fe High School, isang normal na highschool, normal na estudyante, normal na guro. Ngunit kapag lumubog ang araw, ito ay nagiging lungga ng mga gang, thugs, adik at mga puta.

"Psstt, magkano sa isang gabi"

"Magkano ang isang gramo"

"Mag-ingat sa mga narcs at pulis"

Ang mga nakakatakot na boses na ito ang mga boses na maririnig mo kung papasok ka sa tiwaling high school na ito. Kahit na maraming taon nang ginagawa ng paaralan ang mga bagay na ito, hindi pa rin alam ng prinsipal at mga guro ang nangyayari sa paaralan sa gabi.

"Buksan ang iyong mga libro sa pahina 153. Ngayon ang paksa natin ay tungkol sa Atoms. Maaari bang bigyan ng sinuman dito ang kahulugan ng atom"

Isang mahinahong boses na nagmumula sa isang guro. At makalipas ang maikling panahon ay nagtaas ng kamay ang isang estudyante.

"Yes, Josh" sabi ng guro.

"Atoms are particle of matter that uniquely defines a chemical elements" Pagkatapos sumagot ni josh, napuno ng tunog ng palakpakan ang buong silid-aralan.

"Napakagaling josh, kaya ikaw ang top 1 sa klase na ito"

"Hehehe" Isang tahimik na tawa ang lumabas, ngunit naririnig pa rin ito ng buong klase. "Mr.Nathan, anong joke, bakit ka tumatawa"

Ang mahinahong boses ng kanilang guro ay naging boses na puno ng galit. Tinitigan ng buong klase si Nathan na puno ng galit ang mga mata." Sorry, hindi kita pinagtatawanan sir." Isang mahinang boses ang lumabas. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging pinakakinasusuklaman na tao si Nathan sa kanilang silid-aralan.

"Ayyoo Nathan anong meron dawg." Bastos na tono galing Kang josh ." May problema ka ba sa akin? Bakit ka tumawa kanina habang pinupuri ako ng teacher namin?huh? Matapang kana ba Ngayon o gusto mo lang magpabogbug" Patuloy na pananakot ni Josh kay Nathan. At nang matapos ang klase, binalak ni Josh at ng kanyang mga tauhan na bogbugin si Nathan sa pag-uwi. Pagkalabas ni Nathan ng campus ay naghihintay na ang mga tauhan ni josh sa labas.

At walang nagawa si Nathan at hinayaan na lang nilang bugbugin siya. At habang nakahiga sa lupa at pinagmamasdan ang magandang bughaw na kalangitan ay sinabi ni Nathan sa kanyang sarili "Ayaw kung pumasok sa paaralan"

At pagdating ng gabi, ang Santa Fe High School ay nagsisimula nang ipakita ang tunay na kulay nito. "Hoy Josh, nasaan Ang mga bata natin?" Isang malaking lalaki na may tattoo at malalim na boses ang kumausap kay Josh. " Naku, binubugbog nila si Nathan sa klase ko. Sandali lang pupunta sila dito." sagot ni Josh sa amo niya." You did what?" Isang galit na boses ang sumagot kay Josh.