Hannah POV
"Dali tawagan muna si Diane." apura ko sa kaibigan kong si Kyla.
Naka 10mins break kami ngayon at hindi kami mapakali sa nalaman namin sa kaibigan namin.
Naikwento saamin ni Diane kung ano ang nangyari sa kaibigan naming si Liane ngunit may mga katanungan pa rin kami dahil hindi natapos nito ang kwento dahil bigla itong tinawag sa emergency room.
"Eto na dinadial ko na." sagot ni kyla
"Sige dial muna dali." pag aapura ko.
"Oo eto na, dinga sumaasagot e." sagot naman ni kyla sakin.
**********************************************
Liane POV
Phone ring...
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Ngunit hindi kopa maimulat ang aking mga mata.
Gusto kopa matulog.
Bahagya akong nagdilat, agad akong nasilaw mula sa liwanag sa aking bintana.
Mataas na pala ang tirik ng araw.
Bumangon ako sa aking higaan ngunit bigla akong nakaramdam nang umiikot sa aking sikmura na para bang gusto nitong kumawala.
Agad akong nagtayo at nagpunta ng cr sa kwarto ko at don ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko.
Pagpihit ko ng gripo, walang tubig?!!
Shocks! May naglalaro na namn sa lalamunan ko. Saglit ko itong pinigilan at lumabas ng cr.
Patuloy pa rin sa pagtunog ng aking cellphone.
Hinablot ko ito at agad akong nagdirecho sa kusina at don ako nagtungo sa cr nito.
Agad akong naghilamos at sinagot ang tumatawag sa cellphone ko.
"My ghad! Liane. Ang tagal mo naman sumagot." bulyaw ni kyla sa kabilang linya.
"Sorry kagigising ko lng kasi saka medyo hindi maganda pakiramdam ko ngaun." nanghihinang paliwanag ko.
Nandito pa rin ako sa loob ng cr.
"So totoo nga ang sinabi ni Diane saamin. Ayan na ang ebidensya, morning sickness. Pero paano?" sagot ni kyla saakin.
"Oo totoo. Mahabng kwento." maikling sagot ko.
"Hello Liane, eh yung ama nyan. Totoo bang bf ng kapatid mo ang ama nyan." pangambang singit na tanong ni hannah sa kabilang linya.
"Totoo, si Robbi nga ama nito. Para akong binabangungot, sana magising na ako." malungkot na sagot ko.
**********************************************
Emily POV
Papunta akong kusina nang mapansin ko si Liane na tumatakbo papasok ng cr.
Parang kakaiba ang kinikilos nito.
Dinig ko mula dito sa labas ang paulit ulit na pagduwal nito.
Gumawi ako sa kakalanan nang may mapansin ako sa basurahan.
Ano ang bagay na ito?
"Madam, ano po ang gusto nyong tanghalian at magluluto po ako." tanong ni yaya Lina saakin.
"Ya Lina anu tong nasa basurahan." tanong ko kay Yaya Lina.
Agad naman nitong kinuha ang bagay na iyon.
"Eto po ba maam. Nakita kopo ito sa kwarto ni Maam Liane na nakakalat. Kanino po kaya ito?" tukoy nito pregnancy test kit na hawak nito galing basurahan.
Positive ang resulta nito.
Kinuha ko ang pregnancy kit sa kamay ni Yaya Lina at nagtungo sa bungad ng cr ng kitchen kung nasaan si Liane.
"Totoo, si Robbi nga ama nito. Para akong binabangungot, sana magising na ako." malungkot na sagot nito , mukang may kausap ito sa cellphone nya..
Papalabas na sana sya ng cr, ngunit nang makita nya ako sa labas ng pinto ay bahagya itong napaurong.
Hindi maipinta ngaun ang kanyang muka.
Namumutla na parang kinakabahan.
"A-auntie." nauutal na tawag nito saakin..
Hawak pa rin nito ang kanyang cellphone na nakatapat sa tenga nito at unti unti nitong naibaba sa pagkagulat saakin.
"Ano sabi mo?" mahinahong tanong ko.
"A-alin po auntie?" nangangatal na sagot nito saakin.
"Ano nga yung, tungkol sayo at kay Robbi." muling tanong ko at dahan dahan kong pinakita ang pregnancy kit na nakuha ko sa basurahan.
"A-auntie, let me explain–––" hindi na nasundan nito ang kanyang sasabihin nang bigla ko itong sampalin.
Pak!
"Maam emely." pagpipigil ni Yaya Lina saakin.
"I cant believe this! Akalain mo yon, pati kalandian ng nanay mo ay namana mo din! How dare you to do this to my daughter!" galit na sumbat ko kay Liane.
Galit na galit ako sa mga nalaman ko.
"Auntie pls. Let me explain. It was a mistake.. Pls wag mopo sabihin to kay Ate Sophia. Wala po akong intensyon na sirain ang relasyon nila wala din po ako gusto kay Robbi. Isa lamang po ito pagkakamali. Auntie, pls." pakiusap sakin ni Liane.
Hinawakan pa nito ang mga kamay ko pero itinanggi ko ito.
"Alam mo mula nong kinukop ka namin ng Daddy mo isang malaking kahihiyan na ang binigay mo sa pamilya ko at sa pamilya ng ama mo. Tapos eto na naman. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao. Ang anak na doctora ni Nelson sa isang disgrasyada ay isang disgrasyada din ngayon? At ang masaklap pa don bf pa ng kapatid nya ang ama." sumbat ko kay Liane.
"So-sorry po." umiiyak na sagot nito.
"Ano na lamang ang sasabihin ng daddy nyo saakin. Na pabaya akong ina kaya nangyayari to? Mula noon hanggang ngayon Liane ako ang sandata nyo laban sa ama nyo. Mahabang panahon kong iningatan ang pamilyang to! Matagal na panahon na din akong nagtitiis sa galit at pananakit ng daddy nyo sa twing nagkakamali kayo. Dahil gusto kong buo ang pamilya ko kahit na nandyan ka. Tinanggap kita kahit masakit saakin ang lahat. Pero panahon na siguro para magkanya kanya na tayo." at hindi konanga napigilan ang aking sarili, nailabas kona din sa wakas ang lahat ng kinikimkim kong sama ng loob.
"Ano pong ibig mong sabihin auntie." tanong nito saakin
"Walang makakaalam sino man sa kalagayan mo, kahit ang daddy mo o ang kapatid mo. Sa isang kundisyon." sagot ko.
"Ano po?" takang tanong ni Liane saakin.
"Aalis kana ngayon din sa bahay na ito." maikling sagot ko.
"Maam Emily. Maghunos dili po kayo." pagsaway ni Yaya Lina saakin.
"Buo na ang loob ko Yaya Lina. Malaman man ito ni Nelson, buo na ang loob ko. Hindi na ako natatakot kung ano ang pwede nyang gawin saakin. Sapat na siguro yung mahabang panahaon na pagtitiis ko sa lahat lahat at saiyo Liane. I want you out in my life and in my family!" hindi na talaga ako makapag pigil dahil sobra sobra na siguro lahat lahat ng sakripisyo ko sa pamilyang to. Sobra sobra na din pagtitiis ko na makasama ang anak ng asawa ko sa ibang babae.
Mula noon hanggang ngayon masakit pa rin saakin ang lahat mula nang niloko ako ni Nelson at mula nong kinupkop ko pati ang anak nito sa labas kahit labag sa kalooban ko mabuo lamang ang pamilya ko.
"Maam Emily, pag usapan nyo po muna ito. Pakinggan mopo muna si Liane." pakiusap ni Yaya Lina saakin.
Habang si Liane ay nakatanga lamang sa harapan ko at patuloy ang pag iyak nito.
"Hindi Yaya Lina. Mula nang dumating yan sa pamilya ko sobra sobrang sakit na dinulot nito saakin tapos ngaun si Sophia naman ang makakaramdam ng sakit na iyon. Hinding hindi Yaya Lina! Kaya umalis kana at wag na wag kana magpapakita saakin lalong lalo na kay Sophia at Robbi." galit na sagot ko kay Yaya Lina.
Ginagawa ko to para sa anak ko kay Sophia dahil ayaw kong maranasan nya ang sakit na naranasan ko noon sa ama nito.
"So-sorry po Auntie." paulit ulit na sagot ni Liane saakin, patuloy pa rin ang pag iyak nito.
"Sige bibigyan pa kita ng panahon. Pero bukas ng gabi kailangan muna lisanin ang bahay na ito. Walang makakaalam ng lahat , kahit ang daddy mo o si Sophia. Syempre diko pwede yan sabihin sa kapatid mo, alam kong sobra syang masasaktan pag nalaman nya ito. Pero wag na wag kana din magpapakita kay Robbi. Pumunta ka kahit saan mo gustuhin basta malayo sa pamilya ko, saamin lahat." mahinahon na sagot ko at saka ako umalis nang kitchen. Iniwan kona silang dalawa ni yaya Lina.
**********************************************
Liane POV
Napaupo na lamang ako sa sahig matapos kong marinig lahat ng sinabi saakin ni Auntie.
"Liane. Ayos kalang ba iha." pagsalo ni yaya Lina saakin.
Hindi ako makasalita, wala akong masabi.
Pati ang mga luha ko ayaw na din tumigil sa pagtulo nito.
"Ya Lina. Ganon ba ako kasamang tao?" tanong ko kay Yaya Lina.
"Hindi iha , wag mong intindihin ang sinabi ng Auntie emily mo. Kakausapin ko siya, kailangan malaman ito ng Daddy mo." sagot saakin ni Yaya Lina habang pinapakalma ako nito.
"Hindi Ya Lina, wag mopo sasabihin to kay Daddy. Buong buhay i want my Dad to be proud of me. Ngaun pa lang ako nagsisimula Yaya Lina. Bata palang ako palagi ko nlng sya binibigo kaya wag mopo sasabihin to kay Daddy. Kahit kay ate Sophia alam kong masasaktan ko sya ng sobra pag nalaman nya ito. Tama nga siguro sinabi ni Auntie kailangan ko muna magpakalayo layo at pag naayos kona ang gusot na ito. Pangako Yaya Lina babalik ako, aayusin ko lang ang sarili ko at pagbalik ko aayusin ko ang pamilya ko." paliwanag ko kay yaya Lina, napayakap na lamang ako saknya dahil pakiramdam ko hinang hina na ako.
"Halika, ihahatid kita sa kwarto mo. Magpahinga ka muna.. May gusto kaba kainin?" pag aaya ni Yaya Lina saakin na ngayon ay akay akay na ako pabalik sa kwarto ko.
"Gusto kopo sana ng sopas Ya Lina. Mapagluluto mopo ba ako sa huling pagkakataon?" malungkot na tanong ko.
"Oo naman, kahit kailan pagluluto kita. Pwede mo naman ako tawag tawagan pag alis mo." naiiyak na din ngayon si Yaya Lina dahil sa sinabi ko.
Inihatid na din ako nito sa kwarto ko.
**********************************************
Robbi POV
Nandito ako ngayon sa isang property na nabili ko.
Exclusive House & Lot.
Malaki , very aesthetic ang style. Wood and white ang theme ng bahay. Kumpleto na din lahat ng gamit pati mga appliances ay meron na din ito.
Kasalukuyan ko itong iniikot.
Nandito ako ngayon sa loob ng master bedroom. Nakaupo ako sa isang kama.
Itong bahay na ito ay binili ko para saamin ni Sophia. Dahil balak kona sana magpropose sakanya oras na umuwi sya ng bansa. Gusto ko sana sya isurprise sa airport at don ako luluhod sakanya pagkatapos non magseset ako ng dinner date sa bahay na ito. Ngunit paano?
Napahilamos na lamang ako sa aking muka dahil pauli ulit na sumasagi sa isipan ko ang kapatid nito. Si Liane.
Paano ko matutupad ang mga pangarap ko saamin ni Sophia kung merong humahadlang?
Hindi ako masamang tao. Pero diko sya kayang panagutan, pero paano ang dinadala nito? Dugo at laman ko din ang batang iyon.
Sa oras na ito, hindi ako makapagdesisyon sa buhay ko.
Nagpalipas ako ng oras sa bahay na ito at maghapong nag iisip kung ano ang susunod kong gagawin.
Naikot kona yata bawat sulok ng bahay ngunit gulong gulo pa rin ang isipan ko.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa sarili ko at kay Liane.
Hanggang sa pumatak na ang alas singko ng hapon.
Naubos ang maghapon ko sa loob ng bahay na ito na wala akong ibang inisip kundi si Liane.
Kaya nagdesiyon ako.
Nagdesisyon akong puntahan ito sa bahay nila para muling kausapin.
Kailangan namin magkausap at kailangan namin iresolba itong problemang kinakaharap namin.
Alam kong mahirap ito sa parte ko ngunit alam kong mas higit syang nahihirapan ngayon.
Lumabas na ako ng bahay inilock ko ito at sumakay na ako ng kotse ko.
Agad akong nagtungo sa bahay ni Liane.
Hanggang sa pagmamaneho ko, hindi talaga sya maalis sa isispan ko pero dapat si Sophia ang iniisip ko ngaun ang future namin.
Ano na kaya ang lagay nya?
Umiiyak pa kaya sya?
Okay lng kaya sila ng baby namin?
Ano kaya pinaglilihian nya?
Alam na kaya ito ng pamilya nya?
Ahhhh!! Anu ba robbi yang mga iniisip mo! Sigaw ko sa sarili ko.
Ikinalma ko ang sarili ko.
Hanggang sa makarating na ako sa bahay nila Liane.
Malayo pa ako sa bahay nito ngunit tanaw kona si Liane sa labas ng bahay nito.
Hindi muna ako nagdirecho pinanuod ko lamang sila mula dito sa di kalayuan.
"Anong nangyayari? Anong ginagawa nila?" bulong ko sa sarili ko.
**********************************************
Liane POV
Nagpasya na ako.
Susundin ko si auntie emily. Aalis na ako ng bahay na ito.
Kailangan kong ayusin ang sarili ko at pagbalik ko aayusin ko ang pamilyang iiwan ko.
Nandito na ako sa labas ng bahay tangay ang mga gamit ko.
Nandito din sa labas si Auntie Emily at si Yaya Lina.
"Liane, mag iingat ka." naiiyak na paalam ni yaya Lina saakin.
"Opo yaya Lina. Auntie, aalis na po ako." paalam ko sakanila.
"Sandali." pagpigil ni Auntie saakin.
Pipigilan ba nya ako? Hindi na kaya nya ako paalisin?
"Bakit po Auntie." sagot ko.
"Akina susi ng kotse mo." sagot ni Auntie
"Po?" pagtataka ko.
"Ibigay mo saakin ang susi ng kotse mo. Pati na rin ang bank acct mo, iwan mo ang passbook mo kung san nagpapadala ang daddy mo sayo." masungit na utos nito saakin.
"Pero Auntie." pagtanggi ko ngunit bigla nalng nito hinablot ang bag kong sukbit ko at hinalughog ang laman nito.
Kinuha nito ang susi ng kotse ko, ang dalawang passbook ko isa saakin isa bigay yun ni Daddy at pati ang cellphone ko.
Ibinalik naman nito ang passbook ko. Laman nito ang sariling ipon ko mula nong naging doctor ako.
"Simula ngayon pinuputol kona ang lahat lahat ng meron sayo at sa pamilya ko. Ang kotseng yan ay galing sa Daddy mo at ang perang ito ay sa Daddy mo din. At ang cellphone na ito hindi na ito saiyo. Pano kung magsumbong ka sa ama mo? Naniniguro lng. Halika na Yaya Lina isarado mo na yang gate." at agad naman isinara ni Yaya Lina ng gate.
"Mag iingat ka iha." huling paalam ni yaya Lina saakin.
At tuluyan na nga nitong isinara ang gate.
**********************************************
Robbi POV
Anong nangyayari?
Saan sya pupunta?
Naglalakad sya ngayon palayo sa bahay nila at dito ang daan nya kung nasaan ako ngayon.
Pinapanuod ko lamang sya habang naglalakad.
Walang tigil ang pag iyak nito.
Habang ako naman ay nandto pa rin sa loob ng kotse, pinapanuod lamang sya habang papalapit kung nasaan ako ngayon.
Bigla ito napatigil sa paglalakad nang makita ako nito.
Napahakbang ito pabalik at tuluyan nga itong umiba ng landas papalayo saakin.
Nagtaka ako sa kinilos nito kaya agad ko itong sinundan.
Pinaandar ko ang kotse ko hanngang sa maabutan ko sya.
"Liane." tawag ko sakanya.
"Ano ginagawa mo dito? Iwan mo na ako. Gusto kong mapag isa." malungkot na sagot nito habng nagpupunas ng mga luha.
"Halika na sumakay kana. San kaba pupunta, bakit may dala kang maleta?" pag aaya ko skanya.
"Umalis kana, wag muna akong pakielaman." pagmamatigas nito.
Tss! Kulit naman ng babaeng to.
Bumaba ako ng kotse at saka ito hinablot papasok ng loob ng sasakyan ko.
"Wag ka ngang parang bata, ihahatid na kita kung san kaman pupunta." sabi ko saknya habang pinipilit itong papasukin sa loob ng sasakyan ko.
Napilit ko naman ito at agad din naman ako sumakay sa drive seat ng kotse ko at nagmaneho.
"Ano ba tong ginagawa mo?" tanong nito saakin.
"What? Diba ako dapat magtanong sayo nyan, ano tong ginagawa mo. Saan ka pupunta? Mukang naglayas ka sa itsura mong yan." balik kong tanong.
Bigla na naman tumulo ang mga luha nito.
"Teka, bakit ka umiiyak. Di naman kita pinapaiyak ha." pag aalala ko.
Direcho lamang ang tingin ko sa daan, ayokong lumingon skanya, dahil nasasaktan din ako pag nakikita ko ang kalagayan nya. Dahil saakin kaya sya nagkakaganito. Nakokonsensya ako!
"Pinalayas kasi ako ni Auntie, nalaman nya kasi na buntis ako at ikaw ang ama. Gusto nya akong magpakalayo layo sakanila at saiyo. Kaya pls pwede moba akong ihatid sa pinakamalayong lugar na mararating ng kotseng to. Pagkatapos non kalimutan muna ako at ang batang to. Isa lamang ito pagkakamali, hindi natin ginusto ito. Ayoko din sirain ang relasyon nyo ni Ate Sophia." pagpapaliwanag nito saakin habang patuloy pa rin ang pag iyak nito.
Saglit kong inihinto ang kotse at saglit na nag isip isip.
Ano to? Inuutusan ba nya akong iligaw ko sya kung saan?!! Fuck! Di ako ganon kasamang tao.
Anak ko din ang dinadala nya! Hindi dapat madamay ang walang muwang na bata sa problemang to.
Kailangan kong gumawa ng solusyon sa problemang to.
"Bakit mo inihinto." tanong nito.
"Walang kasalanan ang batang yan sa sinapupunan mo. Hindi naman ako ganong kasamang tao para pabayaan ka." sagot ko at agad ko din pinaandar ang kotse ko.
Mabilis, sobrang bilis. Na para bang wala na ako pakielam sa kalsadang dinadaraanan ko kung may mabangga ba ako o ano. Wala na ako sa sarili ko.
Hanngang sa nagtungo kami sa isang bahay.
Sa isang bahay kung saan ako nagmula bago ko sya makita.
Sa isang bahay na punong puno ng pangarap para saamin ni Sophia.
"Nasaan tayo?" tanong ni Liane.
Bumaba ako ng kotse, inilalayan ko sya makababa ng kotse at binuhat ko na din ang maleta nito.
"Halika, dito tayo mag usap." pag aya ko kay Liane papasok ng bahay.
Sumunod naman ito. Nandito kami ngayon sa sala , nakaupo sa iisang sofa. Magkabilang dulo ang upo namin.
"Kaninong bahay ito?" muling tanong ni Liane habang pinagmamasdan nito ang paligid ng bahay.
"Saakin ito, regalo ko dapat ito kay Sophia. Balak kona kasi sana magpropose sknya. Kaya lang–––"
"Kaya lang nakabuntis ka at ang masaklap pa don kapatid pa ng gf mo. Ang sakit diba? Parang bangungot, kung bangungot man ito sana magising na ako para mawala na yung bigat dito.. Dito sa dibdib ko." hampas nito sa dibdib nito at unti unti na naman tumulo ang mga luha nito.
"Liane, im so sorry." mahinang sambit ko humarap ako dito at lumapit. Hinawakan ko ang mga kamay nito.
Malamig ang mga palad nito.
Ramdam ko din ang lungkot na dala dala nito maging ang pagkatakot at pangamba.
Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha nito.
Wala itong sagot sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako.
"Im so sorry, dahil saakin kaya ka nagkakaganito. Pero gusto kong malaman mo kahit na hindi kopa rin tanggap ang lahat ng ito nandito ako para sayo at sa batang yan. Dugo at laman ko din ang dinadala mo ngayon." sabi ko sa harap nito ngayon habang hawak hawak kopa rin ang mga kamay nito para mapakalma ito.
"Hindi, magpapalipas na muna siguro ako ng gabi dito. Aalis din ako bukas na bukas maghahanap ako ng matutuluyan. Nangako ako kay Auntie na hindi na ako magpapakita sayo at sakanila. Ayokong malaman ito ni Ate Sophia o nang pamilya mo. Ayokong sirain ang relasyon nyo ni Ate. At saka baka pag nalaman ito ng pamilya mo baka pilitin ka nila na panagutan ako, ayoko din malaman ito ng daddy ko marami pa akong pangarap para sa sarili ko, ayoko syang biguin." paliwanag nito saakin.
"Okay, sige sige. Magpahinga kana muna. Bukas muna isipin lahat yan. Magulo pa ang lahat para saatin. Saka wag kang mag alala walang nakakaalam ng bahay na ito even Sophia or my relatives didnt know this kaya you can stay whatever you want. Halika ihahatid kita sa kwarto nang makapagpahinga kana." bumitiw ako sa kamay nito at muli ko inalok ang palad ko bilang pag alalay nito sa pagtayo.
Tinanggap naman niya ang mga palad ko at inalalayan ko sya papunta sa kwarto. Kinuha ko nadin ang maleta nito.
Wala itong imik. Siguro ay talagang magulo pa talaga ang isip nito ngayon.
Maski ako magulo din ang isip ko ngayon ngunit kailangan ko tatagan ang sarili ko para maresolba ko ang problemang to.
Pagkapasok namin sa kwarto nang may bigla akong maalala.
"Oo nga pala, nagdinner kanaba? Mahiga kana muna dyan sa kama lalabas lng ako saglit hahanap ako ng makakain." sabi ko kay Liane , tumango lng ito at agad naupo sa kama at dahan dahan nitong inihiga ang ulo nito sa unan.
Lumabas ako ng kwartong yon at agad din lumabas ng bahay para maghanap ng makakakain.
Nagdrive ako palabas ng village, agad naman ako nakakita ng convenience store.
Bumaba ako ng kotse ko at nagtungo sa loob ng store nang may mapansin ako sa bandang cashier.
"Bryan?" tanong ko sa sarili ko until i confirm na ang kaibigan ko nga iyon dahil napalingon din ito saakin.
"Robbi!!? Bro." masayang tawag nito saakin. Agad din naman ito lumapit saakin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ah dito na kasi kami nakatira ni Allysa, nakabili kami ng bahay dyan sa loob ng village." masayang sagot nito.
Ang village na tinutukoy nya ay yung village kung nasaan ang nabili kong bahay.
"Ah nice. Saan ka banda? Para naman mabisita ko kayo minsan." sagot ko.
Nang bigla kong naalala. Shocks! Wala nga pala dapat makaalam na nasa bahay ko si Liane.
"Ha? Bakit, dont tell me may bahay din kayo dito?" takang tanong nito.
"Ahh no, uhm actually i was just passing by. You know, road trip? Something like that. Then i saw this village marami pa palang properties dito na wala pang owner." palusot ko.
"Ah oo, medyo pricy din kasi ang properties dito sa village. Sinuwerte lang kami ni Allysa, her parents and my parents give us our house. I was just very happy kasi both sides of our families tanggap kami and their very excited sa paglabas ng apo nila." masayang kwento nito saakin.
Oo nga pala buntis nga pala si Allysa.
"Anyway, dinako magtatagal bro. May bibilin lang kasi ako." palusot ko na lng dahil baka naiinip na si Liane baka gutom na ito.
"Oh, sige. No problem. Pauwi na din ako, bumili lang ako netong siopao ito kasi lihi ni Allyssa ngayon." pagpapaalam nito.
Lihi? Ano kaya lihi ni Liane?
"Ahh sige." maikling sagot.
"Una nako bro." tapik nito saakin at saka lumabas na ng store.
Ako naman ay naglibot sa loob nang store.
Hindi ako makapili kung ano ang ipapakain ko kay Liane. Nandito naman ako ngayon sa may cashier nakatanaw sa board nito nandon kasi mga menu ng food nila.
Mga 5 minutes din ako nag isip isip, hanggang sa...
"Ano ba yung best seller dito yung laging binibili ng mga buntis?" out of nowhere na tanong ko.
Muka naman nagulat yung nasa cashier na staff.
"Po?" tanong nito.
"Best seller ba itong siopao nyo sa buntis? Kasi yung friend ko bumili kanina para sa asawa nyang buntis." tanong ko muli.
"Po? Opo sir, best seller po iyan sa mga buntis. Pansin ko nga po mas madalas po iyan bilin ng mga buntis dito. Hehe." natatawng sagot ng staff.
"Sige bigyan moko nyan." sagot ko.
Bumili ako ng 2siopao, 1 chocolate, 1 snack cracker, at 1 bottled juice.
Okay na siguro to.
Pagkabili ko ay agad akong umuwi para ibigay ito kay Liane.
Nagdirecho nako sa kwarto nito.
"Liane?" katok ko sa pinto.
Walang sumasagot kaya binuksan kona ang kwarto. Hindi naman ito nakalock.
Pagpasok ko ng kwarto, kaya pala ito hindi sumasagot nakatulog na pala.
Iniwan ko na lamang sa side table pinamili ko para kung sakaling magising ito ay makita nya agad.
Hindi kona sya ginising para makapag pahinga ito.
Iniwan kona din sya.
Kailangan kona din umuwi ng bahay namin.