Chapter 2 - Prologue

"B‐bakit gano'n, Zrain? Handa na akong mahalin ka! H-hulog na hulog na nga siguro ako saiyo kaya pumayag na ako sa gusto ni Daddy dahil sa kagustuhan ko ring makasama ka habang-buhay. Pero ba't ganoon ha! Ganoon na ba talaga ang kati mo? Para makipagtalik sa kung sinong lalaki?"

Hindi ako nakaimik, hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong iyon ang totoo. Alam kong saakin ang mali, ako ang mali. Nadala ako sa init ng aking katawan kasabay pa ng alak na aking nainom.

"A‐alam ko. A‐alam kong madami akong nagawang mali saiyo. Madami akong masasakit na salitang nasabi sa'yo noon. Sinaktan kita ng paulit-ulit no'n. Oo. Pero, Z‐zrain, s‐sobra naman 'to. S‐sobrang s‐sakit nito. Ang s‐sakit Zrain, ta‐tagos na tagos iyong s‐sakit."

"Ang p‐paalam saakin ng kaibigan mo hindi ka pa masyadong lasing pero hindi ka na raw niya papauwiin dahil walang magdadrive sa'yo pauwi. I insisted that I will fetch you but she refused dahil magbabonding pa raw kayo kinabukasan. Pumayag na ako dahil alam kong iyon na lang ulit ang pagsasama-sama ninyo matapos ang graduation niyo no'n." Garalgal na aniya nito. Pareho na kaming humihikbi ngayon. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil alam kong iiwas lang siya. Diring-diri na siya saakin kaya tangkain ko mang lumapit alam kong iiwas at iiwas siya.

Sa bawat paglapit ko ay siya namang paglayo nito.

"I'm s‐sorry. Sorry, R‐reese. Hindi ko sinasady—"

"Hindi mo sinasadya?" Sarkastikong tawang aniya nito. "Nagpapatawa ka ba, Zrain? Matapos mong magpasarap... hindi mo sinasadya?"

Mahihimigan sa kaniyang tinig ang pagiging sarkastiko. Sobra na ang mga pinagsasabi niya. Gusto ko na siyang sampalin pero hindi ko na kaya. Wala na akong lakas, wala na akong lakas ng loob para gawin pa iyon.

Masakit ang pinagsasabi niya ngayon pero alam ko mismo sa sarili ko na mas masakit ang ginawa ko. Hindi pa nga kami kasal, nagtaksil na kaagad ako.

"Oo! H‐hindi ko s‐sinasadya. Nadala lang ako sa init ng aking katawan at epekto ng alak na aking nainom kaya—" At sa pangalawang pagkakataon pinutol niya na naman ang pagpapaliwanag ko.

"Nadala? Bullshit reason! Kahit may tama ka ng alak o nadadala ka na ng init ng katawan mo kung may iisa kang inalala at mahal na tao iiwas ka at mapapagtanto mo na mali ang ginagawa mo. Na masasaktan mo ang taong iyon sa gagawin mo." Galit na aniya nito. "Nadala? Fuck that nadala ka lang, Zrain. Ang s‐sakit ng dinulot ng nadala na 'yan."

"Akala ko ba mahal mo ako? Siguro nga pera lang talaga ang habol mo saakin. Minahal mo lang kung anong meron ako, hindi ako!"

Mahal kita, Reese. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita, hindi ko sinasadya ang aking nagawa. Sana mapatawad mo pa rin ako sa kabila ng aking mga nagawa, hangad ko pa rin ang iyong kapatawaran kahit gaano pa 'yan katagal.

"Alam mo, Zrain kung kaylan napalapit na ang puso ko sa'yo saka ka naman gagawa nang ikadudurog nito."

"H‐handa na akong ibigay at gawin ang lahat para sa'yo, Zrain nang hindi ka nagmamakaawa at lumuluhod sa harapan ko, pero anong ginawa mo? Ibinalik mo lang ulit ako, ang ugali ko noon. Ikaw ang bumago saakin ngunit ikaw rin ang dahilan upang bumalik ako sa kung ano ako noon."

"I hurted you before pero ang ganitong paghihiganti mo? Ang s‐sakit. Ang sakit sakit, Z‐zrain."

"Totoo nga ang sabi nila na Love is Painful dahil iyon 'yung naramdaman at nararamdaman ko nang m‐minahal kita."

"Hindi ko alam kung maaatim ko pang makita ka. Nakakadiri ka."

"Iyong k‐kasal nating dalawa na pinakahihintay at inaasam-asam mo ay hindi na matutuloy pero huwag kang mag-alala dahil hindi kita paaalisin sa pamamahay ko."

"Nakaganti kana, Zrain. Nasaktan mo na ako higit pa sa sakit na naipadama ko sa'yo. Sana masaya kana sa ginawa mo."