Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Ideal Boyfriend

🇵🇭Welch_Phyxion
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.4k
Views
Synopsis
Love has the power to change an individual to its finest, but love can also destroy someone down to its very low, so be careful. Si Cinderella ay desidedong walang talent, ganda o talino pero hindi ito nagpapa bahala sa kaniya lalo pa’t isa siya sa mag-aaral ng A.B. Normal College kung saan walang diskriminasyon kahit ano pa ang itsura mo. Pero, sa pagdating ng isang lalaki sa kanilang paaralan ay siya ring simula ng pagbabago ni Cinderella, dahil para sa kaniya, nahanap na niya ang Ideal Boyfriend niya kaya’t gagawin niya ang lahat magustuhan lang siya ni Leonid. Ito na kaya ang panahon para magbago ang A.B. Normal College kasabay ng pagbabago ni Cinderella? Mapapansin kaya siya ni Leonid sa malaking pagbabagong magaganap sa kaniyang buhay? At hand ana rin kaya si Leonid na baguhin ni Cinderella ang magulo at walang patutunguhan niyang buhay?
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1: A.B. NORMAL COLLEGE

Welcome to Armando Bartolome Normal College, o mas kilala at sikat sa tawag na A.B. Normal College, ang nag iisang pribadong kolehiyo sa Pilipinas kung saan tahimik, walang away, walang guard at wala ring natututunan ang estudyante. Wala ring grade and medical requirements dito, kaya no pressure para sa amin kasi sa loob ng dalawampu't taong pagkakatayo ng kolehiyong ito ay hindi pa ito naka tanggap ni isang parangal mula sa government, pero ika nga ng aming dean, "just enjoy." Wala ring na po-produce ni isang honor student ang kolehiyong ito sa tagal na nitong naitayo, malalaman niyo rin kung bakit.

A.B. Normal College is a home sa mga estudyanteng bagsak, pala-away, tamad, at mga mahilig sa P.E. in short, tapunan po ito ng mga walang pangarap sa buhay. Pero kahit ganoon, sa loob ng apat na taon ko nang pag-aaral dito ay walang ni isang away ang naganap dahil magkakasundo kaming lahat dito, and we lived by the motto of the instution, and I quote, "Smile is the Key to Success." Kaya no wonder bakit palagi kaming nakangiti at nakatawa kahit punong puno na ng red marks ang aming card.

"Mister Smith?"

"Mister Smith!" Halos mapatalon na kami sa upuan sa lakas ng pagkakapalo ni Sir sa mesa niya dahil kanina pa niya tinatawag si Clyde pero hindi ito sumasagot, ang himbing ng tulog.

Iwan ko ba kasi ba't ngayon pa si Sir nag announce ng medterm grade naming eh may musical feast na nagaganap sa summit ngayon. Sayang at hindi kami makakapanood.

"Dibale na." Ika ni Sir na pulang pula na ang mukha at kaniyang palad dahil sa galit. "Ibigay niyo na lang sa kaniya ang test paper niya pag nagising na siya." Inabot na lamang ni Sir kay Ansel ang paper ni Clyde. Member din si Ansel ng Blazzing Hawk, ang pinaka famous na gangster squad sa campus.

"Miss Carlotta Reyes, 58%." Isang mainit na palakpakan ang sumalubong kay Carlotta at malakas na sigaw naman ang aking pinakawalan dahil umusad siya ng 1 percent compare sa premid grade niya.

Carlotta is my best friend simula pa nang high school. At iwan ko kung bakit sa dinami dami ng babae sa loob ng room ay siya pa ang aming naging Class Muse. Marahil siguro sa maputi niyang mukha na sing puti ng papel, pero paano naman 'yong leeg niyang sing itim ng uling? Hindi ba counted? Pero kahit gano'n suportadong suportado ko naman siya at isa pa walang bullying na nagaganap dito dahil puro mga abnormal ang estudyante dito.

Lumingon lingon pa ako sa paligid at nakitang may mga natutulod sa mesa, may nakatihaya na sa ibaba ng sahig at may iba ring nag mumukbang at nag e-skin care pero walang pakialaman dito. Dahil pati mga guro naming ay gano'n din. Papasok lamang at magtuturo kung trip nila at magbibigay ng exam na puro matching type, coloring at find the missing letter. No wonder talaga bakit gustong gusto ng karamihan dito.

"Mister Ian Mcrey, 73.38%" Muli ay nag sigawan na naman ang mga ka-klase naming.

"And, for the highest grade sa medterm ay walang iba kundi ang ating Class President, Miss Cinderella Jane Hayashi, who breaks her last record and now with an average grade of 74.1%." Pag tatapos ni Sir na siyang lakas ng sigaw, talon at sayaw sayaw ko habang naglalakad paharap upang kunin ang aking test paper. Yes, last premid kasi, 74% flat lang talaga ang grado ko, oh! At least may progress diba?

Ngayon siguro naiintindihan niyo na bakit walang ni isang honor student na na-produce and kolehiyong ito. Eh 75 pa nga nakakamatay ng abutin, what more pa ang line of 9? Ganito talaga ka unique ang kolehiyong ito.

Matapos mag announce ni Sir ay isa isa na kaming nagsilabasan. At talagang sa unang tingin ay masasabi mong basurahan ang buong building naming dahil kung ano anong mga gamit na ang nandirito. May iba na nagdadala na ng mga kama at unan, may iba na dala dal ana rin pati rice cooker at heater at sa labas naman ay may mga mesa at tent kung saan may mga mahjong, tongits at sabungan din.

Iwan ko lang talaga kay Mama bakit sa dinami dami ng paaralan ay dito pa niya ako pinadala. Pero in-fairness kung dati ang 74 na grado ay bagsak, dito sa A.B. Normal College ay pang Cum Laude na iyon mga sis. Kaya medyo may pagkasikat sikat din ako dito.

"Ouch!" Makabinging sigaw ni Carlotta ang umalingawngaw malapit sa taynga ko matapos itong aksidenteng naapakan ang kaniyang paa ng mga estudyanteng galing sa Faculty of Music na nagsisitakbuhan papunta sa Dean's Office.

"Ano ba'ng mayroon?" Usisa ni Carlotta sabay hila sa buhok ng isa ring clown na babae. Buti at hindi ito nagalit sa kaniya dahil siguro magkamukha lang sila.

"Nako! May bagong transferee na lalaki galing Stephenson University, at dinig ko pa, AFAM daw!"

"Ay! Bet ko 'yan!" Sigaw ni Carlotta. At gan'on kabilis niyang nakalimutan na kasama niya ako dahil walang paalam itong tumakbo na kasama ang isang clown na babae kaya't naglakad na lamang ako palabas.

Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa bahay ay makabinging sigaw n ani Mama ang pumukaw sa aking malungkot na kaluluwa.

"Cinderella! Wag ka nang tumayo tayo d'yan at tulungan mo na si Rapunzel at Jasmine!" Hindi ko mapigilang hindi mairita dahil sa mga pinangalan sa amin ni Mama.

Gan'on ka baliw si Mama sa mga Disney Princesses at pati kami ay pinag trip-pan niya at pinangalanan ng kung ano-ano.

"Hoy! Tumulong ka nga! Kung ayaw mong iwanan namin ang mga gamit mo!" Pukaw sa akin ni Kuya Ken sabay batok sa aking ulo.

"Ano ba kasi ang nangyayari? Saan na naman tayo magbebenta ng mga gamit?" Padabog kung wika sabay tapon ng aking sapatos at pumasok na sa loob ng bahay.

"What?" Gulat na lamang ako at parang dinaanan ng bagyo ang aming bahay at wala ng natira sa loob ni kahit isang pirasong kutsara. Saan kami pupunta?

"Ma?" Dali dali akong lumabas.

"Sumunod ka na lang sa Cavite! Hindi na kakasya!"

"Ano? Ma!" Hindi ko mapigilang sabunutan ang aking sarili sa pagkadismayado at basta basta na lamang nila akong iniwanan dito ng walang kahit ano sa akin. Ano na lang ang kakainin ko at saan ako matutulog?

Napabuntong hininga na lamang ako at nagsi sigaw sa loob ng bahay na parang baliw.

Ang buwiset talaga! Dabog ko dabang naglalakad sa kalsada bitbit ang isa kong maleta at basket ko na panay ako ng iyak. Mag gagabi na rin at malayo pa ang Apartment ni Carlotta. Doon na muna ako matutulog.

"Peep!" Isang nakakabinging busina ng humaharurot na motorcycle ang halos magpahiwalay sa aking kaluluwa mula sa aking katawan kaya't dali dali na akong tumalon pagilid para hindi masagasaan pero ang basket ko naman ang nabangga dahilan upang magsiliparan ang aking mga gamit.

"No!" Sigaw ko dahil puro mga maduduming damit at mga underwear ang nilagay ko doon sa basket.

"Pwee! Are you out of your mind?" Galit na galit na dabog ng lalaking nakasagasa sa aking basket habang tinatanggal ang bra na nakatakpan sa kaniyang helmit.

"Don't you dare Englishing me!" Galit ko ring pabalik na sigaw. "Kasalanan mo 'to! Kung makapag patakbo ka daig mo pa ang hinahabol ng multo!" Dagdag ko pa habang pa isa-isang pinupulot ang mga gamit kong nagsipagtapon kung saan saan. Nagmistulang ukay ukay area ang kalsada dahil sa mga gamit kong nakalatay at maging sa may poste ay may mga panty at pajamang naka sabit na hindi ko na alam kong paano ko aabutin.

"What? I don't understand!"

"Understand understand ka diyan! Kung sampalin kita ng mg—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ko nang tanggalin niya ang kaniyang helmet dahilan upang mabitawan kong muli ang bitbit kong basket at dinig ko ring parang nabasag ito, pero wala akong pakialam.

"Ang pogi!" Wala sa tamang pag-iisip ay napasigaw ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kong magagalit ba ako sa kaniya o muling magpabangga sa kaniyang motorsiklo. Gosh! Mga Ate siguradong malalaglag ang panga't panty niyo sa matatangos niyang ilong, mapuputing balat, mala-berdeng kulay ng mata, at machong katawan. Omg! Mister AFAM! Pahirapan mo ako!

"What? What do you mean by Pogi?" Naguguluhan niyang tanong.

"Nothing. That is just a express way. I mean you are hurting? Do you need help?" Parang tangang tamemeng tanong ko habang hindi pa rin tinatanggal mula sa pagkakatitig sa kaniya ang aking mga mata.

"You're crazy!" Wika niya saka muling pinatayo ang kaniyang motor at mabilis na itong pinatakbo.

Hindi man lang siya nag sorry sa akin o 'di kaya tinatong ang aking pangalan. Pero okay lang, kung ganoon ka-guwapo ang makakasagasa sa akin ay handa akong magpasagasa ng ilang milyong ulit.

I think I like him. He is an Ideal Boyfriend na matagal ko nang hinahanap. Sino kaya siya?