Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

twelve years of hardship

🇵🇭warriorrose3
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.8k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - December 2010

..Dahil sa hirap ng Buhay sa Pilipinas ,nag apply ako bilang isang katulong sa bansang Singapore. Sa panahon na yan dipa gaano kalakihan Ang sahod sa bansang Singapore,pero sabi nila itong bansang ito Ang pinakasafe kumpara sa iba kung gusto mong mamasukan bilang kasambahay. minsan umuwi Ang kaibigan ko galing sa bansang Singapore,nagtatrabaho din Siya bilang isang kasambahay ,mabait naman Kasi Ang napuntahan nyang amo kaya sya nagtagal sa pagtatrabaho sa kanyang amo. nakilala ko Siya dahil sa pinsan ko,magkarelasyon kasi sila ,kaya minsang dumalaw Ang pinsan ko sa amin,isinama nya ito. ipinakilala nya kami isat isa,isa syang lesbian ,dahil parehas silang may gusto sa isat isa di kami naging tutol sa relasyon nila ,dahil Buhay naman nila ito,at sa pamilya naman kasee namin ,may kasabihan kami,na kung saan ka Masaya ,susupurtahan ka namin. nagluto Ang tatay namin ng maraming pagkain ,at iba naman pulutan.dahil pagkatapos naming kumain ,nagkayayaan na mag inuman. sa inuman kailangan din na may topic kayo,dahil interesado din akong pumunta sa bansang Singapore ,Doon ako nagtanong,"mahirap ba makapunta ng Singapore?"madali lang ba mag apply?"ano Ang mga requirements kung gusto Kong pumunta Doon bilang katulong?"hindi ba mahirap Ang trabaho Doon?"kamusta naman Angga ugali ng mga Taga Singapore?"andaming katanungan ,pero nasagot nya lahat dahil sa tagal na nyang nagtatrabaho Doon sa bansang Singapore. sabi ko nalang gusto ko din pumunta Doon,matutulungan mo ba ako? sabi nya ,di lang nya sure pero gawa daw ako ng resume ko at photo copy ng passport ko para daw dalhin nya at maipasa nya sa mga kakilala nya na may agency Doon. excited naman akong gumawa ng resume at pinaphoto copy ko din ang passport ko kinabukasan ,dahil ilang araw na Lang at babalik na ulit sya ng Singapore. nakabalik na xa ng Singapore ,at naipasa na nya sa agency Ang application ko,may mga tumawag sa akin at inenterview ako. kung kaya ko bang mag alaga ng bata?,marunong ba ako magluto?marunong ba akong magbake?anong luto Ang alam ko,etchetera echetera. hanggang sa may nagconfirmed na sa akin. at inayos na nga lahat ng papeles ko,pinagmedical nila ako kung fit to work daw ba ako,nagpamedical naman ako ,at sa away ng Diyos naging maayos namn Ang medical ko. hanggang sa ,may ticket na akong papuntang Singapore. dahil 1st time kung pumunta sa bansang Singapore,may Kaba akong naramdaman,lungkot dahil malalayo ako sa pamilya ko ng 2years. pero para sa future din naman Ang gagawin Kong pakikipagsapalaran,nilakasan ko ang loob ko. at pinaubaya ko sa Panginoong Diyos Ama,Ang lahat kung saan ako tatahakin ng kapalaran ko.December ako dumating sa Singapore,dahil dadaan pa ako sa agency ,Doon kami tumuloy sa accomodations ng agency,madami kami Doon,pero Ang mga nakasabay ko mga Myanmar nong mga oras nayon,at dahil di sila marunong magsalita ng English at di rin nila maintindihan ,pero may sign language naman kaya don kami nagkakaintindihan.nag stay kami sa agency ng ilang araw,dahil need namin magmedical Dito sa Singapore ,kumuhan ng exam,dati Kasi need mo tlga kumuha ng exam,kapag di ka papasa papauwiin ka kaagad ,kaya exa muna bago kami emidical.pagkatapos ng ilang araw na pag stay sa agency namin,isa isa kaming kinuha ng magiging amo namin.