Chereads / Fascinated By The Troublemaker / Chapter 2 - LYMSEIA'S POV

Chapter 2 - LYMSEIA'S POV

"Girl, Sheya." Biglang pagtawag sa'kin ni shaya, napalingon naman ako sa gawi nila ni Iqah, papalapit sa'kin ang mga 'to.

"Bakit?" aniko naman

"Si Iqah, gustong malaman kung paano nagsimula ang nararamdaman mo para kay Jaeger." natatawang aniya habang umupo sa harap ko.

Nga pala nandito ako ngayon sa Library para sana magbasa at maghanap ng impormasyon tungkol sa lesson namin kanina sa chemistry, Hindi paman ako nakasimula mag basa ay dumating 'tong mga kaibigan ko na paniguradong chismiss na naman ang punta.

"Ouhmn! truth sister" pagsang-ayon ni Iqah, tumabi ito kay Shayatesa at pareho akong tinitigan, nag aantay sa kung anong sasabihin ko.

Wala paman, kinikilig na ako kahit hindi pa 'ko nagsimula sa pagkukwento. "Ano na mamsh?" excited nitong turan.

"Yieehh si Sheya namumula" pang-aasar sa'kin ni Shaya, na sinabayan naman ng tawa ni Iqah.

Imbess ma-asar, mas gugustohin ko pang asarin pa nila ako dahil syempre forda Inlove ang ferson waaaaahhhhhh! So ito na nga, huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang kwento.

Sa dipa ang layo ay nakita ko na ang tatlong guard na nagbabantay sa entrance, at mga estudyante na pumapasok na sa school. Pansin ko din ang pila, Chini-check ng mga guard ang bag ng mga estudyante bago ito makapasok.

"Hello?"

Nagulantang ako nang may biglang sumulpot sa tabi ko, isang magandang babae at kung hindi ako nagkakamali  siya ay nag-aaral din sa Armenia.

"Sorry to interrupt, but can I ask you a favor?" She awkwardly smiled at me.

"A-ano" awkward ko rin' ngiti sa kaniya, kinakabahan ako dahil hindi ako sanay makipag-usap.

"Puwede bang sumabay sayo? Hindi kasi ako marunong tumawid eh. Since pareho lang din naman tayo ng pupuntahan" nahihiyang aniya

"Sure" walang pag-alinlangan akong pumayag, gano'n lang naman ka simple at kadali ang hinihingi niyang pabor para ipagkait ko pa sa kaniya.

"Thank you" nakangiting aniya, at dahil nga sa hindi ako marunong makipag interact ay nginitian ko na lang din siya.

Mahiyain kasi akong tao, tahimik lang ako lalo't na hindi ko pa masyadong kilala ang mga taong nakakasalamuha ko, may pagkamadaldal din naman ako pero piling tao lang at depende sa taong kausap.

Nang nag signal-go na ang traffic light Saka ako naglakad sa pedestrian lane para tumawid,  sumunod naman siya sa akin. Napansin kong nakayuko lang 'to at nakatingin lang sa paanan ko habang tumatawid kami, batid at nararamdaman ko ang takot niya.

"Lintek, sabing bawal mag dala ng alak sa loob ng eskwelahan." Sita ng guard sa isang estudyante "kababae mong tao at ang bata mo pa nag bi-bisyo kana, akin na nga yan!" hinablot nito ang alak at binuksan sa harap ng mga estudyante 'tsaka ito nilagok, pinanlakihan naman siya ng mga ito sa mata, tulad ko ay nagulat din sa ginawa niya. "Ang pangit ng lasa!" sabay bato pa nito sa basurahan. Ang pangit daw ng lasa ngunit bago pa nito ibinato ang bote ay wala na itong laman.

"Bwesit! Tarantado kaba" bulyaw nito sa isang manong guard "bayaran mo ako kundi isusumbong kita sa headmaster" dagdag pa nito habang masama ang titig sa kaniya.

"Edi isumbong mo! Gusto mo samahan pa kita?" pamilosopo ng guard "wala naman akong pake!" sigaw nito sa babaeng kaharap niya.

"Ayy!"

"Baka may problema si guard"

Bulong ng Ilan sa mga estudyante, napamaang naman ako sa nangyayare.

"Kaya ka siguro nagkakaganyan kasi ang mga magulang mo, asawa't mga anak mo ay walang pakealam sayo!" iretableng banat niya kay guard 'tsaka padabog na pumasok, naiwan namang nakatanga ang guard at hindi na kumibo pa, gano'n na lang siguro kalaki ang impact ng sinabi nung babae sa pagkatao niya jusko!

"Sheyyttt"

"hahahaha potekk anong drama to"

"Himala, natalo ata si guard ngayon."

Hindi naman ako makapaniwala sa nakita, possible bang maaring uminom sa oras ng trabaho ang guard na 'to. Paano nito nagawang magkaro'n ng alitan sa isang estudyante. Hindi ba ito takot na mawalan ng trabaho o talagang ganito na talaga ang mga taga bantay ng eskwelahan na 'to?

Sa nakikita ko rin ay may pagka spoiled din ang estudyante na 'yon. Kung ako man ang nasa position niya, hindi ko magawa iyong sumagot ng gano'n kahit guard lang ito sa school lalo't na mas nakakatanda ito sa'kin.

"Err?" nagulat ako dahil bigla na lang akong hinila ng babaeng nakasama kong tumawid kanina.

"Pumila kana rin bago pa dumami ang estudyante at maunahan kapa nila" sabi niya kaya sumunod na lang ako at pumila din. "Normal na ang gano'ng pangyayare, Hindi basta bastang napapatalsik ang mga guard kaya wala kang dapat pang ipag-alala." nangunot ang noo ko sa sinabi nito, Hindi naman ako nag aalala. "Hindi rin basta bastang matakot ang mga estudyante dito sa Armenia Black University, kasi bukod sa spoiled ito ay nanggagaling ang mga ito sa maranyang pamilya. Puro mga mayayaman kaya kung ano man ang mangyare sa kanila, nandiyan naman ang mga magulang nito na siyang gagawa ng paraan para Hindi ma expelled ang anak nila." napatango naman ako sa iminumungkahi niya, ang lakas din maka-slapsoil, dahil sa sinabi niyang 'yon ay mas lalo akong nagmukhang basahan! base sa ikinuwento niya mukhang ako lang ang hampas lupang pumapasok sa unibersidad na ito. "Oo nga pala, sikapin mong dumating ng maaga dito sa school" lumingon siya sa'kin

"Bakit?"

"Syempre para hindi ka mahuli sa klase, ang babagal pa naman ng mga guard mag check ng mga bag kung kaya madalas itong nangyayare, mahaba ang pila at palaging late sa klase ang eksena." natatawang aniya "Tatlo na nga silang taga bantay dito sa labas ng entrance Hindi pa nila magawa ng mabilisan ang trabaho nila, at Isa pa sobrang dami ng mga estudyanteng nag-aaral dito sa ABU ." iling-iling siyang nagkibit-balikat.

"Hindi ba puwedeng papasokin na lang nila ng diretso ang mga estudyante" tanong ko.

"No, kasi gaya nga ng sinabi ko kanina halos lahat ng mga estudyante dito ay mga spoiled at karamihan sa mga ito ay may mga bisyo na. Katulad na lang ng kanina, Hindi ba't nahuli ni manong guard ang Isa na may dalang alak? Oh diba, paano na lang kapag may dala itong mga iba't ibang uri ng armas

" seryosong turan niya, napatango naman ako.

"Shyatesa, what are you terrified of? We are aware that life on campus is still risky, even if the students don't carry any weapons." biglang sulpot ng isang lalaking naka civilian.

"What are you doing here, Nikko?" kunot noong tanong nito sa lalaki

"You're being stupid again, Shyatesa." sagot nito "Of course, nandito ako para pumila, tanga kaba?" inirapan niya pa si Shyatesa, gano'n na lang ang kaba ko nang bumaling ang atensyon niya sa'kin. "Oh, new transferee huh?" matapos niya akong titigan ng Ilang segundo, bago ako maka-react ay itinulak niya na ako dahilan para ako'y ma out of balanced.

Kasabay ng pag bagsak ko ay ang bag na hindi inaasahang tumama sa aking ulo nang ako ay napasalampak. "Ughh!" daing ko't napahawak sa aking ulo. Kung sinusuwerte nga naman, kailangan pa talagang sabay ang kamalasan.

Inis na inis ako, at nagpasyang tumingin sa itaas upang makita kung saan nanggaling ang bag at harapin ang may-ari, ngunit gano'n na lamang ako napakadaling mawalan ng galit habang nanlaki ang aking mga mata nang mapansin kong tumalon ang isang lalaki sa pader.

*SWOOOSSHH!*

Siya ay napaka-angas at sobrang pogi tingnan, Imbess na magalit ako sa kanya ay mas hinahangaan ko pa siya.

Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, mapula ang labi, makapal ang kilay at mahahabang pilik mata, kulay silver ang kaniyang buhok, idagdag mo pa ang napaka-angas niyang tindig at porma.

"Oh, here you go." nagpantig sa tenga ko ang boses niya, ang sarap nitong pakinggan at parang bang sirang plaka na paulit -ulit kong naririnig sa aking utak.

*TAK* ~ *TAK* ~ *TAK*~

Holy Moly! ⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

*BADUMP!* ~ *BADUMP!*~ *BADUMP!*

Biglang tumigil ang ikot ng mundo. Ang pintig ng puso ko at ang mga yabag niya ang tanging naririnig ko sa mga sandaling iyon. Hindi ko maiwasang mamula nang humakbang siya palapit sa akin, bahagya itong umupo sa harapan ko.

Dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa naa-amoy ko siya, sobrang bango niya't Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ang gwapo niyang pagmumukha.

Ako'y nagitla nang biglang tumama ang tingin niya sa'kin, napa-alon naman ang dibdib ko nang ngumiti ito.

**BADUMP!* ~ *BADUMP!* ~ *BADUMP*

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

Inilagay niya ang daliri sa kaniyang labi sabay "Hush," at kindat sa'kin, 'tsaka pinulot ang bag niya't nagmadaling tumakbo palayo sa eskwelahan.

I was sufficiently startled to move and speak, and I have this weird feeling na hindi ko maipaliwanag.

Simula ng pangyayareng iyon ay Hindi ko na ma Alis ang tingin sa kaniya "The next thing I knew, I'd fallen for him." napahawak ako sa pisnge ko at nararamdaman ko ang pag-iinit nito.

Hindi man ako tumingin sa salamin, pero alam kong namumula ako sa harap ng mga kaibigan ko habang sinasabi sa kanila kung paano at kailan nabuo ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Ay sismar, crush ko din si Jaeger. I feel you bhie sobrang pogi niya kasi." anang Iqah

Kaya pala willing siyang makinig sa kwento ko, itong babaetang 'to hindi man lang sinabi sa'kin na may gusto din pala siya sa kaniya.

"Akin lang si Jaeger, Iqah." sinamaan ko siya ng tingin

"No, walang sayo sheya. Akin lang si Jaeger!" naglabanan kami ng tingin sa isa't isa

"Bakit niyo ba nagustohan si Jaeger eh isang troublemaker naman 'yon" iling-iling na si Shyatesa "Pero sabagay, gwapo naman talaga si Jaeger kaso 'yon nga lang ang problema pasimuno sa gulo." seryosong aniya na nakapalumbaba

Hinampas siya ni Iqah "Love is blind, mare ano kaba?" nainis si Shaya sa kaniya't di mapinta ang mukha dahilan para mapahalakhak ako sa tawa "Diba girl, sheya?" baling niya sa'kin, tumango tango naman ako bilang tugon. "Ang truth kasi niyan mga sister wala akong pakealam kung ano man si Jaeger basta kung gwapo siya mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Kahit sino pa 'yon basta pogi forda go ang lola niyo ." proud niyang sabi, napatampal naman sa noo si Shaya.

"'Tong si Iqah burikat talaga" inirapan niya si Iqah sabay baling ng tingin sa'kin "Oh ikaw, wag mong sabihin na gano'n din ang dahilan mo kung bakit in love ka diyan kay Jaeger." nagkibit-balikat siya sa harap ko habang diretsong nakatitig sa mata ko.

"Bwahahhahahah" tawa ng walang hiyang Iqah

"Ano?" pagtatanong ulit ni Shaya.

"Hindi ah!" nag gesture ako gamit ang kamay "Gusto ko si Jaeger kasi mahal ko siya." nakayukong aniko, ayaw kong makita nilang namumula na naman ako.

Sandaling katahimikan, nag-angat ako ng tingin sa kanila at gano'n na lang ang titig nilang dalawa sa'kin, nakakatunaw.

"B-bakit?" nahihiyang aniko

"**HAHAHAHAHHA!"

"Bwahahhahahah**"

Hagalpak nilang dalawa, ako naman ay parang ng kamatis sa sobrang pula.

"Seryoso ka?" natatawang turan ni Shaya

Tumango naman ako "Oo nga, Alam kong isa siyang troublemaker pero kahit gano'n."

"Ano?!" sabay nilang sigaw

"Girls at the right corner!" napalingon kami sa librarian, nakatingin ito sa gawi namin. "Minimize your voice" sita niya

"Ano nga 'yon sheya" bulong ni Iqah

"Mahal ko si Jaeger"

*CLAP!*~ *CLAP!*~*CLAP!*

Napatayo silang dalawa sabay pumalakpak "Whoaahh!!" sigaw ni Shaya "Forda Inlove ang ferson!!" anas naman ni Iqah, sabay ulit silang pumalakpak.

Ako naman, hinihila sila para bumalik sa upoan. Lahat kasi ng tao sa library ay nasa aming gawi na ang tingin, pwede na akong lamunin ng lupa! "Ano ba, tumahimik kayo" bulong ko sa kanila ngunit hindi nagpatinag ang mga gaga.

"Get out"

Pareho kaming napalingon, ang librarian ay nasa harapan na namin, nakakibit balikat itong ang sama na ng titig sa'min.

Napalunok ako "Wag po ma'am, pasensiya na po hindi na mauulit." punyeta hindi pa ako tapos sa aking ginagawa.

"Ano bang pinagkagulogan ninyong Tatlo, huh?" nagtagpo ang kilay nito

"Ma'am, natuwa lang naman kasi kami dahil Inlove na yung kaibigan naming si Lymseia." Ang walang hiyang Iqah, proud pa siya sa kaniyang sinabi. She really doesn't know how to read the situation. Napatampal sa noo si Shaya.

"Inlove kanino?" Ay wow chismosa ang babaeng 'to. "Ms. Quesne, you're in love with whom?" nakangisi niyang tanong, sa mukha palang niya namumula na ako sa kahihiyan.

"A-ano, s-si Jaeger po."

*PAK!*

Napalingon ako sa huling linya ng book shelves nang makarinig ng librong nahulog at may sinapak.

"Sino nandiyan?" tanong ng librarian, bigla namang lumabas sa tagong dapit si Nikko. "Ikaw lang pala yan Mr. Vertoso, himala atang nandidito ka sa library." Ani nitong may gulat na bahid sa kaniyang mukha, si Nikko naman napakamot lang sa kaniyang ulo. "Ano nnagyare sa mukha mo, Mr.Vertoso?"

May pasa 'yong pagmumukha niya, halatang bago lang ito dahil presko pa 'tong nasa mukha niya.

"Sinapak ko sarili ko ma'am" pagkasabi niyang 'yon ay bigla na lang siyang umalis nang walang paalam. Hinayaan naman siya ng Librarian at muling ibinaling ang atensyon sa'ming tatlo na magkakaibigan.

"Sigurado kaba Lymseia, Hindi kaba takot na gulo lang ang makukuha mo kay Jaeger? Kung ako sayo pigilan mo ang nararamdaman mo para sa kaniya, dahil maaring mapatalsik ka sa school nang dahil sa kaniya." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit dahil ba sa pasimuno ito ng gulo? Paumanhin, ngunit ang mga taong nag-iisip sa kaniya ng masama at wala na itong nagawang tama ay siyang dapat mawala sa eskwelahan na 'to. Isa pa po hindi ko magagawa ang sinabi mo dahil huli na ang lahat, masyado ng malalim ang nararamdaman ko para sa kaniya." bahagya muna akong yumuko bilang pag respeto ko't pamamaalam, bago ako umalis ng library.

Kaya nga nandito 'yong tao sa eskwelahan upang maturoan nila ng moral at madisiplina, hindi para lait laitin at animo'y mababang uri. Naniniwala akong kaya't ganyan si Jaeger dahil may malalim itong dahilan, at naniniwala akong mabait ito at hindi pa huli ang lahat para mag bago.

"Girl, Sheya." dinig kong pagtawag sa'kin ni Shaya.

"Wait mo kami sis!" anang si Iqah

Huminto naman ako at nilingon sila, papalapit ang mga 'to sa'kin. Hinintay ko silang makalapit.

"Tara na" nakangiting turan ni Shaya at inablayan pa ako sa balikat, na siyang gano'n din ang ginawa ni Iqah.

"Pinapaubaya ko na si Jaeger sayo" biglang sabi ni Iqah, nagulat naman ako sa kaniyang turan at tiningnan siya, malawak ang ngiti nito sa'kin.

"Ay hala siya may pa ganon, bakit kayo ba huh? Paubaya amp shunga!" sulpot naman ni Shaya, dahilan para mabugnot ang mukha ni Iqah.

Sa paglalakad namin papuntang building ng aming classroom ay Puno ng tawanan at kulitan, at syempre chismisan. Sobrang saya ko at ang sarap sa pakiramdam na mayroon kang mga kaibigan. na mga siraulo.