Malapit ng mag-five pm nang makarating kami sa Ramirez residence. Papasok pa lang kami ng gate ay kinakabahan na ako. Matagal ko itong pinag-isipan at ngayon ay buo na ang desisyon ko.
We did our best, but this is the only way I can think of to save my family and the company. Hindi ko kayang hayaan na mawala na lang ang lahat ng pinaghirapan ni Papa dahil kung mangyayari iyon, baka kung saan na kami pulutin.
"Andito na po tayo Ma'am."
Itinigil ni Manong Denis ang sasakyan sa harap ng isang malawak na garden na puno ng mga iba't ibang klase ng bulaklak. Matagal na rin noong huli akong pumunta dito pero wala pa ring nabago maliban na lang sa isang malagong puno na nakatanim sa gitna ng garden.
"Ms. Atienza, Mr. Ramirez is already waiting for you." Agad akong sinalubong ni Mr. Fernandez ng makababa ako ng kotse. "Please follow me." Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. The garden looks lively and colorful and it somehow affects my mood. Kahit papaano ay napakalma ako noon. Habang palayo kami ng palayo, ang buong paligid ay unti-unti ring nababalot ng kakaibang katahimikan.
Dahil sa pagmamasid sa paligid hindi ko na namalayan na nakalapit na pala kami sa puno. Mga ilang saglit lang ay nagpaalam sa akin si Mr. Fernandez at iniwan na akong mag-isa doon.
Unti-unti nang nagdidilim ang paligid kaya ganoon na lang ang kaba ko. I hate darkness at kung tatagal pang mag-isa lang ako dito ay baka di ko na iyon kayanin. Mga ilang saglit ang lumipas ng makaalis si Mr. Fernandez ay bigla na lang nagliwanag ang buong paligid dahil sa mga fairy lights na nakasabit sa puno.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil parang nababalot iyon ng mga alitaptap. Habang pinapanood ko ang pagkislap ng mga ilaw ay bigla na lang may isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.
"You came."
It was Isaac.
He was wearing his black coat and slacks. His black hair was neatly parted on the side revealing his thick brows.
Naglakad syang papalapit sa akin at habang ginagawa nya iyon ay unti-unti rin bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
He was a step away from me when he suddenly stoped and put his hand on his pocket. He looked at me and our eyes met. He suddenly lean towards my face kaya naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko. I can feel his warm breath and it is somehow electrifying.
"Do something, they're watching." He whispered on my ear.
Agad kong hinanap kung sino ang tinutukoy niya hanggang sa napadpad ang tingin ko sa isang kubo, mga ilang metro ang layo sa amin. Naroon sina Mama at Kuya pati na rin sina Tita Linda at Tito Fernan.
Wala akong maisip na gawin kaya niyakap ko na lang sya at pekeng ngumiti.Napalunok na lang ako at hindi ko na nagawang magsalita. This was unexpected. I thought that we're only gonna tell our parents about our engagement and get their blessings and yet...we are here.
"I'm glad you came." He speaks with delight but his rushing heartbeat tells the truth. He is edgy.
Matapos ang ilang sandali ay agad akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya. I saw him heaved a sigh at umayos ng tayo. After a while, he took something on his pocket and suddenly, he knelt on one knee. Nagulat ako sa ginawa nya kaya napaatras na lang ako at natigil sa kinatatayuan ko.
"Serena Isabel Atienza."
He opened a small black box and pulled out a diamond ring.
"Will you marry me?"
____________________________________