CHAPTER 105 - A TWIN AND A TWIN
-------
PENELOPE THOMPSON POV
*Beep! *Beep! *Beep! *Beep! (noise from the alarm clock.)
Time Check: 7:30 am
I woke up feeling so good. Kayakap ko pa ang asawa ko. Tamang lambingan lang sa umaga hanggang sa mapansin namin na parang ang tahimik ata at pag lingon namin...
"Omg, hon! Yung kambal, nawawala!" gulat na gulat na sabi ni Penelope.
Kaya kahit wala pa kaming mga hilamos at mumog ay agad kaming bumaba para tanungin si Ate Rosa kung nasaan ang kambal.
"Ate Rosa, Ate Rosa!" nagpapanic na tanong ni Penelope.
Kaya dali dali ding tumakbo si Ate Rosa at nagtanong na tila namumutla na din. "Yes, Ma'am? Ano po yun?"
"Yung kambal, Ate Rosa? Nawawala!" natatarantang sabi ni Penelope.
At biglang napabuntong hininga si Ate Rosa "Ahh ang kambal po Ma'am? Nandun po sa sala kasama po ang mga lolo't lola niya. Nandito po sina Madam Isabel, Don Albert, Madam Patricia, at Don Harvey po Ma'am."
Kaya bigla kong sinilip sa may sala namin. At hayy, nakahinga na din ako ng maluwag. Nandun nga ang mga Lolo't Lola niya. Kaya nilapitan ko na sila, sumunod din ang asawa ko.
" Jusko po, nasa inyo lang pala ang kambal. Akala ko kung saan na napunta eh." wika ni Penelope habang hawak ang dibdib nito dahil sa kaba kanina.
At natawa nalang sila sa kin. "Hahaha, I am so sorry anak. Sobra na kasi naming namimiss etong kambal ehh. Biruin mo 2 years na namin tong di nakita kaya di na namin napaalam kanina. Pinautos namin kay Ate Rosa." nakangiting sabi ni Mommy Patricia habang buhat si Paula Elisse.
Well, obvious naman na sobrang namiss nga nila ang kambal. Jusko po pero sana ginising nalang kami. Bruha bruha pa tuloy akong bumaba tapos yung asawa ko naka boxer brief pa kaya nang malaman namin na nasa kanila pala ang kambal ay umakyat ulit kami para makapag ayos ng sarili.
Ilang oras din kaming nag bonding. Grabe ang dami din nilang dinalang pasalubong sa kambal. Sinulit din nila ang araw dahil mamayang gabi ay flight na pala nila pauwi ng Pilipinas. Halos ayaw pa nga nilang umuwi eh, pano ba naman pinipigilan din sila ng kambal. Mahal na mahal din talaga nila ang mga Grandma and Granpa nila nakayakap lang sa kanila lalo na nung nabanggit na aalis na sila.
Kaya ayun, kesa malungkot ang mga Mommy at Daddy namin ganun na din ang kambal kaya napagpasyahan namin ng asawa ko na magbakasyon na muna sa Pilipinas and maybe duon na din ganapin ang kasal. Hindi din naman kasi pwedeng mag stay dito sina Mommy Isabel at Daddy Albert dahil nga sa company at businesses nila. Kaya nagpabook na agad kami ng flight at grabe tuwang tuwa ang kambal!
------
After almost 16 hours of flight from Paris to the Philippines...
ETHAN SMITH POV
Touchdown! So we're finally back! I am so excited actually at bagamat 2nd time na to ng kambal na mag trave but it's the first time na makita ko na medyo naaappreciate na nila ang mga lugar na pinupuntahan. Namamangha sila palagi sa mga paligid at sobrang nakakatuwa.
At matapos nun ay tumuloy na muna kami sa bahay nila Daddy Harvey at Mommy Patricia. Napili namin dito dahil feeling sa totoo lang ay medyo natruama na kaming bumalik sa dati naming bahay. We feel safer dito sa bahay ng Mom and Dad ng wife ko. At speaking of my wife...
Hinahanap ko siya after kong makipag kwentuha kina Kuya Patrick. Kaya pagpasok ko sa loob ng bahay, sa may living room. "Ohh, hon? I was looking for you. Akala ko tulog ka na eh hinahanap ka ni Kuya Patrick pero umalis na din kasi duty siya sa hospital ngayon."
I got no response kaya lumapit ako sa kanya para tignan kung ano ba ang ginagawa sa may lamesa at pagtinging ko. "Oh wow, kaya pala. Hahaha. Hon, naku po. Bakit mo inubos yang chocnut? Tsaka ano yan? banana and chocolate dip?".
"Haha, Hi hon. Andyan ka pala. Naglalaway kasi ako nung nakita ko. Ewan ko ba, gustong gusto ng dila ko ang matatamis." nakangiting tugon ni Penelope.
Napapailing ako dahil hindi ko din naman siya maaaring bawalan lalo na't napapansin kong medyo nagiging matampuhin siya lately. Kaya lahat ng request niya, as usual eh ginagawa ko. Naalala ko tuloy yung mga weird niyang cravings sa kambal nung una. Pero infairness naman ngayon wala namang kakaibang cincrave ang asawa ko. Pero yun nga lang more on sweets siya pero lagi ko naman siyang nireremind na uminom lang lagi ng tubig after.
Kinabukasan...
Nagising kami ng maaga dahil naka-schedule kami ngayon ng check up para tignan ang lagay ng baby. At as usual kay Ate Bella kami magpapacheck up.
Kaya agad kaming nag ready para makapunta agad sa Hospital...
"Hello, Good morning beautiful people." wika ni Dra. Bella.
"Goodmorning, Ate oh I mean Doktora. Haha." nakatawang tugon ni Penelope.
Agad naman nilapitan ni Ate Bella ang kambal. " Oh grabe napaka pogi at ganda naman nitong kambal."
"Aba syempre naman, kaya nga dadamihan natin agad diba? I'll create a modeling agency hahaha." biro ni Ethan.
"Hon, magtigil! Alam mo mapanganak ko lang tong baby natin hindi na talaga tayo mag sasabay sa pagligo." nakangiting tugon ni Penelope.
"Ohh, grabe ka naman don Ethan Smith?! Nakakaloka! Hahahaha! Bakit ka ba sumasabay sa pagligo? Kaya na ng sissy ko yan mag isa. Hahaha." nakatawang sabi ni Dra. Bella.
"Ewan ko ba dyan, Ate. Kung ano anong mga quotable ang naririnig ko dyan. Kung hindi "Time is Gold", "Conserve Water" naman." nakatawang tugon naman ni Penelope.
PENELOPE THOMPSON POV
Hahaha! Grabe sakit ng tiyan ko sa usapan namin na yun. Anyways, tapos na ding macheck-up ang baby namin at nagulat kami nang makita namin sa may monitor na kambal ulit ang anak namin.
Niyakap ako agad ng asawa ko. "Wow, hon. Hindi ako makapaniwala na kambal ulit. I am so excited." wika ni Ethan na maluha luha sa sobrang saya.
"Congrats to both of you. And wow, Ethan Smith mukhang matutuloy ang Modeling Agency mo. Hahaha. Apat na agad, congrats." masayang sabi ni Dra. Bella.
At natapos na nga check up at ayon kay Dra. Bella ay nasa 3 months na nga daw ang kambal. Healthy naman daw tsaka maganda din ang kapit ng baby namin kaya masaya kaming umalis ng clinic niya.
I am so excited! Nakakatuwa at kambal ulit. So, pagkatapos namin magpacheck up ay pauwi na kami sa bahay. At habang bumabyahe kami...
" Mommy, you know what I love about the Philippines?" tanong ni Paula Elisse habang nakatingin sa bintana ng van.
Nagulat kami ng asawa ko sa narinig namin. Kaya sabay pa kaming sumagot. " What is it, my Princess?"
" ANIMAAAAALS!" tugon na sigaw ng kambal.
At bigla nalang kaming nagkatinginang dalawang mag asawa at napangiti. " Ohh animals? Haha. Do you wanna see more animals?" tanong ni Ethan at agad namang tumugon ang kambal at dama mong sobrang saya nila na marinig na maaari pa silang makakita ng marami pang mga hayop kaya agad kaming dumiretso sa Zoo.
Isa nanamang memorable moment dahil first time naming gumala kasama ang kambal. Hindi magkandamayaw sa saya ang dalawa dahil pag pasok pa lang namin ay may mga hayop na agad na makikita.
Una naming pinuntahan ay ang mga iba't ibang klase ng mga ibon. Andyan ang agila, macaw, kingfisher, ostrich, peacock at marami pang iba. Sumunod na pinuntahan namin ang mga butterflies sa butterfly garden, grabe manghang mangha ang aming kambal lalo na si Eros dahil yung books niya ay puro about sa animals. At sumunod naming pinuntahan ay ang monkeys kung saan nagpakaen kami ang nagpakaen sa kanila. Enjoy naman yun nga lang takot na takot si Elisse.
" Ohh stop crying na. Why are you afraid ba of the monkeys?" tanong ni Penelope kay Elisse na buhat buhat nito.
" No, Mommy. I am not afraid of monkeys. I love them but I am scared, they might eat my whole hand. Look, Mommy, my hand is so tiny. I am so scared. I don't wanna feed them." tugon ni Elisse na patuloy sa paghagugol.
Kaya matapos nun ay nagpasya naman kaming manuod naman ng show at iyon nga ang parrot show at sea lion show grabe enjoy na enjoy ang mga bata at di din padadaig ang Daddy nila dahil nakilahok din siya sa sea lion show.
At matapos ng aming masayang trip ay kumaen na muna kami sa labas at nagpasyang umuwi na din dahil antok na antok na ang mga kambal.
"Hon, alam mo sobrang saya ko. Hindi ko alam na sobra ko palang maeenjoy ang pagiging nanay. Sobrang saya kasing makita mo ang mga anak mo na masaya. Yung nag eenjoy lang sila, napakasarap niya sa feeling. Tapos eto madadagdagan pa tayo ng dalawa pa. Sobrang excited na din ako." wika ni Penelope habang nasa loob ng sasakyan at nakahiga sa balikat ng asawa.
"Oo nga e, excited na din ako. Pangarap ko lang din dati to eh, kaya sobrang thankful ako na ikaw ang naging Mommy ng mga anak ko, ikaw ang naging asawa ko. Wala nang hahanapin pang iba. Alam mo hon napapaisip lang ako, pano kaya kung bumalik tayo sa resort?" tugon ni Ethan. " I mean, isa kasi sa mga espesyal na lugar yun na napuntahan natin eh. Tsaka diba, alam naman nating parehas na hindi natin siya naenjoy nung nag stay tayo dun. Why not make another memories sa resort na yun? For sure na maeenjoy na natin at genuine na yung happiness na mararamdaman natin. Was it a good idea, hon? What do you think?" dagdag pa nito.
Napatango na lang ako sa asawa ko bilang sagot. Hindi ko naman mapigilang mapaiyak dahil sa saya dahil kung hindi dahil sa resort na yun ay hindi ko makikita itong si Ethan na asawa ko na ngayon. Kaya excited na din akong bumuo ng bagong memories kasama itong pamilya namin.