Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 98 - CHAPTER 98 - A START OF A BLOODY BATTLE

Chapter 98 - CHAPTER 98 - A START OF A BLOODY BATTLE

CHAPTER 98 - A START OF A BLOODY BATTLE

--------

" Breaking News, Kakapasok lamang po na balita. Doctor and Cardiologist na si Ethan Smith o mas kilala din bilang The Perfect Doctor ay kasalukuyang hawak ngayon ng noo'y isang tanyag na businessman na si Phillip Tan o mas kilala din bilang Mr. Tan. Hinostage umano si Perfect Doctor matapos ang pagsabog sa event ng launching ng bagong brand na P.E kids apparel. Kasalukuyang gumagawa ng aksyon ngayon ang mga pulisya para mailigtas ang Doctor. At yan ang mga baliktang dapat niyong tutukan..."

"Nyahahahahaha! Wahahahahahahahah! Ahahahahahahahahaha!" Ang tanging reaksyon ng tila ba'y nawawala na sa sarili na si Jacob ang pamangkin ni Phillip Tan.

Pak!

Pag sampal sa mukha ni Jacob ng Mayor ng selda. "Hoy! Siraulo! Lumapit ka dito! Masahiin mo ko! Tatawa tawa ka diyan. Tan* *** ka! Ayusin mo yang tingin mo ha! Lapit dito at masahiin mo na ako, hoy! " wika ng Mayor ng selda.

SAMANTALA...

DON ALBERT SMITH POV

Nag sisimula na kami sa aming operasyon at nakapasok na ang unang tropa. At una naming nakasagupa ang mga nasa basement ng abandonadong building. Kitang kita ang pagkabigla ng grupo ni Phillip Tan kaya agad naming napasok ang basement kaya pumasok na kami sa loob at nagtungo sa 2nd floor nitong building.

*Bzzz! Bzzz! (sound of walkie talkie)

"Boss, clear na ang basement. Maaari nang pumasok ang iba. Nandito na ang ibang tropa sa loob. May mga sugatan na din sa kasama natin at pakiramdam ko na kailangan pa natin ng malaki pang grupo dahil mukhang madami pa ito sa loob."

*Bzzz! Bzzz!

"Roger, Roger!"

ETHAN SMITH POV

Nang pakawalan ako ni Bogart ay umalis agad kami ng silid kung saan ako binugbog ni Mr. Tan at nag lakad para makaalis sa loob ng building. At maya maya lang ay nakarinig na kami ng mga putok ng baril kaya agad kaming dumapa at gumapang pababa ng basement papunta sa exit nitong building. Pero nagulat ako nang sabihin sakin ni Bogart na nasa gitna pala kami ng building which is at the 8th floor dahil itong abandoned building ay merong labing-anim na palapag.

Mukhang mahihirapan kami nito dahil madami daw tao itong si Mr. Tan at mga armado din ng mga matataas na calibre ng baril. Kaya napagkasunduan namin na magtatago na muna ako sa isang room at siya na muna ang bahalang kumuha ng damit na kagaya ng suot nila para hindi kami macorner pagbaba namin.

At tuluyan na ngang bumaba si bogart kaya tam ang tago lang ako dito sa may banyo sa 7th floor. Medyo nakakakaba lalo na't wala akong armas na pwede gamitin kung sakaling magka gipitan.

SAMANTALA...

BOGART'S POV

Dali dali akong bumaba at ayun nga medyo nagkakagulo don sa 6th floor dahil nagkakabakbakan na daw sa baba, nakakaloka! At isang kagrupo namin ang bigla akong sinita.

"Hoy, Bogart! Asan ang armas mo? Siraulo ka, nagkakagulo na ano pa bang ginagawa mo? Utos ni boss na huwag padaanin ang mga kalaban. Tara na! Kailangan ng back up sa 4th floor!" wika ng isang armadong lalaki.

"Oo pre kaso pupunta na muna ako lobby kukuha ako ng armas. Susunod ako." tugon ni Bogart.

Pagkatapos ay agad akong tumungo sa lobby kaso sa kasamaang palad walang available na uniporme para kay Ethan kaya agad ko din naman siyang binalikan sa 7th floor dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Kaya pag akyat ko ay agad naman akong naka isip ng ideya. At hinubad ko na nga ang suot kong uniporme.

"Ano?!" gulat na sabi ni Ethan.

"Wala tayong choice, Doc. Tiisin mo nalang yung amoy ang importante makalabas tayo ng ligtas." tugon ni Bogart.

At isinuot na nga ni Doc. Ethan ang aking uniporme. At habang inaantay ko siya sa labas ay parang nadidinig ko ang boses ni...

Naku yari na, paano na to andito si Billy!!

"Bogart! Bogart!" hingal na pagkasabi ni Billy mula sa pagkakatakbo.

"Galit na galit si Boss. Si Ethan, nakawala!!" wika ni Billy na hingal pa din sa mga oras na iyon.

Grabe yung kabog ng dibdib ko. Naku pano na to. Mamaya biglang lumabas si Doc. Ethan at mamukhaan ni Billy, at nakakaloka! Baka mapatay niya kaming dalawa!!

"Kailangan natin mahanap si Ethan malamang nandito lang yun at hindi pa nakakalayo layo. Tara samahan mo ko at mas alam kong mas alam mo ang pasikot sikot nitong lugar." wika ni Billy.

At bigla naman napatingin sa parte ng cr si bogart at nagtanong. "Oo nga pala bakit ka nandyan sa CR nakatambay? Tsaka ano yun? May tao ba dyan sa loob?" tanong ni Billy sabay tingin sa likuran ni Bogart.

Omg! Eto na nga ba yung pinangangambahan ko, nagkakahinala na ata si Billy!!

"Ah eh, w-walang tao dyan. Alam mo Billy tara na at baka makalayo na yung Ethan na yun!" nanginginig na tugon ni Bogart sabay hatak kay Billy patalikod dahil sa nararamdaman na nito na lalabas na ng cr si Ethan.

At naaya ko naman si Billy kaso nga lang bigla naman akong tinawag ni Ethan!

"Bogart!" tawag ni Ethan kay Bogart.

Kaloka! Hindi ko alam kung lilingon ba ako!

"Hoy! Anong tinatawag tawag mo dyan! Talagang may panahon ka pa para mag banyo? Bumaba kana at kailangan ng responde sa 4th floor at nandun ang mga kalaban! Bilisan mo!" sigaw na pagkasabi ni Billy kay Ethan na noo'y naka suot na ng uniporme.

ETHAN SMITH POV

Nagulat ako nang makita ko si Bogart na kasama ni Billy, naku buti nalang at meron mask itong uniporme tsaka si Billy na din mismo ang nag paalis sa akin kaya agad naman akong umalis at pumunta patungo sa hagdan pababa nitong 6th floor. Ang problema nga lang hindi ko alam ang pasikot sikot nitong lugar at baka madamay ako sa gulong nangyayari sa baba. Pero bahala na!

SAMANTALA...

NOAH MILLER POV

Nakapasok na kami dito sa loob ng building dahil ni-radyohan na kami na sumunod na at may ilan nang nasugatan. Medyo kinakabahan ako dahil si Leuize ang pumopronta sa amin buti nalang at mahusay at sanay na sanay na sa ganitong aksyon ang nobya ko.

"Tara dito!" wika ni PMAJ. Leuize.

Agad naman kaming sumunod.

Bang! Bang! Bang!

Umalingawngaw na ang mga putok ng baril na nang gagaling sa itaas. At nag umpisa na din kaming makipag palitan ng putok.

Hanggang sa maya maya ay napagdesisyunan na hatiin ang grupo at ang iba ay baback up sa 1st unit at kami naman nila Enzo at iba pang tropa ay dadaan dito sa may fire exit. Lahat talaga ng pwedeng lusutan ay sinuong namin para masigurado namin na hindi kami malusutan at yun din ang plano namin dahil sila General. Samonte naman ang dadaan mula sa taas gamit ang Chopper.

PHILLIP TAN POV

Nanginginig ako sa galit ngayon lalo na nang makita kong nakawala sa pagkakatali si Ethan Smith! Paano ako natakasan ng gunggong na yun?! Hindi ako makakapayag na basta basta nalang siyang makakaalis ng buhay dito. Kahit na mamatay ako ang importante ay masigurado kong mauuna siyang mamatay para nang sa gayon ay makabawi bawi ako sa mga Smith at sa pinag gagawa nila sa buhay ko!