Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 96 - CHAPTER 96 - A BIG HELP FROM A "VILLAIN"

Chapter 96 - CHAPTER 96 - A BIG HELP FROM A "VILLAIN"

CHAPTER 96 - A BIG HELP FROM A "VILLAIN"

-----

LUCAS LEE POV

It's currently 12am at nagsasagawa na kami ng plano. Nakarating na din ang ilang back up at maging si Noah ay nakarating na din.

Napauwi na din namin si Baby Eros dahil alam namin na alalang alala na si Ms. Thompson.

Samantala...

ETHAN SMITH POV

Nasa loob na ako ng isang gusali, dito ako iniwan ng dalawa at as usual naka tali pa din ang kamay at paa. Nakaupo ako at nag iisa. Sobrang tahimik hanggang sa nakarinig ako ng yapak at sobrang usok...

Hmm?

Smack!

"Ahh!" wika ni Ethan nang may biglang sumapak sa kanyang mukha.

Napangisi lang ang misteryosong lalaki habang humihipak ng dala dala nitong yosi.

"Sino ka? At anong kailangan mo sakin?!" tanong ni Ethan sa lalaki na nakatayo lang sa harapan niya.

May nilabas ang lalaki na isang litrato at inilapit sa tabi ng aking mukha.

"Hmm? Ikaw nga. Hahaha. Yung gunggong na karibal ng pamangkin ko sa babaeng yun." wika ng lalaki.

Sabay isa nanamang suntok sa kanang mata naman. Smack!

"Ahh! Teka, ano bang tinutukoy mo at sino naman ang karibal na sinasabi mo?! Magpakilala ka, sino ka ba?!!" galit na sabi ni Ethan.

Nagulat ako nang ipakita niya sa akin ang tao na nasa litrato na hawak hawak niya.

"Ano?!!" wika ni Ethan na hindi makapaniwala nang makita ang larawan ni Jacob.

"Jacob?!!" dagdag pa nito.

"Oo, at naiintindihan mo na ngayon kung bakit ka naparito?" tugon ng lalaki.

Mukhang ito ang paghihiganti ni Jacob, pero paano? Alam ko nakakulong siya ngayon at nasintensyahan ng habambuhay na pagkaka kulong? Sino itong tao na ito?

"Ohh? Bat parang gulat na gulat ka? Actually, hindi lang naman ito para sa pamangkin kong si Jacob kundi ganti na din ito para sa mga nalugi kong negosyo, kagagawan ninyo to at ng magulang mo kaya nawala lahat ng akin."

"Huh? Eh papanong kasalanan namin yun eh wala naman kaming kinalaman sa negosyo mo? Ni hindi nga kita kilala eh. Sino kaba? Baka nasosobrahan ka lang sa pag gamit mo?" tugon ni Ethan sabay isa, dalawa, at tatlong suntok sa tagiliran ang natamo ni Ethan mula sa lalaki.

"Hindi pa ako nababaliw, gag* kaba? Oh sya kung hindi mo pa ako kilala, magpapakilala ako sayo. Ako si Phillip Tan and it's so f*cking impossible na hindi mo ako kilala? Ako lang naman yung pinanggayahan ng tatay mo sa wineberry na yan. It is my original concept at ninakaw niya lang ito from me. And look? Siya pang ang mas kinagat ng tao kaya nagkanda lugi lugi ako. This building should be my office and those trees outside ay yung pagkukunan ko sana ng mga prutas na maaaring maging flavors ng wine! Pero ano? Ginaya ako ng isa ding gunggong mong ama, palibhasa mayaman na siya kaya agad niyang napasikat yung brand nya."

"At ikaw naman mang aagaw ka ng investor ko sa negosyo ko alam mo ba yun, parehong pareho kayo ng tatay mo. Alam mo bang gusto ko na kayong patayin ng tatay mo. yun nga lang mauuna lang kitang patayin bago siya. Hahaha! Pasensyahan tayo." He also added.

At sa sobrang inis niya ay hindi lang isa ngunit napakadaming suntok pa ang ginawa niya sa akin. At duguan na ako ngayon, nahihirapan na din akong makakakita dahil sa duguan kong mukha. Putok din maging ang kilay ko.

At sa kalagitnaan ng pambubugbog ay bigla namang may pumasok na isang lalaki at yun nga ay si Billy yung driver kanina ng van na dumukot sakin.

"Boss, may tao." balita ni Billy kay Phillip Tan.

Agad namang lumabas si Phillip Tan at naiwan akong nakahandusay sa sahig.

Ahh! Nakakainis, hindi ako makagalaw. Sobrang higpit ng pagkakagapos sakin. Pano kaya to, sana maabutan pa ako nila Dad ng buhay.

Hanggang sa nakarinig nanaman ako ng yapak. At bigla na lamang may taong nakatayo sa harapan ko, hirap akong makaaninag dahil nga sa dugo sa mata ko. Pero laking gulat ko nang biglang hinawakan niya ang braso ko at para bang inaalis ang pagkakabohol sa tali ng kamay ko.

"Huh? Sino ka? Anong ginagawa mo?" wika ni Ethan na medyo naguguluhan sa nangyayari.

"Manahimik ka muna dyan gaga ka mamaya mahuli tayo parehas tayong malilintikan." tugon ng isang pamilyar na boses.

"Ohh, yung boses na yan. Bogart? Ikaw ba yan?" tanong ni Ethan na ikinagulat ng lalaki.

"Ayy hala siya, kilalang kilala mo na ako a ikaw ha baka nafafall kana? Charing! Haha. Oh ayan sa paa naman dali! Baka biglang dumating si bossing!" wika naman ni Bogart na halo ang pagmamadali ang kilig.

Salamat sa Diyos! Pero naguguluhan pa din ako kung bakit ginagawa ito ni Bogart pero yun nga ang mahalaga malaya na ako! Pagkatanggal ay dahan dahan naman kaming umalis ng kwarto. At pagkalabas ng silid ay umalingawngaw ang ingay. Mga putok ng baril! Kaya agad kaming dumapa at gumapang ng dahan dahan.

At habang kami ay gumagapang papalabas ay napansin ko ang umiilaw sa may braso ni Bogart na para bang isang GPS? Kaya agad ko itong natanong sa kanya.

"Bogart? Ano yan? Sa braso mo?" pabulong na tanong ni Ethan habang patuloy na gumagapang.

Huminto muna kami saglit at ipinakita niya ito sa akin. Gulat na gulat ako nang malaman ko na isang GPS nga! Hindi ako maaaring magkamali kaparehas ito ng GPS ni Dad! At meron din logo ng task force. Kaya agad ko ding tinanong sa kanya.

"Paano't meron ka nito?" gulat na tanong ni Ethan.

Tumugon siya at sinabing "Mahabang kwento eh pero ganito kasi yan...

FLASHBACK...

BOGART'S POV

After ka na naming dalhin dito sa building eh bumaba muna kami ni Billy para mag yosi sa may labas at habang nag yoyosi break kami ay maya maya lamang ay lumabas si Bossing para tawagin si Billy at pinapaasikaso sa kanya ang mga cctv nitong building. So pumasok na siya sa loob at ako nalang ang natira sa labas.

Natapos na din akong magyosi at napansin kong bukas ang main entrance nitong lugar kaya lumapit ako para isara. Wala nang katao tao dito nun kaya ako nalang ang gumawa. At paglapit ko sa mismong gate ay may napansin akong pera sa may labas. Limpak limpak na pera na nasa lapag lamang kaya nilapitan ko ito. Paglapit ko ay may dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko at agad nilang tinakpan ang bibig ko at ayun wala na akong maalala mula nun. Pero pag mulat ko nagimbal ako! Dahil first time kong mapalibutan ng mga lalaki! Kaloka! Ang nakakainis nga lang dun eh mga naka uniporme sila na parang mga sundalo!

Pero grabe ha, ang yayummy nilang lahat at sobrang bango sa room na yun. Hanngang sa...

Slap!

Naloka ako nang bigla nalang may sumampal sa akin!

"Pasensya kana kung kailangan kong gawin yun, pansin ko kasing lutang ka pa. At base sa reaksiyon mo eh mukhang tagumpay ako sa pag gising sa katawang lupa mo." wika ni Gen. Benedict Samonte

Napalunok na lang ako sa takot ng mga oras na yun.

"Malinaw naman na kasapi ka sa grupong dumukot sa inaanak ko tama ba? Dinukot niyo si Ethan Smith at dinala doon sa building kung saan ka nadampot ng mga tauhan ko?" tanong ni Gen. Samonte

Nanginginig nginig pa ako nung ako'y sumagot. "O-opo sir. N-nandun po siya ngayon."

Sobrang nakakatakot si General nun dahil ramdam ko ang galit niya at para bang sa mga oras na yun eh malapit ko nang makita si San Pedro! Takot na takot ako kaya hindi ko na kinaya at naiyak na ako.

"Ohh? Bakit ka umiiyak? Wala pa nga akong ginagawa sayo?" wika ni Gen. Samonte nang makita nitong umiiyak ang lalaking kanilang dinakip na si Bogart.

"Patawarin niyo po ako Sir, sa totoo lang po napilitan lang talaga ako na sumama kay Phillip Tan. Grabe po kasi yung pananakot niya sa akin maging sa pamilya ko na balak niyang patayin anumang oras. Kaya wala po akong magawa kundi sumunod sa mga inuutos niya. Pero maniwala po kayo't sa hindi eh isa din po ako sa masugid na taga hanga ni Perfect Doctor. Yun nga lang hindi ko naman siya maaaring tulungan dahil mayayari naman ang pamilya ko pag nagtaon." wika ni Bogart na ikinagulat ng mga tao sa loob ng abandonadong bahay kung saan sila kasalukuyang naglalagi.

"Phillip Tan?"

"Opo sir, siya po yung boss namin."

Nang maya maya ay bigla may lumapit na isa pang lalaki.

"Ehh kamusta na ang anak ko sa loob? Pinapahirapan ba siya?" tanong ni Don Albert.

"Yun po ang hindi ko alam dahil nasa loob po siya ng silid ni Phillip Tan. Pero nakagapos po siya, nakatali ang parehas na kamay at paa." naiyak na tugon ni Bogart.

At nagsimula na silang magtipon at makalipas ang ilang minuto ay binalikan nila ako at kinausap muli.

"Since you've been saying na napilitan ka lang sa pagsunod kay Phillip Tan, does it mean na at any given time ay kaya mo siyang baliktarin?" tanong ni Gen. Samonte.

At walang pagdadalawang isip ay sumagot ako sa tanong na iyon. "Opo sir, 100 percent po. Willing po akong tumulong basta po sana eh maprotektahan din ang pamilya ko. Dahil hindi ko po kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila lalo na po ang nanay ko dahil matanda na po siya." tugon ni Bogart sabay ang pagbuhos ng luha nito matapos sumagot.

"Wag kang mag alala, kami ang bahala sa pamilya mo. Maaasahan mo ang pagtulong namin sa oras na magtagumpay tayo dito." tugon ni Gen. Samonte.

END OF FLASHBACK...