Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 88 - CHAPTER 88 - 6 DAYS BEFORE CHRISTMAS

Chapter 88 - CHAPTER 88 - 6 DAYS BEFORE CHRISTMAS

CHAPTER 88 - 6 DAYS BEFORE CHRISTMAS

----------

DON ALBERT SMITH POV

9:00 am nang magtipon tipon ang buong team ng Wineberry Inc. kasama din ang ilang opisyal. At walang paligoy ligoy at agad naming tinopic ang naganap na pangbubutas ng gulong ng aming 10 wheeler truck sa apat naming warehouse dahilan para magtigil operasyon ang produksyon at pagdeliver namin sa ilang mall sa Manila at iba pang lugar.

"Natutuwa naman ako na nandito ang lahat. Maaaring sa pagkakataon na to ay kinakabahan na ang ilan sa mga suspect sa pagbubutas na ito. Meron ako ditong hawak na mga ebidensya na magpapatunay sa mga taong hmm.. Hindi nga tao actually dahil hayop!! Ang gumawa ng ganitong kataranta***** dito sa kumpanya naten! Nadidismaya ako na trabahador mismo natin ang may gawa nito." galit na sabi ni Don Albert sa harap ng kanyang mga trabahador.

Bago ako magpatuloy pa ay sinenyasan ko na ang Assistant ko na papasukin na ang media.

Gulat na gulat ang ilan nang makita na nagimbeta pa ako ng media sa pagpupulong namin na to. Ito ang naisip kong paraan para makabawi man lang sa mga taong gumawa ng kamalian sa aking kumpanya. May ilang pulis na din ang naka standby para hulihin ang mga salarin pagkatapos.

Dahil pagkatapos kong mag review ng CCTV ay ilang mga ebidensya din at testitgo ang lumantad na mag didiin sa mga taong nasa likod ng pangbubutas.

"Alam nyo, hindi ko na patatagalin pa ito dahil sobrang gigil na akong isiwalat ang pagmumukha nga mga taong nasa likod ng pangbubutas ng gulong kaya kapag narinig ninyo ang pangalan ninyo ay dumeretso lamang kayo dito sa harap at umupo dito sa may gitna. Diba? Inyong inyo ang spotlight dito. Dahil alam ko naman na ang may gawa ng mga ito ay mga walang hiya!! Hindi ba?!" galit na galit na sabi ni Don Albert.

Suma-total na 30 katao ang mga taong sangkot sa pangbubutas sa apat naming warehouse. Ang mga taong ito ay binubuo ng mga kargador, driver, may nasangkot din na isang officer at dalawa namang caretaker. Itong mga tao na to ay walang pang dalawang buwan sa serbisyo. Pero ang pinaka nalungkot ako nang malaman ko na isa sa mga officer ko ang nakilahok sa pambubutas ay ang isa sa treasurer ko na halos dalawang taong nang nagsisilbi na sa akin, si Treasurer Gerald Marasigan.

Mangiyak ngiyak sila habang pinapanuod ang ilang clip kung saan nahagip ang mga mukha nila habang ginagawa ang pangbubutas. At mas nakakabahala pa dun ay sa kalagitnaan ng aming panonood ay nilapitan ako ng aking malapit na kaibigan na isang General na si Gen. Benedict Samonte na ilan pala sa mga trabahador ko ay nahulihan ng mga illegal na droga sa kanilang mga kwarto.

Kaya walang ano-ano'y dinala na ang mga sangkot sa pulisya at kakasuhan din ng ilang patong patong na kaso. Nagpasalamat din ako sa aking matalik na kaibigan na tinulungan ako sa pang iimbestiga sa kaganapan na ito.

Matapos ang aming mainit na pagpupulong ay dumiretso na ako sa aking office dahil medyo sumasama ang pakiramdam ko. Kailangan ko na munang kumalma panandalian.

"Albert my love, nanginginig ka. Eto ang water oh. Relax ka lang. Ano pa aba ang gusto mo? Pineapple juice." nag aalalang tanong ni Madam Isabel.

Hanggang sa nakaramdam ako ng pamamnhid at unti unting nadilim ang aking paningin at wala na akong naalala simula pa nun.

ETHAN SMITH POV

Nasa kwarto kami ng asawa ko at nilalaro ko ang kambal dahil sobra ang galaw nila ngayon araw. Nang bigla akong nakatanggap ng tawag kay Mom.

"Yes Mom?"

"Ethan, anak. Ang Daddy mo nahospital." umiiyak na sabi Madam Isabel.

Napatayo ako nang marinig ko ang balita mula kay Mommy.

"Ano? B-bakit Mommy? Ano nangyare kay Dad?" nag alaalang tanong ni Ethan.

"Nahimatay ang Dad mo. Hindi mo ba nabalitaan? Hindi kaba nag oopen ng social media mo? Headline ngayon sa news ang nangyare sa warehouse ng Daddy mo." tugon ni Mommy Isabel at binalita na din nito ang mga nangyare sa mga 10 wheeler truck ng Wineberry.

"What?! Eh sino naman ang may gawa? Grabe naman, ang laki ata ng galit kay Dad ng gumawa niyan? Talagang maski extra tires hindi nakaligtas? gulat na tanong ni Ethan.

Sabay pakita sa akin ng asawa ko sa phone ng naganap na live press con kanina sa Wineberry office.

"Oo anak, pero nakulong na ang mga may sala. 30 katao din sila. Kaya ang Dad mo tumaas ang presyon at nahimatay. Dinala ko na dito sa Hospital natin. Kailangan lang ng pahinga ng Dad mo. Puyat din kasi siya kakaimbestiga sa apat warehouse na yun. Oh sige na anak, binalitaan lang kita. Okay okay naman na ang Dad mo sa ngayon. Ingat kayo palagi dyan ni Penelope ha. Alagaan niyong mabuti ang kambal okay? Mahal namin kayo. Bye." kalmadong tugon ni Madam Isabel sa anak.

"Okay, Mom. Love you. Balitaan mo nalang ulit ako tungkol kay Dad a. Hindi din ako makakapunta dyan e. Alam mo naman bawal pa din akong magbyahe. Ingat kayo dyan Mom. Bye." kalmado ding tugon ni Ethan sa kanyang ina.

Call Ended...

-------------

Makalipas ang halos dalawang lingoo...

-------------

Dec. 19, 2022

PENELOPE THOMPSON POV

"Hala! Grabe ang lilikot nila hon, nakakatuwa!" masayang sabi ni Penelope.

"Grabe sis, at ang lulusog ohh. Sexy ang buntis pero ang mga anak kahit sa monitor lang alam mo nang malalaman e. Pero tama lang naman ang taba ng kambal. Wag lang lalaki pa ng husto kaya diet diet na muna ha sissy?" paalala ni Doc. Bella

"Yes, Ate Bella. Dahil gustong gusto ko talaga silang ma-normal delivery!" pagkaexcite ni Penelope.

"Grabe, ang bilis ng panahon no? Ilang buwan nalang hon makikita na natin ang kambal." nakangiting sinabi ni Ethan sa asawa.

"Ano bunso? Ready kana ba maging ninang? Hahaha. Look kambal oh your pretty ninang. Lagi kayong binabasahan ng stories nyan gabi gabi." wika ni Penelope kay Jessica na kalapit niya sa hospital bed.

Matapos ang check up ay deretso na kami sa bahay. Hindi na din kami nakakagala dahil pinagbabawalan na akong gumalaw galaw. At hindi ko na din kinakaya dahil pabigat na ng pabigat ang kambal. Hinihingal na ako kada nag lalakad ako.

Payapa naman na ang lahat. Balik operasyon na din ang wineberry. Nakapag hire na ulit ng bagong mga empleyado si Daddy Albert. Yung asawa ko naman balik trabaho pero homebased siya dahil nga inaalalayan niya ako araw araw. Talagang consistent ang asawa ko. Grabe yung pag iintindi at pag aalga niya sa akin.

Tapos si Bunso(Jessica), sa amin na din tumitira. At habang tumatagal nagiging open na din siya sa akin. Nawala na din yung pagkailang niya. At pansin ko na sobrang saya na din niya araw araw. Hindi katulad dati na gusto lang lagi na mapag isa. Malaki laki din ang pinagbago niya, isang linggo ang nakalipas nang makalipat siya sa bahay namin. Excited na nga daw siya na maging ate/ninang ng mga kambal.

Kinagabihan ay tumawag si Daddy Albert kay Ethan.

"Hello? Son?"

"Yes, Dad?"

"Ahm, anak gusto ko lang sanang mag paalam sayo. Pwede ba natin gamitin ang bahay niyo bilang venue ng ating munting salo salo sa pasko?"

"Aba, syempre naman Dad. No problem. Free na free ang bahay namin. Kahit saan tayo Dad, sa labas, pool area, or sa rooftop. Madami tayong choices dito. Grabe Dad, I am really excited, lalo lumalaki na ang pamilya natin. I know it's going to be fun." masayang sabi ni Ethan.

"I know son, Ako na ang bahala sa lahat. Sige na magpahinga na kayo. Pakamusta nalang sa wife mo at sa apo ko ha. Goodnight. Babye."

"Babye Dad, love you."

End Call..

At binalita na nga sa akin ni Ethan at grabe, naeexcite na agad ako. I know na magiging memorable ang christmas na darating dahil first time ko din ito with Ethan tapos may kambal pa. Talagang kahit ang dami naming hinarap na pagsubok, heto pa rin kami masayang sasalubungin ang pasko.