CHAPTER 84 - THREAT FROM THE REAL VILLAIN
---------
PENELOPE THOMPSON POV
4 am na nang matransfer ng mga nurse dito si Ethan sa room. May malay na siya pero nahihirapan pa din siyang makasalita at kumikirot din ang likod dahil unti unti nang nang nawawala ng bisa ang anesthesia na tinurok sa kanya nang maoperahan siya. Medyo nanghihina pa din siya kasi sinalinan siya ng dugo dahil sa dami ng nawala sa kanya nang mabaril siya.
May mga media din na sumulpot dito sa room namin para kamustahin ang lagay ni Ethan. Pero si Daddy Albert na ang humarap sa kanila. Iilang media lang ang pinaunlakan ni Daddy dito sa loob para na din hindi pa makaabala sa asawa ko na nagpapahinga galing sa kanyang operasyon.
Simula nung nilipat si Ethan sa room ay wala akong ginawa kundi umiyak pero agad din naman akong pinapatahan ni Mommy Isabel gayun na din si Daddy Albert. Pinatulog din ako ni Mommy Isabel dahil sobra na din siyang nag aalala para sa amin ng kambal.
Time Check: 8:00 am
Nang magising ako ay parang may naririnig ako na mga boses ng kalalakihan. At pagmulat ko ay ang mga kaibigan pala ni Ethan ang nandun. First time kong makita na mag iyakan ang mga pogi at bruskong mga lalaki na to.
"Ethan bro, magpalakas ka dyan ah. Di ka pwedeng mawala, hindi pwedeng magkulang ang Millionaires gang sa araw ng kasal ko."
wika nang umiiyak na si Noah sa harap ng kaibigan na si Ethan.
"Siraulo ka naman Noah, hindi talaga mawawala ang kaibigan natin no. Pero yung pagpapakasal mo? Nako baka nga mga lolo na tayo babaero kapa din. Hanggang kelan mo naman kami pag aantayin sa pagpapakasal mo? naiyak din na biro ni Enzo sa sinabi ni Noah.
"Wag mo naman akong igaya sayo bro. Babaero ka din naman e. Sumbong kita kay Ethan, sabihin ko pinopormahan mo si Jessica." sabay tawa nang masabi ito ni Noah napangiti din agad si Enzo sa nasabing iyon ni Noah.
Ano ba naman tong dalawa na to. Baka kung nakaka kilos lang ang asawa ko baka masakal na tong dalawa na to.
Nang makita nila akong dalawa na gising na ay agad naman nila akong kinamusta at tinanong na din about sa nangyaring pagbaril sa asawa ko.
"Sayang dapat di nyo na muna pinakulong Tito Albert e, para nakasapak pa kami ni Enzo, ano bro?" gigil na sinabi ni Noah kina Don Albert, Enzo, Madam Isabel, at Penelope na kakwentuhan nila sa may sofa.
"Ano ka ba bro, yung mga tao na sa bilangguan ang sasapak dun. Sila na ang gaganti para sa atin. Nga pala, sino naman yung bumaril. Kilala nyo ba Penelope?" tugon at tanong na din Enzo.
"High Profile na druglord ang gumawa, malamang nakagamit ang suspect kaya napagtripan ang dalawa." biglang pagsingit ni Don Albert.
Habang nag kekwentuhan about sa nangyaring pamamaril sa asawa ko ay inopen up ko na din sa kanila ang about kay Jacob at sa naging past namin.
"Actually, kaya po ganun na lang yung galit niya ay dahil ex ko po talaga yung bumaril." pagbunyag ni Penelope.
Gulat na gulat silang lahat nang masabi ko iyon. Cinomfort din ako ni Mommy Isabel dahil hindi ko nanamang mapigilan na mapaiyak.
"Ang totoo po niyan, ang totoong dahilan kung bakit ako dinugo noon ay dahil naabutan kami ni Ethan na magkasama ni Jacob sa mall pero kaya lang naman po nangyari ay dahil nakita po ako ni Jacob sa Foodcourt ng kalapit na mall nitong Hospital natin. Hindi ko naman talaga siya napansin nung una pa lang at nagulat nalang ako nang may humawak nang mahigpit sa braso ko. At pagtingin ko ay kumpirmado na si Jacob nga hanggang sa tinakot niya ako na kapag nanlaban ako o humingi ng tulong ay sasaktan niya daw ako. Naisip ko agad ang anak ko kaya pinili kong hindi nalang pumalag. Balak niya pa nga akong isama pero buti nalang biglang dumating si Ethan at sinapak niya si Jacob at kinuha ako ni Ethan at tumakbo. Akala nga namin nung una ay nakulong na si Jacob, yun pala ay nakapag piyansa ito."
"Oh my god! Lalo akong nang gigil dun a, pero buti nalang naka isa si Ethan sa tarant***** yun." gigil na sinabi ni Noah.
"Hmm. Kaya pala nang maipakita sa akin ng mga pulis ang larawan niya nang madakip siya ay may parang pilat pa din siya sa may kanang mata. Natamo niya na pala dati kay Ethan yun." wika ni Don Albert.
"Hanggang sa nangyari na po yung sa may parking lot. Napansin ko na agad yung lalaki sa may kalapit lang ng kotse namin. Si Ethan po ang una niyang tinutukan dahil naalala niya nga po yung nagawa sa kanya ni Ethan hanggang sa ibinalik niya ang pagtutok sa akin."
Hindi ko maiwasang mapahagulgol nanaman dahil naalala ko nanaman yung mga pangyayari.
"Ako talaga ang gusto niyang patayin..."
"Pero sinalag ni Ethan ang bala na para sa akin. Kaya humihingi po ako ng tawad dahil kundi dahil sa akin hindi po mababaril si Ethan. Ako ang pilit na hinahabol ng lalaki(Jacob) na yun." paghagulgol ni Penelope na agad namang niyakap ni Mommy Isabel.
"No, Penelope anak. Of course it's not your fault. Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan dito. Kasalanan ito ng adik na lalaki na yun." pagcomfort ni Mommy Isabel sa kanyang umiiyak na manugang.
"Wag kang mag alala, Penelope. Tumawag na ako sa ninong niyo. Remeber? Ninong Benedict Samonte? He is my good friend and he is a Police General. Nakatutok na ang kapulisan sa kanya(kay Jacob) kaya wala nang takas ang tao na yan. Patong patong na mga kaso ang ikakaso natin sa kanya. And anak, please. Don't ever blame yourself. You and Ethan are victims here." wika ni Don Albert at pag comfort na din sa kanyang manugang na si Penelope.
Ramdam ko ang concern nila towards me. Naisip ko lang naman na kasalanan ko lahat dahil hindi naman susulpot yung siraulong Jacob na yun kung hindi dahil sakin. Pero gaya nga ng sabi sakin ni Mommy Isabel na isipin ko nalang daw ang kambal at si Ethan. Kaya agad na akong tumahan.
"Mainit na balita ngayon, sikat na Doctor na si Dr. Ethan Lopez-Smith sugatan matapos mabaril sa parking lot ng isang kilalang Mall. Ayon sa ama nito naganap ang mga pangyayari saktong 9:00 pm matapos mag grocery ang mag asawa at tinambangan na ng suspect ang mag asawa sa parking lot ng mall. Makikita din sa CCTV na unang tinutukan ang asawa nito at nung nalaman na nakatutok na din ang baril ng mga guard ay walang ano ano'y nagpaputok na ang suspect. Agad namang sinalag ni Doctor Ethan Lopez-Smith ang bala resulta ng matinding tama nito sa likod. Ayon naman sa kanyang ama ay kasalukuyang nagpapagaling ang Doctor sa kanila mismong Hospital.
Ahm, yeah. Kakatapos lang ng operation actually at natanggal na din ang bala sa likod niya. Hindi kami mananahimik at sisiguraduhin namin na mananagot ang may sala. Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang taong may gawa nito sa anak ko.
Napag alam na isa palang High Profile Druglord ang suspect na nag ngangalang Jacob Tan. Kasalukuyang nasa Twin Tulip Hospital ang suspect dahil sa tama nito ng baril pero agad ding dadalhin sa presinto pagkatapos ng operasyon.
"Frustrated Homicide ang magiging kaso nito at nakitaan din ng illegal na droga ang suspect sa loob ng kotse niya. Sumatutal e habang buhay na pagkakabilanggo ang ipapataw sa suspect." Gen. Benedict Samonte on call.."
*turned off the television
ANOTHER MYSTERIOUS GUY POV
"Mga pu******a !!! Kaya pala ilang araw nang hindi nauwi dito ang pamangkin ko. Bwisit talaga sa buhay ko itong mga Smith na to eh. Tan** din nitong pamangkin ko e, binaril na niya hindi niya pa tinodas!" galit na galit na sabi ni Mysterious guy.
"Wag kang mag alala boss, alam naman natin kung saan nakatira yang ga**** Perfect Doctor na yan eh, din siguradong matotodas natin yan" wika ng kasamahan nito.
"Hmm. Pwede naman. Maaari nating gawin pero palipasin na muna natin ang mga araw para hindi sila makatunog. Gusto kong masigurado na maipaghiganti ko ang pamangkin ko sa mga pu******ang mga Smith na yan. Kung pwede pati yang pakielamerong Albert na yan eh. Matagal nang mainit ang dugo ko diyan." pagbabanta ng Mysterious guy.
"Wag kang magalala boss, i-buong pamilya na natin para magreunion nalang sila sa langit. Hahahah!" wika ng naninigarilyo nitong kasamahan.