CHAPTER 66 - A VERY SPECIAL DAY
-----------
ETHAN SMITH POV
It's 9:30 am. Naka ready na ako. Nakasuot ako ng black and white plaid print long sleeve double pockets shirts sa top at Black hook and loop pocket solid jogger cargo pants naman para sa bottom at thick bottom top cross stitching color black para sa shoes.
Mom and Dad have already visited me dito sa condo ko to personally greet me. Nagkwentuhan na din kami saglit and they informed be about sa magaganap daw na charity ball mamaya. I am pretty sure na it's my birthday pero ang dami nilang surprises na inihanda para kay Penelope. And it was very much exciting.
But speaking of Penelope, waiting pa din ako sa text niya. Pero mga 11 am pa naman ang call time dun sa bahay ampunan may time pa naman para makahabol pa siya.
"O siya anak, See you sa charity ball mamaya ha . Don't be late. See you anak, happy birthday ulit. I love you." sabay halik sa pisngi ng nag iisang anak.
"I love you son"
"I love you, Dad and Mom. See you later."
Nakaalis na sila Mom and Dad.
Tumingin ako sa orasan ko and ut's already 10 am paalis nako dahil I think Penelope won't make it. I can't be late din kasi sa ampunan. Although it's just 30mins away from my condo.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng condo ko nang biglang may tumawag sa phone ko.
Ring! Ring! Ring!
0916xxxxxxx Calling....
Hmm? Number lang ? Sino naman to? Ayy baka si Penelope dahil wala naman akong number niya.
Medyo na-excite ako.
"Hello?"
"Hello... Happy Birthday, Bro!"
"Huh? Lalaki? Who's this?"
"Happy Birthday bro! It's Lucas. Haha"
"Oh, Okay. Hi, Lucas. Salamat bro"
"Haha, bat naman ganyan ang tono mo bro? Di ka ba masaya na tumawag ako sayo? Parang may iba ka atang ineexpect na tatawag sayo ah?"
"No, hindi naman sa ganun bro. Nagulat lang talaga ako. I'am happy nga e salamat sa pag greet bro a. Appreciate it."
"Hahaha. Sige bro ingat."
"Thanks bro bye."
End Call.
Sigh. I really thought that it was Penelope. Tsaka parang ang saya saya naman ata nito ni Lucas ang aga aga baka lasing yun,
So inopen ko na yung pinto, Inaccept ko na, Penelope won't make it. Bakit ba ako malungkot eh matagal ko na din naman na ginagawa tong mag isa.
At pag open ko ng pintuan.
"SURPRISE! SURPRISE!"
Nanalaki ang mga mata ko!
"P-Penelope?"
"At sino pa ba?" habang papikit pikit na nagpapacute kay Ethan.
Grabe, sobrang saya ko naman. Thank you Lord. Salamat sa maagang regalo.
"Happy Birthday Ethan! Tara na?"
Inaaya na niya ako pero di ko maiwasan na mapatulala sa kanya. Grabe, naka ayos pa siya. Nakakabighani talaga ang kagandahan niya.
"Ahm. Thank you Penelope ah, But how ? I mean paano mo nalaman tong condo ko? Ni minsan di mo naman tinanong kung saan ako nakatira? Kaya nag iintay ako ng text mo e hindi ko alam kung saan ba kita susunduin?"
"Hay nako, alam mo tama na ang tanong tanong na yan, tara na. Baka ma-late tayo." sabay hawak sa kamay ni Ethan at umalis.
Nakasakay na kami sa sasakyan. At hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Iba yung vibes niya ngayon, I can feel na sobrang saya niya at mukha ding excited sa pupuntahan namin.
PENELOPE THOMPSON POV
I really planned na isurprise si Ethan. Pambawi lang sa mga ginawa niya sa Family ko. Iba ang saya kasi kapag nandyan si Ethan. At excited din ako na makilala ang mga tao sa bahay ampunan sobra kasi akong naimpress sa kwento niya nung nasa Star Kingdom kami.
Pinaghandaan ko talaga ang araw na to kaya suot ko yung favorite dress ko na Double breasted houndstooth tweed coat na black and white. At Stiletto heel pointed toe pumps naman ang shoes ko at meron pang Emboss heart decor Crossby bag.
Habang nasa sasakyan kami at bumabyahe, pansin ko si Ethan na patingin tingin sa akin.
"Hoy, tumingin ka nga sa daan."
"Ahh sorry. Di kasi ako makapaniwala na katabi kita ngayon. Akala ko kasi di kana sisipot."
"Hahaha. Edi na-surprise ka.?
"Oo naman! Alam mo bang nabati nako ng parents ko friends. Pero ang lungkot ko pa din. Kasi akala ko hindi ka makakasama sa akin. "
"Haha, alam mo ba kung paano ko nalaman ang address mo?"
"Pano nga ba?"
"Tinawagan ko si Mr. Lee. Sa kanya ko inalam yung detalye mo. Nagulat nga ako na sa condo ka pala nakatira. At parehas pala tayo."
"Naks! In fairness ha. Ang galing mo dun. I am really surprised. At kaya pala tawang tawa si Lucas, kasabwat pala." wika ni Ethan na pailing iling dahil hindi pa din makapaniwala sa surprise ni Penelope.
"Anyway, Thank you so much Penelope a. Alam mo, presence mo pa lang nakompleto na agad ang araw ko."
"Bolero! Hahaha!"
ETHAN SMITH POV
Saglit na byahe lang at nakarating na din kami dito sa The Children's Home. Pati yung truck na may laman na mga groceries at isa pang truck para naman sa Damit at yung isa pa ay para naman sa pagkaen ngayong araw.
"Wow Ethan, Napaka generous mo talaga no?" wika ni Penelope na namangha nang makita ang truck na punong puno ng donations galing kay Ethan.
"Thanks. I'am just giving back, Feeling ko yun. Yun yung purpose ko talaga. Ang tumulong . Anyways , Tara na sa loob?"
"Yeah! Tara na!"
PENELOPE THOMPSON POV
I admired him and appreciate even more. Kita mo din yung saya sa ginagawa niya. Kaya heto, mainit din ang pagtanggap ng mga tao dito sa kanya. May mga banner pa sa labas. At lahat ng tao naka abang sa kanya.
"Doc. Ethan.. We miss you po, Happy Birthday po." bati ng mga bata kay Ethan at yung iba pa ay sinalubong at niyakap siya.
"I miss you too guys." habang hinahalikan sa noo ang mga batang malapit sa kanya.
Nang mapasok na kami sa loob at maupo ay naghiyawan ang mga bata ganun na din ang mga madre na nasa loob.
"Sino po ang kasama ninyo Doc. Ethan?"
"Ang ganda naman po ng kasama niyo Doc."
"Aba syempre, ipinapakilala ko sa inyo si Ms. Penelope Thompson. My inspiration right now at ang sobrang espesyal na babae sa buhay ko ngayon." pagpapakilala ni Ethan kay Penelope.
OMG! Grabe yung hiyawan nila nung sinabi ni Ethan yun.
"Hi po Ms. Penelope ang ganda niyo po."
"Hala, salamat.. Nahihiya naman ako."
ETHAN SMITH POV
Nakakatuwa dahil naging mainit din ang pag tanggap nila kay Penelope. Habang nasa loob kami kinekwentuhan ko si Penelope about kung paano ko ito nadiskubre pati yung mga batang naging inspirasyon ko nung panahon na lugmok na lugmok ako. Dahil sa mga ngiti nila at pagbigay ng inspirasyon sa akin kaya ko nakayanan lahat ng mga pagsubok at patuloy na nagsumikap.
"Penelope, May ipapakilala ako sayo. "
"Pero bago ko pala ipakilala, ikwento ko muna sayo. Siguro kilala mo naman yung assistant ko diba?
"Mmm.. Oo si Jessica diba?"
"Yup. Alam mo bang galing siya sa dito sa ampunan?"
"Huh? Really?" nanlaki ang mga mata ni Penelope dahil hindi ito makapniwala.
"Yup. Mahabang kwento e. Sobrang inspirational din ng story ni Jessica. Tapos pinaaral ko siya at yun nagbunga naman ang pag susumikap niya. Kinupkop ko siya dahil alam ko na may potensyal talaga si Jessica at hindi naman ako nagkamali. She's like a little sister to me."
"Wow ang galing naman. Naging interesado tuloy ako sa kanya. Kasi diba, napakhinhin ng babae na yun tapos ang ganda. Sobrang mysterious din ang dating niya."
"Yeah, sayang nga e wala siya ngayon. Naka duty kasi may assigned na assignment si Dad para sa kanya today. Anyways, heto Penelope listen, meron pa akong papakilala sayo. Eto naman espesyal din siya sa puso ko dahil siya ang dahilan kung bakit ako naging isang ganap na Cardiologist. Si Butch o butchokoy. 18 years old na sya ngayon." pagpapakilala ni Ethan sa isa pang bata na naging inspirasyon niya.
"Wow Ethan. Aba ohh, binata na. Eh pero bakit naman siya ang naging dahilan ng pagiging cardio mo? Pano ka niya natulungan?"
"Ganito kasi yan, Bata palang kasi siya noon nung nadiagnose sa sakit na heart valve disease. Nalaman ko yung kwento nya dahil kay Mother Liza. Alam mo ba na Pedia talaga ang first choice ko pero dahil kay Butch nag shift ako bilang Cardio para kahit nag aaral pa lang ako matulungan ko na siya hanggang sa maka graduate ako at naging ganap na Cardiologist. Ako ang nag opera sa kanya at siya din ang una kong major operation nun at successful naman. And look at him now. Ang pogi pogi. Halika nga dito! Ang laki laki mo na. May jowa kana no?" panghaharot ni Ethan habang kaakbay si butchokoy.
"Wala po doc, Ikaw po Doc pogi din edi may jowa kana? Yiehh. Mag jowa na po ata kayo e."
"Hahaha ano ba naman tong mga batang to. Jowa kayo ng jowa. Bakit bagay ba kami?" sabay tingin kay Penelope habang nakangiti.
"Opo naman doc!" sabay sabay na tugon ng mga bata.
Matapos ang kwentuhan namin ang kulitan ay pinapila ko na sila para maka kaen na. Para hindi na mag agawan, ako ang nagbigay sa kanila isa isa ng mga plato at kustsara at pagkatapos tsaka naman sila pipila sa may catering sa di kalayuan nitong bahay.
PENELOPE THOMPSON POV
While Ethan is busy, pumwesto muna ako sa gilid at pinagmamasdan sila. Hindi na ako pinatulong ni Ethan at ayaw niya daw akong mapagod.
Hanggang sa nilapitan ako ng isang madre at kinausap ako. Si Mother Liza, ang pakilala niya sa akin.
Si Mother Liza daw ang tumatayong Ina dito sa ampmunan.
"Alam mo Ma'am napaka swerte namin dyan kay Doc. Ethan dahil never po siyang nakalimot."
"Oo nga po eh, nakwento niya nga po kung gaano siya ka dedicated."
"Naki-kwento nya po pala kami sa inyo ma'am?"
"Opo Mother Liza at masaya nga po siya habang kinekwento niya kayo sa akin. Kaya eto po, sinurprise ko po siya na pumunta dito dahil gusto ko din po na makilala kayong lahat." masayang pahayag ni Penelope habang kahawak ang kamay si Mother Liza.
"Kami din po sobrang saya na makilala po namin kayo. Alam niyo din po ba Ma'am na ngayon lang nag dala ng babae dito si Doc. Ethan? Lagi kasi namin siyang kinakantsawan kada birthday niya na sana ay makatagpo siya ng babae na mamahalin din siya. Dahil deserve po ni Doc. Ethan na may tao na mag aalaga din sa kanya. Nginingitian nga lang po kami ni Doc. Ethan kada mababanggit po yun, kay laking gulat po namin na may sinama siya at pinakilala niya pa."
"Naalala ko tuloy yung kinwento niya sa kin noon. Tungkol sa bestfriend niya daw na bigla nalang daw umalis."
Nang mabanggit ni Mother Liza ang tungkol sa bestfriend. Bumilis yung kabog ng dibdib ko. Actually, kanina pa ako nag pipigil ng luha ko. Pero sana kaya ko pa ding pigilan hanggang sa maikwento niya sa akin ang side ni Ethan sa mga nangyari sa amin noon.
"Bestfriend po ano pong meron sa bestfriend niya Mother Liza?"
Lumipat kami sa may labas na ng bahay para hindi marinig ni Ethan. Sabi kasi sa akin ni Mother Liza na talambuhay talaga niya ang nakwento na ni Ethan sa kanya. Ganun sila ka-close ni Mother Liza.
Nagkwento na si Mother Liza, totoo nga kahit nung first time namin na magkita, lugar, oras, at panahon alam niya din sobrang detalyado. Maging ang mga naging lakad namin noon.
Pero di ko na mapigilang lumuha nang sinabi na niya yung tunay na nararamdaman ni Ethan para sakin noon.
"Matagal niya na palang mahal yung bestfriend niya na yun. Akala niya kasi dati na once na mag bestfriend kayo ay hanggang dun nalang yun. Masyado pang bata ang kaisipan ni Ethan nung mga panahon na yun. Kaya yung pagkagusto niya sa bestfriend niya ay naibaling nalang niya sa ibang tao. Kaya lubos niya itong pinag sisihan lalo na nung araw na lumayo ang bestfriend niya sa kanya nang wala man lang paalam. Tapos yun, sabi niya sa akin na kung hindi lang din ang bestfriend niya ang makakatuluyan niya ay hindi na daw siya magmamahal muli."
I'am so speechless, Tumulo na lang bigla ang mga luha ko.
"Hala, Ma'am. Okay ka lang po?"
"Sorry, Opo I'm okay. Na touch lang po ako Mother Liza."
"Kilala niyo po ba ang bestfriend niya ma'am?"
"Ahm, Mother Liza. Malay niyo po diba, one of these days yung bestfriend niya na yun ay bigla na lamang bumalik?"
"Maaari naman po ma'am kaso nga lang sa tingin ko po ay huli na ang lahat, kasi nandito na po kayo Ma'am e. Pero alam niyo ma'am? Yung saya po ni Doc. Ethan ngayon ay parehas nung saya niya habang kinekwento niya ng paulit ulit ang mga masayang nakaraan nilang mag bestfriend sa akin."