CHAPTER 48 - ROAD TO RECOVERY
----------
ETHAN SMITH POV
8:00 am naka duty na ako sa Hospital namin. And finished all of my tasks.
Wala namang naging problema kaya 3pm pa lang nakapag out na ako.
2 days din ang nakalipas and I think it's time para mag lakas loob na harapin sila after ng pirmahan. Maganda din sana na mapag usapan namin ni Penelope to pero hindi ko naman siya pipilitin kung hindi pa siya ready. I know how tough it is para sa kanya.
Kaya eto, pinag bake ko siya ng Choco Muffin. Hopefully kahit papano makatulong naman to para mag light ang mood niya.
At tapos na akong mag prepare. Nakapag freshen up na din. Kaya sumakay na din ako sa car ko. At umalis na din patungo sa hospital nila.
1 hour and 30 mins din ang naging biyahe ko at nakarating na din ako sa Thompson Hospital.
"Sir maaari ka na daw pumasok sa loob"
"Salamat"
Sumakay na ako ng elevator at pumasok na din sa loob ng suite room.
Pumasok na ako sa loob, At wala si Penelope dito. si Tita Patricia at si Kuya Patrick lang ang nandito.
"Hello po Tita at Kuya Patrick"
"Hello Ethan."
Umupo ako malapit sa kama ni Tito Harvey. Gusto ko kasing humingi ng paumanhin sa kanila sa nagawa ng pamilya ko.
"Tito Harvey kung naririnig nyo man po ito. Ganun na din po sa inyo Tita Patricia at Kuya Patrick, humihingi po ako ng pasensya sa mga nagawa po ng mga magulang ko sa pamilya po ninyo. Maski po ako nagulat sa Arranged Marriage na gusto ng mga magulang ko. Alam ko rin po na lubos na nasaktan ang anak po ninyong si Penelope. Gusto ko rin po sanang humingi ng tawad sa kanya.
At bigla nalang tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan. At nagulat ako nang biglang may humawak
sa kamay ko.
"Honey?" gulat na sabi ni Mommy Patricia.
Naka silip pala sa may kurtina si Tita Patricia kaya nakita niya na hawak ni Tito Harvey ang kamay ko. Bigla ding napa-yapos sa akin si Tita dahil hindi siya makapaniwala na nakagalaw na si Tito Harvey.
"Sorry po Tita, hindi ko po napigilan ang emosyon ko. Pasensya nadin po Tito."
Although, nakapikit pa din si Tito Harvey pero nakaharap naman siya sa amin ni Tita Patricia.
Ramdam mo pa din kay Tito na hindi pa din talaga siya fully recover dahil may hingal pa din
siya ngayon.
PENELOPE THOMPSON POV
Galing sa office ni Dad, pumasok na ako sa room at sinalubong naman ako ni Kuya. At sabi niya nga sa akin na nakakagalaw na si Dad. Kaya agad naman akong sumilip sa room niya at nagulat ako, hawak hawak niya ang kamay ni Ethan? Andito pala siya.
Umiiyak sila ni Mom. At wala silang kaalam alam na nandito din ako sa room kaya narinig ko din yung sinabi ni Ethan kay Dad.
"Sana nga po mapatawad pa niya ako. Maski naman po kasi ako ay wala ding kakayahang mabago ang mga desisyon ng mga magulang ko. Wag po kayong mag alala, patuloy po akong tutulong sa inyo. Gusto ko po talagang makabawi sa nagawa ng pamliya ko ako na po ang humihingi ng kapatawaran para sa kanila." umiiyak na sinabi ni Ethan habang hawak pa din ni Tito Harvey ang kanyang kamay.
"Wag mo isipin yun Ethan. Nangyari na ang mga nangyari wala na din naman tayong magagawa dun kundi tanggapin at napag usap na din naman namin to ng mga magulang mo. Pero gaya nga ng sabi mo si Penelope din ang iniisip ko dahil alam ko na siya ang pinaka nasasaktan sa lahat.
I think let's just wait for her to heal. Tsaka ako ang bahala kay Penelope. Every day naman siyang sinasamahan ng Kuya Patrick niya e. Hindi din namin pinapabayaan si Penelope." pag comfort ni Mommy Patricia sa umiiyak na si Ethan.
Napaiyak naman ako sa mga nasabi ni Mom at nagulat naman ako nang bigla akong niyakap ni
Ethan.
"Penelope sorry sa mga nagawa ng magulang ko sa pamilya mo at sayo na din alam kong nasasaktan
ka ngayon. Hindi ko na alam kung mapapatawad mo pa ako sa pagkakataon na to. Pero hindi din ako titigil na suyuin ka. Hindi ko din kayang makita kang ganyan, na nasasaktan." wika ni Ethan habang mahigpit na yakap si Penelope.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi masyado pang masakit para sa akin ang mga nangyayari. Kaya
tinanggal ko yung pagkakayakap sakin ni Ethan.
"I'm sorry Ethan a. Pero sana maintindihan mo din na hindi pa ako ready. I'm sorry kung sa mga
panahon na to ay hindi pa din kita makuhang mapatawad. I'm sorry." umiiyak na sinabi ni Penelope
kay Ethan.
Umalis ako papunta sa kabilang room. I know naman kung gaano kami kagustong magkaayos ni
Ethan nila Mommy at Kuya. Pero kasi, ayaw ko namang sabihin na pinatawad ko na siya kahit na
sa totoo ay hindi pa. Ayaw kong lokohin ang sarili ko para lang sa ikatutuwa nila. Tsaka masyadong
maraming nangyayari hindi ko na din kung alin ba ang uunahin ko.
ETHAN SMITH POV
Nagpaalam na ako kila Tita Patricia at kay Kuya Patrick.
"Tita, Kuya Uuwi na po muna ako babalik lang po ako bukas."
"Sige Ethan mag iingat ka sa pag dadadrive mo ha."
" Opo Tita salamat po."
Nakalabas na ako ng hospital at nandito na ako sa may parking.
hindi muna ko umalis. Habang nasa sasakyan ako di mapigilang umiyak.
Naalala ko yung mga nangyari kanina.
Nang maging okay na ang pakiramdam ko napagpasyahan ko na dumaan muna sa malapit na simbahan at taimtim na nagdasal.
At nung papalabas ako ng simbahan napansin ko na may nag kukumpulan sa may tapat mismo ng simbahan.
"Neneng, will you marry me?"
"Yiehh!!"
"Oo naman Jun jun. It's a yes for me."
At sobrang saya ng mga tao sa paligid.
Nakakatuwa naman, naalala ko tuloy nung mga bata pa kami ni Penelope. Pero di naman yes ang sagot niya sakin nun. Hayy. Mapagbiro talaga ang tadhana, Kaya sumakay na ako ng kotse ko umuwi na sa Condo ko.
Pagdating ko sa condo pumunta muna ako mini bar ko para uminom muna ng alak.
Para makapag isip isip at para pampatulog na din.
-----------
KINABUKASAN
-----------
PENELOPE THOMPSON POV
Natulog ako sa tabi ni Daddy hawak ko yung kamay niya. At medyo naalimpungatan ako dahil naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Dad, dahan dahan ko iminulat ang mga mata ko at nakita kong nakatingin lang sa akin si Dad at may luha sa kanyang mga mata.
Agad akong napatayo at niyakap ko siya. At dali dali ko ding tawagan yung Doctor ni Dad, para sabihin na gising na si dad.
Ring! Ring!
"Hello Doc. Arman gising na po si Dad."
"Okay Ma'am Penelope papunta na po ako dyan para macheck ko ang daddy mo."
"Okay po Doc. Arman salamat po bye."
"Okay see you bye."
End Call...