Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 21 - Homecoming: Chapter 10

Chapter 21 - Homecoming: Chapter 10

Samantha de Vera can't hide the excitement that she felt as she got out of her brother's car. She was overwhelmed as she looked at Tarlac General Hospital's entrance. Teary eyed siya as she reminisced the good old memories that she had in that place.

"Nothing's changed, huh?"

Napatingin siya sa kanyang Kuya Raul. "Yeah." She smiled as she leaned on her brother.

Inakbayan naman ni Raul ang bunsong kapatid. Nasa tabi nito ang asawang si Helen.

"Parang hindi ako nawala ng ilang taon." She became nostalgic while looking at the hospital.

"Come on, let's go inside," yaya ni Raul sa kanya.

Pumasok sila sa loob ng hospital lobby. Sa parteng iyon ay marami nang nag-iba. Naging mas moderno na ang ayos ng reception area ng hospital, at bago na rin ang mga upuan at maganda na rin ang lugar ng mga information staff. Pero iyong structure ng lobby, kung saan naroon ang information, ang hagdan at ang mga pasilyo, katulad pa rin ng dati. Iyong elevator lang ang nadagdag doon.

"I could still see the old place even though you improved this lobby a lot," ani Samantha kay Raul.

"Pintura lang naman at iba pang kagamitan ang nag-iba; pero iyong kabuuan, iyon pa rin," ani Raul. "Halika sa office at nang mas lalo kang ma-overwhelm."

Umakyat silang tatlo sa may fifth floor ng building gamit ang elevator. May ilang mga pasyente at bantay silang nakasama doon.

"Kuya, the old Admin is on the first floor," aniya.

"Basta, tignan mo na lang," ang sabi naman ni Raul.

Sa may pinakamataas na palapag ng building naroon ang lahat ng back-end offices ng hospital. Kabilang na nga doon ang admin office. Bagong gawa lamang iyon at talagang idinagdag ang floor na iyon para doon ilagay ang mga nasabing opisina.

"So, the old Admin and the others?" tanong niya. Napatingin siya kay Helen na nasa tabi niya. Ang kuya Raul kasi niya ay nasa harapan nilang dalawa.

"Iyong iba ginawang additional patient rooms. Iyong iba naman kinonvert into other things. Like, iyong old Accounting naging mini-coffee shop. Iyong dating Admin naman naging OPD clinic," sagot ni Helen sa kanya.

Pagkalabas nila ng elevator ay bumungad sa kanila ang reception area. Pumasok sila sa glass door at bumungad sa kanila ang mga cubicles ng mga empleyado nila. Bawat department ay magkakasama at sa may dulo ng bawat section ay ang offices naman ng mga manager nila o supervisor. Naka-separate ang bawat opisina ng glass wall.

"Welcome to the back office," ani Raul sa kanya. Pagkatapos nito ay kinausap nito ang mga empleyadong naroon. "Everyone! May I have your attention, please."

Nagsitingin ang mga empleyado sa kanilang presidente.

"This is my youngest sister, Samantha," pakilala ni Raul sa kanya.

Binati siya ng mga empleyado.

"Good morning, everyone! Ma'am Nits!" Na-excite siya bigla nang makakita ng mga dating kakilala. "Nandito pa po pala kayo."

"Oo naman Ma'am," ani Ma'am Nits. "Natatandaan pa po pala ninyo ako."

"Oo naman po. At tsaka si Ma'am Cora. Hi po, Ma'am," bati pa niya sa isa pang may katandaan nang empleyado.

"Hi Ma'am. Welcome back po," ani Ma'am Cora.

"Salamat po." Samantha smiled.

Ipinakilala si Samantha ni Raul sa iba pang mga empleyado, partikular na sa mga managers at supervisors. Pagkatapos noon ay tumuloy na sila sa may Admin Office. The Admin of course is very different from the old one. Pagpasok mo ay makikita mo kaagad ang secretary ni Raul na si Jemma.

"Welcome to the new Admin office!" Raul said. "This is Jemma, my secretary, and behind her... Gwen!"

Mula sa cubicle sa likuran ni Jemma ay lumabas ang babaeng tinawag ni Raul.

"That is Gwen, my EA."

Nag-good morning ang dalawa kay Sam.

"This is Samantha, my sister," pakilala ni Raul sa kanya.

"Hello, ladies!" Samantha smiled.

"We're also trying to get a new staff, lalaki naman," ani Raul. "I think HR is working on that already."

Tumango-tango si Samantha. "Oh... okay."

Pumasok na sila sa loob ng opisina ni Raul. 'Di tulad nung sa mga managers at supervisors sa labas, solid ang walls ng office ni Raul at hindi glass. At pagpasok nila doon ay muling na-overwhelmed si Samantha.

"Oh my God, Kuya..."

Raul's table was the old one that was used by their father, pati na rin ang upuan at iba pang furniture. Pati ang pagkakaayos nito ay tulad din doon sa dating opisina sa ibaba.

"Remember this?" Pumunta si Raul sa may receiving area, kung saan naroon ang ilang sofa at wooden center table.

"That is where I used to put all my jigsaw puzzles." Lumapit si Samantha kay Raul at naupo sila sa sofa. Nakitabi na rin si Helen sa kanila. "Gosh, Kuya! You restored everything."

"The staff found a good furniture company na nagre-restore din ng mga old furniture. I think it's... Ano na nga ba iyon?" Tinignan ni Raul ang asawa.

"It's Furniture.com," nangingiti pang sagot ni Helen kay Raul.

"Furniture.com?" Biglang may naalala si Samantha.

"Oo. You know it, Sam?" tanong ni Helen sa kanya.

"Parang..." Samantha answered. "Uhm... Wow! Really, I missed this place. Four years, Kuya. Ang dami mo nang nagawa."

"I have a great team," Raul said. "And the best part is, everyone embraced the changes that I've implemented. Of course, at first they were hesitant, but eventually nakita nila na mas makakabuti iyon sa ospital. And they love the hospital, so they gave in to the changes and... that's it!"

"Daddy would be so proud of you," ani Samantha sa kapatid.

"And to you, too," ang sabi naman ni Raul. "And I know hindi naman itong Admin office lang ang gusto mong makita."

"Yeah, you should tour me to the whole hospital," aniya.

"I will, but I have a ten o'clock meeting. Later na lang siguro after my meeting."

"Why don't you join me muna sa ER?" yaya naman ni Helen kay Samantha.

"Oh yeah! I heard fully renovated na rin daw iyon," aniya.

"Actually, we have a new ER. Inilipat namin siya doon sa mas accessible sa mga emergency cases. Iyong dati kasi medyo mahirap i-access ng vehicles," paliwanag ni Helen.

"And you just made me more excited!"

Natawa ang mag-asawa sa ipinakitang enthusiasm ni Samantha.

"Well then, let's go," yaya ni Helen sa kanya. "Hon..."

"See you later," ang sabi naman ni Raul.

Bumaba na ang mag-hipag at nagtungo na sa may Emergency Room.

"So Ate, you are the head of ER?"

"Actually, my main responsibility is the medical staff, more particularly, the residents," sagot ni Helen. "Ako ang nagsu-supervise sa kanila, train na rin in effect. Iyong day-to-day operations ng ER, iyong ER Manager na ang nag-aasikaso noon. Pero kapag may mga problema sa pasyente, mga bantay, ako na rin ang kumakausap."

"Nakaka-miss din mag-ER. I remember when I was still a resident, I love going to work kasi in ER you have a lot of cases that you can attend to. Iba-iba. You know what I mean?"

"Yeah, certainly," sagot naman ni Helen. "You really learn a lot in that place. Especially sa mga Patho na katulad mo."

"Right."

Ilang sandali pa ay nasa ER na rin sila. The Emergency Room is quite advanced para sa ospital sa probinsiya, with sliding glass doors and relaxing reception area. Pagpasok sa reception area ay papasok ka pa ulit sa isa pang glass sliding door para makapasok sa ER. Meron ulit waiting area tulad nung nasa labas, at pagkatapos ay ang workstation ng mga staff ng hospital. Inilibot ni Helen si Samantha sa iba pang area ng ER.

"This is the Triage; that is the Resus Area; here is the Trauma and minor surgeries area; doon naman iyong sa ambulance. May entrance doon na directly binababaan ng mga patients from ambulance."

"Hindi ba nagalit ang ibang stockholders kay Kuya for pulling off this kind of ER? I am guessing this is very expensive."

"Actually, iyan iyong sinasabi niya kanina na medyo hesitant sila sa change. Constructing this ER costs as much as constructing a new OR. Pero ngayon nakikita na namin ang payback. The patients actually boomed because of this new ER. Parang kapag daw dito sila nagpa-ER ay napaka-sosyal na nila."

Samantha giggled. "Well, I guess a lot of Tarlaqueños are rooting for better healthcare. Kahit mas mahal."

"We have the entire Moon Villagers as our clientele."

They both giggled.

At napatunayan naman ni Samantha ang magandang epekto ng isang maganda at malinis na Emergency Room. At that moment kasi ay sobrang busy na ng mga nurse doon, to think halos nagsisimula pa lang ang araw. Sunod-sunod kasi ang dating ng mga pasyente.

Nang muling magbukas ang pintuan ng ER ay pumasok ang isang lalaki na may kalong na batang naka-blanket pa. Kasunod noon ang isang babae na nasa mid-fifties ang edad. Samantha froze when she saw the old woman.