Samantala, sa isang liblib na lugar sa mundo ng mga mortal, ay bigla na lamang nagmulat ng mga mata ang isang lalaking nakahiga sa mahabang sofa. Hindi pa man siya nahihimasmasan ay narinig na niya ang boses na tumatawag sa kaniya.
"Hey, Astro! Get up. Ikaw na ang susunod na lalaban."
Nang tuluyang magmulat ay bumungad agad kay Astro ang malakas na liwanag na nagmumula sa ilaw.
"Urg!" Agad niyang tinakpan ang mga mata. Umayos na rin siya sa pagkakaupo.
"You fucking looked like a mess."
Hindi na kailangang lingunin pa ni Astro kung sino ang nagsalita. Boses pa lang kasi ay kilalang-kilala na niya. Napahilamos na lamang siya sa mukha bago inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid.
The place was a total wreck. Nagkalat sa lamesa ang mga pulutan, pati na rin ang mga upos ng sigarilyo. Idagdag pa rito ang napakaraming basag na bote sa sahig. Pati iyong malaking telebisyon na nasa kaniyang harapan ay hindi nakaligtas. May nakabaon ditong mga bolang pambilyar.
"What happe-." He didn't get to finish his question when he suddenly felt a sharp pain on his throat. Ngayon lang niya naramdaman ang panunuyo ng lalamunan. Napahawak na muna siya rito bago lumunok ng ilang beses. Hinayaang mabasa ang kaniyang lagukan.
Nagpalipas siya ang ilang segundo bago akmang tatayo na sana, ngunit biglang umikot nang napakabilis ang paningin. Agad niyang pinikit ang mga mata habang mahigpit na napakapit sa sofa. Unti-unti na ring bumibigat ang kaniyang pakiramdam. Parang minamartilyo ang kaniyang ulo, at kahit malamig sa loob ay pinagpapawisan siya nang malapot. Bumibilis na rin ang pintig ng kaniyang dibdib. Idagdag pa ang pamamanhid ng mga binti.
Kahit nahihirapan ay pinilit niyang inikot ang paningin. Hindi naman siya nabigo nang makita ang palikuran.
Gamit ang natitirang lakas ay tumayo siya saka pagaeywang-geywang na tinungo ito.
Doon ay isinuka niya ang lahat ng kaniyang mga nakain. Kulang na lang ay sumama pati mga lamang-loob niya.
"I told you. You know that you almost had zero alcohol tolerance, but you never listened."
From the corner of Astro's eyes, he saw the guy earlier. Nakasandal pa ito sa pinto habang nakayupi ang mga braso.
"Could you still fight? If not--"
"Then what, Brian?" Astro gave him a glare. The guy was already getting on his nerves.
Napabuntong-hininga na lamang si Brian nang marinig ang boses ng kaibigan. Gustuhin man niyang sumumbat ay alam niyang wala na siyang magagawa. "Okay! If you say so. Just, don't overdo it. You get me?" With a glance, Brian turned around and walked out of the room.
Naiwan naman si Astro na napapailing. Muli niyang itinuon ang pansin sa lababo. Napahawak pa siya sa gilid bago yumuko upang makita ang repleksiyon sa salamin. Kahit medyo malabo ay naaaninag pa rin niya ang namumutlang mukha. Para siyang tinakasan ng dugo sa hitsura.
Mayamaya pa ay muli niyang naramdaman ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. Mas lalo ring lumakas ang pag-ikot ng kaniyang paningin. Nang hindi makayanan ay pikit-mata niyang ipinagpatuloy ang pagsuka habang inaalala ang sinabi sa kaniya kanina ng kaibigan.
A devilish smirk immediately plasterred on his face. Brian was wrong about something. He may be weak with alcohol, but he would surely win today's battle.
Nang mahimasmasan ay agad niyang inayos ang buhok bago naghilamos ng mukha. Kahit papaano ay nakatulong ang malamig na tubig upang gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Matapos niyang ayusin ang sarili ay agad na niyang ibinulsa ang mga kamay bago naglakad palabas.
oooOooo
Hindi pa man siya tuluyang nakapapasok sa arena ay rinig na niya ang ingay ng mga mortal na manonood. Humahalo na rin sa hangin ang usok ng mga sigarilyo. Pati ang matapang na amoy ng alak ay hindi nakaligtas sa kaniyang sensitibong ilong.
Madilim din ang paligid. Tanging ang napupunding bumbilya lamang na nagmumula sa itaas mismo ng ring ang nagbibigay liwanag sa maluwang na espasyo. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang anim na lalaking nakatayo sa gitna. Kahit nakaporma ang mga ito ay halatang-halata pa rin ang maskulado nilang pangangatawan. Idagdag pa ang mga tattoo na bahagyang lumalabas mula sa kanilang mga leeg.
"And now! For the most awaited battle for tonight! I present you, the challengers, Les Demons Cardinals from Europe vs. Asia's Destroyer!"
Mas lalong umugong ang boses ng mga tao sa paligid. Lahat sila ay isinisigaw ang pangalan ng kanilang mga idolo, ngunit isa lamang ang nangingibabaw.
Nahihilo man ay nagawa pa ring ngumisi ni Astro. Hindi siya nagsisi na bumaba paminsan-minsan sa mundo ng mga mortal. Sa katunayan ay matagal na niya itong ginagawa. Ito ang paborito niyang pampalipas ng oras. Dito rin niya ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa kanilang mundo.
He even developed a relationship with a human girl, however, it was not a serious one. Sa ayaw at sa gusto niya ay alam niyang darating ang araw na hindi na siya muling makababalik pa.
Bumuga na muna siya ng hangin bago maglakad palabas. Mas lalo namang nagsigawan ang mga tao, lalo na ang mga kababaihan nang makita siya.
"Ang guwapo mo talaga, Prince Astro!"
"You're so hot, destroyer!"
Astro just rolled his eyes on the comments. Sanay na kasi siya sa ganito. Hindi na lamang niya pinansin ang mga tao sa paligid bago binilisan ang lakad patungo sa gitna.
As soon as he set foot on the ring, the tallest of his six opponents came closer to him. Medyo yumuko pa ito upang magpantay ang kanilang tingin.
"So, you're Asia's destroyer, Prince Astro, huh?"
Hindi pa nakuntento'y inikutan pa siya nito habang tinitingnan mula ulo hanggang paa.
"Doesn't look so tough to me. I bet I could K.O you in one punch."
Biglang humagalpak ang limang lalaki sa tinuran naman ng pinakapandak sa kanila. Sinundan pa ito ng lalaking may dilaw na buhok.
"Why don't you just go home to your momma, flower boy? If you don't want that pretty face of yours to get ruined."
Sa kabila ng kanilang mga sinasabi ay nanatiling kalmado lamang si Astro. He narrowed his eyes as he took in his opponents. Most of them are laughing loudly, except for one.
Kulay pula ang buhok nito at kahit natatakpan ng itim na maskara ang kalahati ng mukha nito ay kitang-kita pa rin niya ang masamang titig na ipinupukol nito sa kaniya. Wari niya'y kinikilatis siya nang mabuti.
"Let the fight, begin!"
Sa sigaw ng lalaking may hawak na micropono ay tuluyang umalingawngaw ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa paligid.
"Let me go first." Humakbang palapit kay Astro iyong pinakapandak. He even had a smirk on his face as he played with his knuckles.
"I'll give you one last chance, pretty boy. Give up? Or you're going down!" Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa kalaban, ngunit hindi man lang natinag si Astro.
"Watch out!"
Before the guy could even move, he suddenly felt something sharp over his neck. Mabilis siyang napahawak sa lalamunan ngunit huli na ang lahat. Umaagos na mula rito ang mga sariwang dugo. Mayamaya pa ay nagsimula na ring mapugto ang kaniyang hininga.
Mabilis siyang napaatras. Nagpalakad-lakad hanggang sa tuluyang bumagsak ang katawan. Bago pa man tuluyang tumirik ang kaniyang mga mata ay narinig pa niya ang sinabi ng kalaban.
"Your breath stinks."
A deadly silence immediately took place. No one dared to open their mouths as they continued to look at the fallen guy that's bathing on his own blood.
"I'll show you no mercy!" With a loud shout, the guy man with long hair attacked.
Hindi na rin nag-aksaya pa ng oras si Astro. Agad siyang umikot upang maiwasan ang atake nito. Naningkit pa ang kaniyang mga mata nang makita ang punit na telang hawak ng lalaki. Galing ito sa paborito niyang damit.
Napapikit siya nang mariin. Isa sa pinakaayaw niya ang masiraan ng mga personal na gamit. Napakuyom siya ng kamao habang hinihintay ang susunod na hakbang ng kalaban.
Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang lalaki. Akmang dadambahan na sana siya ng suntok, ngunit nahuli niya agad ang kamao nito sabay hila rito. Bago pa man ito masubsob ay siniko na niya ito sa batok. Rinig pa niya ang paglagutok ng mga buto nito bago bumagsak sa semento.
"More! Show us more, Destroyer!"
A loud cheer echoed once more. Some are even recording the fight. While others were stunned by what they saw. Maliban na lamang sa dalawang tao na nanonood mula sa maliit na balkonahe ng ikalawang palapag.
Napakaseryoso ng kanilang mga mukha habang matamang na nakatingin sa laban.
"Was he really that strong, Brian?"
Hindi agad nakasagot si Brian. Nanatiling nakakuyom ang kaniyang kamao habang sinusundan ang bawat galaw ni Astro. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang uminom ng alak si Astro. Sa oras na malasing ay hindi na nito kontrolado ang kaniyang lakas. Gustuhin man niyang pigilan ang kaibigan ay alam niyang wala rin siyang magagawa.
"I hoped that you know what you're doing, Astrophel Corbin."
Samantala, napunit ang isang nakakikilabot na ngisi sa mukha ni Astro nang makita ang hitsura ng kaniyang mga natitirang kalaban. Nagpatay-sindi rin ang mga bumbilya, ngunit imbes na matakot ay mas lalong umugong ang sigawan ng mga manonood.
"Omoara-l!"
Biglang dumagundong sa bawat sulok ng arena ang isang hindi pamilyar na salita. Nangunot pa ang noo ng ibang manonood sa narinig. Nakita na lamang nilang naglabas ng mga patalim ang dalawa sa apat lalaki bago sumugod.
"Termina-l!"
Mas lalong bumilis ang kanilang mga galaw nang marinig ang utos ng kanilang pinuno.
Muntikan pang masaksak sa dibdib si Astro, ngunit agad siyang kumilos upang makaiwas sa atake. Tumalon siya palayo, ngunit madali siyang nasundan ng dalawa. Pagkaapak niya sa semento ay agad din siyang napayuko upang iwasan ang matulis na bagay na tatama sana sa kaniyang leeg. Nang makahanap ng pagkakataon ay mabilis niyang ibinaon ang kamao sa sentido ng lalaking may maitim na balat.
Nagbuga muna ito ng pinaghalong dugo at laway bago tumalsik palayo.
"No! Brother! You'll pay for this!" Agad na sumugod ang natira sa dalawa. Para itong wala sa katinuan habang wasiwas lang nang wasiwas sa hawak na patalim.
Sinamantala naman ito ni Astro. Iwas lang siya nang iwas. Gusto muna niyang makipaglaro sa kalaban.
"Die!"
Biglang nagpantig ang tainga ni Astro sa narinig. Huminto na rin siya sa kaiiwas bago sumugod.
Sa isang kisap-mata ay hawak na niya sa pulsuhan ang kalaban. With a snap, Astro broke his opponents arms like a fragile twig.
Napangiwi pa ang mga manonood nang marinig ang nakakikilabot na hiyaw ng lalaki.
Nakaluhod na ito sa semento habang pilit na binabawi ang nabaling braso mula sa mala-bakal na kamay na nakahawak sa kaniya.
Muling napangisi si Astro sa nakitang kalagayan ng kalaban. Ganoon pa man ay hindi pa siya nakuntento. Agad niyang hinawakan ang ulo nito saka malakas na ibinagsak sa sahig. Ramdam niya ang pagkadurog ng bungo nito. Pati ang bahagyang pangingisay ng katawan nito, ngunit hindi siya bumitiw hanggang sa hindi na gumagalaw ang kalaban.
The man was already dead when Astro threw him like a rag.
"You!"
Bahagyang nag-angat ng ulo si Astro sa narinig. Sinundan niya ang pinanggalingan ng boses hanggang sa makita iyong lalaking may balat sa kaliwang bahagi ng mukha.
"I'll make you feel pain!" Hindi na nagdalawang-isip ang lalaking may pilat sa mukha, at mabilis na inihagis ang mga patalim na hawak. He even had a smirk on his face, but it soon faded when he saw how his opponent easily caught his poisonous blades. "How?"
Napangisi naman si Astro nang makitang nakanganga ang kalaban. Hawak niya sa kaniyang kamay ang mga bagay na dapat sana ay tatama sa kaniyang ulo.
Muling nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Lahat ng mga tao ay nakatutok sa kaniya. Naghihintay kung ano ang susunod niyang hakbang.
Isang pihit lang niya sa daliri ay nahati sa dalawa ang mga hawak. Nagdulot pa ito ng matitinis na tunog nang tuluyang bumagsak sa sahig.
Sinundan agad ito ngsunod-sunod na putok ng baril.
"Stay still! You monster!"
Naging maagap si Astro sa pag-ilag. Gustuhin man niyang hulihin ang mga bala ay alam niyang hindi maaari. Napakadelikado, lalo pa at maraming mata ang nakamasid sa kaniya.
Mas binilisan na lamang niya ang kilos. Huminto lang siya nang tuluyang maubos ang bala sa baril ng lalaki. Ibinulsa muna niya ang mga kamay bago dahan-dahang naglakad patungo sa kalaban.
Sa bawat hakbang niya ay siya namang pag-atras nito. Nakatutok pa rin ang baril nito sa kaniya kahit wala na itong laman.
"Don't come any closer, you monster!"
Mabilis nitong ibinato ang baril na hawak, ngunit imbes na umilag ay hinayaan lang ni Astro na tumama ito sa kaniya. Nagdulot pa ito ng malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid.
Ginamit naman itong pagkakataon ng kalaban upang ilabas ang tatlong shuriken saka mabilis na inihagis kay Astro. Napangisi pa siya, ngunit agad din itong nawala nang mahablot na naman ni Astro ang kaniyang tira.
"No way! What are you?"
Astro remained silent. Instead, he focused his attention on the shuriken that's on his grasp. Kumikinang ang mga ito sa ilalim ng munting liwanag. Isang senyales na napakatalas nito.
"I think this was yours?" Nagmistulang buhawi ang hangin sa lakas ng pagkakahagis ni Astro. Nag-iwan pa ito ng mga alikabok sa ere.
Napaawang na lamang ang bibig ng lalaking may pilat sa mukha nang mamataan ang bagay na alam niyang tatapos sa kaniyang buhay. Napatakip pa siya ng ulo habang hinihintay ang kaniyang katapusan.
"I'd like to apologize."
Naningkit ang mga mata ni Astro sa narinig. Noon lang din niya naramdaman ang biglaang paghapdi ng kaniyang tiyan.
Kasabay nito ang isang malakas na tunog. Agad niya itong sinundan nang tingin at nakita ang kalaban kanina na nakasandal na sa gilid. Nakanganga ito habang nanlalaki ang mga mata. Rinig na rinig niya ang malakas na kabog ng puso nito. Basa na rin ang pantalon nito, ngunit hindi ito ang kumuha ng kaniyang pansin kundi ang tatlong bagay na nakabaon sa dingding.
"We shouldn't have underestimated you. But this ends here."
Mabulus na iginala ni Astro ang paningin sa paligid, ngunit hindi niya makita kung kanino ang boses na narinig. While doing so, his hands unconsciously moved towards his wounds. Ramdam niya ang malapot, at mainit na likidong nagsisimula nang tumulo. Hindi na niya kailangang makita para malaman kung ano iyon. Nagyuko na lamang siya ng ulo. Ayaw niyang nakikita ang sariling dugo.
Mayamaya pa ay mariin siyang napapikit nang maramdaman ang unti-unting pag-iinit ng kaniyang mga mata. Parang kinakain ng nagbabagang apoy ang lahat ng mga ugat niya sa loob. Nagsisimula na ring maging pula ang paningin.
'Hindi! Hindi ito maaari! Huwag ngayon!'
Naikuyom ni Astro ang kamao. Kailangan niyang pigilan ang pagpapalit-kulay ng kaniyang mga mata dahil kung hindi ay paniguradong makakagawa siya ng mga bagay na hindi niya kontrolado. Isa pa, hindi ito maaaring makita ng mga mortal.
Hindi na rin niya alintana ang paligid. Ramdam na ramdam niya mabilis na tambol ng kaniyang dibdib. Pati ang unti-unting pag-angat ng dugo niya patungo sa kaniyang mga mata.
Bumalik lang siya sa realidad nang maramdaman ang isang matalim na bagay na nakatutok na sa kaniyang leeg. Nasa likuran na pala niya ang kalaban. Rinig din niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid.
"Say goodbye to your momma, pretty boy." Humagalpak ang lalaking may pulang buhok. Dumagundong pa ang tawa nito sa bawat sulok ng arena.
Inihanda naman ni Astro ang sarili. Bago pa man nito tuluyang mahiwa ang kaniyang leeg ay mabilis niyang inapakan ang paa nito. Nang makahanap ng tiyempo ay malakas niyang siniko sa dibdib ng kalaban. Nakita pa niya ang pulang likido na lumabas mula sa bunganga nito. Hindi pa nakuntento si Astro ay sinipa pa niya ito sa ulo na naging dahilan nang pagtalsik nito palayo.
Tumama ang lalaki sa dingding. Halos gumuho ito sa lakas ng kaniyang pagbagsak. Rinig na rinig ng mga manonood ang paglagutok ng lahat ng mga buto nito sa katawan. Kasunod nito ang nakapangingilabot nitong daing.
Biglang nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Lahat sila ay nakatingin sa katawang nakahandusay sa ilalim ng semento. Hindi na gumagalaw ang lalaki at sa tingin nila ay wala na itong buhay.
Sinamantala naman ito ni Brian. Kailangan niyang pagtakpan ang kaibigan bago pa man may ibang makakita sa pinakaiingatan nitong sikreto.
Huminga muna siya nang maluwang bago sumigaw ng pagkalakas-lakas.
"Nandiyan na ang mga parak!"
Napangisi na lamang siya matapos sumigaw. Lalo na nang makita kung papaanong nagkagulo na ang mga tao sa paligid. Nabalot na rin ng sigawan ang buong arena habang kaniya-kaniya silang takbo patungo sa labasan.