πππ»π² ππ΅π΅π΄
First day of class ngayon sa CPRU. Pero hindi katulad noong first day ni Sam as a high school student, excited siyang bumaba ng kotse ng kanyang daddy at pumasok sa eskwelahan.
"See you later!" pahabol na lamang ni Sebastian de Vera.
Hindi na nakasagot pa si Sam na tuluyan nang tumakbo papunta sa gate ng kanilang school. Napangiti na lamang si Don Baste as he started the engine of his Toyota Corolla.
Dire-diretso na sanang papasok si Sam sa gate nang madatnan niya ang isang estudyanteng nagtatanong sa may guard.
"Oo. First year ka?" tanong ni Manong Guard sa estudyante.
"Hindi po. Fourth year na po ako. Transferee," sagot naman nito.
"Ah⦠Hayan iyong building. Doon iyong entrance." Itinuro pa ng guard ang tinutukoy nito.
Tumingin ang babaeng estudyante sa itinuro ng guwardiya. Na-sense naman ni Sam na parang naguguluhan ito, kaya naisipan niyang tulungan na lang ito.
"Manong, ako na ang tutulong sa kanya," ang sabi niya sa guwardiya.
Tumingin sa kanya ang babaeng estudyante, at saka niya ito nginitian.
"O sige. Mabuti pa nga," ang sabi ng guwardiya.
Ipinakilala niya ang sarili sa estudyante. "Hi! I'm Sam." Inilahad niya ang kanyang kamay.
Na tinananggap naman nito. "Kristine."
"First time mo dito sa CPRU?" tanong ulit ni Sam.
Tumango si Kristine. "Doon sa kabila ako nag-enroll, eh. Akala ko doon din iyong mga classrooms."
"Doon kasi lahat nag-eenrol ang mga estudyante, mula elementary hanggang college," paliwanag niya. "Doon kasi iyong school admin pati registrar."
"Ahβ¦" Napatango na lamang si Kristine.
"Don't worry. I could be your guide on your first day," ani Sam. "Anong section ka ba?"
"Section 1."
"Talaga?" Natuwa siya sa sinabi nito. "Magkaklase pala tayo."
"Talaga?" ani Kristine.
"Wow! Mabuti pala at nakita kita. Halika! Doon tayo sa classroom natin."
Hinila niya ang kamay nito at saka dinala sa magiging classroom nila. Dahil fourth year na sila, sa fourth floor na ang classroom nila. Along the way ay binabati ni Sam ang mga nakikitang kakilala, katulad na lang iyong principal nilang si Mr. Castillo.
"Good morning po, Mr. Castillo. Ah, Mr. Castillo, heto nga po pala si Kristine. Kristine, si Mr. Castillo, principal natin."
"Good morning po, Sir," bati ni Kristine sa punong-guro.
"Good morning, Kristine," ganting bati ni Mr. Castillo. "Sam, mukhang nakahanap ka na naman ng bagong kaibigan, ah."
"Oo nga po, Sir."
Ngumiti ang punong-guro. "Bueno, I'll go ahead. Nice to meet you, Kristine."
"Nice to meet you din po."
Umalis na ang principal at nagpatuloy na ang dalawa sa pag-akyat sa fourth floor.
"Iyong si Principal Castillo, friends kami nun. Basta dumikit ka lang sa akin, akong bahala sa iyo sa kanya," ang sabi niya kay Kristine na ngumiti lamang.
Sa loob ng tatlong taon ng pagiging high school ay nabalik na sa friendly persona ni Sam, na saglit niyang hindi nagamit noong mga unang araw sa high school dahil na nga sa nangingilag siya sa mga bagong kaklase. Pero kalaunan nga ay naging komportable na siya sa high school at nabalik na ang pagiging friendly niya.
Kaya naman hindi nakaligtas si Kristine sa pagiging curious niya sa mga bagay-bagay.
"So, kalilipat n'yo lang dito sa Tarlac?" tanong niya dito.
"Oo," sagot ni Kristine.
"Saang probinsiya kayo nanggaling?"
"Sa Zambales."
"Mabuti at lumipat kayo sa Tarlac?"
"Dito kasi nadestino iyong tatay ko."
"Ano bang trabaho ng tatay mo?"
"Pulis siya."
"Wow! Ang cool naman." Talagang namangha si Sam sa narining. Eh kasi... "Alam mo ba iyong The X-Files? Ang cool noong dalawang bida, sina Mulder and Scully. Ang galing nilang detective. Tapos mysteries pa iyong sino-solve nila."
Ngumiti lamang si Kristine sa kwento niya.
"Hindi ba mahirap iyong ganoon?" tanong ulit ni Sam. "Iyong palipat-lipat kayo ng tirahan?"
"Hindi naman kami palipat-lipat. Ngayon lang kami lumipat ng tirahan."
"Ah... Well, welcome sa Tarlac!"
Ngumiti si Kristine. "Salamat... Ikaw? Dito na ba talaga kayo nakatira?"
"Oo. Since birth," sagot niya.
"Siguro hindi pulis ang tatay mo, ano?"
Natawa si Sam sa biro ni Kristine.
"Hindi. Sa hospital siya nagtatrabaho."
"Doktor?"
Lihim na napangiti si Sam. Iyon kasi ang palaging sinasabi ng mga tao kapag narinig nilang nagtatrabaho sa ospital ang kanyang tatay. Well, iyong mga hindi nakakaalam na siya ang bunsong anak ni Don Sebastian de Vera, at hindi nakakaalam ng tungkol sa Tarlac General Hospital.
"Hindi. Sa Admin siya," ang sabi na lamang ni Sam.
Nakarating na sila noon sa kanilang classroom. Kaagad namang lumapit sa kanila si Ryan nang makaupo na sila sa may bandang gitna ng classroom.
"Hi Sam! Ipakilala mo naman ako diyan sa kasama mo." Kumindat pa ito kay Kristine.
Napasimangot si Sam sa ginawa ng kaibigan, pero ipinakilala pa rin niya ang kasama dito.
"Si Kristine."
"Hi Kristine!" Inilahad ni Ryan ang kanyang kamay na tinanggap naman ni Kristine. At saka na nito inilahad ang tungkol sa kanilang pamilya na may-ari ng pinakamalaking patahian sa Tarlac.
Na ikinainis ni Sam ng kaunti. "Ryan... hindi ka naman OA, ano?"
"I'm just being friendly," pagtatanggol nito sa sarili.
"Friendly? Sure?" Saka niya ikinuwento kay Kristine ang pagiging bully ni Ryan noon.
Na itinanggi naman ni Ryan. In the process ay nabanggit nila si Kenneth.
"May friend pa kayo?" tanong ni Kristine sa kanila.
"Oo, si Kenneth," sagot ni Sam. "Best friend ko iyon."
"Wala pa iyon kasi malamang na-traffic. Wala kasing sariling sasakyan iyon, eh. Isa kasi siyang dukha," ang sabi naman ni Ryan.
"Hayan ka na naman," saway ni Sam dito.
"Siya rin naman ang nagsasabi noon, 'di ba?" ani Ryan. "Siya rin nambu-bully sa sarili niya."
"At ginagatungan mo pa," ang sabi ni Sam.
At nagpatuloy pa sila sa kanilang pag-uusap tungkol kay Kenneth. Hanggang sa dumating na nga ang topic of their discussion.
"Grabe iyong traffic sa mayβ"
Napatigil ang pagsasalita ni Kenneth nang makita si Kristine. Nahiya yata nang ma-realize niyang may ibang nakakarinig ng pagra-rant niya. Kaya naman ipinakilala ni Sam ang dalawa.
"Kenneth, si Kristine, bago nating kaklase," aniya. Pagkatapos ay si Kristine naman ang hinarap nito. "Ito si Kenneth, iyong best friend ko."
Nginitian ni Kristine si Kenneth, at parang lalong nahiya itong huli na namula pa nga ng konti ang pisngi.
"Ah... ano... H-Hi..." ani Kenneth na napakamot pa ng batok.
Nilapitan ito ni Ryan at saka inakbayan. "Bro, muntikan ka nang ma-late, ah."
"Oo nga," sang-ayon ni Sam. "Dapat kasi pumayag ka na lang sa alok kong pagsundo sa iyo. First day ngayon kaya ma-traffic talaga."
Noon na itiunuloy ni Kenneth ang pagra-rant tungkol sa dahilan ng kanyang pagka-late sa klase. Meron daw kasing pulis trapiko na pilit pinapatigil ang lahat ng dumaraang sasakyan. Obvious na gustong makakolekta. Nagdiskusyon ang tatlong magkakaibigan tungkol dito, with Sam saying na baka ginagawa lang talaga nito ang trabaho. Pero ayaw maniwala ni Kenneth.
"Tatay ko iyong police na iyon."
Napatingin silang tatlo kay Kristine. Halata ang galit sa mata nito habang nakatingin ito sa tatlo, partikular na kay Kenneth na tuluyan nang napipi at hindi makapagsalita. Mabuti na lang at dumating na ang kanilang teacher kaya hindi na rin sila kailangang mag-usap.
Katabi ni Sam si Kristine, at ang dalawang lalaki naman ay nasa harapan nila nakaupo. Alam ni Sam na nasaktan si Kristine sa sinabi ni Kenneth kanina, at feeling niya ay kailangan niya itong kausapin at ayusin ang kung ano mang namagitan sa kanilang dalawa ng kanyang best friend.
At noong lunch break nga ay tuloy-tuloy na lumabas ng classroom si Kristine. Halatang umiiwas ito sa kanilang grupo. Nagpasiya si Sam na habulin ito at kausapin, pero bago iyon ay nagbilin muna siya sa dalawang kaibigan.
"Umayos kayo, ha? Mauna na kayo sa cafeteria at dadalhin ko siya doon. At huwag na kayong magbabanggit ng kung ano mang ikakasama ng loob niya," ang sabi pa ni Sam sa dalawang kaibigan.
"Bakit nasama ako? Si Kenneth lang," reklamo ni Ryan.
Hindi na iyon sinagot pa ni Sam. Sinundan na niya si Kristine at saka kinausap para sa kanila na sumamang mag-lunch.
Nahabol naman ni Sam si Kristine, at sa kasamaang palad ay sa kanya nito naibuhos ang sama ng loob kay Kenneth.
"Matapat na police ang tatay ko. Alam mo ba kung bakit pinaalis kami sa Zambales at dito siya inilipat? Kasi meron siyang nakitang katiwalian sa mga kasama niya, kasama pa iyong hepe nila doon. At hindi lang siya basta-basta inilipat. Na-demote din siya kaya naging traffic enforcer na lang siya."
Walang nasabi si Sam at nanatili na lamang nakatingin kay Kristine. Mukhang nakonsensiya naman ito nang ma-realize ang pagra-rant niya.
"Sorry."
"Okay lang. Naiintindihan ko. Pero mabait naman si Kenneth. Nabigla lang siguro siya doon sa mga sinabi niya. Sana bigyan mo muna siya ng chance at sigurado ako, kapag nakilala mo siya, magiging mabuting magkaibigan din kayo."
Mukha namang nakumbinsi niya si Kristine.
"Susubukan ko."
Inihatid na ni Sam si Kristine sa canteen, kung saan naroon sina Kenneth at Ryan. Humingi ng tawag si Kenneth kay Kristine, at kahit pa nga andoon pa rin iyong masamang pakiramdam ni Kristine dito ay tinaggap pa rin nito ang apology nito.
Nang magkaayos na ang lahat ay nagpaalam na si Sam.
"O siya, maiwan ko na kayo."
"Aalis ka na?"
Tumango si Sam. "May event kasi sa ospital. Huwag kang mag-alala. Pinagsabihan ko na iyang dalawang iyan. Magiging mabait na sila sa iyo."
Pagkatapos masiguro na magiging maayos si Kristine sa dalawang kaibigan ay tuluyan nang nagpaalam si Sam at iniwan ang tatlo sa may canteen ng CPRU.