Chereads / A STORY WRITTEN BY YOU / Chapter 12 - CHAPTER 8: COMPLICATED X INSANE

Chapter 12 - CHAPTER 8: COMPLICATED X INSANE

SOLEMN

I'M SURE, i'm really gonna go insane at what's currently happening. Mababaliw na talaga ako, walang duda. Everything is so unexpected, parang nakakulong ako sa isang walang katapusang bangungot. Ang dami kung tanong- at kahit isang sagot wala talaga akung nakuha o nalaman man.

Why do I need to experience this kind of things?

Where am I?

Kaninong katawan to?

Sino ang taong ito?

Ano ba ang gagawin?

Saang dimension ito?

I have so many questions, but sadly, kahit isa lang sa mga tanong na iyon ay wala akung nakuhang sagot.

Tahimik lang ako habang nagiisip ng malalim.

Hanggang sa naisipan kung maghanap ng mga impormasyon na alam kung pwedeng makatulong saakin upang maliwanagan. I checked the pockets of my slocks i'm currently wearing and good thing, may nakapa ako. Kinuha ko ito at napagalamang cellphone pala ito.

Once I opened the phone, I saw missed calls from a same guy. Hindi ko nalang ito pinansin at tinignan nalang kung ano talaga ang pakay ko.

I was shocked at what I saw, and taon, araw at buwan na nakalagay dito, ay ibang-iba sa date ng totoong mundo ko.

I thought na baka mali lang yun that's why i double checked it. Since walang password yung phone hindi na ako nahirapan at wala na akung kailangang problemahin.

I opened the phone settings and checked the date. But kahit ilang ulit o beses kung pindotin yung automatic set, ganon talaga. The date is still the same.

This makes it more convincing na nasa iba akung dimension at wala nako sa totoong mundo. Kapag pagsamahin ang lahat na nakalap at nalaman ko, isang lang talaga ang sagot nito.

I think i'm punished. But what for? I mean ano yung nagawa?

Wala na akung ibang maisip na rason kung paano ako napunta dito.

"Ejie!" I heard someone call.

I saw her coming down the stairs, habang pinapahid yung pawis niya ng panyo.

When I look at her masasabi kung medyo may pagka boyish itong babaeng to. From the way she dress and fix or design her hair, mahahalata ang pagiging boyish nya. Though, I can say that it didn't lessen her beauty. Instead it makes her more beautiful. Bagay sa kanya.

Wait did I just compliment her? We'll nevermind. I'm just being appreciative, and it's not like it's out of ordinary. Normal lang na i appreciate natin yung mga nakikita natin. Right?

"Ejie! Bilisan muna dyan, sabay kana sakin papunta sa hospital, mamaya."

"Huh?"

"Wag mo akung ma 'huh?' 'huh?' dyan bilisan mona at maligi kana. Ano tinutupak ka na naman ba?"

Alam kung walang patutunguhan kung sasalungatin ko nalang siya palagi. I know everything happened so suddenly. It's so unexpected and confusing. Pero habang nandito ako sa katawan na ito, kailangan kung i adapt yung pamumuhay niya. Kailangan kung sumabay.

"Okay fine." I said then stood up, nang mapagtanto kung hindi ko alam nasaan yung C.R.

"Where's... umm the C.R by the way?" I asked.

Inirapan langako nito at diretsyong naglakad sa pupuntahan niya. "Alam mo ang weird mo talaga, kanina kapa. Sasamplain na talaga kita." Pahabol niyang ani.

Oh so wala akung choice, kundi hanapin ito? Nevermind. What can I do though? I know she won't answer.

Nilakbay ko nalang yung daan papunta sa itaas na bahagi ng bahay na ito and minutes of looking, I finally found it. Nasa second floor lang ito malapit sa pinakahuling room.

Malaki-laki rin ang bahay na ito but hindi ito ganon kalaki para maligaw ako.

Just as I was about to enter the bathroom, may narinig akung biglang tumawag saakin.

"Hoy teka lang! Yung damit mo oh... Tas tuwalya mo rin." Aniya habang tumatakbo papunta saakin.

Dala-dala nito ang pares na slocks at polong puti. Hmm, I guess uniform ito na pang doctor. May dala rin itong tuwalya. Inabot nya saakin lahat ng iyon.

"Thank you." I plainly said and was about to turn around para pumunta na sa banyo ng pigilan niya ko ulit, by holding my hands.

"Yung undergarments mo, don't forget." Poker face nyang pagkakasabi.

She's funny. Totally. Parang wala lang sa kanya yung mga bagay na siguro ay nakakahiya sa iba. I think she's really close with this man to act like this.

"Gee, thanks."

She nodded at umalis na.

"Tsk. Tsk."

I can say that I like her attitude. Naiisip ko palang na kung araw-araw siguro kaming magkikita. Hindi talaga ako mababagot.

I just chuckled.

I decided to enter the bathroom now and take a bath. Nandito na ang lahat ng kakailanganin ko. Starting from shampoos, soap pati narin yung cream na pang shave, and more.

I decided to shave this body, growing facial hair. Napapansin ko kasing medyo lumalabong na ito.

Right now i just want to say sorry to the owner of this body. Kung gusto niyang patubuin iyon ay pasensya na talaga na pinutol ko. I need to shave it since before palang nakasanayan kona talaga, nung nasa 'totoong katawan ko palang ako'. Isa pa for me, It looks unhygienic, well it's just my opinion.

Since nagtratrabaho ako sa isang Resto kailangang malinis akung tignan. Hindi lang ako, pati ang ibang mga crew. I don't want people to think na madumi yung kinakain nila dahil hindi marunong maglinis yung naghain.

Sinimulan ko nang maligo. Hinubad ko ang aking mga suot at i-on ang shower. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig na nangagaling dito.

Matapos kung maligo ay ginamit ko na yung tuwalya at ipinahid sa aking katawan upang mawala na ang basa na galing sa tubig. Sa banyo narin ako nagbihis.

Lumabas na ako matapos kung magbihis. Naglakad ulit ako papunta sa ibaba, sa unanag palapag. Pagkarating ko ay nakasalubong ko yung babae.

"Yung phone mo oh, kanina pa ring ng ring. May galit yata yung tumatawag, paulit ulit eh. Ang ingay lang. "

Pinasadahan ko ng tingin yung phone na nasa lamesa. 'Dexter' ang pangalan ng nakalagay sa cellphone.

Ano kaya ang problema nito? This person is calling nonstop.

Like from what i've heard kanina, yung sinabi nang babae, kanina padaw ito tumatawag. I think this is kinda importante.

Nilapitan ko yung phone ko at sinagot.

"Hi?" I blurted

"Hoy Ejie! Si Dexter to. Woi bilisan mong pumunta dito. Galit na galit si Doc sayo." Rinig kung ani nito sa kabilang linya. Mahahalata ang pagkabahala at takot sa boses nito.

As I was about to answer ng bigla nitong binaba yung tawag.

Wala akung naiintindihan sa pinagsasabi niya pero ang alam ko lang ay may nagagalit daw saakin.

Wait! No! Scratch that.

May galit sa lalaking may ari ng katawan na dinadala ko ngayon.

.....