Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Macabre High

Sarcanakda
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

"Macabre High . . ." Sa galaw ng mga daliri niya, nakikita kong musika lang sa kaniya ang mga atungal ng mga asong may rabies. Pinalilibutan ng Kraken ang mga kinadenang animal. Balot balot ng kanilang mga pulang Sutana, sabay sabay silang umaawit ng salamangka. "Mutya. Sagrado ang dugo ng mga tinakasan ng bait sa ating sining. Sa katunayan pa nga rin niyan— hindi ba, ganito natin bihisin ang nakatagong habag sa ilalim ng ating damdamin? Tayong mga Kraken."

"Tanggap at nirerespeto ko ito, Sin Tasyo." Pukaw ko naman pabalik, matiim ang mga tingin. "Ang hiling ko lang naman . . .

Sana wala nang kaluluwang kinokonsumo ang hanay ninyo gamit ang mga bangungot sa kadahilanang naguumapaw lang ang mga liyab niyo ng kahibangan."

"Mutyang Hirra."

"Tasyo." Ani ko muli. "Malaki ang utang ng mga panloob kong dilim sa inyo.

Pero narito akong humaharap ngayon. Kailangan natin itong linawin at pag-usapan. Sin Tasyo, hayaan niyo akong maging kaibigan."

Sinagot na lamang niya ito ng blankong mga tingin.

"Ano at mundo pa ng mga mortal?"

"May bago ka na bang mga pinta? Halika, sinusubukan naming ilabas sa merkado ng Macabre High ang isang bagong kulay."

"Sin Tasyo."

"Sa edad ng milenyang ito, Hirra . . ." Sinubukan kong panatilihin ang tapang ng maskara ko habang nasa harapan pa rin siya ng aking bulto. Umalingasaw ang ihip ng hangin. Tumigil sa pagsayaw ang mga puno. "Matututunan mo rin kung bakit may pag-ibig sa wangis ng mga trahedya."

Tungo sa mumurahing canvass para sa isang mapagkumbabang pagsasanay, kinuha ko mula sa suot kong Stallic, ang nilalaman ng mga armado sa'king pluma, brotsa, at ilan pang mga kulay.

"Naalala niyo noon?" Naglandas ang dulo ng hintuturo ko sa kariktan ng blankong medyum. Tulad ng natutunan ko sa kaniya, siya ang naunang mag may ari ng ilang likas sa aking intensidad. "Lagi ko kayong nasasalubong ng mga luha sa loob ng mga matang apat na taong gulang, Tasyo . . ."

"Kung minsan, kaya lang matapatan ng minatamis na ubas ang mga luhang iyon. Mutya. Alam kong alam mong kayang maging alas ng pusong umiiyak sa'yo."

"Sa mga salitang iyan ako lumago bilang sarili ngayong kasalukuyan."

Walang imik sa pagitan naming dalawa.

"Kahanga hanga," ngiti ko na lamang ng mapait.