Chereads / Ex Boyfriend / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

Ex-Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ 𝒷𝓎 𝑨𝒖𝒕𝒉𝒐𝒓𝒃𝒉𝒆𝒍𝒍𝒆

ISANG masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa pinagsama-samang estudyante, mga magulang at guro ng paaralan nang tawagin na ang pangalan ko mula sa microphone. Buong puso akong tumayo at naglakad patungo sa stage kung saan tatanggapin ko na ang aking diploma at medalya. Hinihintay ako ni Mama sa baba ng stage, umiiyak dahil sa sobrang kasayahan na nadarama. Walang sali-salitang niyakap ko si Mama. Mabilis itong tumugon at yumakap sa akin. Magkasabay naming inakyat ang stage upang sabay na tanggapin ang karangalan at diploma kong nakuha. Nagkaroon ako ng medalya, dahil sa isang taong nagturo sa akin ng mga panahong wala akong naunawaan sa turo ng aking mga guro. Ngayon ay naging inspirasyon ko upang hindi masayang ang lahat ng aming pinagsamahan. Darating ang panahon na magkikita ulit kami ng taong iyon, at sa kaniya ko iaalay ang medalyang natanggap ko.

"Ang saya-saya ko na nakikita kitang ganiyan, anak!" maluha-luhang isinuot sa akin ni Mama ang medalya ko. Naiiyak din naman akong tinanggap iyon. Nakipagkamay ako sa aking prinsipal bago hinarap ang buong estudyante sa baba ng stage. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa karangalang aking natanggap. Sa aming apat na magkakaibigan, ako lamang ang nakatanggap ng medalya kaya naman inggit na inggit sa akin ang mga kaibigan kong sina Niña, Elaine at Bianca. Ganoon pa man, lubos silang nagtataka sa kanilang nakita. Kaya nang mapaupo ako sa silya'y saka nila ako tinanong.

"Bakit kasama mo 'yong yaya mo? Hindi umattend ang parents mo?" nagtatakang tanong ng mga ito sa akin.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa aking sarili. Matagal kong itinago ang lahat sa mga kaibigan ko. Ngayon, panahon na kaya para sabihin ko sa kanila ang lahat-lahat? Masakit sa akin na maglihim sa kanila, pero mas masakit sa akin na lalaitin at lalayuan nila ako kung malalaman nila ang totoo.

"Oo e, hindi makakapunta ung mga parents ko kasi maraming tinatapos na trabaho. Nauunawaan ko naman na para sa future ko lahat ang ginagawa nila kaya it's okay." Nakangiting napatango-tango ito sa akin, waring nakumbinsi ko ang mga ito sa naging dahilan ko. Hindi pa pala ako handang aminin ang lahat sa kanila. Baka imbis na masaya kaming magkahiwa-hiwalay ngayong taon ay maging dahilan pa ito nang pagkamuhi nila sa akin.

Matapos kong sabihin iyon ay napatingin akong muli kay Mama na nakaupo sa kabilang helera ng mga silya. Ang medyo kulubot na mukha nito sa mukha'y nawawala kapag ngumingiti ito sa akin. Naaawa lang ako dahil hindi ko siya kayang ipagmalaki sa iba. Dahil natatakot ako na baka pagtawanan nila ako.

"Hindi ngayon ma, pero balang araw e maipagmamalaki rin kita sa mga kaibigan ko..." tanging nabigkas ko na lamang sa sarili ko.

Matapos ang graduation day ay kaniya-kaniya na kaming paalam sa isa't isa. Magbabalitaan na lang kami paminsan-minsan. Hindi ko alam kung makakapag-enrol pa ako sa kolehiyo pero siguro magtatrabaho muna ako't mag-iipon.

"Anak, kailangan na nating umuwi. Maraming bisita ngayon si Sir kaya kailangan nandoon na ako para makatulong ako sa mga trabaho. Ikaw anak, puwede kang huwag munang magtrabaho. Alam naman ni Madam na grumaduate ka rin. Kanina nga ay nakita ko sila, nahihiya lang akong sumabay sa sasakyan nila kaya nagsabi ako na mayroon ka pang kinukuha sa teacher mo." Paliwanag sa akin ni Mama.

Tama lang din naman ang sinabi ni Mama. Ayokong makisabay sa kotse ng amo namin ni Mama dahil siguradong magtataka pa sina Niña.

Oo, isang maid si Mama. At ang pagiging maid niya ang siyang nagpapaaral sa akin ngayon dito sa maganda't pangmayaman na paaralan. Hindi naman buong tuition fee ay binabayaran ni Mama, tanging baon ko lang naman ang kaniyang ginagawan ng paraan sa araw-araw. Ang amo ni Mama ang siyang nagbabayad ng tuition fee ko kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral sa magandang paaralan, kahit na maid lang si Mama.

Matagal ng patay si Papa. Namatay ito dahil sa sakit na hindi nagawang ipagamot. Mag-isa lang akong anak kaya naman ako lamang ang iniraraos ni Mama sa pang-araw-araw. Lahat ng gusto ko'y pinag-iipunan niya. Maging magagandang damit, sapatos at iba-iba pang kailangan ko'y nagagawan niya ng paraan para sumaya lamang ako. Mabait kasi ang amo ni Mama, nakakaunawa sa kagaya naming mahihirap kaya lubos-lubos ang pasasalamat ni Mama sa mga amo niya.

Umuwi na kami sa bahay upang makabalik na sa trabaho si Mama. Sabi ni Mama, maaari naman kaming mag-celebrate pero pagkatapos pa ng kaniyang trabaho. Kaya naman sinabi ko na huwag na lamang dahil sayang lang ang pera. Wala rin naman akong bisita katulad ng anak ng amo ni Mama kaya hindi na kailangang mag-celebrate. Naisip ko na lang din na wala rin naman akong gagawin, kaya tutulong na lang ako sa kusina na maghugas ng mga pinggan na pinagkainan ng bisita.

Malapit lang din ang bahay ng mga maids sa bahay ng amo namin. Nasa loob lang din ito ng kanilang malaking bakuran. Tumuloy ako sa kusina upang tulungan ang ibang maids doon na abalang-abala sa kani-kanilang trabaho.

"O, Aira! Bakit nandito ka? Hindi ba't kagragraduate mo lang din? Dapat nakiki-join ka sa kanila sa labas," saad ni Eva. May katandaan ng dalawangpung taon sa akin at maid din ito roon.

"Ha-ha-ha. Ate Eva, hindi naman ako mayaman para maki-join sa kanila. Baka mamaya e makilala pa ako roon ng mga bisita ng amo natin na galing sa school e malaman pa nila ang totoo.

Alam ng ibang maids ang ginawa kong pagpapanggap na mayaman. Ilang beses din kasi akong nalagay sa panganib, biglang tumatawag sa landline sila Elaine at sila ang nakakasagot noon. Bilang kaibigan ko rin naman sila kahit mas matanda sila sa akin ng ilang dekada'y hindi naman nagkakalayo ang mga ugali namin at magaling akong makisama sa lahat kaya't hinahayaan nila ako sa ganoong gawain kahit na masamang itanggi ko ang aking ina.

"Ay baliw ka rin talaga no, hala hayaan mo't mamaya ay tayo naman ang magse-celebrate. Marami pang matitirang pagkain kaya sawa tayo mamaya sa pagkain!" Masayang wika nito sa akin kaya natawa na lang din ako. Masarap talagang kasama ang mga tunay na tao. Wala kanh lihim na sekreto at lahat ng pinagdadaanan mo sa buhay ay nakakaya nila akong suportahan.

Matapos ang party ay kami naman ang nag-celebrate. Bisita ko ay ang mga kapwa maids din. Ito ay sina Ate Claire, Ate Eva, Nanay Julita, si Mama at ako. Naroom din ang dalawang family driver na si Kuya Jun at Tatay Rodolfo. Marami pa sanang makikisalo sa amin ang kaso e nasa duty pa ang ibang tauhan ni Gov.

"Congratulations, anak!" wika ni Mama sa akin.

"Salamat po, Mama."

"Ito regalo namin sa 'yo ni Ate Lita, bunso o!" Inabot sa akin ni Ate Claire ang isang paper bag. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na may regalo pala sila sa akin.

"Wow! Maraming salamat Ate Claire at Nanay Julita. Talagang nag-abala pa kayo na regaluhan ako."

"Oo naman, ikaw pa ba e tingin namin sa 'yo e ang bunso naming kapatid."

Natutuwa akong binuksan ang regalo. At isang napakagandang damit ang natanggap ko sa kanilang dalawa.

"Naku, saka na lang ang regalo ko sa 'yo, Aira. Marami akong bayarin e kaya wala natira sa sahod ko." Paliwanag sa akin ni Ate Eva.

"Ay naku, Ate Eva. Huwag mong isipin iyon, hindi naman ako naghahangad ng regalo. Ang importante sa akin ay nariyan kayo palagi para sa amin ni Mama."

Niyakap ko si Mama at naiiyak naman ito dala ng kasayahan.

"Magkakaiyakan na naman kayong mag-ina niyan e, hala sige na at kumain na tayo. Marami-rami din itong tira sa handa, baka hindi natin maubos." Natatawang sabat ni Kuya Jun.

"Oo nga, gutom na rin ako e..." sang-ayon naman ni Tatay Rodolfo na kumuha na ng pinggan at sumandok ka ng pagkain.

"Ay hala sige kumain na tayo at baka kailanganin pa tayo nila madam mamaya sa labas," wika naman ni Mama kaya kaniya-kaniya na kaming nagsipagsandok ng pagkain. Nagtatawanan pa kami habang kumakain, masayang nagkukuwentuhan nang biglang sumulpot ang anak ni Gov sa kusina.

"Wow! Mukhang may kasayahan dito a..." anito.

Napatayo naman si Mama nang makita ito. Saglit na ibinaba ang hawak na pinggan.

"Ay Sir Sean, pasensya na po kayo. Magse-celebrate lang po kami dahil naka-graduate na po si Aira sa highschool. May kailangan po ba kayo sir?"

"Oo nga pala, kasabay ko nga palang grumaduate itong si Aira. Congrats, Aira."

Natigilan ako sa pagkain ng pansit. Mabilis kong nilumod ang pagkain sa bunganga ko at hinarap si Sean na nakatingin sa akin.

"Salamat sir," saad ko matapos malumod ang pagkain.

"Huwag kang masyadong kumain nang kumain. Hindi ko type ang mga babaeng walang ginagawa kundi ang kumain." Pagkasabi noon ay tumalikod na ito't umalis na sa harapan namin.

Lahat kami ay natulala sa sinabi nito. Napatingin sa akin sila Ate Eva at Ate Claire.

"Ano raw? Ayaw daw niya na chubby? Bakit may gusto ba sa 'yo si Sir Sean neng?" tanong ni Ate Claire.

"Po? Wala po no! Saka ano bang pakialam niya kung kumain ako nang kumain hanggang sa tumaba?"

"Shhhss... huwag kayong maingay at baka makinig kayo ni Sir Sean na pinag-uusapan natin siya. Naku malalagot na naman tayo niyan kung sakali," ani Nanay Julita sa amin.

"Ay hala, ipagpatuloy na natin ang pagkain nang matapos na tayo," saad naman ni Mama.

Nawalan na ako nang ganang sumandok pa ulit dahil sa sinabi ni Sean. Bakit ba niya nasabi sa akin iyon? Ibig bang sabihin e palagi niya akong nakikitang kumakain?

Natahimik ako at nag-isip maigi.

Sa school kung saan palagi kong nasasalubong ang maangas na si Sean. Palagi itong seryoso ang mukha. Medyo mayabang kasi ito dahil mataas ang tingin sa sarili. Maraming babae ang nagkakandarapa sa para dito. Ako lamang ang tanging walang pakialam. Kilala ko kasi ito, hindi lang basta kilala dahil anak ito ng amo namin ni Mama. Kaya naman kilala ko ang buonh ugali nito. Hindi ako naa-attract sa kaniya dahil sa masamang ugali nito. Kabaliltaran ng kaniyang ama, palagi kong naririnig ang pagtatalo nila dahil palaging gumagawa si Sean ng hindi maganda. Kahihiyan para sa pamilya na palaging nasasangkot sa trouble ang kanilang anak—lalo na't isang governor pa naman ang kaniyang ama. Marapat lang na ayusin ni Sean ang kaniyang kilos upang hindi masira ang pangalan ng kaniyang ama sa maraming tao. Hindi ko sinabi na kilala ko si Sean sa mga kaibigan ko dahil malalaman nila na maid lang kami sa bahay nito. Hindi naman ako gaanong pinapansin ni Sean dahil sino ba naman ako para pansinin niya? Isa lang akong anak ng shimay sa bahay nila. Saka ko lang napagtanto na kahit hindi pala ako pinapansin ni Sean ay nakikita pala nito na palagi akong nakain. Sa tuwing makikita at makakasalubong ako nito'y palagi akong may kinukutkot na pagkain. Kung ganoon—

"Napapansin pala niya ako sa school?"

Nagulat si Mama sinabi ko dahil bigla na lang akong nagsalita.

"Ano iyon, anak? Sinong napapansin?"

"Ha? Ah, wala po..." Nakangiwi kong sabi sabay subo ulit ng pagkain sa bunganga ko.