Chapter One
CARISSA POV
HINDI ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Bigla na lamang akong sumama kay Miguel sa isang silid na 'to. Wala naman ito sa plano ko. Mahal ko lang siya kaya siguro naging sunod-sunuran ako sa gusto niyang mangyari. Alam kong hotel ang lugar na 'to at hindi ako pweding magkamali. Pero may magagawa pa ba ako kung nandito na ako? Mahal ko si Miguel at alam kong mahal niya rin ako.
Hinihintay ko lang ito ngayon dito sa silid na 'to nang magpaalam siya sa akin. Bibili lang daw siya ng makakain namin sa baba, ang sabi ko nga sa kaniya bumalik siya agad at hindi ako sanay mag-isa lalo pa't hindi ko kabisado ang lugar na 'to. Kung bakit ba naman kasi naisipan kong makipagkita sa kanya dito. Isa itong malaking siyudad anim na oras mula sa amin ang lalakbayin mo, hindi ko na rin nagawang magpaalam sa mga magulang ko.
Sadyang ginawa ko lang ang lahat ng alibi para makawala saglit dahil alam kong hindi rin naman nila ako papayagan.
Nagkataon lang at may meeting conference daw dito ang nobyo ko. Hindi ko naman nagawang hindian ang imbitasyon nya sa aking magkita kami sa unang pagkakataon.
Napangiti na lamang ako nang maalala ang unang beses na pagkikita namin kanina, sa isang sikat na fast food chain ito sa mall.
Mabuti na lang at palagi kong tinitingnan ang picture ni Miguel sa cellphone ko kaya hindi naman ako nahirapan na hindi siya mamukhaan.
Mahigpit na pagyakap agad ang binigay ko sa kaniya.
Sino ba naman ang hindi yayakap ng mahigpit dito? Sobrang tagal ng panahon kong hiningi na sana magkaroon ng pagkakataon na magkita kaming dalawa at heto nga.
Kasama ko na si Miguel at ayaw ko na sanang matapos ang sandaling 'to. Mahal ko na siya n'on pa, pero mas lalo ko siyang minahal ngayon dahil sa nagkita na kaming dalawa.
"Hi, Baby."
Napatingin ako sa may pinto nang pumasok na si Miguel. May sarili naman itong susi sa silid na ito kaya kahit hindi na siya kumatok.
Napalunok ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin ng baby. Nakakatuwa naman. Ngayon niya lang ako tinawag ng ganoon, ang madalas niya naman itawag sa akin nang sa cellphone pa lang kami nag-uusap ay Carissa.
"A-akala ko hindi ka na babalik."
Tumayo ako sa harap niya. Napansin ko ang ilang supot na pinamili niya yata sa labas nang magpaalam ito kanina.
Binitiwan ito ni Miguel kaya nalaglag iyon sa paanan ko. Tiningnan niya ako sa mga mata ko kasabay ng paghawak niya sa beywang ko't hinila payakap sa kaniya.
"Namiss kita eh. Hindi naman kita pweding iwan ng matagal dito," malambing na pagkakasabi sa akin ni Miguel.
Iniwas ko ang mga tingin ko sa kaniya at napangiti na lamang ng lihim sa mga narinig ko mula rito.
Mas lalong naging mahigpit ang hawak sa akin ni Miguel, parang bang ayaw niya na akong bitiwan pa. Hindi ko alam ang gagawin ko nang bigla na lamang nitong hinawakan ang baba ko't tinaas ng tingin paharap dito.
Isa pang paglunok ang pinakawalan ko, nag-iisip kung saan aabot ang tagpong 'to.
"Salamat, Carissa. Alam kong hindi biro ang ginawa mong 'to, pero heto ka pa rin at kasama ko."
"W-walang a-numan, Miguel.."
Iiwas na sana ako nang bigla ko na lamang naramdaman ang pagsiil ng halik ni Miguel sa labi ko. Ito ang una kong halik buong-buhay ko kaya parang na-istatwa na lamang ako't hindi napigilan ang pagpikit ng maramdaman kong mas lumalim ang halik nito. Hanggang sa unti-unting nakapasok ang dila ni Miguel sa sarili kong labi, animo may hinahanap at pilit na pinapagalaw ang sarili ko ring dila. Napalunok ako kasabay ng pag-ungol na hindi ko nagawang pigilan nang maramdaman ang kakaibang sensasyon na dulot ni Miguel sa halik niyang mas lalo pang naging malalim ng iyakap niya ang dalawang kamay sa likod ko.
"Oh.. M-Miguel."
"Oh.. Carissa, baby, ganyan nga, Carissa. Just moan more, Baby."
Kumuwala ang labi sa akin ni Miguel, kasabay n'on ang pagpangko niya sa akin at animo'y papel na binuhat at dahan-dahang hiniga sa kama sa silid na 'to.
"Miguel, anong gagawin natin?" inosenteng tanong ko kay Miguel.
Hindi ako sinagot nito bagkus maging mas malalim ang halik na pinagkaloob niya sa akin. Dahil unang beses ko lamang ito kaya ramdam ko sa sarili ko ang pangangapa ay hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ng kusa ang sensasyong binibigay sa akin ni Miguel.
Sa ganoong pagkakataon mas naging mapusok ang halik na pinagkaloob sa akin ni Miguel at hindi ko alam kung paano tugunin ito. Hindi ko man lang napaghandaan ang pweding mangyari ngayon, dahan-dahan ding lumakbay ang mga kamay nito sa katawan ko.
Mas lalo ko yata naramdaman ang kaba na mayroon ako sa puso ko dala ng takot na baka hindi ko mapanindigan kung hanggang saan kami tutungo ni Miguel ngayon.
Natigilan lamang ako nang tanungin ko ang sarili ko kung handa na ba ako kung sakali mang umabot kami sa alam kong maaring inaasahan ko.
Handa na ba akong ipagkaloob kay Miguel ang lahat? Ang puri na iningatan ko sa haba ng panahon.