Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

World’s Chance

🇵🇭DaddyTaj
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.4k
Views
Synopsis
"Anong gusto mong maging?" Ang katanungang simula nung mga bata pa tayo ay laging tinatanong. Ating mga magulang, guru, o kahit sinong matatanda na gustong malaman ang ating pangarap. Tila ang sagot sa tanong na ito ay nagbabago habang lumilipas ang panahon. Laging sinasabi na kailangan mong magsikap upang marating mo ang pangarap na sagot sa tanong na ito. "Pagkakataon" Ang laging hinahanap ng kahit sino man para marating ang kanilang pangarap. Ang sinasabing swerte ba ay sadyang biglaang dumadating sa ating buhay o may mga pangyayari sa likod neto.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Bagong Pagkakaton

"Anong gusto mong maging?"

Ang katanungang simula nung mga bata pa tayo ay laging tinatanong. Ating mga magulang, guru, o kahit sinong matatanda na gustong malaman ang ating pangarap. Tila ang sagot sa tanong na ito ay nagbabago habang lumilipas ang panahon. Laging sinasabi na kailangan mong magsikap upang marating mo ang pangarap na sagot sa tanong na ito.

"Pagkakataon"

Ang laging hinahanap ng kahit sino man para marating ang kanilang pangarap. Ang sinasabing swerte ba ay sadyang biglaang dumadating sa ating buhay o may mga pangyayari sa likod neto.

"Nasan ako?"

"Anong lugar ito?"

"Mama!!!!!"

Sari saring mga sigaw ang iyong maririnig sa loob ng isang gubat. Meron malalaking puno sa paligid at halos hindi na makita ang dulo neto. Kakaiba ang mga hugis at malalaman mong hindi ito ang nakasanayan mong mundo.

Merong mahigit na dalawang daang tao ang nandirito at tila hindi nila alam ang kanilang gagawin. Sa gitna ng kaguluhan ay may malaking anino ang lumabas sa kalagitnaan ng gubat, nakarinig sila ng tunog na masakit sa tenga. Nanahimik lahat ng tao at napatingin sa anino na lumulutang ng dalawampung metro sa gitna ng kagubatan.

"DuMAtiNg nA AnG iNyOng PaGkakatAOn."

Nagsalita ang anino na tila dumidiretso sa tenga ng bawat isa.

"KaPaNGyaRihAn, KaYaManAn, INyOng mAkAkaMptan."

Nagtinginan at nagkaroon ng konting diskusyon ang mga tao.

"Anong ibig mong sabihin?"

Isang lalake ang naglakas loob mag salita na nakabihis ng desente at parang merong mataas na posisyon sa isang kumpanya.

"AhHhHHh, heHeaheHe. MaIbaLik anG NaWala MoNg PagKaKaTaon. IsAnG hiLinG! PrA BaGuhIn anG KaPalaRan. AhhhhHHH HiHiheH."

"Anong lugar to? Gusto ko nang umuwi sa amin! Huhu ahhhhhhHhHhhhh!"

Isang babae ang umiiyak at tumakbo papunta sa anino ng bigla itong lumipad ng mabilis sa kanyang harapan.

"BumALik? hiHiHHe MaDaLi!! MamAtAy aT IkaY mAkaKabALik. ahhHHhehHe."

Pumulupot ang anino sa leeg ng babae at nahirapan itong huminga.

"Uugh, hin..de aaako makah….in.ga…"

"GUSTO MO NA BANG BUMALIK?!!"

Nakaramdam ang lahat na bumigat ang kanilang pakiramdam. At parang may nanlilisik na matang nakatingin sa kanila. Nanahimik ang lahat at binitawan ng anino ang babae.

"AhHHHh hEhEhHe, HiLinG AY mAkuKuha! kAiLanGanG mAbuHAY…. AHIIiHhiiiEeee."

Biglang nawala ang anino, nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Nagkatinginan ang mga tao ng biglang umangat ang bato sa kalagitnaan ng gubat. Lumabas ang isang higanteng bato na kasing laki ng limang palapag na gusali.

"Go… go.. Goleeeem!"

"Waahhh"

Nagkaroon nanaman ng kaguluhan dahil sa lumabas na golem. Nagsimulang gumalaw ang golem.

Whoosh!

Sumuntok ang golem sa kanyang harapan at nagkaroon ng isang malaking pagsabog at malakas na hangin dahil dito. Alikabok, usok, maliliit na bato ang nagliparan sa paligid.

"Tuloooong!"

May isang lalake ang naipet sa isang puno na dinala sa lakas ng hanging gawa ng golem. Lumapit sa kanya ang isang lalake at hinawakan ang damit sa kanyang batok.

"Di ba gusto mo nang umuwi? Narinig kita kanina."

"Huh?"

Naghalo ang luha at pawis ng lalake habang hawak siya sa kanyang damit.

"Magbabawas na tayo ng isa para mas mataas ang tyansa ng lahat."

Sabay ngiti ng lalake at binitawan ang pagkakahawak sa kanyang damit.

"Teka, ayokong mamatay ng ganito."

"Uuwi ka lang. hindi ka mamatay! Hehehe"

"Naniniwala ka sa sinabi ng anino na yun?"

Hindi na sumagot ang lalake at tumalikod na palayo.

"Tulungan nio ako!!!! Parang awa niyo na!"

Tila ba nakuha ng lahat ng tao kung anong klaseng laro ang kanilang gagawin. Kaya lahat ay biglang nag hiwahiwalay palayo at nag kanya kanya palayo sa gitna ng gubat.

Huff! Huff! Huff!

Isang lalake ang lumabas sa gubat. Tumingin siya sa kanyang likod para makasigurong walang naka sunod sa kanya.

"Haaaay, anong nangyare don?"

Napa upo ang binata sa pagod at nanghina dahil sa pagkabigla. Napatingin siya sa kanyang paligid at namangha siya sa kanyang nakita. Dahil ang paligid ay parang kinuha mula sa mundo ng pantasya.

"Wala na talaga kame sa Earth. Haaay, tapos squidgame pa! Ahhhhhhhh!"

"Teka, habang tumatakbo ako kanina may lumabas na system. Hmmmmmm."

Habang iniisip niya ang kanyang nakita may lumabas na screen sa kanyang harapan.

"Woaah!"

Jong

Level 1

Job: Healer

Str: 9

Agi: 8

End: 12

Int: 18

Wis: 13

Skills:

Language (Legendary) Max++

Healing Touch (Common) Lv 1

Familiar (Common) Lv 1

"Haaaaa! Hindi man lang nakapili ng job? Anong klaseng sistema to?"

Si Jong ay isang ordinaryong empleyado na kumikita lang ng minimum araw araw. Naging libangan ni Jong ang pagbabasa ng nobela at paglalaro ng mga online games bilang kanyang takas sa mundo. Ang pagiging pamilyar ni Jong sa sistema at gawa ng kanyang mga libangan at nabawasan ang kanyang pagkagulat.

'Hmmm, Common at Legendary? So may mga rank tong skills? Testingin ko nga to'

Isip ni Jong, meron siyang maliliit na hiwa sa kanyang mga braso. Dahil na rin sa pagsabit sa mga sanga habang tumatakbo sa gubat. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang mga galos. At sa kanyang isip.

'Healing Touch'

Umilaw ang bahagya ang kanyang kamay at nagsimulang gumaling ang kanyang mga galos.

"Ayos! Mas maganda sana kung hindi support. Kahit kelan hindi pa ako nag support."

Habang nagpapahinga, naisip ni Jong na mabibigyan sila ng kahilingan kung mabubuhay? Survival dito sa mundo na to? Anong dapat gawin?

"Ahhhh bahala na nga! Sa tingin ko dapat ko munang itago ang identity ko."

Tumayo si Jong at nag pasya na harapin ang bagong mundo na kanyang napuntahan.