"HAS he arrived yet?" Tanong ni Regina sa binatang si Justin habang pilit niyang iminumulat ang mga mata nito sa pagkakatulog. She was advised to stay at the hospital because she could give birth at anytime. Napatingin ang dalaga sa orasan na nakasabit sa puting ding-ding at muling nilingon ang binatang nakaupo malapit sa kanya.
"It's been six hours since his flight. Bakit wala pa s'ya?" she asked nervously. Hindi nanaman ito mapakali sa isiping hindi nito makikita ang lalaking minamahal.
"Shh... He'll come. I'm sure my brother will come. You just need to take a rest. Kailangan lumabas ng pamangkin ko nang hindi stressed," Justin responded jokingly. He looked at the time on his black watch and took out his phone from his pocket. Later on, excused himself from the room.
Ngunit bago pa ito makalabas ng pinto ay nakita n'yang kinukuha ni Regina ang remote ng telebisyon na nakalapag sa isang puti at maliit na lamesa. His eyes widened as he tried to stop her from getting it.
"Wait!" Patakbo itong lumapit at kinuha ang remote na ilang sentimetro nalang ay maaabot na sana ng dalaga.
Nagtataka man ang babae ay dahan-dahan itong bumalik sa kanyang higaan at umupo. "Justin, I want to watch. Ang boring," she pouted her lips and took a deep breath.
"Yeah, of course. But I think it's better for you to walk around. Sabi din ni doc 'yun para hindi ka mahirapan sa panganganak mo," sagot nito bago lumunok. The car accident was spread all over the news kaya minabuti ng binata na huwag s'yang panuorin ng TV. He even hid her cellphone dahil paniguradong kalat sa social media ang nangyari.
Nang makisigurong naglalakad-lakad na ang babae ay muli itong nagpaalam at tuluyang isinara ang pinto kahit pa napansin nitong sinundan siya ng tingin ng dalaga.
"God, Jace. Answer the damn phone!" Mahinang bulong nito sa sarili habang sinusubukang tawagan ang kapatid. Ngunit ilang minuto ay wala siyang nakuhang sagot. "Shit!" muli itong napamura.
He sat down and tried to calm himself. Hindi n'ya alam kung kanino makikibalita dahil kahit ang mga kagrupo ng kapatid ay hindi sumasagot sa tawag. Kahit ang manager nila na sinabihan s'yang tatawag muli para sa updated news ay wala. He leaned on his chair and closed his eyes to escape time. Pagkapikit nito ay larawan ng kanyang ama ang una nitong nakita. "Appa..."
Right, he's right. Muli nitong kinuha ang cellphone at tinignan ang mga numero na naka save sa kanyang contacts. Luckily, he has their dad's phone number saved. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at agad na pinindot ang call button. Hindi s'ya nakaramdam nang kung anong kaba, dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala nito sa nakatatandang kapatid at sa babaeng nasa loob ng kwarto. Seconds later, he heard a man answered his call.
"Hello? Who's this?" A familiar voice asked him in their first language.
Ilang segundo itong hindi nakasagot, he was too stunned to speak because after a long time, he and his dad weren't on good terms. They never spoke to each other since the day he left home. He was about to end the call, but...
"Justin? Is that you?" tanong ng matanda sa kabilang linya. He released a deep breath as he responded.
"Appa..." sabi nito habang may namumuong luha sa kanyang mata. He could also hear his dad sobbing on the other line. Maging ang step mom nito ay dinig n'yang umiiyak din habang kinakamusta s'ya. Agad n'ya itong sinagot at sinabihan na h'wag mag-alala dahil nasa mabuting kalagayan ito.
"Wait, the news. I heard the news. Where's Jace? Is he okay? We've been waiting for hours. Where is he?"
"He's on his way, but he wasn't able to catch his flight on time due to the accident. He booked another flight, so he'll be there," sagot ng ama kaya nakahinga ito ng maluwag sa narinig.
"Okay, that's good. What caused the accident?" muli niyang tanong sa mga magulang.
They were patient to answer all his questions and were told to read the article that was just released regarding the accident. Pagkatapos mag-usap ay pumasok ito sa loob ng kwarto upang makausap ng kanilang magulang si Regina. Gladly, his parents told her to relax and promised her that their son is on his way to see them. They talked for a few more minutes before ending the call.
"They said they're going to come visit us in a week. Naeexcite ako na makilala sila. Mukha naman silang mabait," sabi nito sa binatang kaharap. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala nito kay Jace dahil sa sinabi ng mga magulang nila.
Justin sat down and stared at her. "Yes, mabait sila. Masyado lang siguro akong kinain ng sarili kong emosyon nung mga panahon na 'yun. I was too blind to see their love for me."
Unti-unting naglakad si Regina papalapit sa binata at umupo sa tabi nito. "You have the right to feel that. Your feelings are valid. Isa pa, bata ka pa nun. Kahit ako siguro maiisip gawin na umalis nalang sa bahay na hindi ko naman kinalakihan. It's okay. Ang importante, okay na ang lahat. Right?"
Gumaan ang pakiramdam ng binata sa mga narinig. Because she's right, importante ay okay na sila. Nang tumayo muli ang babae para maglakad ay naisipan niyang tignan ang news article tungkol sa nasabing aksidente.
It was said that a red Hyundai car attempted to stop a Korean idol from going to the airport. Since Jace didn't know who the driver was, he continued driving and focused on his way. It was caught on CCTV that the red car tried to cut the idol's way but didn't succeed and took a different route. Minutes later, the red car appeared on the right side of the lane and went straight over to Jace's car, resulting in a car crash. His brother got some minor injuries but still went to the airport after being treated. While the driver, who was known to be a stalker and a female crew member at their father's cafe in Busan, was dead on arrival while headed to the hospital.
He breathed a sigh and closed his eyes. Napamulat nalang bigla ang mga mata nito dahil sa isang sigaw ng babae.
"Reg!" Muling pasigaw ni Jazy. Patalon talon pa itong lumapit at niyakap ang kaibigan na ngayon ay nakahawak sa kanyang malaking tiyan.
'Hay, girls.' Sabi nito sa kanyang isipan at nagpaalam sa dalawa na lalabas muna ito ng kwarto.
"Ang laki na ng tiyan mo girl! Mamaya wawakwakin na yang petchay mo," sabay pakawala nito ng halakhak. Napatigil naman si Jazzy sa pagtawa ng maramdaman niyang may sumasabunot sa buhok nito. "Aray!" she added.
Pilit na kumawala ng babae sa sabunot ng kaibigan habang natatawa. "Eto naman, hindi na mabiro. Tatahiin din naman." Pagkasabi nito ay nakatanggap siya ng isang tingin na may kasamang pagmumura kaya muli s'yang napatawa.
"Gaga ka talaga, pag ikaw manganganak na, tignan mo. Tawa ko lang maririnig mo." Sabay tapik nito sa kaibigan bago tuluyang magyakapan ang mga ito. "I missed you," she said and smiled at her friend.
Nagchikahan ang mga ito na para bang ilang taon silang hindi nagkita pero noong isang araw lang ay magkasama ang mga ito na kumain sa isang restaurant.
"I'm tired," Jazy whispered and yawned. Hindi alam ng buntis kung saan napagod ang kaibigan dahil bago pumunta ng ospital ay sinabi n'yang kakagising lang nito. Tinawanan n'ya nalang ito at hinayaan ang kaibigan na mapapikit ang mata.
Regina saw her friend's phone on top of the table. May nag-uudyok sa kanya na kunin ito at magbasa ng balita. Kanina pa n'ya hinahanap ang kanyang sariling cellphone pero hindi n'ya ito makita. Dahan-dahan itong umupo sa hospital bed at kinuha ang telepono. She didn't click on any of the apps aside from google, dumiretso ito sa news tab at nagscroll. A news article caught her attention kaya mabilis niya itong binasa.
Napaangat ng tingin si Justin at tumayo nang marinig nitong bumukas ang pinto mula sa kwarto ni Regina. He was facing the door.
"Hey, are you okay? Manganganak ka na ba?" he asked nervously. He's waiting for an answer, but all he got was a blank stare. Umupo ang buntis sa isa sa mga upuan na nakahilera sa labas ng silid kaya sinundan ito ng binata. "What's wrong?"
"I just read the article," sagot nito sa kanya ng mahinahon.
Muling napalunok si Justin at humingi ng paumanhin sa katabi. He explained he didn't want her to panic kaya hindi n'ya muna sinabi kung ano ang nangyari. He didn't know what to tell her kaya tinawagan muna ang kanilang magulang para makasiguro na okay ang lahat.
"It's okay and I understand. I'm glad that he's fine," muling sagot nito ngunit maya-maya ay nakarinig na ang binata ng hikbi. "P-pero paano kung hindi s'ya nakaligtas doon? Nakakatakot. Baka hindi ko kayanin," she said while crying.
Napahawak sa batok ang binata at pilit na pinapatahan si Regina. Heto na nga ba ang sinasabi n'ya, buti nalang at hindi n'ya sinabi noong unang labas palang ng balita dahil panigurado na mas grabe pa ang magiging reaksyon ng babae. Ilang minuto pa ay napatahan n'ya na din ito at inaya n'yang maglakad lakad na lang ito sa hallway. Agad namang pumayag ang buntis at iniwan ang kaibigan na nakahiga habang mahimbing ang tulog sa kanyang hospital bed.
"Are you sure she's gonna be okay there?" tanong nito kay Justin at liningon ang kwarto.
Natawa naman ang lalaki at liningon din ang silid, "I think so, pero paano pag siya ang naabutan ni kuya doon?" Natawa ito sa sariling isipin dahil panigurado na lalaki ang mga singkit na mata ni Jace pag nagkataon.