Bumaba ako sa grand staircase ng mansion namin. Kinabahan ako sa suot kong red lace maxi dress at black stilettos. Ngayon ang engagement party ko. Ang engagement ko sa hindi kilalang lalaki na gustong pakasalan ako ng mga magulang ko. Pinagmamasdan ang maraming nag-uusap at nagtatawanan sa ilalim ng engrandeng hagdanan. Kinabahan ako at nagmamadaling pumunta sa backdoor ng bahay. Parte ng plano kong tumakas at umalis ng bahay dahil napilitan akong magpakasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko kilala. Habang pababa ako ng hagdan papuntang exit door, dinig na dinig ko ang sigaw ng kasambahay namin. Tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako maabutan at pumara agad ako ng taxi.
''Donya Verona, Don Dante, si Veron po ay nawawala.'' takot na sigaw ni Aling Celia.
''Celia, hanapin niyo sa banyo baka nag CR lang iyon?'' utos ni Mommy Verona.
''Ma'am wala po siya doon, hinanap ko na po siya doon.'' sabi ni Maring.
''Dante, our daughter is lost, tiyak na tumakas na iyon.'' galit na umiiyak si Mommy.
''Ano ba itong kahihiyang ginawa ni Veron sa atin, Verona?'' galit na sabi ni Daddy Dante.
Habang nakasakay sa taxing papalayo sa aming bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa sobrang kaiisip ko, I remembered may friend pala akong nakatira sa Cebu. She was Megan my childhood friend na ngayon ay nakitira na sa Cebu. I tell the taxi driver na ihatid niya ako sa airport papuntang Cebu. I booked a flight from Manila to Cebu. I also texted my friend about my situations and my plans na paglayas sa bahay.
''Meg, pupunta ako sa inyo ngayon!''
''Why? What happened?''
''Tumakas ako at naglayas sa amin.''
''Why?''
''Ipapakasal kasi ako nina mama at papa sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal.''
''Ano? Why did Tita and Tito do it to you? Ano bang pinakain nang lalaking iyan at pumayag silang ipakasal sa kaniya?''
''I don't know, basta ang gusto ko lang ngayon ay makatakas sa kanila.''
''What if tatawag sila sa akin and how about my parents?''
''Don't worry ako nang bahalang mag-explain kay Tito at Tita and sa mga magulang ko naman sabihin mong wala kang alam.''
''Okay friend basta text mo ako pagnakarating kana ng Cebu and mag-ingat ka sa biyahe.''
''Thanks friend.''
Pagkatapos kong magreply sa mensahe ni Megan ay siya ring pagdating ko sa airport. Exactly 9:00 p.m. akong nakarating sa airport. Pagkababa ko ng taxi ay panay ang tingin ng mga tao sa akin kasi sa suot kong damit, sino ba ang magbibiyahe ng ganito na nakadress. Habang papasok na ako sa airport my phone ring at ng tiningnan ko it's my mom. Hindi ko siya sinagot at anim na beses siyang tumawag at pagkatapos ay nagtext.
''Veron asan ka?''
Ayaw ko sanang sagutin pero nagtipa na ako para mailabas ko ang inis at galit ko sa kaniya.
''Mom, I'm somewhere na hindi niyo na matutunton and hindi niyo na ako mapilit na ikasal sa taong hindi ko kilala.''
''Walang hiya ka, pinahiya mo kami ng Daddy mo sa maraming tao at lalong-lalo na kay Jaime.''
''I don't care , kasalanan ko bang tumakas ako. It's all your faults, kahit ayaw ko, pinipilit niyo akong magpakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko gusto.''
Sabay patak ng mga luhang kanina pang handang bumugso dahil sa inis at galit ko sa kanila. Bago pa man makareply si Mommy ay tinurn-off ko na ang cellphone ko. 9:30 na akong nakasakay sa eroplano at wala sa sariling nakaupo sa upuan ng eroplano. Iniisip ang lahat ng mga pangyayari hanggang sa nakatulog ako.