Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Nawawalang Lungsod

🇵🇭Andy122
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.3k
Views
Synopsis
Paano kung isang araw ay mapunta ka sa nawawalang lungsod na sa kwento lang pinaniniwalaan. Ano ang gagawin mo?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Paniniwala

Nagising si Juan dahil sa napakaingay na nagkukwentuhan sa harap ng kanilang bahay.

Ang mga matatanda ay nag kukwentuhan tungkol sa nawawalang lungsod sa kanilang probinsya. Ang lungsod ng Biringan ay noon pa man ay palaisipan na isa itong mahiwaga at nakatagong lungsod ng mga Engkanto, mga espiritu, at mga lamang lupa.

"Nasa modernong panahon na tayo at hanggang ngayon ay naniniwala pa rin kayo sa mga ganyan", pabulong na sinabi ni Juan.

Si Juan ay ulila na sa ama at sa ina.

Maraming usap-usapan na kinuha ng mga engkanto ang kanyang mga magulang dahil hindi pa nahahanap ang mga katawan nito simula nang mawala.

Si aling Rosa ay ang iisang kilalang kamag anak ng pamilya ni Juan. Nang malaman nito ang nangyare sa magulang ni Juan ay walang pag-aatubiling kinupkop niya ito.

Kasama ni Juan sa paglaki ay ang nagiisang anak ng kanyang tiyahin na si Pedro.

Bata pa lamang sila ay hindi na gusto ni Pedro si Juan dahil laging pinupuri ito sa kanyang kagalingan pagdating sa akademiko at masipag sa gawaing bahay. Sa isipan na Pedro, kahit anong gawin niyang pagpupursige sa buhay para mabigyan ng atensyon at papuri ng kanyang ina ay hindi pa rin sapat.

Hindi naging maganda ang buhay ni Juan dahil hindi siya minamaltrato ng maayos ng kanyang tiyuhin at pinsan. Sa paglaki niya ay nakatanggap siya ng mga masasakit na salita at palo rito. Ang tiyahin niya lang ang kanyang naging kakampe sa paglaki niya.

Habang nag-aaral ay nagtatrabaho si Juan bilang taga igib sa kanilang baryo dahil minsan ay nawawalan ng tubig sa kanilang lugar.

11 PM na ng gabi at patulog na sana si Juan na kakatapos lang sa paggawa ng kanyang takdang-aralin nang tinawagan siya ng kanyang suki sa pagiigib na si Aling Tin.

"Aling Tin, Gabing gabi na at napatawag ho kayo?" sagot ni Juan na inaantok.

Nagpapaigib ang kanyang suki dahil kailangan niya ito bukas nang maaga at may pupuntahan itong importante.

Hindi makatanggi si Juan dahil noon pa man ay lagi na itong nagpapaigib sakanya at naging suki na niya ito.

Hindi na nakapagpaalam si Juan sa kanyang tiyahin dahil maaga natutulog ito.

Naka tricycle si Juan tuwing nagiigib upang mas mapadali nito ang trabaho. Habang nasa daan si Juan ay may naaninag itong bata sa gilid ng kalye at umiiyak. Natakot si Juan at gabing gabi na ay may bata pa sa daan na umiiyak.

Hindi natinag si Juan sa takot at pinuntahan ang bata.

"Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ni Juan sa bata.

"Nawawala po ako at hindi ko alam pabalik sa amin" sabi ng bata sabay turo sa kagubatan.

Hindi naman nagulat si Juan sa pagturo ng bata dahil alam niyang may mga bahay pa rin hanggang ngayon na nasa liblib.

Pinasakay ni Juan ang bata sa tricycle at tutulungan muna niya itong makauwi. Tumuloy si Juan sa alam niyang daanan papunta sa gubat na tinuro ng bata.

Nakarating na sila sa gubat at iniwan muna nito ang tricycle.

Nakapunta na si Juan dito at may mga bahay na siyang nakikita rito noon pa man.

Habang papunta ay may itinuro ang bata sa madilim na lugar na malapit sa kanilang pinagbabaan.

"Doon po ako nakatira" sabi ng bata habang nakaturo.

Laking gulat ni Juan dahil ang tinuturo ng bata ay isang napakalaking puno at walang bahay na katabi. Tumakbo ang bata papunta rito at nakatayo lamang si Juan dahil sa kung ano-ano pumasok sa isip nito.

Nang matauhan ay sinundan nito ang bata habang patakbo sa kinaroroonan ng bata ay nakita nito na tumagos ito sa puno. Nagulat siya sa nangyare at napahinto sa harap ng puno. Tumingin siya sa paligid at baka namamalikmata lamang siya. Nang hindi niya makita ang bata sa paligid ay hinawakan niya ang napakalaking puno at laking gulat nito ay tumagos ang kamay niya.

Ipinasok niya ang kanyang buong katawan at nasilaw sa kanyang nakita dahil ang pagkakaalam niya ay gabi pa lamang. Bakit ang liwanag ng langit at parang umaga na.

Puno ng malalaking building at higit pa roon ay ang maraming tao na dinadaanan siya habang nakatayo sa gitna. Ibang iba itong mga nakikita niya kumpara sa mga napuntahan niyang mga maunlad na lungsod. Gulong gulo ang isip ni Juan sa mga nangyayare. Nakita niya ang bata na talon nang talon sa tuwa sa gilid at pinuntahan niya ito.

"Bata, nasan tayo?" ang tanong ni Juan na gulong gulo.

"Taga rito ka rin po pala" ang tugon ng bata.

"Anong taga rito? ngayon pa lamang ako nakapunta rito" ang sabi ni Juan na naguguluhan sa sinabi ng bata.

"Lahat ng nakakapasok dito ay taga rito. Wala po akong oras sa biruan at baka hinahanap na ko ng mga magulang ko" ang sabi ng bata at tumakbo na palayo dahil akala ay nakikipagbiruan lamang si Juan.

Napatingala si Juan at nakita ang mga lumilipad na sasakyan.

Habang tinintingnan ang mga ito ay nasulyapan niya ang napakalaking nakasulat na

"Biringan City" sa isang building.

Laking gulat niya na ang kwentong naririnig niya noong bata pa lamang siya ay totoo at hindi lang basta kwento. Nalaman niya na hindi Engkanto, mga espiritu, at mga lamang lupa ang nakatira rito kundi mga tao rin.