Chereads / STAR'S LOVE BOUND / Chapter 4 - Bunker in the Hauz

Chapter 4 - Bunker in the Hauz

KAPITULO 3

A moment of silence.

"How about you Catch? Are you okay?" alala namang tanong ng kuya niya sa dalaga.

Tumango naman ang kanyang kapatid.

Sumagi kasi sa kanyang isipan na tama nga ang kanyang nakita kanina at hindi lang basta guni-guni.

"That bastard, next time I'm gonna shoot him if ever na bumalik siya dito" murmur naman ng kanyang pinsan sa gilid.

Si Alexandra, ang pinsan nila na ilang buwan na ring nakikitira sa mansion nila.

She is now a graduate pero mas pinili niyang magliwaliw muna kesa magtrabaho sa company nila sa America. At dahil masyado siyang i-nispoiled ng kanyang daddy, hinahayaan na lang niya ang dalaga sa anumang desisyon na gawin nito.

"I told you, hindi talaga tayo safe. Magpakabait ka na rin kasi" asar naman ni Vin sa kanya.

Ayaw kasi ng dalaga dati pa na may bodyguard na bumubuntot sa kanya that's why, most of them ay nagreresign na lang dahil sa mga kalokohang ginagawa niya sa mga ito.

"Excuse me?"

"Di ba ayaw mong magkaroon ng bodyguard? or maybe....pakana mo na naman ito ano?" sabi ng binata.

"Shut up Vin! Do you think I would scare myself just to prank you guys?"

"It's possible naman di ba?" nakangiting tanong ng binata sa kanya.

"Vin! It's not my fault, kasalanan iyan ng mga bodyguards kaya tama lang na palitan sila ni tito" ani ni Alexa.

"But Jonas helped me kanina, siguro naman he will be exempted sa tatanggalin"

"Catch, kilala mo si dad....Once he said it, iyon dapat ang nasusunod." sabi ni Vin.

Napabuntong-hininga na lang ang dalaga dahil tama rin ang kuya niya, hindi na mababali ang sinabi ng matanda kanina.

"So, what's your plan?"

"I'll check the CCTV footage first. Gusto niyong sumama?" ask ng binata sa kanila.

Tumango naman si Catch at parang batang sumunod sa pupuntahan ng kanyang kuya.

"Me too." sabi ni Alexa habang naka-crossed arms pa rin.

Bumaba na sila sa isang masikip na hagdanan, diretso na ito papunta sa kanilang bunker. Andoon kasi ang sikretong lugar kung saan si Vin lang at si Don Sigmund ang may access para mabuksan ito.

"Wow, kuya...I didn't know that this place exist inside our house!" amazed na sabi ng dalaga habang nakatingin sa paligid. Tho' walang ibang makikita bukod sa makakapal na pader at ilaw sa itaas, di pa rin makapaniwala ang dalaga na may bunker sila.

Nakangiti lang si Vin habang pinagmamasdan ang reaction ng kanyang kapatid.

"It's cool, para saan naman ito?" seryoso namang tanong ni Alexa nang makita ang isang red button sa gilid.

"For this.." tapos may ininput ang binata sa kabilang side, umilaw ang red button sa gilid bago tuluyang natakpan ng emergency lock-glass. Pinipindot lang kasi ang red button na iyon for emergency alerts lalo na kapag may intruder ang nakapasok dito. Nag-open naman bigla ang isang passage papunta sa kinalalagyan ng kanilang super computers.

Napakaliwanag sa loob lalo na't puti ang kulay ng kisame at mga dingding. Para lang silang nasa kabilang-buhay sa mga sandaling iyon.

Habang abala ang magpinsan sa pagtitingin-tingin. Pinanood ni Vin ang kuha sa kanilang CCTV. (na may sariling power supply kaya kahit nawalan ng kuryente, naka-on pa rin ito but ang footage sa labas lang ang naklaro kasi masyado nang madilim sa loob ng mansion).

"This guy" sambit ng binata kaya agad na lumapit ang magpinsan.

"Who the heck is that guy? Manyak ba siya't umakyat pa talaga siya sa kwarto ko!"

"How will we know, eh nakatakip nga ang mukha niya" sagot naman ni Catch sa kanyang pinsan.

"That's why I'm asking, saka kung tutuusin mas malapit naman ang kwarto mo sa balcony, bakit umakyat pa talaga siya sa kwarto ko, aber?" sabi ni Alexa habang naka-crossed arms.

"So, gusto mo pa talaga akong idamay sa mga nangyari sa iyo huh" ani ni Catch.

Bago pa man tuluyang magbangayan ang magpinsan, nagsimula nang mag-isip si Vin sa possible reasons on why target nila si Alexa.

"It's creeping me out. Time na siguro para pumunta ako sa States."

"Mabuti pa. Good idea iyan Alexa" sarcastic namang sabi ni Catch.

"I think, may kailangan siya sa iyo Alexa. I mean, anything....yung importante." saad ni Vin sa pinsan.

"Huh? what do you mean?"

"Ano ba kasing importanteng bagay ang kinuha mo sa intruder na iyon?" irita nang tanong ni Catch.

"I don't know. Teka lang, bakit parang kasalanan ko? Di ba kasalanan iyon ng mga bodyguards natin for being negligent sa trabaho nila?"

Dahil sa sinabi ng dalaga, nagkaroon ng saglit na katahimikan. Inisa-isa pa kasi ni Vin ang mga ideas na nakukuha niya.

"Well, for now...mas better nga sigurong palitan na muna natin ang mga bodyguards para sa safety ng family. We'll never know kasi na baka may kasabwat ang intruder na iyan dito sa loob. " ani ni Catch.

"Don't worry, magpapatulong ako kay Dexter para makahanap agad ng mga bagong bodyguards." sabi ni Vin sa kapatid.