Chereads / His Obsession With HER / Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 9 - Chapter 7

***

Panay ang kanyang hikab habang nag lalakad siya papunta sa kanilang silid aralan. m'dyo na late siya ng gising kaya ngayon, parang lantang lanta siyang bumangon kanina at ngayon.

Pagpasok niya mariing siyang nagtaka lalunat sa tuwing dumarating siya sa kanilang classroom, naaabutan niya ang mga kaklase na mga maiingay at magugulo kahit wala pa ang kanilang guro.

"Anong mayron? " Tanong niya sa kaklase nang makaupo siya.

"Hindi mo ba alam ang balita? "

Balita? Duhh. Paano niya malalaman ni hindi nga siya na nunuod ng tv, gawain niya lang mag drawing at mag basa ng mga libro sa buong maghapon so paano niya malalaman ang balita.

"Hindi. Kasi hindi naman ako na nunood ng balita kaya paanong---"

"Tangik, hindi yon. " Kakamot kamot nitong sabi.

Huh?

"Sabi mo kasi balita. "

"Tch. Dito sa school natin, nabalitaan mo naba ang nangyari kay Pual. Yung gustong mangligaw sayo. "

"Oh, ano naman ang nanyari sa kanya? "

"Nasa hospital siya ngayon. " Napatigil siya sa pag bubuklat ng libro dahil sa sinabi nito.

"Hospital? Teka ano bang nagyari sa kanya? "

Nagtataka niyang tanong. Bumuntong hininga muna ito bago nag salita.

"Natagpuan siya kahapon sa likod ng school na bugbog sarado ang buong katawan at hindi lang yon grabe talaga ang nangyari sa kanya pinutulan pa siya ng isang daliri sa kamay. "

Natutop niya ang bibig dahil sasinabi nito, lumakas rin ang kabog ng dibdib niya. Alam niyang may ilan ng nakakaalitan si Pual pero hindi niya alam na may mas matindi pa pala itong nakakaaway.

"N-ni report na ba nila ito sa mga pulis? " Umiling ito.

"Walang makapag sabi maging ang mga pulis ay walang makuha, kung sino ang gumawa nito kay Pual. Saka ayaw naman din sabihin ni Pual ang totoo, ang sinasabi nito sa mga pulis may ilan lang raw itong nakaalitan at kasalanan naman din nito---"

"Teka, saan mo naman nalakap ang balitang yan mukhang marami kang alam---"

"Kay sir. Maro. galing kasi siya rito kanikani

lang. " Kumakamot sa ulo na sabi nito.

"God... Matindi siguro talaga ang galit no'n sa

kanya. " Sabi niya.

"Sinabi mo pa. "

"Pero sana nag sampa parin sila ng kaso sa gumawa nito kay Pua---"

"Hindi na, saka ayon kay sir. Hinayaan na lang daw ng Daddy ni Pual. Mukhang ayaw rin ng Daddy ni Pual na makabangga ang nakaaway ng anak. "

Naawa man siya kay Pual pero kahit siya rin naman ay walang magagawa kung ayaw rin ng ama nito na sampahan ng kaso ang nakaalitan ng anak, kung sadyang bigatin nga ang nakaaway nito.

_________________________________________________

Matapos ang klase, dumiretso siya papuntang locker bago sa library. Hindi niya nakasabay na pumasok ang dalawa niyang kaibigan lalunat may mga dinaluhan ang mga ito na isang contest sa ibang school na sinalihan ng dalawa kaya ngayon siya lang ang mag-isa na kumain ng lunch at pupunta sa library ngayon.

Habang nag lalakad siya papuntang locker room ay may isang lalaki siyang nakasalubong naka itim na jacket ito habang naka cap rin ito ng itim.

Bagamat nagtaka siya kung bakit naroon ito sa kanilang school na pailing na lang siya maaaring may kapatid or what ito na nag aaral sa school na ito kaya ito na roon, ubod rin kasi nito ng tangkad kumpara naman sa mga studyateng makaka salubong nito at kumpara naman sa kanya na hanggang dibdib lang ata siya nito.

Tinanaw na lamang niya ito habang papalayo hanggang sa mawala na ito sa paningin niya, hindi niya mawari pero nang malanghap niya ang pabango nito kanina tila pamilyar iyon sa kanya. Saan niya nga ba iyon na-amoy?

Tch.

Pati banaman yon Sheen-sheen. Inaalala mo pa talaga.

Mariing niyang kastigo sasarili bago siya iiling-iling na nag lakad na siya papasok ng kanilang locker, at hindi pinansin pa ang ilang mga lalaking naka tingin sa kanya na hihiyang yumuko siya.

Ito ang ayaw niya, sa tuwing siya'y papasok nakakakuha lagi siya ng atensyon sa lahat laluna sa mga lalaking mga stduyate rin tulad niya.

Simple lang naman siyang babae na nag sisimula palang magdalaga mahiyain. At mapagmahal na anak at kapatid maging sa mga kaibigan, friendly rin sa iba pero. ang iba ay ayaw siyang maging kaibigan o ayaw sakanya laluna ang ilan mga babae sa University, dahil sabi nga ng mga kaibigan niya nasasapawan niya raw ang ibang mga babae sa school nila dahil sa angking ganda na mayroon siya dinaman din siya panget o maganda sakto lang, hindi sa pag mamayabang pero sadyang lapitin talaga siya ng mga lalaki kahit noon paman kaya kamuntikmuntikan na rin siyang mapag samantalahan.

Kaya simula noon sinanay niya na lamang ang sarili na huwag masydong mag lalapit sa mga lalaki bukod sa kanyang kuya.

Napabubtong hininga siya saka niya binukasan ang locker upang ilagay sana ang iba niyang mga libro roon pero iba ang nakita niya at napa maang sanakitang sobre nanasa loob ng kanyang locker.

Lumingon siya sa paligid subalit ang lahat ay abala sa mga kanya kanyang ginagawa ang mga ito.

Kinuha niya ang mga sobre hindi niya tiyak kung ano nanaman ang naka sulat roon, na nginig siya bago niya sinirado ang pinto ng locker niya, mabibigat ang mga hakbang papalabas roon. Malakas rin ang kabog ng kanyang dibdib, ilang beses na rin siyang napalunok dahil sa mga sobreng hawak niya.

Sampung taunggulang palamang kasi siya ay nakakatanggap na siya ng mga liham mula sa taong hindi niya kilala, subalit hindi niya malaman kung sino nga ba ang nag papadala no'n Para sa kanya, hindi niya pinansin ang mga sulat na ibinibigay ng kung sino noon sapagkat bata pa siya at hindi niya pa gaanong alam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng liham na kanyang na tatanggap noon, ni maging sa kanyang mama Ema at kapatid at sa mga kaibigan niya ay hindi niya iyon pinag bigay alam sa mga ito.

Hanggang tumungtong siya ng dose anyos ay nahinto iyon. Napanatag siya noon pero. ngayon trese anyos na siya bumalik nanaman ang kaba sa dibdib niya, dahil nag simulala nanaman ang taong yon na padalhan siya ng mga panibagong liham.

Naupo siya sa isang upuan nanaroon bago may pa nginginig sa mga kamay niya binuksan ang sobre ilang beses rin siyang napalunok habang dahan dahan niyang binubuklat ang papel.

"You are mine.

Baby.. Mine. "

Nanginig siya lalo bago niya nalukot ang papel ganon na ganon rin ang mga na tatanggap niyang sulat noon pa. Pero hindi niya alam kung kanino nga ba yon galing. Tila kasi siya kilalang kilala nung tao ito.

God...

Ano bang dapat niyang gawin? Alam niyang Hindi na biro ito.

Damn.

©Rayven_26