***
Tumatakbo siya papuna sa kanilang maliit na karindirya, inagahan niya talang umuwi para makapunta siya at mabisita na rin ang kanyang mama Ema.
Hinihingal na sumunod rin sa kanya si nay Pasing napahagikgik na lamang siya naalala niya ngapala na matanda na ito at maaaring mapagud dahil sa pagtakbo.
"Jusko! na bata ka. napakabilis mong tumakbo, maaga ata akong mawawala sa
mundo dahil sayo. " Napangiwi siya dahil sa sinabi nito.
"Sorry po nay, excited lang po ako na makita si mama at kuya. "
Huminga ito ng malalim bago ginulo ang kanyang buhok. Saka siya hinawakan sa mga kamay.
"Tch. Pero wag naman sanang tumakbo, sa liksi ng katawan mo talagang mapapagod yung hahabol sayo. "
Tumawa lang siya bago sila lumakad na, nag ningning ang mga mata niya ng matanaw na nila ang kanilang karindirya. simple lang iyon maliit man pero dinadayo iyon ng marami laluna ng mga katapat nilang mga nag ta-trabaho sa mga opisina, yung iba ay nagiging suki pa nang kanilang karindirya. Ilang buwan rin kasi siyang hindi nakakasama sa kanyang yaya Pasing upang pumunta rito gayon lagi talaga siyang abala sa kanilang school. At ngayon lang ang araw na maaga siyang nakauwi galing school.
Kita niya kung gaano karami ang mga customer nila talagang sikat ang karindirya ng kanyang mama Ema.
"Mama! " Pag tawag niya sa kanyang mama. Agad naman din itong lumingon sa gawi niya kahit abala ito.
"Sheen-sheen. "
Dalidali siyang lumakad kasunod si nay Pasing.
"Kay-aga ng uwi ng prinsesa ko anong nakain mo at nagawi ka rito? " Tanong nito sa kanya bago siya ng mano rito.
"Ayaw niyo' po ba ako nanarito? " Kunwaring tampo niya natawa naman ito sa istura ng kanyang mukha dahil naka nguso siya.
"Hindi kanaman mabiro, pasok kana sa loob naroon ang kuya mo sa kusina. "
Masaya siyang tumango bago niya nakita si nay Pasing na tumulong na kay ate Leni upang mag serviced na sa mga customer nila.
Ngunit pag pasok niya palang sa loob kung saan may mga customer rin sila roon tila naman nahiya siya, dahil puro mga lalaki ang mga naroon habang abala ang mga ito sa pagkain at pag ku-kuwentuhan.
Napayuko at naglakad siya upang sagayon hindi siya makaagaw pasin.
Subalit agad rin siyang napakagat sa labi ng may tumawag sa pangalan niya.
"Sheen-sheen!! "
Agad siyang lumingon bago sa mga customer nila nanasa loob na satingin niya ay mula ang mga ito sa corporation Jagas, laluna sa suot ng mga ito at may mga tatak.
Pinandilatan niya si Vriell, dahil sa ginawa nitong pagsigaw.
Nakakahiya.
Keme lang siyang yumuko sa mga customer nila nag papahiwatig nang pag hingi ng pasensya bago siya pumunta sagawi ng kaibigan niya, hindi sinasadyang napatingin siya sa isang lalaki. kung saan nag iisa lamang ito sa kabilang mesa wala sa oras na nahigit niya ang kanyang hininga ng pumaling ito sa kanya diresto ang tingin nito sa mga mata niya.
Tila siya na hypnotize, dahil sa abuhing mga mata nito matangos ang ilong, matikas ang pangangatawan sa tingin niya Matangkad rin ito kahit hindi pa ito tumayo.
Hindi niya mawari pero. bakit ganon na lamang ang kabog ng kanyang dibdib ng magtama ang mga mata nila? mareno lang ito pero malakas ang dating.
Agad siyang nagbawi ng tingin mula rito hindi niya kasi maintindihan ang nararamdam ng mga sandaling iyon gayon sa murang edad niya ay hindi niya dapat maramdaman ang ganon bagay.
"Sira ka. bat kaba sumigaw. " Sermon niya sa kaibigan na kumamot lang ng ulo bago siya hinigit papunta sa kusina kung saan naroroon ang kanya kuya Rojun.
"Pasensya naman, kasi hindi ko lang maiwasan na hindi ka tawagin excited lang akong makita ka. "
"Buang ka talaga. "
"Sheen.. "
"Kuya." Yumakap siya rito saka siya ginawaran ng halik sa noo.
"Hindi ka muna nag palit ng iyong damit bago ka pumunta rito. " Seryoso nitong sabi.
"Excited lang yan na pumunta rito kuya Rojun. " Sabat ni Vriell sa usapan.
"Tch. Kahit na. mamaya matuyuan kapa ng
pawis. " Bago ito nag patuloy sa pag hahalo sa niluluto nito.
"Ang dami natin customer. "
"Sinabi mo pa, di lang yon Bakla mga taga Corporation Jagas pa silang lahat ilan lang ata yung taga Tower Lorenzso d'yan kasi wala nag bakanti para sa kanila. "
"Talaga kuya? " Tanong niya sa kapatid.
"Yup. Halos lahat sila suki ni mama. "
Namangha talaga siya dahil roon. Ilang buwan rin siyang nawala tapos sobrang dami na ng tao sa karindirya nila sa pagbalik niya.
"Wow! "
"Kasi naman masarap mag luto si tita
Ema no. " Siko ng kaibigan niya sa kanya.
"Kamusta naman ang school? "
"Ayos lang naman, panalo kami ni Anna sa
sayaw. "
"Congrats, bakla. "
"Salamat. Tara tulungan nanatin doon sila
mama. " Gayak niya kay Vriell.
"Mabuti pa nga. " Sabi naman ng kuya niya bago nito ginulo ang kanyang buhok.
____________________________________________________
Hindi niya namalayan nanakatulog pala siya dahil sa pag tulong sa kanyang mama at kuya kanina, sa pagod niya nag pahinga siya sandali at hindi niya namalayan nanakatulog pala siya.
Napakunot agad ang kanyang noo nalanghap niya ang mabangong amoy nanasa mga balikat niya leader jacket iyon na itim.
"Gising kana pala. "
"M-ma? Kanino po ito? "
Tanong niya sa kanyang mama hababg nag pupunas ito ng mesa bago siya napatingin sa orasan alasonse na pala. Wala na rin mga tao sa loob gayon rin si Vriell na sa tingin niya ay pina unana ng umuwi ng kanyang kuya.
"Kay, sir. Luke yan. "
"Sir. Luke? " Ulit niyang tanong.
"Oo, isa siya sa mga suki ko rito. May ibinigay lang siya kanina bago siya umalis at nakita ka niyang himbing ang tulog. At nilalamig kaya iniwan niya yan sayo para hindi ka raw lamigin. "
"Ganon po ba.. "
"Oo. ano ayos kana ba? Siguro naman pwede na tayong umuwi tutal nakapag ligpit na rin kami ng kuya at nay Pasing mo. "
Tumango siya rito, madali siyang tumayo bago yumakap rito.
"I love you ma.. "
"I love you too my princess.. Siya sige na ihanda mo na ang iyong gamit. "
Agad naman siyang kumilos bago niya hinawakan ang jacket na iniwan sa kanya nung Luke, na sinasabi ng kanyang mama Wala sa loob na inamoy niya iyon.
Lalaking lalaki ang amoy. Fresh at masarap yakapin dahil sa lambot nung cotton' Tila siya na adik na yakap yakapin iyon.
Tila naman agad nag init ang mga pisngi niya. Hala!
Ano bang nangyayari sa kanya? Iiling iling na ipinasok niya ang leader jacket sa kanyang bag.
Lalabhan niya muna iyon bago siya na lang mismo ang mag sauli no'n mismo sa may-ari.
Lingid sa akalam niya ay may isa palang taong nakamasid sa kanya ng mga sandaling iyon Mula sa loob ng sasakyan na itim, seryosong ang mukha at galit para sa lalaking nakikita nito kanina.
©Rayven_26