Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love of Babaylan

eds_galvan
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.2k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1:

Bilang nag iisang natitirang babaylan sa lahi ng mga Sarboda. Pinili ni Loryn na umalis sa bayang kanyang kinalakihan upang takasan ang mga taong galit sa kanilang pamilya. Sariwa pa sa isip niya ang ginawang pagsunog ng mga kabaryo sa kanilang munting tahanan. Di niya lubos maisip kung bakit ganun na lamang ang galit ng mga ito gayong madaming nagagamot ang lola at mga magulang niya sa kanilang lugar.

"Sunugin ang bahay ng mga mangkukulam!" boses ng matandang lalaking may dala dalang sulo. "Hindi na sila dapat mabuhay. Mga salot ng lipunan! galit na galit ito habang sumusugod sa kanilang bakuran. Sa likuran nito ang kapitan ng kanilang baryo.

"Pare! maghulos dili ka!" mababait na tao ang pamil... hindi nito matuloy ang sasabihin pa. Hawak hawak nito ang leeg na tila ba nahihirapan itong huminga. Hindi naman ito pansin ng iba nilang kalugar dahil sa lakas ng sigawan ng iba pang naroon.

"Tama, sunugin ang mga iyan!"Dagdag pa ng isang babaeng nakapameywang pa habang tuwang tuwa itong minamasdan ang apoy na unti unti lumalaki sa sinindihang barong barong ng mga ito.

"Nay, di nyo ba sila lalabanan?" tanong ng kanyang nanay Elisa sa kanyang lola Virginia. Kung tutusin kasi, kayang apulahin ng kanyang lola ang apoy sa pamamagitan ng kanyang kakayahang makatawag ng ulan. Ganyan ka lakas ang kanyang lola Virginia. Sa katunayan, madaming kakayahan ang kanyang lola ngunit bihira niya itong gamitin. Kung tutuusin ayaw na ayaw nitong gamitin ang nalalaman dangan nga lang at di niya matanggihan ang mga kabaranggay na tulungan.

"Hindi Elisa!" Diba napag usapan na natin ito. Ito na ang panahon upang lumisan tayo! mabagsik na tutol ng kanyang lola. Habang hinawakan siya sa kamay ng kanyang lola at may kung anong sinusulat sa kanyang palad. Maya maya pa may binubulong itong orasyan at namangha siya sa nasaksihan. May lumitaw sa mga palad niya na isang tatak na pakorteng trianggulo na may pitong bituing na nakaukit.

"Pero Nay paano si Loryn, ang bata pa niya upang madamay sa ganito! unti unti ng pumapatak ang luha ng kanyang nanay Elisa.

"Huwag mong intindihin si Loryn. Ligtas siyang makakaalis dito!" Panatag at may awtoridad na sagot ng kanyang lola.

"Loryn, kailangan namin gawin ito!" naluluha na din ang kanyang lola Virginia. Kita sa mga mata nito ang banayad na pagsilay ng mga mumunting butil ng luha.

"Kailangan maiwan ka muna upang ipagpatuloy ang ating pangako sa Diyos ng Liwanag. Tayo ang itinakda upang magbantay sa mundo. Nasa kamay mo ang Pitong tanda na sumasagisag sa pitong salot na pwede mong ipataw sa mundo. Sa bawat tanda na mabubura sa palad mo isang salot ang lilitaw upang manalasa sa mundo. Huwag mong abusohin ang karapatang ito. Gamitin mo ito sa tamang paraan. Oras na matapos mo ang iyong misyon magsama sama ulit tayo sa kabilang daigdig. Sa daigdig na hindi mapanakit. Sa lugar na walang bahid ng kalungkutan at kasawian. Iyan ang sinumpaan ng ating pamilya at pangako ng Diyos ng Liwanag.

"Lola, ayaw kung maiwan dito. Kailangan ko kayo nila nanay para gabayan ako sa aking... " hindi na na ituloy ni Loryn ang sasabihin. Bigla na lang siyang niyakap ng kanyang lola. Mahigpit ang yakap nito upang di siya makawala. At mula sa naglalagablab na apoy na tumutupok sa buo nilang bahay, may kung anong puwersa ang humigop sa kanya palabas ng kanilang bahay. At mula sa nasusunog na bahay unti unti siyang nilamon ng kadaliman at dinala sa lugar na malayo sa kanilang tinitirhan.

Iniluwa siya ng kadiliman sa lugar na madalas nila tambayan ng kanya lola Virginia. Sa lugar kung saan diin nakaburol ang kanyang lolo. Ito ay ang gulod na malayo layo ng kaunti sa kanilang tinitirhan. Dito sila madalas dumayo ng kaniyang lola pag gumagawa ito ng ritwal. Nalala niya, madalas gawin ng kanyang lola na magsiga ng iba ibang tuyo dahon at ikakalat ito sa hugis pabilog. At sa loob ng bilog sayaw sayaw ito habang nakatingin sa kabilugan ng buwan. At mula sa nakasilay na liwanag ng buwan, lalapit ang ibat ibang uri ng mga nilalang na madalas kausap ng kanyang lola Virginia. Isa sa nagustuhan niyang nilalang ay ang ligaw na pusang si Sam. Sam ang pinangalanan niya sa utos na din ng kanyang lola. Simula noon madalas ng nakabuntot ang pusa sa kanya sa tuwing napapadayo siya sa lugar na iyon.

Mula sa kanyang kinaroroonan tanaw niya sa ibaba ang nasusunog nilang bahay. Nasa mataas na parte kasi ito ng gulod na kanilang pagmamay ari. Sumilay ang maliliit na butil ng luha mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Pait at kirot ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon. Gusto niyang sumigaw ng malakas ngunit natatakot siyang makagawa siya ng ingay. Tinakpan niya ng kanyang mga palad ang kanyang mga labi upang hindi lumabas doon ang tinig mula sa nag aalburoto niyang damdamin. Galit ang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon. Sa sobrang galit niya gusto niyang gunawin ang lugar hanggang sa maabo ito at mawawala sa kanyang paningin para maibsan ang galit na kanyang nararamdaman.

Tila nakikinig ang lupa sa kanyang mga daing. Unti unting yumayanig sa lugar na iyon. Napakalakas ng pag yanig na sinasabayan ng malalakas na kidlat na saktong tumatama sa nasusunog nilang bahay. Para itong may isip na kusang tumatama lamang doon. Ramdam ng sinomang makasaksi ang bagsik ng lindol at kidlat. Tusta ang sinomang mataman ng mga nangangalit na panahon.

" Mga hayop kayong lahat! Ipapatikim ko sa inyo ang galit ng isang babaylan!" malakas na sigaw ni Loryn.

Unti Unting nagbago ang mukha ni Loryn. Mula sa maamong mukha naging mabalasik ito. Nanlilisik at nagbabaga ang kanyang mga mata. Sa isang iglap nagbago ang kanyang mukha at naging isang ibong bulalakaw. Isang ibon na nagliliyab sa apoy ang mga pakpak at buntot. Para itong ibong adarna ngunit ang kaibahan lamang nito ay nagaapoy ang mga balahibo at pakpak nito.

Nilamon na ng kakaibang nilalang ang katauhan ni Loryn. Gutom na gutom ito sa mga kaluluwa ng mga walang muwang na mamamayan. Lumipad ito patungo sa kumpol kumpol na mga kalalakihan na nagmamasid sa nasusunog na tahanan.

"Sinda bulalakaw! Sinda bulalakaw!" sigawan at takbahon ang mga ito papasok ng kani kanilang tahanan. Batid ng mga ito na hindi sila ligtas sa mapanganib na Ibong bulalakaw. Mula pa sa kanilang mga ninuno ang paniniwalang kapag lumabasa ang ibong bulalakaw babala ito ng matinding sakuna at kahirapan. Ang tanging paraan lamang ay tawagin itong sa pangalang Sinda Bulalakaw. Bilang pagtawag at pagkilala sa Bathalang Burlalakaw, ang Bathala ng kapayapaan at kaayusan.

Mula sa mga nagtakbuhan mga kabaryo halos wala ng mga nilalang ang nakalabas sa lugar na iyon. Lahat sila nagtakbuhan at nagsitaguan. Parang walang anomang nangyari sa sobrang linis ng paligid. Tanging huni ng mga kuliglig at kulisap ang maririnig sa oras na iyon. Kasabay ng katahimikan ang pagbuhos ng malakas na ulan. At mula sa butil ng ulan na tumatama sa nagliliyab na pakpak ng ibong bulalakaw, unti unting nagbalik ang katinuan ni Loryn. Di niya alam kung paano nangyari, ngunit kailangan niyang lumayo sa lugar na iyon. Ayaw niyang makapanakit pa muli. Iiwan niya ang lugar na ito at magsisimula ng panibagong buhay. Lumipad ng matulin si Loryn habang hindi pa siya bumalik sa pagiging tao. Kailangang makalayo kaagad siya. Sa sobrang bilis hindi niya namalayan ang pagsulpot ng malakas na kidlat. Tumama ito sa kanyang katawan na siyang naging dahilan upang bumagsak sa lupa. Ramdam niya ang sakit mula sa natamaang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan upang mawalan siya ng malay.

Nagising na lamang siyang nasa loob ng isang di pamilyar na silid. Puro puting pintura ang kanyang nakakita sa paligid. Mula sa nakasarang pinto , pumasok ang isang babaeng naka suot ng puting dapat habang kasunod nito ang lalaking di rin pamilyar sa kanya. Kahit may kirot na naramdaman pinilit ni Loryn na gumalaw.

"Miss, please stay calm! maagap na wika ng lalaki. " Are you alright? dagdag pa nito ngunit tila bingi siya. Wala siyang maisagot sa paenglish na tanong ng lalaki. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong ng nito. Ni hindi siya nakapag aral. Bata pa lang siya hindi na siya pinapalabas ng kanyang lola. Katwiran nito kakaiba siya sa normal na tao kung kaya dapat niyang isolate ang sarili sa iba. Sa isip isip niya kung orasyon lang yan baka nasagot na niya ang mga tanong ng lalaki.

"Ayos ka lang miss? tila nabasa ng lalaki ang kanyang iniisip? Isa din kaya itong babaylan na may kakayahang basahin ang kanyang isip? Sumilay ang ngiti niya sa labi. Ngumiti siya ng nakakaakit na parang hinihipnotismo ang kausap.