Chapter 21 - 20th Dilemma

CHIHIRO

ABALA ako sa pagliligpit ng mga damit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakapatong iyon sa mesa at matamlay ko iyong inabot at sinilip kung sino ang kasalukuyang tumatawag.

"Unknown number… Prank call na naman siguro 'to," medyo inis kong kausap sa sarili habang hawak ang cellphone sa kaliwa kong kamay at ang kanang kamay ko naman ay may bitbit na T-shirt. Hindi ko sinagot ang unang tawag. Ilang sandali pa ay nag-ring ulit ang cellphone ko. "Na naman?!" reklamo ko nang parehong hindi ko kilalang numero ang tumatawag.

"Sagutin mo, Hirocchi. Malay mo importante iyan," biglang singit ni Ma-chan nang mapadaan ito sa sala. Napansin n'ya siguro na hindi ko sinagot ang tawag.

"Pero, Ma-chan…" nag-aalangan kong saad.

"Sige na," nakangiti n'yang sulsol kaya napabuntonghininga na lamang ako sa pagkatalo.

"Sige po. Sasagutin ko na kapag tumawag ulit," sabi ko na lang. At hindi ako binigo. Tumawag ulit ang parehong numero sa ikatlong pagkakataon. Prantik akong napalingon kay Ma-chan na titig na titig sa akin. Bago ko sinagot ang tawag, huminga muna ako ng malalim. "H-hello?" Bati ko sa kung sino mang nasa kabilang linya.

"Is this Hanamichi Chihiro?" tanong ng isang boses lalaki. Napakapamilyar ng boses n'ya.

"Ako nga," pagkokompirma ko. "Sino sila?"

"I am telling you ahead, don't hang up the phone after I tell you who I am," aniya lalaki.

"Huh? Bakit naman? Sino ka ba?!" nagsimula na akong mainis sa kausap ko. Nang lingunin ko si Ma-chan, nagtataka din ito kagaya ko.

"You need to listen to me, you fucktard!" mura ng lalaki. "This is Arisawa—"

"Bakit mo ako tinatawagan? Ayokong makausap ka, Arisawa-san. Sinabi ko nang layuan mo na kami ni Aki-san!" kaagad kong buska sa kanya.

"I said listen to what I have to say!" sigaw n'ya sa kabila na ikinatahimik ko. "Come to Nishiyama Maternity Hospital RIGHT NOW," mariing utos nito.

"Huh? At bakit naman kita susun—"

"Aki needs you so hurry up!" pamimilit ni Arisawa-san at natigilan ako nang banggitin n'ya ang pangalan ni Aki.

"Ano'ng nangyari kay Aki-san?!"

"I can't explain right now so just get your ass up here. Bye," pagkatapos n'yon ay pinatay na n'ya ang tawag.

Nabitawan ko naman ang hawak kong cellphone at T-shirt. Nang tingalain ko si Ma-chan, gulat na gulat din ito kagaya ko. Maagang nagpaalam si Aki-san sa akin kanina na may pupuntahan lang ito saglit. Hindi n'ya sinabi kung saan pero pinayagan ko siya para naman makalabas din siya ng bahay paminsan-minsan. Kung alam ko lang na may mangyayaring masama, sana ay sinamahan ko na lang siya.

"Hirocchi…" Tinangka ni Ma-chan na pakalmahin ako.

"Ma-chan, aalis po muna ako," kalmado kong turan ngunit salungat ang sinasabi ng mukha ko, nababalot ito ng labis na takot at pangamba.

"Sige, anak. Kami na ni Hiromi ang bahala sa pagdala ng mga gamit," aniya at nagmadali siyang pumanhik sa kuwarto nila ni Tou-chan.

Ako naman ay nagbihis lang saglit at pagkatapos ay dali-dali na akong umalis ng bahay at hindi ko na nagawang magpaalam nang maayos.

━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━

Nagawa kong marating ang Nishiyama Maternity Hospital. Nagmamadaling pinuntahan ko ang lobby at prantik na tinanong ang nakatokang nurse, "Excuse me, miss, may nagngangalang Izumi Aki po ba ang naka-admit dito? Maaari ko po bang makuha ang kanyang room number?"

"Kaano-ano po kayo ng pasyente, sir?" magalang na tanong ng babaeng nurse habang hinanap ang nasabi kong pangalan.

"Ako ang ama ng dinadala n'ya." Iyon lang ang tanging naisip kong isagot sa mga sandaling iyon.

"Izumi Aki. Ito po, sir?" pagkokompirma n'ya at pinakita sa 'kin ang monitor at nakompirma kong si Aki-san nga iyon. Tumango ako bilang sagot at saka n'ya binigay ang room number sa 'kin. "Room 206 po, sir."

"Maraming salamat," pagkatapos n'yon ay kumaripas na ako ng takbo.

Habang papunta ako sa room kung saan naka-admit si Aki-san ngayon ay nanumbalik sa akin ang unang pagkakataon na na-ospital siya. Wala din ako noong mangyari iyon at kahit ngayon, wala rin ako sa tabi n'ya kung kailan na kailangan n'ya ako.

Nahanap ko ang Room 206. Napatigil ako sa mismong harap ng pinto. Napatitig ako dito ng ilang sandali habang hinihingal nang husto. Napunta ang mata ko sa tokador at akmang hahawakan ko na sana iyon upang buksan ang pinto pero natigil ang kamay ko nang makitang nakaawang ng kaunti ang pinto.

"Aki-san…" mahina kong sambit at maingat na tinulak pabukas ang pinto.

Bumungad sa akin ang isang Aki-san na walang malay. May nakakabit na IV sa kaliwa n'yang kamay. Nanlumo ako sa nasaksihan at muntik akong mapaluhod sa sobrang pagsisisi ngunit mabilis na naagaw ang atensiyon ko ng lalaking nakaupo sa paanan ni Aki-san.

「Arisawa-san…?」

Marahil ay napansin n'ya ang pagdating ko at dali-dali siyang napatayo. "You're here. I've been trying to—" Hindi siya natapos sa pagsasalita dahil sinugod ko siya at marahas siyang itinulak sa pader. Napaungol sa sakit si Arisawa-san.

"Ano'ng ginawa mo kay Aki-san?! Bakit mo siya kasama?!" nangangalaiti sa galit kong tanong habang nakatingin ng masama sa lalaking dahan-dahang nasasakal sa braso ko na ginamit ko upang idiin siya sa pader.

"Let go of me… so I can explain everything!" Hirap itong magsalita. Kahit na ayaw ko siyang pagbigyan ay ginawa ko na lang. Napaubo si Arisawa-san. "Why are you ridiculously strong?" At nakuha pa n'yang magbiro sa mga oras na ito?

"Magsalita ka! Bakit isinugod si Aki-san dito?! Ang baby? Ano'ng nangyari sa anak namin?!" sunud-sunod kong tanong.

Inayos muna ni Arisawa-san ang sarili bago ito sumagot, "He had a bleeding earlier. The blood loss was pretty severe but—!" Naputol na naman siya sa pagsasalita dahil muli ko na naman siyang itinulak sa pader na may kasamang sakal.

"Ikaw ba ang dahilan?!"

"Hanamichi… let me finish—"

"IKAW BA ANG DAHILAN?!" pag-uulit ko, bakas sa mukha ko ang determinasyon na handa akong patayin siya ngayon din kapag napatunayan kong may kinalaman nga siya sa lahat.

Parang nag-alangan si Arisawa-san sumagot pero napilitan din ito, "Oo."

Ang kasunod na nangyari ay ang pagbagsak si Arisawa-san sa sahig. Dala ng sobrang galit ay pinagsusuntok ko siya. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyari sa 'kin. Dapat ko nang patayin ang walang hiyang ito.

Sinubukang kumawala ni Arisawa-san pero hagupit ng malalakas kong suntok ang tanging natanggap nito sa bawat pagpalag n'ya. Hindi ko na namalayang napadugo ko na pala ang ilong n'ya. Akmang susuntukin ko na sana siya sa pagitan ng kanyang mga mata nang—

"…hiro…" Mahina iyon ngunit mabilis kong narinig ang kanyang boses at awtomatiko akong natigil.

"Aki-san!" Sabik kong wika at nagmadali akong tumayo upang puntahan siya. "Aki-san!" Napaiyak ako kasabay ng paghawak ko sa kanan n'yang kamay.

"Chi…hiro…" muli n'yang sambit at naluha din siya nang makita ako.

"Patawad, Aki-san. Patawad. Lagi na lang akong wala sa tabi mo sa oras na kailangan mo ako," labis ang pagsisisi kong turan.

Pinisil ni Aki-san ang kamay ko at tahimik siyang napaluha. "Chihiro… the baby…? Where…?" Putol-putol nitong tanong.

"Eh?" Hindi ko pa alam ang kasalukuyang kalagayan ni Aki-san at ng baby namin mula noong dumating ako dahil sinugod ko kaagad si Arisawa-san sa sobrang galit. "Aki-san…"

"Is our baby safe?" tanong n'ya sa napakahinang boses at awtomatikong napunta ang tingin ko sa tiyan n'ya.

May nakatakip na makapal na kumot at dahil hindi pa kalakihan ang tiyan ni Aki-san ay mahirap sabihin kung ligtas nga ba ang baby namin o… pero kahit na ganoon ay nilakasan ko pa rin ang loob ko. Akmang aalisin ko sana nang bahagya ang kumot nang magsalita si Arisawa-san.

"Your baby's safe. That was what I wanted to say," aniya habang kinakapa ang leeg n'yang nagkapasa na naman dahil sa higpit ng pagkakasakal ko sa kanya kanina. "And now that I've clarified everything, it's time for me to leave."

"Hindi kita basta-basta paalisin na lang ng gano'n-gano'n. Pagbabayarin pa kita sa ginawa mo kay Aki-san!" banta ko kay Arisawa-san.

Pagak naman siyang napatawa. "There's no need. I'm turning myself in. In fact, the police are already outside this very room right now, waiting for me to come out."

"What? Are you even serious?" hindi makapaniwalang tanong ni Aki-san dito.

Ngumiti naman si Arisawa-san. "Since when have I made a sick joke, Aki?" At pagkatapos n'yon ay nilisan n'ya ang kuwarto. Pagkabukas n'ya ng pinto ay may mga pulis nga na nakaabang sa labas. Pinosasan siya ng mga ito at nanatiling kalmado si Arisawa-san hanggang sila ay makalisan.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin ni Aki-san ay minabuti kong kamustahin na ang kalagayan ng minamahal ko.

"Wala bang masakit sa 'yo, Aki-san?"

"Wala naman," pagsisiguro ni Aki-san at humigpit ang pagkakapisil n'ya sa kamay ko. "Masaya ako na nandito ka na."

"Aki-san…" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at siniilan ko siya ng isang masuyong halik. Malugod n'yang tinugunan ang halik ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay pareho naming hinabol ang aming mga hininga.

"Sorry for lying to you again," pagpapaumanhin n'ya na ang tinutukoy ay ang hindi n'ya pagsabi sa totoo na makikipagkita pala siya kay Arisawa-san. "I thought I should be the one to handle it because we were both Alphas and Arisawa might use his Alpha pheromones against you. I didn't think he would actually try to hurt me like that."

"Hindi ba nagkapasa ang tiyan mo, Aki-san?" alalang-alala kong tanong sabay himas sa tiyan n'ya.

"No, no. Kaya ako nag-bleeding ay dahil sa excessive stress at shock na naranasan ko. When I saw him form his hand into a fist at akmang susuntukin ang tiyan ko, nablangko ang paningin ko. I thought it was the end of everything. I thought I was going to lose the baby."

"Pero malakas ang kapit ng baby, Aki-san. Kasingtapang mo yata siya. He he," pabiro ko pang turan at natawa si Aki-san.

"I would prefer if the baby turns out to be like you," aniya. "I am a coward, Chihiro. I can't face my problems without involving other people. I am such a failure," nanlulumo n'yang dagdag.

"Hindi totoo 'yan, Aki-san," depensa ko. "Kung failure ka dapat matagal mo nang ginawan ng paraan na makalayo sa akin o gawan ng paraan na hindi tuluyang mabuo ang baby kung talagang ayaw mong magdalang-tao. Kahit hindi ka sanay, sinubukan mong makisama sa pamilya ko. Kahit ayaw sa 'yo ni Tou-chan, hindi ka sumuko. Pinatunayan mo ang sarili mo. Hinarap mo ako sa mga magulang mo. Ipinaglaban mo ako kay Arisawa-san. Ako ang pinili mo, Aki-san. Sapat na proweba na iyon sa akin para masabi kong karapat-dapat kang mahalin."

"Chihiro…" Napahikbi si Aki-san pagkatapos. Malambing kong hinaplos ang kanyang noo bago ito hinalikan.

"Masaya ako na ligtas ka at ang baby," sabi ko sa kanya at ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pinto.

"Excuse me," paunang bati ng isang lalaki pagkapasok nito. Base sa suot nito, mukhang siya ang doktor na tumingin kay Aki-san.

"Magandang araw po, Doc," magalang kong bati sa lalaki at pormal siyang nangiti sa akin.

"Magandang araw din. Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" Agaran n'yang tanong.

"Eh? Ah…"

"Partner po, Doc." Si Aki-san ang sumalo sa akin kasabay ng paghawak n'ya sa kamay ko at pinisil iyon.

"Okay," sang-ayon ng doktor bago nadako ang tingin n'ya sa dalang result ng pagkaka-admit ni Aki-san. "Before everything else, I am Dr. Inoki. How are you feeling, Izumi-san?" pangungumusta n'ya rito.

"Ayos lang naman po," tipid na sagot ni Aki-san.

"Wala bang masakit sa 'yo? You lost a lot of blood earlier," ani doktor.

"I feel lethargic but aside from that, okay naman. Wala ring masakit sa tiyan ko."

"Good. Kailangan mo muna ng further monitoring at IV fluids to ensure your health bago kita i-release. Nagdagdag na rin ako ng vitamin prescription sa dapat mong inuming mga gamot. If I'm not mistaken, hindi ka pa nagpapatingin sa isang OB?"

Umiling si Aki-san. "Hindi pa po."

"I recommend seeing one after you regain your health, then," payo n'ya.

"I will," sang-ayon naman ni Aki-san.

"Kumusta naman po ang baby, Doc?" bigla kong singit. Kanina pa ako atat malaman kung ano ang kondisyon ng anak namin.

"Oh. Rest assured. The babies are safe," nakangiti n'yang wika. Nakahinga naman kaming pareho ni Aki-san ng maluwag.

"Wait. Did you say babies?" pagkaklaro ni Aki-san.

"Eh?" Pati ako ay nagulat sa itinanong n'ya at prantik na napalingon sa doktor na sobrang lapad ng ngiti.

"Yes. Apparently, you are expecting twins. Congratulations!"

"WHAT?!" bulalas ni Aki-san at halos matanggal ang nakakabit na IV sa kanya dahil bigla itong napabangon. "…the fuck?! Why did you give me twins, Chihiro?!" inis n'yang buska sa akin sabay binatukan ako.

"Eh?! Aki-san, bakit ako ang sinisisi mo?!"

"I don't know! Shit! Twins…" Nag-iwas siya ng tingin habang nagbla-blush.

Napatitig naman ako sa tiyan n'ya at nangiti. "Kaya naman ang init-init ng ulo ni Aki-san dahil dadalawa kayong pasaway. He he!"

"Shut up, you idiot!" Binatukan ulit ako ni Aki-san.

Ilang sandali pa ay sabay na lang kaming natawa. Sino ba naman ang mag-aakalang magkakaroon pala kami kaagad ng kambal? Doble ang natanggap kong biyaya at napakasaya ko.

「to be continued」