Chereads / Chasing Stars✨ / Chapter 2 - ONE

Chapter 2 - ONE

"Tumigal ka na nga! Kanina ka pa!" Pagod na ako kakasaway. Ganito na ang routine namin araw araw.

"Samahan mo na kasi akong pumunta sa concert!!"

"No way!"

Hinila niya ang damit ko na parang bata. "Sige na please! Ako na ang bahala sa lahat pati na yung tickets! Wala ka nang alalahanin."

"Tumigil ka na nga. Madami pa akong gagawin." Bumaling ako sa librong binabasa ko.

"Kaya mo namang tapusin yan bago ang concert."

"May mga susunod pa akong gagawin." Inabot ko sa kanya ang listahan ng mga gagawin ko ngayong buwan.

Mukha siyang nanlumo sa nakikita niya. "Tutulungan naman kita eh. Sige na Lulu, please." Nag puppy eyes siya.

Bumuntong hininga ako. "Matitiis ba naman kita."

"Yes!!! Thank you Lulu!! I love you talaga!" Nagwala siya na parang nanalo siya sa lotto ng milyon. Buti nalang dito ako nagpasama sa garden ng school at hindi sa library.

Inayos ko lahat ng gamit ko ta naglakad palayo sa kanya. Sinundan niya ako kaya wala nanaman akong magawa sa kaingayan at kakulitan niya.

"Ang swerte mo talaga sa akin Shanlie." Nakangiti kong sabi.

"Mas maswerte ka Luna."

"Bakit naman?" Taka kong tanong.

"Dahil mayroon kang kaibigan maganda, mabait, matalino, mayaman, maalaga at maganda ulit." Proud niyang sabi sabay akbay sa akin.

"Salamat ha, ngayon ko lang naman na sobrang swerte ko pala sa'yo mula noong unang apak ko palang ng highschool." Sarcastic ko na sabi sa kanya.

Tumawa lang siya sa ginawa ko. Naglakad kami papunta sa mga nagbebenta ng street foods malapit sa school.

"Kuya pabili mo ng tatlong isaw at tatlong betamax." Nagbayad na ako at namili ng isaw at betamax na ipapaluto.

"Manong lima pong isaw!" Sigaw ni Shan.

Buti nalang wala masyadong tao kaya nakasingit kami at nabigay agad yung mga pinaluto namin.

"Namiss ko to!" Sabi ni Shan sabay nguya sa pagkain niya.

"Oo nga, ang tagal na din nung huli tayong kumain nito." Sagot ko.

Nung naubos na namin yung mga binili namin bumili naman kami ng gulaman para mawala ang uhaw namin. Nagkwetuhan kami sa mga bagay-bagay kagaya ng mga ginawa naming kahihiyan dati.

Tinignan ko ang wrist watch ko. "Kailangan ko ng umuwi!" Sigaw ko.

"Ay! Oo nga pala! Tara lets!" Nagmadali kaming tiimakbo ni Shan papuntang bahay. Nagpaalam na ako sa kanya nung nasa tapat na kami ng bahay.

"See you tomorrow!" Paalam niya habang papasok ng bahay nila.

"See you."

Nadatnan ko si papa na nakapalumbaba sa harap ng tv. Nilapitan ko siya at nagkiss ako sa pisngi niya.

"Bat ngayon ka lang?" Bungad niya sa akin.

"Napasarap pa ang kwentuhan namin ni Shan kanina, pa." Paliwanag ko.

"Ganon ba? Wag ka masyadong magpapagabi baka mapano ka pa sa daan." Malambing ang tono na ibinigay ni papa sa akin.

"Opo, kayo naman po kumusta po yung bago niyong project?"

"Malaking kumpanya ang gagawin namin kaya baka matatagalan ang pagbalik ko dito."

Niyakap ko siya. "Mamimiss ka po namin papa. Kailan po kayo babalik?"

"Isa o pag papalarin dalawang beses sa isang buwan. Sana maunawaan mo na ginagawa ko ang lahat ng ito para sa inyo ng mama mo." Mas humigpit ang pagkayakap naming dalaw.

"Alam ko naman po iyon kaya nga po ginagawa ko ang lahat para makatapos ako ng pag aaral ng hindi niyo na po kailangang alalahanin pa o mahirapan." Tinanggal ko ang pagkayakap at umupo ng maayos sa tabi niya.

"Pa, hindi niyo na po kailangang magtrabaho kayang kayang kaya na po nating mabuhay ng hindi kayo nagtatrabaho. Diba marami naman po tayong ipon sa bangko yun nalang po muna at ako na po ang maghahanap ng part-time tutal malapit na po akong makatapos ng highschool."

"Anak naman eh, hindi mo naman kailangang gawin yun. At saka hindi ka pa nag 18th birthday kaya wala ding tatanggap sa'yo."

"Ang iniintindi ko lang po kasi ay tanda niyo na po kasi para magtrabaho dapat nga po naka retiro na kayo sa pagiging engineer."

"Oo kaya kong magretiro bilang engineer pero hindi ko kayang magretiro bilang isang padre de pamilya."

"Si papa talaga! Kanino po ba talaga kayo nagmana?" Tanong ko.

Nagtawanan kami pero napahinto kami sa pagtawa nung tinawag na kami ni mama para mag hapunan.

"Luna, kumusta ang pag aaral?" Tanong ni mama habang sumusubo ng pagkain niya.

"Ganun parin po. Isa parin pong scholar ang anak ninyo." Nagaalangang ngumiti ang dalawa at nagbigayan sila ng makabuluhang tingin sa isa't isa.

"Mabuti naman kung ganoon." Pagkatapos sabihin ni papa iyon ipinagpatuloy niya ang pagkain niya.

"Luna, malapit ka na magtapos ng senior highschool diba balak mong kumuha ng architecture?" Tanong ni mama.

"Opo kaso po baka hindi po natin kayanin ang gastos."

Suminghap si papa. "Wag mong alalahanin ang gastos. Ang alalahanin mo ay ang pag-aaral mo at kung saan ka sasaya."

"Pero po, mas sasaya po ako kung hindi ko po kayo nakikitang nahihirapan." Malambing ang tono ng boses ko.

"Pero mas sasaya kami kapag natupad mo ang mga pangarap mo."Bumuntong hininga ako at tumigin sa kawalan.

Kinanukasan tinanghali na ako ng gising kaya nagmadali akong magbihis at mag ayos. Gulo gulo pa ang buhok ko habang patakbong bumababa ng hagdan. Sa pagmamadali ko muntikan na akong matapilok. Hindi ko namalayan na may mga nanunuod na pala sa akin.

Narinig ang mahinang tawanan nila habang pinupulot ko ang ang mga gamit kong nahulog sa sahig.

"Pagpasensyahan mo na si Luna, Ria." Sabi ni mama doon sa babaeng kasama niya ngayon. Binaling niya yung mukha niya sa akin.

"Luna, lumapit ka dito." Utos niya sa akin. Inayos ko ang salamin ko at tinignan kong mabuti yung babae habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

Maganda siya at makinis, para siyang artista at mukhang nasa mid thirties. "Eto nga pala ang tita Ria mo." Panimula ni mama. "Hindi mo siya namumukhaan dahil matagal siyang nanirahan sa ibang bansa." Tumango ako.

"Good morning po." Nahihiya kong bati dahil sa nanyari kaninang eksana. Nagulat ako nung bigla siyang tumayo at niyakap ako.

"Iha ang laki mo na!" Bumitaw siya sa pagyakap. "Ilang taon ka na Luna?"

"Seventeen po." Tipid ko sagot.

Tumago tango siya." So what grade are you in? Mukhang matalino ang anak mo Lily." Ganon ang lagi kong nakukuha. Lagi nalang matalino ang nakikita nila sa akin. Wala na bang iba?

"Grade twelve na po ako." Naalala kong kailangan ko na palang pumasok! "Ma, mauna na po ako." Paalam ko at humalik sa pisngi niya. Nagmadaling lumabas ng hindi na naghihintay ng sagot nila. Wala akong oras para sa meet and greet ngayon.

Sinubukan kong tumakbo ng mabilis para makaabot man lang sa huling klase ko kaso talagang ipinapamukha sa akin ng universe na late na talaga ako. Naapakan ko ang shoe lace ko at natapilok. Buti nalang hindi ako nagasgasan kung hindi lagot na naman ako. Tinali ko ang shoe lace ko bago magsimulang tumakbo ulit.

Nagmadali akong timawid ng kalsada kaso hindi pa ako nakakalapit sa gitna bigla nalang may nakabunggo sa aking sasakyan.

"Ahhh!!!!" Naitapon ko lahat ng gamit ko sa kalsada.