Chereads / Pahimakas (Filipino) / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

Shete boring...

"Would you still love me the sam-"

*Scrolls

"San ka punt-"

*Scrolls

"Baby baby you're my sun and moo-"

Putangna

*Scrolls

"BZZZZZZZZZZZZZT *BZZZZZZZZZZZT *BZZZZZZZT

"Inutil na tukmol is calling"

Ano kaya problema ng babaeng to

"Oy ano ganap bakit?" Tanong ko sakaniya

"Gaga anong ano ganap diba parang ikaw ang dapat kong tanuningin, anong ganap? Ano nangyari sainyo ni Matthew?"

Matthew.... Oo nga pala tangna sakit

"Ahhh yun ba nag karoon kasi kami ng konting problema..." Kaunti nga lang ba?

"Eh okay ka lang? I mean alam kong hindi pero rant ka lang makikinig ako" saad niya galing sa kabilang linya,

Si Feri isa sa mga best friend ko, yes isa sakanila kasi madami sila, kaya lang alas tres na kasi ng madaling araw kaya si Feri nalang ang gising,

Kahit malas ako sa pag-ibig eh maswerte naman ako pag dating sa mga kaibigan, solid silang kasama.

Si Matthew naman ay manliligaw ko, and yung problemang sinasabi ko ay nalaman ko kasi na bukod saakin ay may nililigawan pa siyang iba, siyempre hindi ako papayag ng ganun kaya agad ko siyang kinausap, pero mentras na maayos ay mas lalo lang lumala, 4 months na pala niyang nililigawan yung babae habang ako 7 months na, ang sabi niya ay aamin naman daw siya ngunit nag hahanap lang ng tamang panahon, ang mas masakit sa iba ko pa nalaman, sa totoo lang okay lang saakin yun, okay lang na mapagod siya sakin, okay lang na may iba siyang nililigawan,

Dahil lagi namang ganoon eh...

Okay lang lagi.

Pero sana sinabi niya agad

"Yun ganun pero oks lang ako atleast masaya na siya diba HAHAHAHAHAHAH" Saad ko pag katapos kong kinuwento sakaniya lahat,

"Tsk tigilan mo ko alam kong hindi ka okay Azrel"

"It's fine Feri I'm okay wala namang bago paulit ulit lang yung nangyayari kaya sanay na ko"

Tama paulit ulit nalang, lagi nalang ako nasasaktan, lagi nalang ako umaasa.

"Lintek naman kasi siy- FERI GISING KA PA! TULOG NA MAAGA KA PA BUKAS!" Natigilan siya sa pag sasalita dahil nahuli ata siya ni tita

"Gagi Azrel beh matutulog na ko ah promise babawi ako sayo bukas- ay mamaya pala 3:45 am na"

"HAHAHAHAHAH sige lang noh! Good morning! Salamat din sa pag tawag"

"Welcome always good morning din!"

*Beep *beep *beep

Skip time

"Azrel gising na!"

"Uy magagalit na si mama biles"

"Hoy buhay ka pa ba"

"Oo ate gising na jusme" ang ingay ni ate aga aga, ganito siya lagi, lagi niya kong ginigising kasi ayaw niya daw ako mapagalitan pero sa totoo lang kaya gusto niyang gumising na ko para may maasar siya lintek

"Baba ka na ah may food na don baka lumamig, umalis sila mama at papa" saad niya tiyaka lumabas

Tumayo muna ako at nag ayos ng buhok, di naman completely na ayos kasi tinatamad ako kaya pinusod ko lang

"Hoy azrel!" Muling sigaw ni ate mula sa baba

"Sadale potec!" Kaya naman nag madali na akong bumaba kasi tiyak raratratin nanaman ako ni ate.

"Sino nag luto?" Tanong ko habang kinakagat yung manok na nasa plato ko,

"Ako bakit? Masarap? Alam ko" sabi niya habang kumakain din sa harap ko, kaming dalawa lang ang kumakain dito dahil umalis si mama at papa,

"Hinde jusko di ko maintindihan kung adobo ba to o pininyahan" may pinya yung ulam pero di matamis di ko ma gets yung lasa

"Animal ka wag ka na nga mag salita kumain ka na diyan, nga pala aalis ako ah makikipag kita yung kaibigan ko ikaw ba di ka aalis?" Tanong niya habang kumakain pa din, kaya pala bihis na bihis siya ngayon

"Di ko sure eh busy mga kaibigan ko tiyaka di ko bet umalis, pero siguro mamaya maya ewan" saad ko, malapit lang sa amin ang mga mall at restaurant kaya kahit anong oras pwede ako umalis, yun nga lang tinatamad ako ngayon

"Ahhhhh sige pero pag di ka umalis kakatok nalang ako ah pag buksan mo ko ng pinto, pero kung aalis ka chat mo ko" sabi niya at tumayo upang ilagay ang pinag kainan niya sa lababo.

"K" tanging saad ko at nag patuloy na sa pag kain.

Skip time (2:34 pm)

Boring naman, habang nag sscroll sa mga apps ko sa phone ay nakita ko na meron pala akong twitter, kaya naman inopen ko, hindi talaga ko nag twitwitter dahil nag download lang naman ako nito para sa BTS dati kasi nag illegal concert ako eh sabi nila sa twitter daw may link kaya nag download ako.

0 followers 3 following

Walang laman ang twitter ko kung hindi puro lang retweet ng BTS, wala din akong profile picture, bio, at header, sobrang dry kaya nag open muna ako ng pinterest para maka hanap ng profile picture,

"Pfp"

"Pangit naman" bulong ko sa sarili ko, wala akong makita na matino, puro anime ang lumalabas pero di naman ako masyadong mahilig sa anime, ayoko naman na i profile picture yung mukha ko dahil mas lalong papangit yung account ko,

"Eto mas okay" may nakita akong babae na drawing, kahawig ko yung drawing kaya eto napili ko, mahaba ang buhok ng character tapos may eyebags HAHAHAHAHAHAH atleast kahawig ko,

Pag katapos ng ilang minuto ay natapos din ako, naayos ko na ang account ko, may header at profile picture na ko tapos meron na din akong bio,

"You can't change the alignment of the stars" sabi sa bio ko, oh diba ang ganda nakita ko lang yan sa tiktok.

Time check 3:23 pm, gagi tagal ko palang nag ayos ng walang kwentang bagay,

Tawagan ko kaya muna si Feri...

Hmmmmm....

Sige na nga.

*Krrrrng *krrrrng *krrrrrng

(On call)

"Feri beh" pag sisimula ko

"Ano, ano ganap oks ka lang?" Tanong niya saakin

"Yuhhh wala lang ako magawa kaya tumawag ako"

"Ahhhhh same boring dito samin"

"Yes wala si ate eh, nga pala naayos ko na twitter ko"

"Hala sige follow kita, ano username mo?"

"itlog na tuyo no space tas puro maliliit"

"Loko ka talaga, ge follow back idol"

*Feriaelle_ started following you

78k followers 12 following

Gagi famous pala to my gad binabatukan ko lang to

S

K

I

P

T

I

M

E

"Anak mag ready ka ng gamit uuwi tayo ng nueva ecija, umuwi na din tita Madie at tito Leo mo kaya doon muna daw sila para maka pag bakasyon manlang sabi umuwi din tayo" sabi ni mama galing sa baba, 6 pm na at kakatapos ko palang maligo, mahaba haba kasi ang pag kwekwentuhan namin ni Feri kanina kaya eto late na ko naka ligo, and dumating na din sila mama kani kanina lang, si ate naman nasa kwarto na niya

Hindi kami sobrang yaman pero may sapat na kwarto naman kami para sa aming lahat, meron din kaming dalawang guest room, sakto lang ang laki ng kusina at sala namin pero malinis at maayos ito, meron din kaming maliit na garden sa likod ng bahay namin, ang kwarto ko naman ay sakto lang din ang laki, meron akong sariling cr, maliit lang ang kama ko dahil di ko bet masyadong malaki, meron din akong study table pero di ko naman sa pag aaral nagagamit tapos sa tabi naman ng kama ko merong malaking bookshelf doon nakalagay lahat ng libro ko, wattad, librong mga di ko pa nababasa pero binili ko, at siyempre libro din para sa school.

Nag ready na ko ng damit na pang dalawang linggo, sabi kasi ni mama hindi daw sure kung kelan uuwi kaya mag dala daw ako ng maraming damit, traveling bag naman ang gamit ko kaya madami pang space,

Nag dala din ako ng tatlong pares ng sapatos na converse, chargers, camera, head phone, earphones, ear pods, (baka kasi masira kaya mas okay na kung meron akong back up, di ko kaya mabuhay ng walang music) tablet, at tatlong libro,

Nag kasya naman lahat ng gamit ko kaya pinunasan ko muna ang aking salamin at bumaba na, simple lang ang suot ko, black na tshirt at short pambahay lang ito dahil alam ko na pag dating namin doon ay diretso tulog lang ako, ang buhok ko naman ay naka pusod lang, mahaba kasi ang aking buhok at ayaw nila mama na gupitin ko ito kaya lagi nalang ako nag pupusod, init kaya dito sa pilipinas,

Si tita Madie at tito Leo naman ay mag asawa na best friend dati ni mama at papa, bale si tita Madie at mama ay dati nang mag kaibigan since highschool, tapos si papa at tito Leo naman ay since college kaya best friend silang lahat, pero nag Australia kasi sila tita Madie kaya di matagal na silang di nag kita, kaya naman excited si mama noong nalaman na umuwi na sila ng pilipinas.

♪Got the music in you, baby

Tell me why

Got the music in you, baby

Tell me why

You've been locked in here forever

And you just can't say goodbye♪

Apocalypse by Cigarettes after Sex, they're the best favourite ko yung mga kanta nila kasi bukod sa magada boses nila ay nakaka relax din ito, kaya naman tuwing aalis ako ng bahay or stress na ko sa buhay ay nag papatugtog lang ako ng kanta nila.

"Azrel" pabulong na sabi ni ate mula sa tabi ko, di ko siya pinapansin at nag kukungwaring tulog

"Hoy alam kong gising ka pa tigilan mo ko" di pa din ako kumikibo dahil gusto ko siya pag tripan

"Hoy wag ako, di ka kaya natutulog sa mga byahe"

"Ano ba kasi yon" pag suko ko, kilalang kilala talaga ko nitong taong to

"Wala bored lang ako, pa hotspot wala ako load" takte inabala ko sa ganoon lang

"Hanep wala akong load good night" sabi ko at muling tumalikod sakaniya, manigas siya diyan.