Chereads / Secret Agent: A Nerd in Disguise / Chapter 6 - Chapter 5:

Chapter 6 - Chapter 5:

Belle's POV]

Sports Feast na namin ngayon. Ang mga laro na gaganapin ngayong araw ay archery,swimming,soccer , chess,and track n field. While bukas ay volley ball,basket ball,table tennis,badminton and sepak takraw, kaya bukas pa kami maglalaro. Napagkasunduan namin na mag libot-libot na lang muna sa mga booths.

"San tayong booth ngayon?" tanong ni dylan. Magkasama kaming anim ngayon.

"Sa coffee booth" sabay naming sabi ni Haley.

"Sige don na lang" agree ni Symon.

Pumunta na kami agad sa coffee booth ng 1st year ABM.

mupo na kami sa pang-anim na upuan, agad naman kaming nilapitan ng isang babaeng nagseserve.

"Welcome to our coffee booth sir and ma'am" nakangiting sabi nito pero ang mata niya ay nakapokus lamang sa tatlong lalaking kasama namin. Ang sarap dukutin ng mata.

"Isang frappe nga" tugon ko.

"How about you sir?" tanong naman nito kay Dylan. Kaya napataas ng kilay ko. Ang landi.

"Frappe din" sagot ko  sa tanong nito. Napataas ang kilay niya at humarap uli kay Dylan.

"Yon na lang" sabi na lang ni Dylan pero hindi man lang pinasadahan ng tingin ni Dylan. Mabuti nga.

----

[Haley Sia's pov]

Pagkatapos naming umorder ay nagkanya kanya na kaming ginagawa. Sina Angelique at Cyril busy sa paglalaro ng criminal case, habang sina Belle at Dylan ay busy sa pag-aaway at ako busy kakatingin sa kanila alam niyo kung bakit wala akong makausap. Tinawag kasi kanina ng isang babae si Symon at may payakapyakap pa silang nalalaman. At doon pa sila umupo sa pinakagilid. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood at kumukulo ang dugo ko habang nagtatawanan ang dalawa at may pahampas hampas pa.

After nilang mag-usap ay umupo na siya sa harap ko at hindi lang naman kumibo. Kaya bigla akong tumayo.

"San ka pupunta?" tanong niya.

"Paki mo ba?" giit ko at lumipat  ng table malapit lang sa kanila baka iwan ako eh .Why I am acting like a jealous girlfriend.

Nang makaupo na ako hindi man lang ako tiningnan.

[Symon's Pov]

Habang nag-uusap kami ay may tumawag sa akin.

"Hey Z- Symon" bati pa nito at muntikan pang sabihin ang pangalan ko. Agad akong tumayo at nagexcuse sa kanila.

"Angela?" I asked my cousin, she's also an agent. Niyakap niya ako at umupo sa gilid ng coffee booth.

"Mission, btw while I am here you should call me Rea" she said.

"Paano mo nalaman ang disguise name ko?" tanong ko ulit.

"Sinabi nila Y at X" nakangiti niyang sabi.

"What? Nagkita na kayo?" ako.

"Yes, at sinabihan ko silang wag sabihin sayo" sagot pa niya.

"Eh ano ba nag mission mo?" tanong ko.

"Acting as girlfriend ng isang anak ng bilyonaryo na nag-aaral dito.. ang gwapo nga eh" siya sabay hampas. May pagkaisip bata din to eh.

"Tss" sabi ko na lang.

"Nga pala couz. ganda ni Haley ah, ayyiee" pang-aasar niya pa sabay tawa. Napangiti na lang ako sa kabaliwan niya.

"Yeah"  maikli kong tugon.

"So inlove ka na , ikaw ha" she teased me again.

"Tss, alis ka na nga" sabi sabay tayo at balik sa table namin.

Pagkaupo ko bigla kong naisip ang sinabi ng pinsan ko. Inlove na ba ako? Pero impossible at hindi ako pwedeng mainlove. Nabigla ako ng tumayo ng padabog si Sia.

"San ka pupunta?" tanong ko.

"Paki mo" giit pa nito. Sabay lumakad papunta sa kabilang table.

"Anong nangyari don?" tanong ni Belle.

"ewan ko" sagot ko.

"baka nagselos" tugon ni Dylan.

"Bakit naman siya magsselos?" tanong ko pa.

"Hindi ko din alam" sagot pa ni Dylan. Kaya na batukan tuloy ni Cyril.

"Sino ba yong kasama mo kanina?" tanong ni Angelique.

"Si Rea, pinsan ko" sagot ko. Tumingin ako sa gawi niya at biglang uminit ang ulo ko. Magkausap kasi sila ni LAnce at nagtatawanan, kanina parang wala sa mood ngayon patawatawa pa.

[Haley Sia's Pov]

"Hey" bat ni Lance.

'yo" bati ko din, wala ako sa mood eh.

"Bakit ka nandito nag-away ba kayo ng mga kaibigan mo?" he asked.

"Hindi, wala lang ako sa mood, nasaan mga kasama mo?" sagot ko. Napatingin ako sa kamao niyang may pasa.

"May laro sila ngayon eh" sagot niya.

"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ko, ngayon lang kami may maayos na usapan ni Lance kaya lubos lubusin ko na.

"Ito? nasuntok ko ang pader eh" siya sabay taas ng kamao niya.

"bakit mo naman sinuntok?" tanong ko sabay tawa.

"Tinesting ko lang kung matibay ang pader namin sa bahay" sagot niyang natatawa kaya tumawa ulit ako.

"Adik ka ba?" pabiro kong tanong  habang tumatawa parin.

"Edi sana na tokwang na ako" sagot niyang pabiro.

"oo nga noh" I said.

"First time kitang napatawa" seryoso niyang sabi.

"OO nga eh" sagot ko.

'Ahemm' may tumikhim sa likod ko kaya napaharap ako. At bumungad sa akin si Symon.

"Yes?" tanong ko. Why I am acting like a bitch towards him?

"Aalis na kami kung gusto mong sumama let's go, if you don't then stay with him" malamig niyang litanya, first time kong narinig na nanlamig ang boses niya.

Nagpaalam na ako kay Lance at sumunod sa kanya nauna siyang maglakad sa akin kaya sunod lang ako ng sunod.

Sa gym pala kami pupunta. Umupo ako sa tabi niya. Binigyan niya ako ng coke in can at fries, tapos humarap na sa naglalaro ng soccer. His cold. Bigla nalang akong nalungkot sa akto niya ngayon.

"Hey" I said to him. Pero hindi siya tumingin at parang nagbingi-bingihan.

"I'm sorry" he said after a minute.

"I'm sorry too" tugon ko.

Humarap na siya sa akin.

"Bakit ka pala lumipat ng table kanina?'' Tanong noya.

"hindi ko rin alam eh, eh ikaw bat ka bigla naging cold?"sabi ko. Alangan naman sabihin kong nagseselos ako. Diba?

"hindi ko rin alam" sagot niya.

"Gaya-gaya" sabi ko.

"hindi noh" natatawa niyang sabi.

"Nga pala sino yong babae kanina?" tanong ko.

"she's Rea ,Pinsan ko" siya.

"Ah ganda niya noh" i said.

"yeah, pero mas maganda ka" siya, namula uloy ako.

"Ano?" kunwari di ko narinig.

"wala, haha.. so close na kayo ni Lance?" he said.

"Hindi" tugon ko.

"Mabuti naman" sabi niyang mahina pero rinig ko naman, kaya nagkunwari na lang akong hindi ko narinig.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Feel ko lang humiga eh. Tumahimik na kami at nanood habang ang ulo ko ay nasabalikat niya parin.

---------------