Matapos ang mga naganap sa gusali ng Aguire Aegis Industries at sa Seladona Junior Science High School, isang panibagong umaga na naman ang dumating at abala ang lahat ng mga tao sa paghahanda para sa pagpasok sa kanilang mga trabaho at eskwela.
Gaya ng nakaugalian, maaga din nagising at naghanda para sa pagpasok sila Emily at Lucile.
Maglalakad na sana ang magkakapatid paalis mula sa gate ng kanilang bahay, nang lumabas din mula sa gate ng kanyang bahay si Lola Delia habang sakay at minamaneho ang paborito niyang Van.
Tsaka natutuwang tinawag ng matanda ang makakapatid para alukin sila na sumabay sa kanyang biyahe.
Delia: "Good Morning mga Iha."
Emily: "Good Morning po."
Lucile: "Good Morning din po, Madam."
Lola Delia: "Oh? Papasok pa lang kayo?"
Lucile: "Opo, Madam. Kayo po? Saan po ang lakad po ninyo?"
Lola Delia: "Pupunta lang ako, iha, sa kabilang bayan. Makikinood lang ako ng Mah Jong Tournament. Kung gusto niyo, sumabay na kayo sa akin para hindi na kayo mapagod sa paglalakad at makalibre pa kayo sa pamasahe."
Nang marinig nang magkapatid ang alok ng matanda, tila natuwa si Lucile.
Ngunit kinilabutan naman si Emily nang maalala nito kung papaano magmaneho ng sasakyan si Lola Delia noong sumama siya sa kanilang outing.
Kaya nag-isip ng paraan si Emily kung papaano siya makakatanggi sa alok ng matanda.
Ngunit walang ideya ang magkakapatid na nakasakay pala si Kit sa likod ng Van dahil na rin sa sarado at kulay itim ang mga bintana nito.
Emily: (Jusko! Hindi maganda ito! Kapag sumakay si Ate sa loob ng Van, siguradong pasasakayin din niya ako! Lalo na't kaskasero kung magmaneho ng sasakyan si Lola Delia! Kailangang makaisip ako ng ipapalusot para tanggihan ni Ate ang kanyang alok.)
Lucile: "Ay! Salamat po, Madam. Buti naman at-"
Emily: "Ate! Kailangan ko pa po muna magbanyo!"
Lucile: "Ha? Eh...pero inaalok tayo ni Madam ng libreng sakay. Nakakahiya naman kung tatanggihan lang natin siya."
Lola Delia: "Okay lang, Iha. Puwede ko naman kayong hintayin saglit kung kailangan na magbanyo ni Emily. Tsaka naman tayo aalis kapag nakabalik na ang kapatid mo."
Lucile: "Ah Opo. Tama po kayo. Pero nakakahiya naman po sa inyo kasi hihintayin niyo pa po kami."
Lola Delia: "Wala yun, Iha. Wala ka dapat ikahiya dahil kusa naman akong nag alok sa inyo na sumabay sa amin ng apo ko. Hindi ba Apo?"
Tumango naman si Kit mula sa likod na upuan ng Van matapos nitong marinig ang tanong ng kanyang lola.
Nagulat naman si Emily nang malaman niyang nakasakay pala si Kit sa likod.
Emily: "Ha?! Kasama po natin si Kit?"
Lola Delia: "Oo, Iha. Tsaka iha, akala ko ba kailangan mo nang gumamit ng CR?"
Emily: "Ah! O-Opo, k-kailangan ko na po muna magbanyo."
Lucile: "Bunso, kunin mo itong susi ng bahay. Tsaka pagkatapos mo magbanyo, pakitingnan mo kung may mga naiwan pa tayong bukas na Appliances at patayin mo rin para hindi tayo masunugan ng bahay."
Emily: "Opo Ate."
Sabay kinuha ni Emily ang susi na inabot sa kanya ng kanyang Ate at mabilis na naglakad papunta sa pinto.
Pumasok naman at sumakay sa Passenger seat si Lucile matapos siyang inalok ng matanda na sumakay na muna habang hinihintay si Emily, tsaka nag-uusap ang mga ito ng tungkol sa kung anong mga bagay.
Ngunit pagpasok ni Emily sa pinto ng kanilang bahay, agad siyang bahagyang sumilip sa bintana at nang makitang kasama ni Lola Delia si Lucile sa loob ng Van, tila napansin niyang walang epekto ang naisip niyang palusot at lalo pa siyang nangamba sa kahihinatnan ng kanilang buhay dahil na rin sa uri ng pagmamaneho ng matanda.
Emily: (Imbes na tanggihan namin ni Ate ang alok ni Lola Delia, mukhang lalo pa kaming napasubo ni Ate sa naisip kong palusot. Sa nakikita ko, mukhang katapusan na namin ni Ate sa oras na lumabas ako ng bahay. Pero male-late naman kami ni Kit sa School kapag nagtagal ako sa loob ng bahay para magkunwari na nag-CR. Haaaay...mukhang wala na akong magagawa. Kailangan ko na nanaman danasin yung makabuwis-buhay na pagmamaneho ni Lola Delia.)
Dahil wala nang magagawa pa si Emily para iwasan ang pagsakay sa Van ng matanda, tinanggap na lang nito ang alok at makalipas ang limang minutong pagkukunwaring paggamit sa banyo, muli niyang kinandado ang pinto ng kanilang bahay.
Tsaka siya naglakad palabas ng kanilang gate at pumasok sa loob ng Van kung saan nanghihintay sila Lucile at ang maglola.
Pagpasok ni Emily, agad siyang umupo sa tabi ni Kit at malungkot niya itong binati.
Emily: "...Good Morning, Kit..."
Kit: "...Magseat belt ka Emily..."
Emily: "...Oo. Alam ko."
Sabay lagay ni Emily ng kanyang Seat belt sa kanyang katawan habang tinititigan lang siya ni Kit ng nakasimangot.
Maya't maya, tinanong sila ng matanda.
Lola Delia: "Aalis na ba tayo?"
Lucile: "Opo, Madam! Paandarin niyo na po ang sasakyan."
Lola Delia: "Okay! Lalarga na tayo!"
Agad pinaandar ni Lola Delia ang kanyang Van, tsaka niya ito pinaharurot.
Wala namang ideya si Lucile sa kung paano magmaneho ng sasakyan ang matanda at natutuwa pa ito sa bilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan, habang pinagmamasdan ang mga bahay ng kanilang mga kapit-bahay sa kanang bintana.
Ngunit kinakabahan naman si Emily sa kanyang upuan at mahigpit ang kanyang pagkakakapit sa kanyang Seat belt.
Samantalang, balewala lang kay Kit ang pagmamaneho ng kanyang lola at nakatingin lang ito ng diretso sa harap nang nakasimangot.
Hanggang sa biglang inapakan ni Lola Delia ang preno sa hindi malamang dahilan at halos mapasubsob naman ang magkapatid sa kanilang harap.
Dahil dito, agad tinanong si Lucile ang naturang matanda.
Lucile: " Madam! Ano pong nangyari? Bakit bigla po kayong huminto?"
Lola Delia: "Iha, tumingin ka sa harap. makikita mo kung bakit?"
Agad tumingin sa harap si Lucile. Ganun na rin sila Emily at Kit dahil nagtataka sila kung bakit biglang ihininto ni Lola Delia ang kanyang sasakyan.
Hanggang sa nagulat na lang sila sa kanilang nakita nila.
Emily: "A-Ano ang mga iyan?"
Kit: "...Mga Pabo..."
Emily: "Mga Pabo?"
Kit: "...Hindi ka pa ba nakakakita ng mga Pabo sa buong buhay mo?..."
Emily: "Ah...ehh... Siyempre nakakita na rin ako ng mga Pabo noon!"
Kit: "...Saan naman?..."
Nang tanungin ni Kit si Emily kung saan ito nakakita ng Pabo, biglang nahiya at humina ang kanyang boses.
Emily: "Uhmm....Ehh.... Sa...."
Kit: "...Saan?..."
Emily: "Sa.... T..V..."
Kit: "....Sus Ginoo...." (...Mukhang may pagka-ignorante din pala etong si Emily. Malamang pati dumi ng Kalabaw, hindi din niya alam.)
Hanggang sa mabalik ang kanilang usapan sa mga Pabo matapos magtanong ni Lucile.
Lucile: "Teka? Saan galing ang grupo ng mga Pabo diyan sa harap?"
Lola Delia: "Wala akong ideya, Iha. Pero isa lang ang alam ko, sagabal sila diyan sa daan. Kaya bubusinahan ko nang magsi-aalisan sila diyan sa harap."
Kit: "....." (Pagmamay-ari siguro iyan ng isa sa mga kapit-bahay. Siguro nakalimutan na naman nilang isara yung gate ng kanilang bakuran.)
Agad ginawa ni Lola Delia ang kanyang naisip na paraan ng pagpapalayas at binusinahan ang grupo ng mga Pabo.
Pero imbes na magsialis ang mga ito, lalo pang nanatili sa gitna ng kalsada ang mga Pabo.
Kaya nainis ang matanda tsaka nito pinaulit-ulit na binusinahan ang mga ito.
Ngunit kada pindot sa busina ni Lola Delia, sinasabayan naman ng pagkurukok ng mga ito ang busina ng sasakyan.
Grupo ng mga Pabo:
Lola Delia (irrirated): "Hoy! Magsilayas kayo diyan!! Mga inutil na nilalang!"
Lucile: "M-Madam? Sa tingin ko po, hindi po nila naiintindihan ginagawa niyo pong pagbusina."
Emily: "Oo nga po, Lola. Mukhang tama po ang sinasabi ni Ate."
Lola Delia: "Mga iha, naiintindihan nila iyan. Kailangan ko lang sigurong lakasan at biglaing pindutin ang busina. Sigurado ako, aalis na ang mga iyan sa gitna."
Kit: "...Lola. ...Hindi po yan magandang ideya.."
Lola Delia: "Apo, yun ang pinaka-effective na idea. Kaya konting pihit lang dito sa Volume ng busina at..."
Sabay pinindot ni Lola Delia ang busina ng kanyang sasakyan.
Ikinagulat naman nina Emily at Lucile ang sobrang lakas na busina ng sasakyan na siyang dahilan para takpan ng kanilang mga kamay ang pareho nilang mga tenga, at halos marinig naman kabilang kanto ang tunog ng busina.
Ngunit lalo pang nagulat sila Lola Delia at ang magkakapatid nang sabihin ni Kit ang nangyari sa mga Pabo, matapos itong businahan ng kanilang sasakyan.
Kit: "Lola. Itigil niyo na po iyan."
Lola Delia: "Bakit naman, Apo? Nagsialisan na ba yung mga Pabo sa harap?"
Kit: "Hindi po. Pero patay na po ang mga Pabo"
Lola Delia (shocked): "Ha?!"
Emily: "Kit! Totoo ba yan sinabi mo?!"
Lucile: "A-Alin yung namatay?!"
Agad itinigil ni Lola Delia ang pagpindot sa busina ng kanyang sasakyan, tsaka siya tumingin sa harap.
Tumingin din sa harap ng Van ang magkapatid at maging sila ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita.
Lucile: "S-Sandali? Bakit nakabulagta na sa kalsada yung grupo ng mga Pabo kanina?"
Lola Delia: "Aba? Malay ko, Iha. Wala din akong ideya kung bakit sila nagtumbahan diyan."
Kit: "....Lola. ..Patay na po sila."
Lucile: "Patay na sila?!"
Emily: "Ha? Paano naman nangyari yun, Kit?"
Lola Delia: "Oo nga, Apo? Paano naman sila natigok kung pagbubusina lang ng malakas ang ginawa ko?"
Kit: "...Lola, Guys, ganito kasi. Kaya ko po nasabi kanina na hindi maganda ang naisip niyo pong gawin ay dahil-"
Ipapaliwanag na sana ni Kit sa kanyang mga kasama kung bakit biglang namatay ang mga Pabo nang biglang dumating ang tunay na nagmamay-ari sa grupo ng mga Pabo at hinahanap ang mga ito.
Maging ang may-ari ay nagulat din nang madatnang nakahandusay sa kalsada ang Dalawampung Pabo na kanyang alaga.
Mang Saroy (annoyed): "Mga walang hiya! Anong ginawa niyo sa mga Pabo ko?!"
Lola Delia: "Saroy?! Ikaw ang may-ari sa mga Pabong iyan?!"
Mang Saroy: "Nauna akong nagtanong, Delia! Kaya sagutin mo ang itinatanong ko!"
Lola Delia: "Siyempre, binusinahan ko ng pagkalakas-lakas para umalis sila diyan sa gitna ng daan!"
Nang marinig ni Mang Saroy ang sinabi ni Lola Delia, nakaramdam ito ng inis at napakamot na lang ito ng ulo.
Tahimik namang nakikinig sila Kit at ang magkakapatid sa sagutan ng dalawang matatanda.
Mang Saroy: "Jusko naman, Delia! Ba't mo ginawa yun?!"
Lola Delia: "Eh nakaharang nga yan mga lintik mong mga Pabo diyan sa gitna ng kalsada! Alangan namang sagasaan ko yan mga alaga mo?!"
Mang Saroy: "Mas mabuti na yun dahil kahit papano may matitira pa sa kanila! Kaso pinatay mo na lahat!"
Lola Delia: "Oy! Oy! Oy! Saroy! Wala akong pinapatay dyan sa mga alaga mong hayop! Dahil ang ginawa ko lang ay businahan sila ng pagkalakas-lakas para tumabi sila diyan sa daan!"
Mang Saroy: "Eh yun na nga ang punto! Na-atake silang lahat sa puso dahil sa lakas ng pagbubusina mo! Hindi mo ba alam na madaling mamatay ang mga Pabo kapag ginugulat sila gamit ang malakas na tunog?!"
Lola Delia: "ABA?! Malay ko bang may sakit sa puso yan ang mga alaga mo?! Tsaka kung alam mong madali pala silang mamatay nang dahil lang sa malakas na tunog, bakit pinabayaan mo pang magpagala-gala sa labas ng kulungan yan ng mga Pabo mo?!"
Mang Saroy: "Eh malay ko din bang pinabayaan nung mga irresponsable kong mga apo na iniwang bukas yung pinto ng kulungan!"
Lola Delia: "Ang sabihin mo, Saroy! Ikaw ang naging pabaya! Isinisisi mo nanaman sa mga Apo mo yung na dapat sana'y responsibilidad mo! Sigurado ako, nakipagkwentuhan ka nanaman dun sa mga lasenggo, at nakalimutan mo na namang isara yung pinto ng kulungan, pagkatapos mo silang pakainin!"
Hanggang sa nagsumbatan na nang tuluyan ang dalawang matatanda at nauwi na naman sa pag-ungkat ng nabaon nilang mga alitan noong una silang naging magkapit-bahay.
Dahil dito, biglang ina-alis ni Kit ang kanyang Seat belt sa katawan at binuksan ang pinto ng Van para bumaba.
Agad namang nagtanong si Emily nang makita niya ito.
Emily: "Kit, saan ka pupunta?"
Kit: "....Maglalakad na."
Lucile: "Kit, hindi mo ba aawatin ang Lola mo sa pakikipag-away kay Mang Saroy?"
Kit: "....Ate Lucile, sa oras na magsimula nang mag-away ang dalawang iyan, aabutin lang po kayo ng hapon sa paghihitay sa kanila. Kaya kung ako po sa inyo, maglakad na lang din po kayo."
Sabay baba ni Kit ng Van at naglakad sa sidewalk, palayo sa lokasyon ng mga nag-aaway na matanda.
Agad din naman ina-alis ng magkakapatid ang kanilang Seat belt at bumaba na rin sa sasakyan, tsaka nila sinundan si Kit para sabayan ito sa paglalakad.
Emily: "Kit! Sandali! Hintayin mo kami ni Ate!"
Hinintay naman ni Kit ang magkakapatid, at nang maabutan nila ito, tsaka sila sabay na naglalakad papunta sa Downtown.
Habang naglalakad, napansin ni Lucile na medyo mahuhuli ito sa kanyang trabaho.
Kaya pagdating nila sa terminal ng mga Tricycle, agad siyang nagpaalam kila Kit at Emily.
Lucile: "Kit, Bunso, sasakay na ako ng Tricycle. Baka kasi mahuli pa ako sa trabaho kapag naglakad pa ako."
Kit: "Opo, Ate Lucile. Mabuti pa nga po."
Emily: "Ingat po kayo, Ate. Kita na lang po tayo mamaya sa bahay."
Lucile: "Oo, Bunso. Mag-ingat din kayo sa paglalakad."
Tsaka sumakay ng Tricycle si Lucile at agad naman umalis ang sasakyan.
Nagpatuloy naman sa paglalakad sina Kit at Emily papunta sa kanilang paaralan.
Habang naglalakad, nakasabay nina Emily at Kit ang ilang mga estudyante na papunta palang sa kanilang paaralan.
Kabilang si Nina sa mga estudyante at agad silang nilapitan nito, matapos silang makita.
Nina: "Good Morning, Emily."
Emily: "Good morning din, Nina.
Nina: "Nakakapanibago ata, Emily. Ngayon ka lang naglakad."
Emily: "Oo, Nina. Kasi kasabay ko si Kit sa paglalakad?"
Nina: "Si Kit?"
Emily: "Oo. Andyan nga siya sa liko-.."
Paglingon ni Emily sa kanyang likod, nagulat na lang siya nang maglaho ito na parang bula at hindi mahagilap sa kanyang paligid.
Napakamot naman ng ulo si Nina dahil sa inaakalang kasama ni Emily si Kit.
Emily: "Pambihira! Saan naman nagpunta ang lalaking yun?! Ni hindi man lang magpaalam kung may pupuntahan siya?!"
Nina: "Emily, hindi ka na nasanay kay Kit. Hindi nga natin siya namamalayan kung bigla siyang susulpot sa ating tabi, sa biglaang pag-alis pa kaya nang walang paalam?"
Emily (sighs): "Kung sabagay, may punto ka sa sinabi mo, Nina."
Nina: "Total tayo na ang magkasama, sabay na tayong maglakad papunta sa School."
Emily: "Oo, Nina. Mabuti pa nga." (Pero saan naman kaya nagpunta si Kit?)
Dahil hindi na kasama ni Emily si Kit sa paglalakad, sabay na lang sila ni Nina sa pagpasok sa paaralan.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Emily, hindi niya namalayang biglang huminto si Kit at naglakad matapos nitong makita ang isang maliit na Coffee Shop o Café malapit sa kalsada.
Pagpasok sa kakabukas lang na Café, agad siyang binati ng isa sa may-ari, ngunit pamilyar din kay Kit.
Nagulat din naman ang bumati kay Kit nang makita niya ito sa loob ng Café.
Ivy: "Good Morni-! Kit?! Anong ginagawa mo dito?!"
Kit: "...Pabili ako ng isang Mocha, 8 oz cup."
Ivy: "Okay. Isang 8 oz na Mocha. Coming right up! Tsaka umupo ka muna sa Table 1 habang hinihintay mo yung Mocha."
Kit: "..Sige.."
Ivy: (Bakit sa lahat pa ng magiging customer namin sa umaga, ito pang lalaking ito?)
Nang sabihin ni Kit ang kanyang pakay sa pagpasok sa Café, agad pumunta sa Counter si Ivy at sinabihan ang Barista na siya palang kanyang Tatay.
Sinunod naman ni Kit ang sinabi sa kanya ni Ivy at umupo sa isang silya ng Table 1 habang hinihintay ang tinitimpla nitong inumin.
Muli namang bumalik si Ivy sa mesa kung saan nakaupo si Kit at umupo din ito sa kanyang harap, tsaka niya ito tinanong.
Pero habang nagtatanong si Ivy, pinakita pa rin ni Kit ang blangko, pangkaraniwan at nakasimangot nitong mukha.
Ivy: "Oy.. Kit. Paano mo nahanap itong Coffee shop namin?"
Kit: "....Nakita ko lang..."
Ivy: "Nakita mo lang?"
Kit: "..Oo.."
Ivy: "Paano mo naman nakita? Eh iilang tao lang ang nakakakita sa pwesto namin."
Kit: "...Nabasa ko yung karatula sa labas. ...Kaso nga lang..."
Ivy: "Kaso anu?"
Kit: "...Hindi tugma ang pagkaka-design."
Agad nainis si Ivy matapos sabihin ni Kit na hindi tugma ang design ng karatula sa kanilang negosyo at iniisip niyang pangit ang tingin nito sa naturang bagay.
Kaya agad niyang pinagsabihan si Kit.
Ivy: "Sinasabi mo bang pangit ang Design ng karatula namin, Kit?! Para sabihin ko sayo, ang Papa ko ang nagdesign sa karatula nitong Café! At siya din ang pinakamagaling na Lettering Artist noong nag-aaral pa siya ng Fine Arts!"
Lalong napasimangot si Kit matapos siyang akusahan ni Ivy.
Kaya ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit nasabi niyang hindi tugma ang karatula nila Ivy.
Kit: "...Ivy. Wala akong sinabing pangit ang pagkakadesign ng inyong karatula. Ang sinabi ko lang, hindi tugma ang pagkaka-design sa karatula."
Ivy: "Eh di sinasabi mo ding pangit ang pagkaka-design namin sa karatula! Kasi sinasabi mong hindi tugma!"
Kit: "Ang sinabi ko, hindi tugma. Wala akong sinabi na pangit. Sa katunayan, nababasa ko pa nga ng malinaw."
Ivy: "Kung nababasa mo naman pala ng malinaw, eh ano pa ba ang problema mo sa karatula namin?!"
Kit: "...Yung design.."
Ivy: "Ano nga bang problema mo sa Design?!"
Kit: "...Pang Punerarya.."
Ivy: "Pang Punerarya?!"
Kit: "...Oo.."
Nagalit si Ivy nang sabihin ni Kit na itsurang pang Punerarya ang nakalagay na karatula sa harap ng kanilang Café at iniisip niyang iniinsulto lang siya nito, kaya nakipagtalo pa siya rito.
Samantalang blangko at nakasimangot pa rin si Kit.
Ivy (annoyed): "Kit, nang iinsulto ka ba?! Hindi magdedesign ang Papa ko ng pang-Puneraryang karatula!"
Kit: "....Kung ayaw mo maniwala, lumabas ka at tignan mong mabuti. Tsaka hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala man lang isang customer ang pumapasok sa Café ninyo?"
Natigilan si Ivy matapos sabihin ni Kit ang kanyang katwiran at tila may punto ang kanyang sinabi.
Kaya tumayo si Ivy sa upuan, tsaka ito naglakad palabas ng Café at binusisi nyang mabuti ang kanilang karatula.
Ivy: (Hmmm....kung titignan mo ng mabuti, okay naman ang pagkakadesign ah! Nang iinsulto naman ata itong Abnoy na to!)
Hanggang sa may mapadaang mga Elementary students na papasok pa lang sa paaralan at naamoy ang kapeng tinitimpla sa loob ng Café.
Elem. Student1: "Hmmm! Ang bango! Amoy Kape!"
Elem: Student2: "Oo nga eh. Kaso galing naman dyan sa Punerarya."
Elem. Student3: "Mahilig ba magkape yung Imbalsamador dyan?"
Elem. Student2: "Siguro. Kasi kung minsan kapag napapadaan ako, wala akong maamoy na kape."
Elem. Student1: "Tsaka bakit amoy ng Kape ang laging naamoy diyan? Yun na ba ang bagong pabango nila sa patay?"
Elem. Student3: "O baka sinusunog nila yung patay tapos hinahaluan ng Kape para hindi mangamoy patay?"
Elem. Student2: "O kaya sinusunog yung patay tapos yung abo, ginagawang Kape nung Alien na Imbalsamador?!"
Elem. Student1 (disgusted): "EEEEWWW!"
Elem. Student3 (disgusted): "YUCK! Kadiri!"
Elem. Student2: "Mabuti pa, lumayo na lang tayo diyan sa Punerarya. Baka painumin pa tayo nung Alien na Imbalsamador!"
Hanggang sa naglakad ng mabilis ang mga bata dahil sa inaakalang isang Alien ang may-ari sa shop nila Ivy.
Hindi naman mawari ang nararamdamang inis at pagkahiya ni Ivy matapos marinig ang opinyon ng mga napadaang mga bata sa kanilang Café.
Hanggang sa maisip niyang nagsasabi nga ng totoo si Kit.
Kaya muli siyang pumasok sa loob ng Café at sabay upo sa harap ni Kit ng nakasimangot at nagHead-desk sa mesa.
Agad naman siyang kinausap ni Kit siyang makita nito.
Kit: "....Naniniwala ka na?.."
Sumagot naman si Ivy na parang nanghihina at hindi matanggap ang katotohanang sinabi ni Kit.
Ivy: "..Oo. ...Tama ka sa sinabi mo. Punerarya pa nga ang tingin nung mga bata kanina dito sa Café. Kaya pala wala man lang customer na gustong pumasok."
Kit: "...Tanggapin mo na kasi na hindi tugma yung Design sa business niyo."
Ivy: "Buwisit ka talaga, Kit. Dumagdag ka pa."
Kit: "....Bakit?...Break na ba kayo ni Jackson?"
Ivy (irrirated): "Hindi talaga kami mag-JOWA ni Jackson! Kaya tumahimik ka nga!"
Na intriga si Kit nang sabihin ni Ivy na hindi sila magjowa ni Jackson.
Magtatanong sana si Kit nang tumunog ang bell sa Counter.
Ito'y hudyat na tapos ng timplahin nang Barista ang inorder nitong inumin.
Kaya tumayo si Ivy at kinuha ito mula sa Counter, tsaka din siya bumalik at nakasimangot na ibinigay kay Kit.
Ivy: "...Eto na yung order mo. ..Enjoy your day.."
Aalis na sana pabalik sa kusina si Ivy dahil sa inis at pagkadismayang kanyang nararamdaman, nang ipinilit pang magtanong ni Kit.
Kit: "..Ivy, hindi ka ba papasok sa School?"
Ivy: "Hindi. At wala ka nang pake!"
Kit: "....Ivy....Pa-Order pa ako ng Blueberry Cheesecake."
Dito na sumabog sa inis si Ivy at kanyang nilapitan si Kit.
Ngunit blangko pa rin ang naging reaksyon nito kay Ivy.
Ivy: "...Abnoy! Anu bang problema mo ha?! Ba't di mo na lang pinagsabay yung order mong Mocha at Blueberry Cheese Cake kanina?! Tsaka nakakainsulto ka na ah!"
Kit: "....Mag-usap tayo."
Ivy: "At bakit naman ako makikipag-usap sayo?!"
Kit: "....Dahil may pinoproblema ka sa School. Halata naman sa sinabi mo na ayaw mong pumasok."
Ivy: "Eh ano ngayon kung may problema ako?! Ano bang pakialam mo?!"
Kit: "....Kailangan mong ilabas yan."
Ivy (irrirated): "Kit! Sino ka ba sa akala mo?! Kaklase lang kita at hindi tayo close sa isa't isa! Kaya umalis ka na nga!"
Kit: .....Hindi....Pero may bago ka nang tagapakinig ng problema. Kaya.. mananatili ako dito hangga't hindi mo sinasabi ang problema mo."
Lalo pang nainis si Ivy nang sinabi ni Kit na hindi siya aalis hangga't hindi niya sinasabi ang kanyang tinatagong problema.
At dahil ayaw umalis ni Kit, nagdagdag pa ito ng isa pang slice ng blueberry cheesecake bilang patunay sa kanyang sinabi.
Padabog namang bumalik sa Counter si Ivy at sinabi ang dalawang slice ng blueberry cheese cake sa kanyang tatay.
Kalauna'y pinili na lang ni Ivy na umupo sa harap ni Kit matapos matanggap ang dalawang slice ng Blueberry cheesecake na inorder nito.
Ivy: "Eto na yung order mo."
Kit: ".....Sayo na yung isa."
Ivy: "Umorder ka ng isa pang Blueberry Cheese cake para lang ibigay sa akin?!"
Kit: "....Oo."
Ivy: "Sira ka ba?! Alam mo bang araw-araw akong nakakakain niyan dito?!"
Kit: "....Alam ko.."
Ivy: "Bakit ka pa nag-order kung alam mo pa lang nakakakain ako lagi niyan?!"
Kit: ".....Gusto kong marinig kung ano ang problema mo, Ivy. Kung bakit ayaw mong pumasok at kung bakit mo nasabing hindi kayo ni Jackson?"
Ivy: "Ha?! Gusto mong malaman ang mga bagay tungkol sa personal kong buhay?!"
Kit: "....Oo.."
Ivy: "Pambihira! May pagka-tsimoso ka din palang Abnoy ka?!"
Kit: "....Bahala ka kung anong gusto mong maging tingin sa akin? Basta makikinig lang ako sa kwento mo."
Sabay inabot ni Kit ang kanyang inumin at simisip ng konti, tsaka niya ibinalik ang tasa sa mesa.
Sunod naman niyang ginawa ay dumukot ng maliit na piraso ng Cake gamit ang kutsara at tinikman ito sabay balik sa platito at hinihintay na magkuwento si Ivy.
Dahil mapilit si Kit at seryoso din ito sa kanyang sinabi, wala nang nagawa si Ivy kundi ang mapabuntong-hininga at isa-isang sinagot ang mga tanong na gustong malaman ni Kit.
Ivy: "Hay.... Sige, suko na ako. Kung mapilit ka, sasagutin ko na ang mga tanong na gusto mong malaman."
Tumango lang si Kit bilang pagsang-ayon habang pakonti-konti nitong kinakain ang kanyang Blueberry Cheesecake.
Ilang sandali pa, nagsimula nang magkuwento si Ivy.
Ivy: "Unang-una, kaya ayaw kong pumasok dahil walang katulong ang Papa ko dito sa Café. At pangalawa, hindi talaga kami magjowa ni Jackson dahil gusto lang niyang sumama sa aming tatlo nila Ruby at Samantha."
Kit: "....Ibig sabihin, bakla si Jackson?."
Ivy: "Kit, hindi siya bakla! Kaya lang siya sumasama sa amin kasi malakas manakot at makapanlait ni Ruby. At para kay Jackson-"
Kit: "Oportunidad yun para magpakita ng lakas sa ibang estudyante."
Ivy: " Oo. Tama ka, Kit."
Kit: ".....Pero bakit magjowa ang tingin sa inyo ng ibang Estudyante?"
Ivy: "Si Jackson kasi ay pinsan ko. Kaya ko siya laging nakakasama ay dahil kada uwian ng tanghali, nakikikain siya dito sa pwesto. Akala naman nang lahat ay Jowa ko na siya."
Kit: ".....So pinsan mo pala siya."
Ivy: "Oo."
Kit: ".....Alam ba ni Ruby na pinsan mo si Jackson?"
Ivy: "Oo. Pero pinayuhan ako ni Ruby na magpanggap kaming magJowa para matakot sa amin yung ibang estudyante at nakisama naman si Jackson."
Kit: "Mas mabuti kung sinabi mo na lang ang totoo."
Ivy: "Paano mo naman nasabi?"
Kit: .....Kung sinabi mo sa lahat na pinsan mo si Jackson, hindi kayo ituturing ng lahat na magjowa."
Ivy: "Kung sabagay, may punto ka Kit."
Kit: "...Tsaka walang magtatangkang mangugutya sayo kapag alam ng lahat na kamag-anak mo si Jackson dahil alam nilang isusumbong mo sila at lagi kang niyang ipagtatanggol."
Ivy: "Oo. May punto ka nga, Kit. Kaso, huli na eh. Tingin ng lahat, magjowa kami ni Jackson."
Biglang nanahimik, tumigil sa pagkain at tumitig sa Cake si Kit matapos sabihin ni Ivy na huli na ang lahat para ayusin ang tingin sa kanila ng mga estudyante nang pinsan niyang si Jackson.
Walang ideya si Ivy na nag-iisip na pala ng paraan si Kit at makalipas ang ilang segundo, nagsalita na ito.
Kit: "....May solusyon pa naman."
Ivy: "Ha? Solusyon?"
Kit: "....Oo.."
Ivy: "Kit, anong ibig mong sabihin?"
Kit: "...May solusyon pa para maiba ang tingin sa inyo ng mga estudyante."
Kumulubot ang mga kilay ni Ivy sa sinabi ni Kit na may solusyon pa sa maling akala ng mga estudyante at iniisip niyang nagbibiro lang ito. Kaya muling niyang tinanong si Kit.
Ivy (puzzled): "Aaat? Ano naman ang naiisip mong solusyon?"
Kit: "....Ipaalam mo sa lahat na Break na kayo ni Jackson..."
Bahagyang naguluhan si Ivy sa solusyong sinabi ni Kit, hindi dahil sa sinabi nitong i-Break si Jackson.
Kundi dahil sa katotohanang sinabi kanina ni Ivy na nakikikain si Jackson sa kanilang Café sa tuwing umuuwi sila sa tanghali at bihira silang makita ng mga estudyante na hindi magkasama.
Kaya agad kinuwestyon ni Ivy ang naisip na solusyon ni Kit.
Ivy: "Kit, parang may nakaligtaan ka ata sa sinabi ko kanina."
Kit: ".....Anu naman yun?"
Ivy: "Nakalimutan mo na ba? Sinabi ko kanina na laging nakikikain si Jackson dito sa pwesto kada uwi natin sa tanghali."
Kit: "....Alam ko. At sinasabi mong mapapasabay ka rin kay Jackson sa pagpasok sa Eskwelahan at iisipin pa rin ng mga estudyante na magjowa pa rin kayo."
Ivy: "Naiintindihan mo naman pala yung sinabi ko kanina! Bakit pagpapalabas na break-up namin ni Jackson ang naisip mong solusyon?"
Kit: ".....Dahil yun ang tamang solusyon."
Ivy: "Ha? Paano?"
Kit: "....Huwag kang sumabay sa kanya."
Ivy: "Eh papano naman ako hindi sasabay na umuuwi din ako sa Café para mananghalian?"
Kit: "....Kila Emily ka sumabay makikain."
Ivy: "Ha?! Eh.... I-Imposible yun!"
Kit: "...Bakit naman?.."
Sandaling nanahimik si Ivy matapos imungkahi ni Kit na makikain ito sa grupo nila Emily sa tanghali.
Ngunit hindi ito magawa ni Ivy dahil na rin sa mga nagawa nitong kasalanan na dulot ng pangbubully sa mga ito. Kung kaya't hindi niya ito magawa.
Ivy: "Imposible yan, Kit. Hindi porket, nagawa nilang maging kaibigan si Ruby ay puwede na rin akong pumasok sa kanilang grupo at basta na lang akong makipagkaibigan sa kanila na parang wala akong ginawang kasalanan."
Kit: ".....So nahihiya kang makipagkaibigan sa kanila?"
Ivy (ashamed): "...Oo.. Hiyang-hiya ako sa sarili ko..."
Nagkaroon ng konting katahimikan sa pagitan nina Kit at Ivy.
Hanggang sa maisip ni Kit na ubusin ang kanyang kinakaing Cake.
Nang makita ito ni Ivy, tatayo at babalik na sana siya sa kusina, dala ang Blueberry Cheese cake na inorder para sa kanya ni Kit para irefund.
Ngunit agad naubos ni Kit ang kanyang kinakain na Cake at Mocha tsaka niya pinigilan si Ivy.
Kit: "....Ivy, tapos na ako kumain."
Ivy: "Te-Teka?! Ba't ang bilis mong kumain?!"
Kit: "Hindi na yun importante. Pero hinihiling ko na pumasok ka sa School ngayon."
Ivy: "Pumasok sa School?! Ba't naman ako papasok?!"
Kit: ".....Kailangan mong pumasok."
Ivy: "Hindi nga pwede! Kasi-"
Kit: ".....Walang kasama ang tatay mo dito sa Café. ...Alam ko."
Ivy: "Alam mo naman pala! Ba't ba pinipilit mo akong pumasok sa School?!"
Kit: "....Dahil may kakilala akong tao na maaaring tumulong sa inyo at bilang pamalit na rin sa isa niyo pang kasama dito sa Café. Marunong din siyang magtawag ng mga Customer at marami din siyang alam na pakulo. Tsaka kahit bayaran niyo siya ng konting sahod, okay lang sa kanya. Kasi mukha naman siyang mayaman."
Ivy: "Sandali nga?! Wala naman akong sinabing nangangailangan kami ng tauhan dito sa Café! Tsaka.... paano mo nalamang may isa pa kaming kasama?!"
Kit: ".....Dahil dalawang taon nang wala ang nanay mo."
Nagulat si Ivy nang marinig ang sinabi sa kanyang ni Kit at siya'y lubhang kinilabutan.
Hindi mawari ang kanyang naging reaksyon kung magagalit ba siya, malulungkot o iiyak.
Hanggang sa mahimasmasan niya ang kanyang sarili at tinanong si Kit.
Ivy: "K-Kit... Pa..paano mo nalamang... wala na ang nanay ko..?"
Bahagya ding nanahimik si Kit sa itinanong sa kanya ni Ivy.
Hanggang sa sinagot niya ito ng seryoso.
Kit: "...Dalawang taon na ang nakalipas, nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa Downtown dahil nawalan ng preno ang isang rumaragasang Truck na may dalang mga naglalakihang ng mga bato galing sa bundok. Nung mga panahong iyon, nakahinto sa mismong maliit na tulay ang isang blue na Mini Cooper na may isang lalaking sakay, isang maroon na Corola na may mag-asawang sakay, Tricycle na ang driver ay matandang lalaki at pasaherong babae, at isang puting Scooter na may Café box sa likod at minamaneho ng Rider na kalaunan din ay nalaman ng Forensics na isa palang babae. At ang mga sasakyang ito, sila ang nabiktima nung rumaragasang Truck."
Muling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan ng dalawa matapos sabihin ni Kit ang eksaktong mga sasakyan na sinasakyan ng mga biktima bago sila banggain ng Truck sa nangyaring insidente sa Downtown, dalawang taon na ang nakakaraan.
Bumigat naman ang pakiramdam ni Ivy nang marinig ang sinabi ni Kit.
Ilang sandali pa, muling nagpatuloy si Kit sa kanyang sinasabi.
Kit: ".....At base na rin sa aking mga sinabi, nanay mo ang sakay ng puting Scooter. Tama ba, Ivy?"
Malungkot na sinagot ni Ivy si Kit at tumango siya bilang pagsang-ayon.
Nagpatuloy pa rin naman si Kit matapos nitong sumagot.
Ivy: "...Tama ka sa sinabi mo, Kit."
Kit: "....Dahil diyan, iminumungkahi ko na gawin niyong Waiter o kung anuman yung taong kakilala ko na magtratrabaho dito sa Café. Para naman makapasok ka na sa School."
Muli na naman nainis si Ivy nang mabaling ang kanilang usapan sa muling pamimilit sa kanya ni Kit na pumasok sa Eskwelahan.
Ivy: "Teka nga?! Matapos mo akong kwentuhan tungkol sa nangyaring trahedya noon, kukumbinsihin mo na naman akong pumasok sa School?!"
Kit: "...Oo.. At kung nandito man ang nanay mo, hindi siya matutuwa sa ginagawa mo."
Ivy (mad): "Huwag mong isali ang nanay ko sa pinag-uusapan natin! At alam mo ba kung gaano kabigat sa loob ko yung maungkat ulit yung kuwento tungkol sa nangyaring trahedya noon?! Sobrang sakit at bigat nun sa damdamin! Kaya wala kang karapatan banggitin ang tungkol sa trahedyang iyon dahil wala ka namang alam sa kung ano ang nararamdaman ko!"
Kit: ".....Driver ng blue Mini Cooper ang tatay ko.."
Muli na namang nagulat si Ivy nang sabihin ni Kit na tatay nito ang Driver ng isa sa mga nabiktimang sasakyan.
Kaya bahagya siyang nahimasmasan at humingi ng tawad kay Kit.
Ivy: "..K-Kit.. S-Sorry. H-Hindi ko alam."
Muli na namang nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa buong paligid matapos humingi ng tawad ni Ivy. Ilang sandali pa, muli na naman nagsalita si Kit.
Kit: "....Pumasok ka sa School, Ivy."
Ivy: "Kit, bakit ba sobrang napakaimportante sayo na hindi ako lumiban sa School?"
Kit: ".....Hindi pagliban ang pinaplano mo. Gusto mong mag-drop at kung nandito man ang nanay mo, malulungkot siya."
Ivy: "Kit! Pangalawang beses mo nang isinali ang na-"
Kit: "Matutuwa ba ang nanay mo kapag nagdrop ka at yung inaasahan niyang tutupad sa mga pangarap niya ay hindi makakagraduate? Yung tatay mo, alam nyang ba ang pinaplano mong magdropout sa School? Sa tingin mo, matutuwa ba ang tatay mo kapag nalaman niyang nagsasakripisyo siya para sa wala? Tingnan mo siya mabuti, Ivy. Hindi siya natutuwa kapag nandito ka sa Café.
Matapos magbitaw ng mga seryosong mga salita si Kit, agad naman pinagmasdan ni Ivy ang kanyang tatay.
Muli na naman nakaramdam ng pagkakasala si Ivy nang makita nga niyang malungkot ang mukha ng kanyang Tatay habang nagpupunas ng bintana sa Counter at tila nagpapahiwatig na dapat na siyang pumasok sa School.
Nang makita ito ni Ivy, pinag-isipan niya muna ang kaniyang mga nasabi at kalauna'y nagdesisyon na rin ito.
Ivy: "Kit, tama ang mga sinabi mo. Mapupunta lang sa wala ang mga sakripisyo sa akin ni Papa kapag huminto ako sa pag-aaral."
Kit: "....Oo."
Ivy: "Tsaka nasa 3rd quarter na tayo ng School year at ilang buwan na lang ang ating gugugulin."
Kit: " ....Oo."
Ivy: "Kaya napag-isip-isip ko, papasok na ako sa School ngayon."
Kit: "..Mabuti naman."
Agad tumayo si Ivy, tsaka siya nagmadaling lumakad pumunta sa kusina at ipinaalam sa kanyang tatay na papasok ito sa Eskwela.
Natuwa naman ang tatay ni Ivy ng magdesisyon itong pumasok na agad niyang pinayagan.
Kaya agad pumasok si Ivy sa isang maliit na banyo at nagpalit ng kanyang damit.
Si Kit naman, tumayo at nagpunta sa Counter para magbayad.
Matapos niyang makuha ang kanyang sukli, aalis na sana ito nang pinigilan siya nang tatay ni Ivy at pinakiusapang hintayin saglit ang kanyang anak.
Sumunod naman si Kit at sandaling hinintay si Ivy at napagtanto niyang marahil ay naikuwento siya ni Ivy sa kanyang tatay na kaklase siya nito.
Ilang sandali pa, lumabas si Ivy sa banyo suot ang kanilang School uniform, kinuha ang kanyang bag at nagpaalam sa kanyang tatay na papasok na sila sa School, tsaka sila sabay na lumabas ni Kit mula sa Café.
Natutuwa din naman ang tatay ni Ivy at kumaway bilang pagsang-ayon sa kanyang pagpaalam papunta sa kanilang paaralan.
Habang naglalakad may naalalang itanong si Ivy kay Kit.
Ivy: "Kit, salamat pala kanina sa paghikayat mo sa akin na pumasok sa School."
Kit: "....Okay."
Ivy: "Tsaka bakit mo pala ako gustong pumasok sa School?"
Kit: "....Ayokong may magdrop-out sa batch natin. Gusto ko, grumaduate lahat."
Ivy: "Kaya ba tinutulungan mo kami ni Papa na magkaroon ng isa pang tauhan sa Café?"
Kit: "....Oo.."
Ivy: "Uhmm...Okay.."
Muling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa habang sila ay naglalakad papasok sa paaralan.
Hanggang sa itinanong ni Ivy ang tanong na kanina pa niya gustong itanong kay Kit."
Ivy: "..Kit....Huwag mo sana masamain.."
Kit: "...Anu yun?
Ivy: "....P-Paano mo nalamang nanay ko ang Driver ng Scooter sa nangyaring insidente...At....alam mo din ba ang pagkakakilanlan nung ibang mga biktima sa iba pang sasakyan..? Dalawang taon na ang nakakaraan..?"
Hindi sumagot si Kit sa itinanong ni Ivy at taimtim lang itong nanahimik habang naglalakad.
Ngunit may hinala si Ivy at pakiramdam niya, alam ni Kit ang tunay na nangyari sa insidente ng karambola ng mga sasakyan, dalawang taon na ang nakakaraan.
Hanggang sa naguluhan si Ivy sa isinagot ni Kit.
Kit: ".....Ivy, tawagin mo sila Ruby, Samantha at Emily sa School Deck, mamayang uwian."
Ivy: "Silang tatlo? Pero bakit? Anong kinalaman nila sa itinanong ko kanina?"
Kit: "Malalaman mo din."
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa hanggang sa narating nila ang kanilang paaralan.
Sakto namang tumunog ang Bell nang dumating sina Kit at Ivy sa kanilang Classroom at kasabay ng pag-upo ng dalawa sa kanilang mga upuan ay nagsiupuan din ang iba pang mga estudyante kasama na ang kanilang mga kaibigan.
Nagsimula na rin ang klase matapos dumating si Sir Joey.
Habang nasa klase, napapaisip ulit si Ivy sa mga tanong na kanyang binitawan kay Kit at malakas ang kanyang hinala na alam nito ang mga nangyari sa insidente ng karambola ng mga sasakyan.
At dahil desidido siyang malaman ang sagot sa kanyang mga tanong tungkol sa insidente, napagdesisyonan niyang tawagin sila Emily, Samantha at Ruby, pagdating ng kanilang uwian sa hapon.