Chapter 9: Their similarities, her dreams.
TAHIMIK ang dalawa habang naglilinis ng sala na halos uunti nlng ang ispasyo para sa mga bisita dahil sa sobrang dami nang papel na nakakalat.
" Tamad ka sigurong tao." basag nya sa katahimikhan kasi, wala lang trip nya lang.
"I am not, sadyang nabusy lang ako nitong mga nakaraang araw.."
ngumisi sya 'tsaka tatango tango nalang.
"Busy with what?" she asked unconsciously.
"Busy with work?"hindi nito sinabi iyon nang pasagot kun' di nang patanong, kung kaya't nilingon nya ito.
" You're not sure, huh? " pang aasar nya, nakita niyang umiwas ito ng tingin at lumunok lunok pa!
Nakita tuloy niya ang Adam's apple nito na maliit lang ang iniliit sa ilong nito. Dati ay ayaw niya sa mga lalaking malaki ang adam's apple. Pero ngayon, para bang isa iyong gintong prutas na nasa puno nila adam at eva dahil sa kagandahan nun.
"Where are you looking at?"
Muntik nya nang mahulog ang walis dahil sa sobrang gulat!
nahihiya siyang umiwas ng tingin. "Sa ano.. Sa leeg mo" kinakabahang sagot niya.
kunot noong hinawakan ni rozzen ang kaniyang leeg. "May problema ba sa leeg ko?" he asked.
"M-Meron kasing peklat na parang kinalmot.." aniya sabay turo sa bahagi ng leeg nito kung nasaan ang peklat na iyon.
hindi sya nagdadahilan lang-- well maybe she changed the reason. pero hindi siya nagsisinungaling, meron talaga itong peklat na kasing haba yata nang kamay nya at halatang malalim ang sugat nito dahil hindi pa rin nabura ang kalmot kahit pa ito'y peklat na lamang.
Naroon yon banda sa kaniyang batok, Kung kaya't hindi mo masyadong makikita unless lumapit ka at iisang hakbang lamang ang pagitan nyong dalawa.
"Ahh.." tatango tango nito tsaka tuningin sakaniya. Nagulat siya nung makita ang kislap ng mga mata nito at kakaiba ang ngiti nito kumpara sa ngiting nakita nya na. "I got this scars from someone i was in loved with. It was three hundred years ago---"
"Three hundred what?!" gulat at parang nabibingi niyang sagot!
Nagulat din ito sakaniyang reaksyon at parang narealize ang nasabi.
rozzen laugh awkwardly. "A-Ah i mean when i was three years old. It came from my childhood friend."
napatango tango nalang siya kahit may parte sakaniyang naghihinala.
"That's why the scars still there?" ewan nya ba kung patanong ba iyon o pasabi na tila yun na rin ang sagot. Nakakalito 'no? Nakakaloka.
"Well, she's pretty strong that' s why the scars still here." wait a minute..
she??
That means babae ang gumawa nun kay sir rozzen huh?
"Ah okay" yun nalang ang naisagot nya at ewan nya ba kung bakit biglang nagiba ang mood niya.
mood swing episode is now starting i guess?
Hindi na siya muling nagtanong dahilan para maging tahimik na naman ang lugar na sinawalang bahala nya nalang din since hindi rin naman siya sanay sa ingay.
Kung natuloy lang siguro siya sa gustong propesyon ay sigurado siyang sa isang mapayapang gubat sila nakatira ngayon ni Julia, yun ay kung natuloy lang..
"Hello? Earth to shakira!"
she got startled! "Yes? Why? What's happening?" mabilis niyang tanong na dahilan kung bakit natawa si sir rozzen! Napataas ang kilay nya 'tsaka napairap nalang sa hangin. "Doon ako maglilinis, diyan ka para matapos na agad." masungit nyang ani pagtapos ay agad pumunta sa kusina.
Buti' y hindi siya pinalaking maarte at tamad ng nayumao nyang ate, Kun'di ay siguradong hindi sya magtatagal sa ganitong magulong bahay dahil mag iinarte sya nang bongga.
Agad nyang isinuot ang apron upang hindi madumihan ang kaniyang damit, sinuot nya rin ang gloves.
" Pag-usapan muna natin ang iyong gabi
Ikaw ang pahinga ko, mahal
Lumiliwanag aking ngiti kapag kausap na kita
Pasensya lang kung ~" kanta niya habang sinisimulan ang paglilinis.
Inuna nyang kunin ang mga nakakalat sa lapag.
"Babalik pa rin sa atin
Kahit 'di mo 'ko hanapin
Magpapaalipin lang sa 'yo
Pinapawi mo ang uhaw ng aking puso
Oh, sabik sa lalim
Ng pagtingin mo para sa 'kin
'Pag napansin mo na ako
Ipapaunawa ko agad sa 'yo na~"
nakasanayan niyang kumanta habang naglilinis sa tahanan man niya o sa ibang tahanan, mas nakakagana kasi para sakaniya kapag nakakarinig ng musika habang may ginagawa siya.
" Isa lang, isa lang
Ang hinahanap ko, hanap ko
Ikaw ra man, ikaw ra man
Kung papalarin na, mapapasa'kin ba? ~"
Sa bar kung saan siya nagtratrabaho, Hindi lang para magkapera ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang trabahong iyon kun'di dahil isa siya sa mga kakanta sa stage, sa harapan ng maraming tao na namangha at tumangkilik din sa kaniyang pambihirang boses.
ang musika lamang ang kaisa isang nagcocomfort sakaniya tuwing nasa posisyon na siyang muntik muntikan nang mahulog sa isang malalim na bangin,well aside of julia ofcourse she's the only exception, as always.
Nagtuloy tuloy ang pagkanta niya hanggang sa hindi niya na namalayang natapos niya na pala ang linisin sa kusina.
napangiti siya at napatango tango habang inililibot ang paningin sa buong kusina, namangha siya sa sariling linis dahil hindi katulad kanina ay halos makikita mo na ang iyong sarili sa nagkikintabang tiles at kung ano ano pang bagay na kumikintab sa loob ng kusina.
"Good job, Shakira. You really did a great job!" tinatapik tapik niya pa ang sariling balikat bago tumalikod munit muntik muntikan na siyang madulas kung hindi lang sinalo ng matipunong braso ang bewang nya.
Gulat siyang napatitig sa kulay kape nitong mga mata at gayon rin naman ito. Tila'y hindi nila inaasahan ang pangyayaring 'yon munit hindi rin naman nila inayawan.
"A-Ah.." sa wakas ay nakapagsalita na siya. "Y-Yung kamay mo.." utal nyang sabi, doon lang din natauhan si rozzen na mukha ring nagulat sa nagawa.
"Y-Yeah, sorry." mabilis nito siyang itinayo at inalis rin agad ang kaniyang braso sa bewang niya. "Hooh." isang mahina munit malalim na buntong hininga na pinakawalan ni rozzen matapos nitong tumalikod sakaniya.
Ramdam niya ang pag init ng kaniyang mga pisnge kung kaya't ibinaba niya ang tingin.
munit isang mahabang katahimikan ang namayani sakanilang dalawa, kapwa'y nahihitang kumibo na tila ay kapag kumibo sila ay mas lalo lamang silang makakaramdam ng hiya, hanggang sa..
"Teka, tapos na ba yung sa sala?"
"You did a great job, shakira"
natigilan ang dalawa at napatitig sa isa't isa at maya maya pa'y parehas silang natawa!
"Hahaha!" sabay nilang tawa habang kapwa'y magkaiba kung nasaan ang tingin.
Nang huminto na silang tumawa'y sabay silang napangiting tinignan ang buong kusina.
"But seriously, i didn't expect this to be this clean, huh?" nakakalokong sabi nito na ikinatango niya.
"Para sa'kin normal na linis lang 'to. Ewan ko lang sa iba diyan." natatawang pangaasar nya pa.
Napakamot ito sa batok. "Atleast now i know kung bakit mahalagang guluhin ang bagay."
kumunot ang noo ni shakira' tsaka namewang. "Anong sabi mo? Paki ulit nga, parang nabingi ako e."
"Ang sabi ko mahalagang guluhin at dumihan ang bahay--"
"Lakas, Inulit pa talaga niya oh."
"Patapusin mo muna kasi ako" natatawa pa nitong sambit kaya napangiwi nalang siya. "Mahalagang guluhin at dumihan ang bahay dahil meron namang isa diyan sasamahan at tutulungan kang maglinis ng bahay mo, I would rather make a mess here in my house dahil alam kong may tutulong sa'kin, than being alone. I don't want to feel it again, no, never."
bago pa man siya makareact ay biglang bumukas ang pinto at niluwa nun si khirony kasama ang anak niyang nakapasan sa likod nito at halatang tulog na.
" Oh, I'm sorry--" bago pa man nito matapos ang sasabihin ay agad siyang lumapit dito at kinuha si Julia sa likuran nito.
"Uhm, Akin na muna siya." paalam nya pa, tinulungan pa nito siyang mabuhat si Julia mula sa likuran. "Thankyou." pormal niyang bulong 'tsaka tumalikod munit agad natigilan nung makita kung gaano kasama ang tingin ni rozzen sakanilang dalawa.
Agad siyang nagtaka munit hindi nagulat.
Kumibit balikat nalang siya' tsaka nagpatuloy sa paglalakad papasok sa kwarto na inukapahan niya kanina, pero bago pa man siya tuluyang makapasok ay narinig nya ang boses ni khirony.
"May naistorbo ba akong scene ninyo--"
"Shut up."
hindi niya na narinig ang sunod pang pinagusapan ng dalawa at agad niyang inilapag si julia.
Tinitigan niya ito, matipid siyang ngumiti.
"I feel like we're already in our home, Anak. Parang safe na safe tayo dito, parang walang gulo dito.." kumibot ang labi nya 'tsaka bumuntong hininga. "But i don't want you to miss the amazing life out of the woods. I don' t want you to locked up yourself just for me. Kaya kahit pakiramdam ko ito na 'yong lugar na hinahanap ko, still alam kong bawal kasi hindi ito ang tahanan mo.."
maybe. not so sure, but maybe, umaasa siyang darating ang araw na mahahanap niya ang tahanan nya na kasya silang dalawa ng anak niya, yung bahay na hindi ganon kalaki at kaganda pero ramdam nilang safe sila doong dalawa.
Tumingin siya sa labas ng bintana kung saan hindi na napapasukan ng sikat ng araw dahil sa naglalakihang puno, at doon, pinaglayag niya ang kaniyang kaisipan hanggang sa makatulog at mapagod siya.
TAHIMIK na umupo si rozzen sa sofa habang nakatingin sa pintong pinagpasukan ni shakira kani-kanina lamang.
"How is it going?" seryosong tanong nya.
naramdaman niyang umupo si khirony sa harapan niya kung kaya't tumingin siya rito, mata sa mata.
"Madaldal ang batang 'yun kaya imposibleng wala kang nalaman, so spill it out khiro." malamig nyang sabi.
Huminga ng malalim si khiro tsaka iniwas ang tingin. "Are you sure about this?"
ngumisi sya at naigewang ang ulo. "Do i need to repeat myself to make you understand?"
Khiro sighed. "I just want to make sure that you are not insane, and that you know what you're doing." umayos ito ng upo. "Shakira was only 14 when julia's came to her life."
gulat ang naramdaman niya dahil sa narinig, matunog siyang ngumisi.
" Pinagloloko mo ba 'ko, khiro? Sa tingin mo ba joke lang lahat ng to?! ." napatayo na siya dahil sa sobrang inis munit agad siyang pinigilan ng kamay ni khiro at umiling.
" I'm not joking about this, rozzen. Halata naman sa istura ni shakira na bata palang siya diba? She' s now 19 years old. A legal age, but not a right age para sa isang babaeng may anak na." natihimik na naman siya at iyon ang kinuhang oras ni khiro upang magpatuloy." Tinanong ko si julia kung ilang taon yung mama niya nung nabuhay siya, and she answered 'Bata palang si mama nung nabuhay ako, hindi siya ganun katangkad at hindi sya gaano kalaman noon, peo naitaguyod niya ako mag-isa nang walang katulong nino man.' when i heard it, i was like, 'wow, seriously she raise her kid alone? " gulat pang ani nito." I know at first, hindi ka talaga maniniwala pero ilang ulit ko' yong tinanong kay julia at ilang ulit niya ring inulit ang kwinento niya sa'kin like aware siya sa nangyayari sa paligid niya lalo na sa mama niya, Alam nyang nahihirapan ang mama niya at alam nya ring sobrang hirap magpalaki ng isang bata sa murang edad."
Napaupo siya dahil sa gulat at the same time ay hindi siya makapaniwala.
at her young age na dapat ineenjoy niya lang ang buhay niya, ay naroon sya sa labas ng kanilang tahanan-- nagtratrabaho para buhayin ang anak niyang limang taon pa lamang.
" Then, where's her partner? Julia's father?" gumagalaw na ang kaniyang panga dahil sa sobrang galit.
That as*hol*, anong karapatan niyang iwanan ang mag ina niya?
Kung makikita niya lamang ang lalaking 'yon ay tiyak na pagbuburulan na' yon dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya.
" I don't know. Nung tanungin ko siya ay iba ang sinagot niya. 'Ang mama ko, siya ang the best sa lahat ng pinaka the best, kasi kahit pagod na siya gumagawa pa rin siya ng paraan para magkapera, para na rin mabili ang mga gusto ko kahit hindi ko kaylangan. Sobra
pa siya sa sobra, at siya lang ang kailangan ko sa buong buhay ko. " panggagaya pa nito sa batang nakausap.
Napailing nalang si rozzen at hindi nakapagsalita.
Hindi niya naiwasang isipin ang nakaraan kung saan mayroon din siyang nakilalang babae na ganon na ganon rin ang ugali, munit alam niyang iba si shakira sa babaeng 'yon.' Yun nga lang hindi niya mapigilang isipin kung..
kung paano kung siya nga si Annette?
naisandal niya ang ulo sa sandalan ng sofang kinauupuan niya.
Ang dami dami niyang dapat iniisip ngayon pero heto lang ang kaisa-isang nagpagulo ng sobra sa isipan niya, Lahat ng bagay ay nasusulusyunan niya agad sa isang isip lamang pero dito lang yata siya nahirapan.
"Selene, Please.. I'm begging you, Give me a sign.." mariin niyang bulong.
Hindi niya pinansin si khiro na nakatingin lang sakaniya at tila naawa, munit hindi niya na nakayang 'wag pansinin ito.
"You don't have to worry about me, khiro. I can handle it by myself." seryoso niyang ani munit wala siyang nakuhang sagot kung kaya' t iminulat niya ang kaniyang mga mata at tumingin dito.
hindi na siya nagulat nung mabasa ang lungkot at awa sa mga mata nito na matagal niya na rin namang nakikita-- napailing siya at tumayo.
Alam niyang sa oras na ibuka ni khiro ang bibig niya ay samo't saring payo na naman ang maririnig niya-- na alam niyang kailangan niyang gawin, pero..
Hindi niya kaya.
" Titignan ko muna sila." paalam niya bago tumalikod at naglakad patungong kwarto niya, munit bago pa man niya mabuksan ang pintuan papasok sa kwartong 'yon ay biglang nagsalita si khiro.
"I know you know what you're doing, budd. And always remember that I'm here, always." yun lamang ang sinabi nito.
Tumango nalang siya bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pintuan-- katahimikan ang sumalubong sakaniya pagbukas nya ng pinto at nung tignan niya ang kama ay naroon ang dalawa..
Mahimbing na natutulog.
ISANG napaka-liwanag na buwan ang bumulaga sakaniya pagkabukas niya pa lamang ng kaniyang mga mata.
taka niyang pinagmasdan ang paligid at mas lalong nagtaka nung malanang nasa isang bundok siya.
'Teka.. Paano ako nakapunta dito?'
nalilitong tumayo siya at muntik muntikang malula dahil sa sobrang taas ng bundok na 'yon.
"The hell? where the hell i am?" inis na bulong niya.
Agad tumalikod si shakira sa maliwanag na buwan, munit isang pangyayari ang hindi niya inaasahang makita pagkatalikod niya.
Isang napaka gandang babae-- hindi na yata kayang idescribe ng word na 'kagandahan' ang itsura ng babae dahil tila isa itong dyosa o anghel na bumaba mula sa kalangitan.
Kulay kape ang kaniyang buhok munit ang kulay ng kaniyang mata'y kagaya ng kulay sakaniya. May katangkaran at mistisa.
pero hindi yon ang dahilan kung bakit siya natigilan-- kundi dahil sa kasama ng dyosang tinutukoy niya.
Nakaupo ang dalawa sa duyan gawa sa tela't nakasabit sa dalawang punong ilang hakbang lamang ang inilayo sakaniya...
hindi niya maipaliwanag ang sakit na naramdaman niya habang tinititigan ang masasaya nilang mga mukha habang nakatingin sa isa't isa.
"Zen! Don't look at me like that! Baka ma-misunderstood ko yan ha!" kahit ang boses nito'y boses ng isang anghel, napakahinhin.
"Ang sarap mong titignan nette, para akong nakatitig sa isang magandang display sa Museum." kumikislap ang mga mata nilang dalawa na para bang sila lamang ang tao doon kahit pa nandon lang siya, nakatitig at pinagmamasdan ang dalawa.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib kung nasaan ang puso dahil bigla itong kumirot, Hindi niya namalayan ang luhang pumatak sa pisnge niya habang nakatitig pa rin sa dalawa, hanggang sa..
bigla na lamang nagiba ang pangyayari, siya na ngayon ang babae kanina!
Munit kakaiba ito kaysa sa nakita niya kanina, hindi na kislap ang nakita nya sa mga mata nito kun'di galit na mga mata habang sobrang samang tingin nito sakaniya.
"Paano mo nagawa sa'kin 'to?" tila hindi makapaniwala at sakit ang narinig niya sa tono nito. " I-Ikaw sa lahat ang pinagkakatiwalaan ko.. I-Ikaw lang, pero bakit mo' ko trinaydor?" his voice is broke like what she see in his eyes.
Parang may sariling utak ang katawan at bibig niya bagkos ay kusa itong gumalaw.
"You deserve to be betrayed, zen." galit ang boses nya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki, hindi nya na makontrol ang kamay niya at kusa itong humawak sa mukha ng lalaking malamlam na nakatingin sakaniya munit kitang kita ang galit. "Bye, my love." nakaramdam siya ng sakit nung bitawan niya ang hawak ng kamay niya sa pisnge nito.
Tumayo siya sa duyang kanina lamang ay gustong gusto niyang sakyan munit ngayong siya'y nakasakay na ay tsaka niya pa ito iiwan.
naglakad papalayo ang pares ng kaniyang paa, hindi na siya nag abalang tignan ang paligid bagkos ay napuno ng katanungan ang kaniyang kaisipan hanggang sa...
"Bakit?! BAKIT?!" Puno ng sakit na sumigaw ang kung sino na nagpaggising sakaniya at non niya lang nalaman na nasa isang batis na pala siya at nakatingin sa kaniyang sarili mula sa batis na 'yun.
Gulat siya nung pagtingin sa batis bagkos ay hindi sariling reflection ang nakikita niya bagkos ay ang kaninang mala-anghel na mukha ang nakikita niya!
"S-Sino ka?" bulong na tanong niya habang nakatingin sa babaeng patuloy na umiiyak.
"B-Bakit? Bakit hindi kami pwedeng dalawa? Bakit napaka daya ng panahong ito?! Bakit.. B-Bakit pilit kaming pinaglalayo?"
isang butil ng luha ang tumulo sa batis at nun niya nalamang sakaniya pala iyon, puno ng hinagpis ang kaniyang puso.
naawa't nalulungkot siya para sa mala-anghel na mukhang umiiyak sa reflection na nakikita niya mula sa batis, munit wala siyang magawa bagkos ay hindi niya pa rin maintindihan ang nangyayari.
kung bakit madalas niyang mapanaginipan ang ganitong senenaryo..
Kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam niya tuwing nagigising siya matapos magising sa isang malungkot na panaginip na hindi naman nangyari sa buhay niya at kung bakit..
Bakit magkasama ang mala-anghel na mukha nang babae at si rozzen tuwing nananaginip siya...